♬ 17

Background color
Font
Font size
Line height

Seventeen

I can't breathe

His brows furrowed nuong itanong ko iyon sa kanya, "What will you do at Dwaine's condo?" nawala ang ngising kanina ko pa nakikita sa mukha niya at napalitan iyon ng iritasyon.

I breathed deeply before answering him, "Dwaine asked Chriselle for a date pero sa condo niya gaganapin"

"And?"

I looked at him impossibly, "What and? Chriselle likes Dwaine and I know Dwaine's just playing around her. He'll just break her heart"

"How did you know that he's only playing around?" he asked as if testing how sure I am with what I've just said.

"Because he's Dwaine" I said while twitching my lips desperately. Alam ko namang maling manghimasok sa kanilang dalawa. I just feel so responsible towards Chriselle's admiration to Dwaine dahil ako naman ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng contact sa isa't-isa, kung sakali mang mabroken hearted si Chriselle sa kanya I'm sure I'll feel so damn guilty about it. Ayokong marinig ang ngawa ni Chriselle kung magkataon man.

Pinakatitigan niya ako at pakiramdam ko ay bigla akong nahiya dahil sa paninitig niyang iyon. Sabi na hindi dapat si Clef ang tinanong ko. Nababaliw nanaman ako. Babawiin ko na sana 'yung mga sinabi ko nang bigla siyang tumayo sa pagkakaupo niya. Tumingala ako at pinagmasdan ko lamang siya, "Okay" aniya na nagpaawang sa bibig ko.

Did he really agreed?

Hindi niya na ako inintay pang sumagot at bigla na siyang naglakad palayo sa akin papunta sa hagdan ng bahay namin. It took me few seconds para makaisip ng salitang pwedeng sabihin sa kanya, "Tingin mo pinaglalaruan lang talaga si Chriselle ng kaibigan mo?"

Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin, "Dwaine likes playing with girls a lot but who knows? Don't worry about it we'll crash their little party tomorrow just go back to your room and sleep. Goodnight" aniya bago ako bigyan ng isang ngiti at iwan sa living room namin.

Halos mapabuntong-hininga ako ng mawala na siya ng tuluyan sa harapan ko. I thought he will say no pero mabuti nalang at pumayag siya. Kung sakali namang hindi siya pumayag ay gagawin ko ang plan B kong magpasama kay Hilton dahil siya ang pangalawang nakakaalam kung saan ang condo ni Dwaine.

The next day ay maaga akong nagising para batiin ng good morning si dad pero pagkatok ko sa kwarto niya ay wala namang sumasagot duon. He might be awake already.

Halos patakbo akong bumaba sa living room nang marinig ko ang halakhakan nila. Agad kong nilingon kung saan nanggagaling 'yung mgabtawang 'yun and I'm sure si dad 'yon. I walked through our garden kung nasaan ang swimming pool and I saw both of them dip in the pool.

Clef is doing some back stroke at parang si daddy ang nagtuturo sa kanyang gumawa nuon. Sa 'twing aahon si Clef na parang hindi niya magawa iyong back stroke ay humahagalpak si daddy at dinedemo niya ang dapat gawin ni Clef.

Napangiti ako dahil sa mga ngiti at tawa ni daddy. I don't mind sharing him to Clef kung mapapatawa niya ng ganito si dad. For all my life ay minsan lang talaga magkaroon ng bisita dito sa bahay, karaniwan pa ay mga business partners niya at mga bisita ni mommy from music industry. It's actually the first time I saw him laughed whole heartedly with someone except me and mom.

Ilang minuto rin akong nakatayo duon at pinapanuod sila bago ako mapansin ni daddy, "Good morning Ferm!" sigaw niya.

Ngumiti ako sa kanya pero napawi ang ngiti ko nang lumingon sa akin si Clef. The water's dripping into his body. Nakalubog ang katawan niya hanggang sa kanyang dibdib at kitang-kita ko ang malalapad niyang mga balikat. It looks so strong kahit na hindi naman iyon kalakihan. He's not the bulky type of guy but he's also not the skinny type. Nasa kalagitnaan kumabaga, I'm sure he goes to gym dahil may nakikita akong biceps at ang defined chest niya ay bumagay sa hubog ng katawan niya and I know there would be more kapag nakita ko ang buo niyang katawan.

"Ferm?" halos mapatalon ako ng tawagin ulit ako ni dad. Confusion is written all over their faces na parang nagtataka sa pagkakatulala ko duon and I had to bit the inside of my lips para parusahan ko ang sarili ko, "Okay ka lang ba? Kumain ka na?"

I shook my head.

"Go to the kitchen and ask manang for breakfast. Susunod na kami ni Clef"

Tumango lang ako bago sila iwang dalawa duon. Halos sabunutan ko ang sarili ko habang naglalakad ako papunta sa kusina dahil sa ginawa ko. Why am I checking him out? Shit! Nuon naman ay si Lance lang ang pinagmamasdan ko ng ganuon. Sa sobrang asar ko ay nasungitan ko tuloy si manang. Nagtimpla nalang ako ng kape at inintay sila daddy na makarating sa dining room.

Nang makaupo sila sa lamesa ay saka lang ako nagsandok ng pagkain sa plato ko. I didn't even glance at Clef na nasa harapan ko, nakasimangot lang ako habang kumakain which is hinid naman bago dahil palagi naman akong nakasimangot o kaya ay umiirap. Kung hindi pa ata ako kausapin ni daddy ay wala pang iimik sa amin.

"Anong oras kayo aalis? Gusto niyo ihatid ko na kayo?"

"Hindi na po tito, may pupuntahan pa kami ni Fermatta" narinig kong sabi ni Clef pero tuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain. I hope I can still taste manang's dish inside Cecilian nakakasawa na rin kasi ang mga pagkain sa cafeteria duon.

"Is it a date?" halos mabulunan ako nang sabihin iyon ni daddy sa harapan naming dalawa. Ilang pagubo ang ginawa ko bago tignan si daddy. Pinigilan kong panlisikan siya ng mata kaya nauwi iyon sa irap.

"I have a girlfriend tito Brismon" natatawang sabi ni Clef.

"And I'm not third wheeling, dad" I said as if it would be the last thing I would do in this world. Maayos ang palaki sa akin at alam ko ang tama at mali I will never do that thing. Isa pa kay Clef Viray? Ugh. Mas gugustuhin ko pang makasama si Lance kaysa sa kanya not like Lance wanted me to be with him.

Tumango-tango naman si daddy sa amin na parang naliwanagan siya sa isang bagay, "Minsan lang kasi magdala ng lalaki sa bahay si Ferm. The only guy he brought here is Lance. Kamusta na nga pala ang batang 'yun? Bakit hindi na siya napapadalaw?"

"Lagi niyang binabantayan si Lanie sa ospital"

"I hope gumaling na ang kapatid niyang iyon" tumango lang ako para sumangayon. Napatingin naman ako kay Clef pero nakatutok lang ang paningin niya sa kanyang plato habang nakakunot ang noo niya.

What is he thinking now? Umirap nalang ako. Ano bang pakialam ko duon.

Pagkatapos kumain ay nagstay ako sa kwarto ni daddy para makipagkwentuhan. I told him what happened nuong audition dahil alam kong ikatutuwa niya iyon. He said he's really proud of me, aniya ay hindi niya rin kakaligtaan manuod sa annual fest dahil siguradong hindi pa makakauwi nun si mommy. Atleast there's still one person who'll surely clap at my performance. May bago din siyang ilalaunch na chocolate na pwedeng iexport sa Europe kaya magiging busy siya which is good atleast ay may distraction siya dahil kung wala ay baka lagi niyang maisip si mommy o ako na wala sa tabi niya.

Pagkatapos naming magkwentuhan ay nagayos na ako para makaalis na kami papuntang Manila. Hindi rin biro ang byahe papunta duon isa pa pupuntahan pa namin si Dwaine at Chriselle. Now I can imagine their faces kapag nakita nila kaming dalawa ni Clef na nasa condo ni Dwaine. I'll surely send some death glare to him or if I have a chance I'll skin him alive.

Pasado alas dos na nuong nagpaalam kami kay daddy para bumalik sa cecilian. Hinatid niya kami sa main door kung saan nakaparada ang sasakyan ni Clef. I hugged him to bid my goodbye, kung pwede lang ay hindi na ako babalik sa Manila para makasama si daddy but I can't do that. Yumakap din sa kanya si Clef. He smiled to both of us and waved his hand as he saw us leaving our mansion.

Sa buong byahe ay wala akong ginawa kundi tipahin ang cellphone ko para itext si Chriselle sa kung nasaan na sila. Kapag naman naghihintay ako ng reply ay tumitingin lang ako sa labas o sa langit para tignan 'yung mga ibon. Maya-maya lang ay umalingawngaw na 'yung stereo sa kotse ni Clef at pinatugtog 'yung kantang kinanta namin kahapon. Napatingin ako sa kanya at nakatuon lang ang paningin niya sa harap ng kotse.

"Favorite mo?" tanong ko sa kanya.

He just nodded at me, "This is the song you'll be playing with Hilton and Pia"

Tumaas ang kilay ko nuong sabihin niya iyon. Really? Hindi ko pa kasi napapagaralan ang lahat ng music score na binigay sa 'kin ni Mr. Bracelli kaya't hindi ko alam na iyon rin pala ang tutugtugin ko sa annual fest.

"You didn't know? Akala ko nasa 'yo na ang pyesa ng tutugtugin mo?"

"Hm. Nasa akin na pero hindi ko pa napagaaralan lahat"

Tumango-tango siya at pinatong ang siko niya sa bintana bago ihinto ang kotse dahil sa toll gate, "You better learn that song. Hope you'll do well during annual fest" tumango ako at binaling ulit ang tingin sa cellphone ko nang sabihin niya iyon.

I'll just do whatever I do during practice. It's not like I'm going to outshine others. Mostly kasi ang napapansin tuwing annual fest ay ang mga singers at dancers malimit lang ang sa mga instrumentalists well except if you has a chance to play some Dinu Lipatti, Beethoven or Schubert songs.

Nakarating kami sa boundary ng Manila ng halos magaalaskwatro na. Hindi na ako pamilyar sa mga tinatahak ni Clef na daan ang alam ko lang papunta kami ngayon kung saan nakatayo ang condominium na tinutuluyan ni Dwaine. Maliban kasi sa condo na tinutuluyan nilang apat ay may sari-sarili pa silang condominium. The perks of being an international artist. Inihinto lang ni Clef ang sasakyan nuong nasa tapat na kami ng isang matayog na building. Agad kong kinalas ang seatbelt ko at lumabas ng kotse, may dumating na lalaking nakasuot ng puting long sleeve at itim na pantalon at binigay ni Clef 'yung susi niya sa kanya.

Sinundan ko lang si Clef nuong papasok na siya sa loob ng building. Pumunta siya duon sa reception desk kung saan may mga babaeng nakatayo at kinakausap 'yung receptionist.

"We're going to visit Dwaine Tolentino" aniya sa receptionist.

Agad na naglingunan 'yung mga babaeng nasa harapan niya at para silang nagulat na si Clef ang nasa likuran nila. I even heard them giggled and whispered samantalang 'yung taong nasa harapan ko ay wala namang ginawa kundi ang isentro lang ang tingin sa receptionist.

"Your id sir?" ani nuong receptionist. Kinuha naman ni Clef 'yung wallet niya sa likod ng bulsa at ibinigay duon sa babae pagkatapos ay lumingon siya sa akin.

Pinagtaasan ko siya agad ng kilay, "Your id? Mahigpit ang security dito" aniya.

Agad kong kinuha ang id ko sa dala kong bag pack at binigay iyon kay Clef. Bumaling naman siya sa receptionist at pagtingin ko sa mga babaeng nasa harapan niya lahat sila ay masama na ang tingin sa akin. What? Did I do something wrong? Imbis na pansinin sila ay hindi ko nalang sila tinignan pa. They are like those students from our school kapag nakikita nilang kasama ko si Clef o si Hilton at ang iba pang Creole. Fans. Ugh.

Maya-maya lang ay pinayagan na kaming makaakyat sa elevator. Mabuti nalang at wala kaming kasabay sa elevator dahil kung mayroon nanamang fan girls kaming makita ay baka mairita lang ako. The whole building looks so elegant and cozy. Mahigpit ang buong security to the point na bawal pumasok kapag walang id at chinecheck ang mga gamit na dala-dala mo. Pati sa loob ng elevator ay mayroon ding guard na nagbabantay. Nang tumunog ang elevator sa 12th floor ay bumukas agad ang pinto nuon at lumabas si Clef.

Sinundan ko lang siya at pinagmasdan ang malalapad niyang balikat. Those shoulders I've saw nuong nagswiswimming sila ni daddy. Oh goodness why am I bringing that back in my mind? I'm completely insane. Nakarating kami sa kalagitnaan ng pasilyo at huminto si Clef sa pintuang may nakalagay na GH1205 sa taas. So this is Dwaine's unit?

Imbis na magdoorbell ay pinihit agad ni Clef ang doorknob at binuksan ang pintuan. Sumalubong sa amin ang halakhakan ng mga taong nasa loob, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at ang balak ko ay umalis nalang duon pero nahawakan na ni Clef ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob.

Nang maisara niya ang pinto ay napalingon agad sa direksyon namin si Hilton at si Searcy na parehas nakaupo sa lapag sa harap ng malaking flat screen tv. Ang sumunod na tumingin sa'min ay 'yung mga nakaupo sa sofa na sila Dwaine, Chriselle at Aldon.

"Akala ko hindi ka na pupunta. What took you so long?" nakangiting tanong ni Hilton kay Clef bago ibaling sa 'kin ang tingin, "And why you're with Fermatta?"

I froze when I heard him asked those questions. Lumagabog ang dibdib ko at imbis na tignan ko sila pabalik ay hinawi ko ang kamay ni Clef na nakakapit sa akin.

Now what will we tell them? That we came from Laguna and we went to our house? That we played piano and I sung with him then I remembered some memory that includes him? Now what?

I bit my lips and unsure of what I am going say pero bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanila? It's not like my obligation to answer their questions!

Sasabihin ko na sanang it's none of their business nang maramdaman ko ang kamay ni Clef sa ulo ko. Mas lalong humataw ang puso ko dahil sa ginawa niya. Agad ko siyang binalingan ng paningin and he just shrugged at me bago tumingin sa kanilang lima.

"We came from Laguna to visit Ferm's father" he said cooly as if its the most natural thing to do.

Kitang-kita ko ang paglaglag ng panga ni Chriselle dahil sa sinabi niya. Of course she knew I never let anyone go to our house just like that. The first rule is you should be my real friend, next thing is I must be comfortable with you at ano man sa nabanggit ko ay hindi pasok si Clef duon.

"Teka bakit anong mayroon sa tatay ni Ferm?" takang tanong ni Dwaine.

"It's just so long since I visit her father"

"Why are you visiting her father?" this time ay si Searcy na ang nagtanong sa kanya and I swear I saw her eyebrow's arching.

Clef looked at me at hindi ko na mapigilang hindi mapasimangot. I mentally tell him na huwag sabihin sa kanilang close ang pamilya namin ang I'm not a telepath kaya kabaligtaran ang sinabi niya.

"We're childhood friends"

That made everyone silent. I don't know how I looked like in front of them now that Clef said those words. From the word childhood next to friends. It sounds so insane in my head. It's so out of my dictionary.

Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ni Clef naramdaman ko nalang na hila-hila ako ni Clef papunta sa kanila habang sila ay nakatingin sa 'ming dalawa. No, sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Duon sila nakatingin. He made me sit beside Chriselle na hanggang ngayon ay nanlalaki ang mata. Siya naman ay umupo sa tabi ni Searcy pero wala pa ring nagsasalita sa amin.

Nanatili nalang akong nakatingin sa malaking flat screen tv at pinanuod ang napili nilang pelikula. The Hunger Games. Sila naman ay minabuti na ring manuod nalang kaysa sa magtanong ng kung anu-ano pa sa aming dalawa ni Clef dahil sigurado namang magtanong man sila o hindi ay hindi ako magsasalita well except nalang kung isang tulad ni Chriselle ang mangungulit sa 'yo.

She kept on nudging me habang nakatutok ang mata ko sa tv. Sa bandang huli ay inirapan ko na talaga siya.

"Tell me paanong naging childhood friends kayo?" she whispered.

"Can you just watch the movie?" I hissed at her pero parang wala lang iyon sa kanya.

"What did tito Brismon said nuong dinala mo sa inyo si Clef? Come on Fermatta I want to know" she said while giving me those playful smile.

"I don't really remember him so stop asking questions"

Ngumuso lang siya sa akin at alam kong hindi siya kuntento sa sinabi ko. She would bother me to death mamayang paguwi namin. I'm sure about that kaya kailangan ko ng ihanda lahat ng sasabihin ko mamaya. May balak din naman akong sabihin sa kanya na naalala ko na ang isang batang Clef ay minsang pumunta sa bahay namin pero hindi pa ngayon dahil kahit ako ay hindi pa makapaniwala duon pero wala na akong magagawa ngayon kung hindi ang sabihin iyon sa kanya. Ang hindi ko lang matanggap ngayon ay ang panloloko sa 'kin ni Clef.

He tricked me! Akala ko ay ang madadatnan namin dito ay si Dwaine at si Chriselle lang pero nagkamali ako at sigurado akong alam ni Clef na nandito silang lahat! Damn it. Kung alam ko lang ay sana hindi na ako nagpunta at hindi na ako nagalala kay Chriselle. Sana umuwi nalang ako sa dorm o kaya dinaanan si Lance sa ospital. Ugh.

Buong panunuod ng pelikula ay nakasimangot lang ako. I don't know if it's because of the movie's genre na patayan o dahil sa pagkairita ko kay Clef dahil sa pagsisinungaling niya. Ilang beses ko ring nakikitang bumubulong si Searcy kay Clef and the sight of those cheesy couple doesn't help my mood. Mas lalo lang atang kumulo ang dugo ko. Ilang beses ko ring nakitang tumingin sa 'kin si Hilton na parang may gusto siyang sabihin pero alam ko namang hindi niya ako makakausap dahil masyadong malayo ang inuupuan niya sa sofa'ng inuupuan ko.

Nang mangalahati na sa pelikula ay tumayo si Aldon at Hilton para kumuha ng mga pagkain. Tinanong pa ako ni Hilton kung anong gusto ko pero itinaas ko lang ang balikat ko. Whatever they want. Ako ang bisita nakakahiyang magdemand lalo pa't hindi naman talaga ako invited dito sa movie marathon nila.

Pinagkrus ko nalang ang dalawa kong kamay sa aking dibdib, sinandal 'yung likod ko sa sofa at tinignang maigi ang tv. Mabuti pa'y enjoyin ko nalang ang palabas may mapapala pa ako.

Naramdaman kong lumundo 'yung sofa sa tabi ko pero hindi na ako nagabala tignan kung sino man iyon. Madilim sa buong kwarto at 'yung liwanag lang sa tv ang tanging ilaw namin.

"Are you mad?"

Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses na 'yun. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil alam kong malapit lamang siya sa akin. Why is he seating beside me? Where's his girlfriend?

I closed my eyes and tried to control this hammering inside my chest. Nang minulat ko ang paningin ko ay sumimangot agad ako. Hindi ko siya pinansin dahil naiirita pa rin ako sa pagsisinungaling niya sa akin. He made me fool and I hate it when someone's making me fool. Isa pa ayokong makita ng iba na naguusap kami.

"Hey, can you look at me?" he whispered pero hindi pa rin ako lumingon sa kanya, "You're really mad. I'm really sorry, I wouldn't do it again" aniya.

This time ay tumingin na ako sa kanya and it's a very wrong move dahil sobrang lapit pala talaga ng mukha niya sa mukha ko. I can smell his breath. It's minty and sweet just like the strawberry. I can see in my peripherals that we're alone now. Where did they all go?

Mas lalong naghuhumarentado ang puso ko at parang may kung anong nagwala sa tyan ko dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Shit!

Kahit na madilim ay alam kong may iba sa mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. It's looks like he's pleading at me and just the mere sight of it I know the ice I made is slowly melting. That's what he always do to me.

His lips twitch at naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko or awhile ay pakiramdam ko kinilabutan agad ako. Nilalaro ng daliri niya ang mahaba kong buhok. I saw his eyes saddened, "You don't like to tell them we're childhood friends?"

Nalaglag ang panga ko dahil sa tono ng boses niyang parang nagtatampo.

"Who said I don't want them to know?"

"Because you're mad at me" he said as a matter of fact tone.

I bit my lips dahil sa bagong emosyong pinapakita niya sa akin. This is all new to me!

"I'm mad because you fooled me,

You are reading the story above: TeenFic.Net