♬ 14

Background color
Font
Font size
Line height

Fourteen

Black orbs

Kung kanina ay halos patayin ako ng mga estudyanteng nadadaanan namin ni Hilton ngayon ay parang handang-handa na silang sugurin ako isa-isa. Kanina ko pa sinasamaan ng tingin si Clef pero natural atang manhid siya dahil wala siyang pakialam kahit na marami sa 'ming nakatingin. Wala rin naman akong pakialam kahit dumugin pa kami dito kaya hinayaan ko nalang siya.

Medyo malayo ang infirmary sa music building dahil tatawid ka pa nang napakalawak na soccer field bago makarating duon. Nakita ko pang naglalaro ang klase nila Blaire ng soccer duon sa field habang naglalakad kami ni Clef papunta sa infirmary.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip niya at sumama siya sa akin. Aniya magpapacheck-up siya pero mukha namang wala siyang iniindang sakit.

Nang daanan namin ang dorm ay naalala ko 'yung gabing nagkita kami sa fire exit, "Kaano-ano mo si Pia?" bigla kong natanong sa kanya nang hindi man lang nagiisip. It's already too late when I realized what I just asked him.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Nothing. Why?"

I don't know if I should ask him further more or I should just keep my mouth shut. Sa bandang huli ay tinikom ko rin ang bibig ko at hindi na sinagot pa ang tanong niya. I just don't find it relevant. Kung malaman ko man kung anong relasyon nila, ano namang pakialam ko duon. It's their business. I am not like Pia who will butt in whenever she wanted to kaya nga uso ang privacy sa bawat isa.

Nakarating kami sa pintuan ng infirmary at nauna akong pumasok duon pero habang naglalakad ako papasok duon eh nagsalita sa likod ko si Clef, "She asked for help para sa kakantahin niya sa annual fest. She told me that she wanted to practice in her room, hindi ako tumanggi dahil room mate niya naman si Searcy" paliwanag niya bago kami makita ni Ms. Marie na nakaupo sa kanyang desk sa lobby.

"I thought you'll skip the infirmary, Fermatta" ani Ms. Marie habang nakangiti sa akin.

Hindi ko na nagawa pang sagutin o lingunin man lang si Clef dahil tuluyan na akong pumasok duon at umupo sa harapan ni Ms. Marie. Ms. Marie is the school doctor for almost I don't know how long. Nandito na siya simula palang first year ako, 'yun ang natatandaan ko. Close sila ni Lance dahil naging doctor na ni Lanie, kapatid ni Lance, si Ms. Marie.

Binalingan niya ng tingin 'yung kasama ko. Nanlalaki ang mata niya at ngising-ngisi siya dahil si Clef ang kasama ko, "Oh. Long time no see Mr. Viray. May sakit ka rin ba?" tanong niya.

Of course, she knew Clef. Sino bang hindi nakakakilala sa kanya. Ako lang ata ang hindi nakakakilala sa creole of note, kung hindi pa sila nagpunta dito sa cecilian ay hindi ko pa sila makikilala.

"Headache"

I almost snorted because of his reason. I know it's just a made up alibi para lang makapunta dito sa clinic. Now I wonder what he really wanted at sumama pa siya dito sa akin.

"Okay. I'll assist Ms. Fermatta first" ani Ms. Marie bago ako balingan ng tingin. I saw Clef in my peripheral vision, umupo siya duon sa mga upuan na parang waiting area para sa mga estudyanteng magpapacheck-up. I heard someone cleared her throat kaya napadako ang tingin ko kay Ms. Marie na nakangiti na sa akin.

"Lance told me you have a flu yesterday. Sana nagpunta nalang kayo sa ospital para malunasan agad 'yung sakit mo"

"Hindi na po kailangan. I feel fine now"

"I know but you still needed to take care of yourself lalo pa't kasali ka sa annual music fest" aniya na parang nagaalala siya sa akin, I bit my lips dahil naaalala ko si mommy sa kanya. Kung nandito rin ba si mommy kahapon ay magaalala din siya katulad ng pagaalala ni Ms. Marie sa 'kin?

"I'll take your temperature and blood pressure, okay? I also needed your urine test para malaman ko kung dahil ba 'to sa uti mo. Then after that I recommend that you'll rest in here kahit isang araw lang. I think you really got a bad cough and cold" aniya pa.

Pagkatapos nuon ay sinunod ko lang ang mga pinapagawa niya sa akin. He even check my breathing using her stethoscope. Pagkatapos nuon ay pinainom niya ako ng dalawang gamot para sa sipon at upo bago ako iassist papunta sa ward ng clinic kung nasaan ang mga kamang nahaharangan lamang ng kurtina.

"Have a tight sleep" aniya bago ako iwan duon. Pakiramdam ko ay bumibigat ang talukap ng mata ko pagkasabi niya nuon, she said this is the side effect of the meds I took kaya makakatulog daw talaga ako ng maayos. I really don't want to go in here in the first place. Kanina nga ay nagdecide na akong tuluyan ng hindi pumunta dito sa infirmary dahil sa sobrang pagkabadtrip ko kay Pia pero dahil sa tanong kanina ni Clef ay wala akong nagawa kundi ang tumambay dito. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit abnormal palagi ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya. Naalala ko nuong minsang kasama ko si Dwaine palagi niyang tinatanong sa akin kung may problema daw ba ako sa puso. Now I doubt it kung wala nga akong problema duon.

Narinig kong may bumukas ng kurtina pero hindi ko na nagawa pang buksan ang mga mata ko para tignan kung sino 'yun. Maya-maya lang ay may sumakay sa isang kama sa tabi ko at alam kong may bagong pasyente si Ms. Marie na matutulog din dito sa clinic niya.

I almost fell asleep nang marinig ko ang boses ni Clef, "Nagkasakit kaba dahil sa pagtambay sa rooftop?" aniya na parang nagaalala siya pero hindi ko iyon makumpirma dahil nakapikit pa rin ang mata ko.

I know he's on the other bed beside me. Tingin ko nga ay kami lang ang taong nandito ngayon maliban kay Ms. Marie na nasa lobby ng clinic.

Hindi ako sumagot sa tanong niya.

"I told you to text me when you get back to your room pero hindi ako nakareceive ng text so I assumed you stayed there overnight"

Binuksan ko ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Yeah, he told me that I should text me. I can almost hear his words telling that to me. Tumingin ako sa kabilang kama at nakita ko siya duon na nakatingin sa kisame ng clinic habang nakahiga.

"Why do you think I will text you back?" I said in a monotone.

I know it's kinda rude to say to him but I got so curious on his answer. I looked at him for almost a minute. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niyang nakaside-view. Indeed he's handsome kahit na nakaside-view siya kaya maraming nagkakagusto sa kanya at siguro isa rin sa dahilan kung bakit siya sumikat. Maya-maya lang ay nakita kong pumikit siya. Pinainom din ba siya ng gamot ni Ms. Marie?

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya hindi ko na siya tinignan at pumikit nalang rin ako tulad ng ginawa niya. Pakiramdam ko antok na antok ako. Damn, ito nalang ang gagamitin kong sleeping pills kapag hindi ako makatulog sa gabi. I think this is more effective than the other drugs.

Nang makakatulog na ako ng tuluyan ay narinig ko ang boses ni Clef. It's not vivid but I know he's the who's talking.

"You'll text me because I know you needed me. I'm sorry for pushing you to audition. If only I knew what you feel"

*

That night sobrang pinagalitan ako ni Lance dahil hindi ko sinunod ang mga nakasulat sa note na binigay niya sa akin. He always acts like my father and I can't even do a thing dahil alam ko namang tama siya. Nagalit siya sa akin dahil halos hindi ako nakapaglunch, nalate ako ng uwi sa dorm dahil nagoverslept ako sa clinic at dahil hindi ko man lang daw siya nagawang itext. He said I made him so worried. I feel sorry dahil halos mawala na nga sa isip kong itext siya kahit alam ko namang walang tigil siya sa pagtetext sa akin.

Mas umayos ang pakiramdam ko nung sumunod na araw. Effective ata talaga 'yung gamot na ibinigay ni Ms. Marie sa akin. Inilagay ko ang lahat ng gamit ko sa locker ko habang inilalabas ko naman 'yung p.e uniform ko. Ngayon ay may pre-exam kami sa p.e at maglalaro kami ng soccer.

"Sigurado ka bang kaya mo nang maglaro?" tanong ni Chriselle habang sinusuot niya iyong p.e shirt niya.

Tumango lang ako sa kanya at nagsimula na ring maghubad ng damit, "I am fine. You don't need to worry" ani ko bago ibato sa mukha niya 'yung hinubad kong damit.

"Ferm!" reklamo niya pero nakangiti pa rin naman siya sa akin. I lift my brow and a small smile curved into my lips. Nang matapos kaming magpalit ng damit ay sabay kaming pumunta sa open field.

Nakakapit pa sa braso ko si Chriselle habang naglalakad kami papunta duon, "Oo nga pala kamusta ang practice mo para sa music fest?" aniya.

Nagkibit-balikat lamang ako, ang totoo hindi pa naman talaga ako nakakapagpractice ng maayos dahil naistorbo 'yung pagprapractice ko kahapon sa training room. Ani nga ni Lance, I still have plenty of time to do it. Tama naman siya, bukas ay maeexperience kong makapagpractice kasama ang lahat ng performers galing sa music department. I heard everyone being excited pero mas excited pa ata akong mapanuod ang bagong episode ng The Walking Dead kesa duon.

"Totoo ba?"

Napatingin ako kay Chriselle nuong sabihin niya iyon, "What?"

"Pia Collins. I heard her name sa mga kasamahan ko sa dance department. Sabi nila the teachers are giving so much attention to her. Tell me is she really great?" aniya na habang nakatingin sa taas na parang nagiisip niya.

Napangiwi ako dahil sa tanong niyang iyon. Bigla kong naalala 'yung nangyari kahapon sa office ni Mr. Bracelli, that Pia girl bragging about how I cried in front of her and Clef. I want to pull her hair so hard that time kung siguro wala lang sa harapan ko si Mr. Bracelli ay ginawa ko na. Pia Collins is such a bubbly, energetic kid. Everyone could like her but not me. Hindi ko alam at asar na asar ako sa kanya siguro dahil masyado siyang mabait para maging malapit sa akin.

Naramdaman ko nalang na hinila ni Chriselle ang manggas ng damit ko, "Hey! Nakita mo na siya diba? Nuong assembly niyo? Narinig kong minention pa daw siya ng creole nung meeting niya" aniya na parang gustong-gusto niyang malaman ang lahat tungkol kay Pia.

Tinitigan ko lang siya ng masama dahil sa ginagawa niya sa manggas ng tshirt ko, "If you saw a blonde midget kid, it means it's Pia Collins"

Nanlaki ang mata niya pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya, "Grabe! Midget talaga? Oh talagang pinupulaan mo lang siya?

Inirapan ko na siya ng tuluyan dahil sa sinabi niyang iyon. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at nauna na akong maglakad paalis sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero tuluyan na akong tumakbo papunta sa mga kagrupo kong nakaformation na para maglaro.

Bakit ko naman pupulaan si Pia? I am just stating a fact. I really think she's a midget. There's nothing wrong about Pia as a matter of fact it is fun to watch her doing her things, smiling and being innocent to everyone but I just don't want her near me. As long as Pia's not interrupting my personal life wala naman magiging gulo sa aming dalawa. 'Yun ang kailangan kong itatak sa utak ko. We're both studying in cecilian she has right of everything but she doesn't have right to butt in with my business.

Pagkatapos ng pre-exam pakiramdam ko ay baldado ang buong katawan ko. We stayed in the open field for almost two hours for that freaking game. Everyone was sweating like a pig and I am not an exemption. Bakit ba naman kasi halimaw ang p.e teacher namin at hindi man lang siya considerate sa mga babae. Imbis na pumasok tuloy ako sa klase ni Mr. Bracelli ay pinili ko nalang magpahinga sa kwarto ko.

It's a music class at alam kong kung anu-ano nanamang ipapagawa sa amin ni Mr. Bracelli. It would really frustrates me! Kapag tinanong niya sa sunod na meeting kung bakit hindi ako nakapasok ang sasabihin ko'y nagpractice ako para sa annual test. Baka nga matuwa pa 'yon at taasan ang grades ko kapag sinabi ko ang dahilan. He's one of those people I know will push me to this industry and that sucks bigtime.

Tumutok nalang ako sa harap ng laptop ko at sinimulan ang paggawa ng panibagong entry para sa writing contest na gusto kong salihan. Ngawan iyon ng paraan ni Lance para mamove ang deadline ng pasahan. I knew it! Si Lance lang ang makakatulong sa akin but that's not my problem now. Kung nuong nakaraang linggo ay hirap na hirap akong gumawa ng tula tungkol sa pagibig, ano pa ngayon? Bago ko na nabuo iyong tulang iyon eh kung anu-anong pagbrabrain storming ang ginawa ko. Now what? Wala nang idea ang pumapasok sa isip ko! Sabi nga nila a writer should also have inspirations but what will I do if I don't have any inspiration?

Triny kong bumuo kahit na isang verse man lang ng tula pero kahit na anong gawin ko pakiramdam ko ay wala iyong sense. Sa bandang huli sumuko rin ako at nahiga nalang sa kama ko. Wala rin naman kasi akong mapapala kung pipilitin ko ang sarili ko.

Nang sumunod na araw ay naging sobrang maingay sa building ng music department. They are talking about the practice of performers who'll perform on music fest. Nakalista na kasi sa bulletin board ang mga pangalan namin, kung ilang kanta ang kakantahin o tutugtugin ng mga magpeperform at kanina pa rin ako naaasar dahil kung anu-anong tingin nanaman ang pinupukol nila sa akin.

Hindi pa ba ako nasanay? No! Hinding-hindi ako masasanay dahil ayoko sa atensyon binibigay nila sa akin. Of course they would look at me like I did some magic dahil nakalagay na sa bulletin board na may special number ako kasama si Hilton at si Pia. I wanted to tell them na desisyon naman iyon ng board of directors pero hindi ko 'yon masabi-sabi dahil alam kong hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanila. Isa pa sa kinaasaran ko ay kasama ko pala si Blaire sa pangalawa kong tutugtugin, sila pala nuong isang kasali din sa dance department ang sasayaw sa kantang iyon. Contemporary dance! Nakakaasar lang dahil alam kong aasarin nanaman ako ng magaling na si Lance kapag nalaman niya ito.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa Fola Theater para sa practice namin. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay kung anu-ano ng intrumento ang naririnig kong tumutugtog sa loob nito. Nakita kong nasa taas ng stage ang buong creole kasama iyong mga instrumentalist. Parang may inaayos sila. Naglakad ako papalapit sa kanila, nakita kong napalingon sa akin si Dwaine he automatically smiled when he landed his eyes on me. He pointed the stage at agad ko namang nakuha iyon, ibig sabihin ay kailangan ko ng umakyat. I did what he wanted, nuong naglalakad na ako sa hagdan ay alam kong lahat sila ay nakatingin sa akin.

Nang makaakyat ako ay tinaas ko lang ang kilay ko sa kanila, nakapameywang si Aldon habang nakatingin sa akin habang nakangiti naman si Dwaine at Hilton sa akin, si Clef naman ay hindi ako ang tinitignan. I looked at what Clef's looking and I found out it's Searcy who's sitting at the end of the stage kasama ang iba pang singers.

"Fermatta, are you listening!?" halos mapatalon ako dahil sa malakas na boses ni Aldon. I shifted my eyes to him at nakabusangot na ang kanyang mukha. I know it's hard to mentor us and I really understand Aldon kung bakit sobrang istrikto niya pero hindi ko lang talaga mapigilan. I bit my lips and walked through the grand piano at pinilit ko nalang ang sarili kong makinig sa kanya kahit na asar na asar naman ako sa sarili ko.

"Instrumentalists are the most important during annual music fest. Remember, everything would be live on the day so no mistake should be heard through the whole performance... " kung anu-ano pang sinabi duon ni Aldon sa unahan habang sinasabihan kami ng tips kung paano namin gagawing maganda ang pagtugtog namin. He also said the whole line-up for the music fest, tingin ko ay tatagal lang iyon ng halos dalawang oras at kalahati. Pagkatapos ng maraming introduction ay nagsimula na kaming magpractice. Hindi naman ako ganuong nahirapan tulad ng ineexpect ko, palagi lang kami umuulit dahil kailangan synchronized at pare-parehas ang tempo ng bawat tutugtog. Nang masabayan na naming lahat ang isa't-isa ay paisa-isa nilang sinalanmg ang mga singers na kakanta sa mga tinutugtog namin.

It was pretty exhausting dahil paulit-ulit kami sa pagtugtog. Kapag may isang nagkakamali ay inuulit namin iyon sa simula. I don't know how many times I heard Aldon's mad voice dahil palaging may nagkakamali sa mga string instrumentalists. Pakiramdam ko rin ay namamanhid na ang pwet ko dahil sa sobrang pagkakaupo sa upuan sa harap ng piano, kahit 'yung pedal ng piano ay hindi na nakikipagcooperate dahil nasira iyon.

I heard everyone yelped in happiness nuong sinabi ni Aldon na magpahinga muna kami for fifteen minutes. Thank God at hindi naman pala siya halimaw tulad ng prof namin sa p.e! Napahinga nalang ako ng malalim habang hinihilot ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay nanginngimay na iyon sa sobrang pagprapractice. Nagulat nalang ako nang biglang may humawak ng kamay ko.

"Pagod ka na ba?" aniya habang nakangisi sa akin at hinihilot ang kamay ko. Pakiramdam ko ay biglang naginit ang pisngi ko dahil sa ginagawa niyang pagmasahe sa kamay ko kaya na imbis na irapan ko siya ay sinapak ko ang dibdib niya, "Ouch!" aniya habang nasa dibdib niya ang kamay niya na parang nasaktan talaga siya sa ginawa ko.

"I told you not to show up like that!" iritable kong sabi sa kanya.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya't napasimangot agad ako sa kanya, "Dapat kasi nagpapahinga ka ngayon sa kwarto mo. You're not yet okay"

Ha? What is he saying?

"Clef told me you're crying because you're not feeling well. Hindi mo man lang sinabi sa akin na nagkasakit ka pala nuong nakaraang araw, sana nadalaw kita"

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabing iyon ni Hilton. Me crying because I am not okay? What on a shitty world will I do that? Hindi ako iiyak lang dahil sa masama ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil pinagtakpan ako ni Clef sa sarili niyang kaibigan. I am not saying na okay lang malamn ni Hilton ang lahat pero it surprised me na hindi ito sinabi ni Clef sa kanya. I remembered what Dwaine told me nuong papunta kami sa ospital para dalawin si Hilton. Clef and Hilton are bestfriends, sila ang hini mapaghihowalay nuong nagaaral pa sila sa cecilian. Best buddy. Trusted friend. A brother. I am sure they shared a lot of secrets just like me and Lance but he didn't told him that I was crying because of my great mother.

I felt something stirred up inside me, siguro guilt dahil hindi ko man lang nasikreto kay Lance na may relasyon silang dalawa ni Searcy. I bit my lips hard habang iniisip ang mga bagay na 'yon.

Nakita kong tinagilid ni Hilton ang kanyang ulo. The thing he always do every time he's curious or confuse.

Imbis na pagtuunan ko siya ng pansin ay hinanap ng paningin ko si Clef. I searched for his bulk in the middle of those students who are laughing and chatting on the stage. I stop eyeing everyone when I saw a pair of black orbs staring at me. He's just leaning on the wall at the other end of the stage while his arms are crossed on his chest. My heart beat automatically hammered abnormally. I was losing all the air inside my mouth and I have this urge to walk through him and just ask why he's staring at me like that.

He still have those facial expression as if he doesn't care at me even if he's staring straight back at me but his eyes it says different.

His face disappeared as I saw Hilton's face in front of me. Naharangan niya na pala si Clef, "Sigurado ka bang okay ka lang, Ferm?" aniya na parang hindi siya sure sa tanong niya sa akin.

I just nodded at him kahit na pakiramdam ko ay hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko.

Nagpaalam ako sa kanya bago tumayo sa upuan sa harap ng piano. Pumayag siya but I know he's confused why I excused

You are reading the story above: TeenFic.Net