♬ 11

Background color
Font
Font size
Line height

Eleven

I am different

Pagkauwing-pagkauwi ko sa dorm ay nakita ko agad na nakataklob ng kumot niya si Chriselle. I wanted to wake her up but I know she's too disapointed and maybe mad at me. Hindi niya na kasi ako nireplyan pa kanina which bothers me a lot. We're like sisters at hindi si Dwaine ang makakasira ng relasyon namin kaya naman naman kinontact ko agad that night si Lance at ito lang ang sabi niya.

"Ask Dwaine if he can date Chriselle para maniwala si Chriselle na hindi ka nakikipagdate sa gusto niya"

Okay. How should I do that? Hindi naman pwedeng bigla ko nalang tawagan si Dwaine at sabihing makipagdate siya kay Chriselle. That's outrage. Malay ko ba kung may girlfriend din si Dwaine like Clef o kaya ayaw niyang idate ang kaibigan ko dahil may iba siyang gusto. Chriselle is just a fan how can I convice him to date her? Napabuntong-hininga nalang ako duon.

Sumunod na araw ay ganuon pa rin ang nangyari. Halos para akong hangin sa paningin ni Chriselle and it fustrates me a lot. Nakadagdag pa ang palagi kong pagkakabunggo kay Pia. Nabunggo niya kasi ako habang naglalakad ako sa corridor papunta sa Humanity class ko, nabunggo niya rin ako nuong nasa canteen ako. Wala naman siyang binabanggit kundi 'Sorry, hindi ko sinasadya' pero nakakaasar lang dahil bakit palaging ako ang nababangga niya? I'm thinking kung sinasadya ba niya iyon o talagang clumsy lang siya at isa ako sa nabibiktima ng pagkaclumsy niya.

Nuong hapon tuloy ay tumambay ulit ako sa studio E sa building nila Lance kung saan siya palaging nagprapractice. He's practicing this hiphop move na tingin ko ay mahirap, nakaupo lang ako sa harap niya at nakasandal ang likod ko sa malaking salamin habang ang dalawang tuhod ko at salo-salo ang baba ko.

"I told you ask Dwaine" aniya habang ginagawa iyong popping sa dibdib niya. Mahina ang music mula sa karaoke pero enough para marinig namin ang tugtog.

Tinignan ko lang siya at sinamaan ng tingin, "You think ganun lang kadali?"

Tumigil naman siya sa pagsasayaw at tumingin sa akin, "You're with him yesterday. Kahit papaano close na kayo"

"He's not a friend" simple kong sagot.

"Yeah. But Chriselle is your friend and in order to save your friendship with her you have to do it. It's not bad to ask someone for help sometimes. You're human too" mahabang salaysay niya duon na parang pinapangaralan ako. I just so hate him when everything he says is true. Totoo naman, hindi ko naman kayang tanungin si Dwaine kung pwede niyang idate si Chriselle? What would he think? That I'm feeling close or someone like I'm not really am pero sabi nga ni Lance it's about Chriselle. She's childish I know, minsan sobra na nga ang pagakisip-bata pero sino bang iintindi sa kanya kundi kami lang dalawa ni Lance.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagtayp duon ng message, alam ko kasing wala sila sa Cecilian ngayon dahil pahinga nila hanggang sunday, kung siguro nandito lang siya edi sana kinausap ko nalang siya. Sa monday kasi hanggang sa mga susunod na araw ay palagi na silang nandito para sa practice ng music fest. I just typed if he can date my friend. Itinago ko na uli ang cellphone ko pagkatapos kong isend 'yung message na 'yun at pinanuod nalang ulit si Lance sa pagsasayaw niya.

Nang hapon ay nagpasama ako kay Lance na tumambay sa harap ng dorm kung saan palagi akong tumatambay para makapagsulat ng tula. He's just sitting beside me habang kumakalikot siya sa cellphone niya. I am thinking if I should send my poems online, may nage-mail kasi sa akin na sinasabing tumatanggap sila ng entry for poems and short story na pwedeng mapublish kung sakaling magustuhan nila tapos nagbigay ng email kung saan pwedeng isend 'yun, ang problema ko lang ay may theme ang bawat entry na dapat pasukan at ang theme for this month is about loving someone. How am I supposed to write something like that kung hindi ko pa naman naeexperience? I do write poems about friendship, family, self pero ni isang beses ay wala akong matandaan na nakapagsulat ako ng tula tungkol sa pagmamahal sa isang lalaki. I am still normal, am I not?

I bit my lips and look at those people who's walking in front of us. I suddenly felt ecstatic nang maramdaman ko ang kamay ni Lance sa tenga ko. I looked at him and found out he's putting the other side of the earphone in my left ear while the other is already on his right ear. He smiled at me bago pagtuunan ulit ng pansin ang cellphone niya at maya-maya lang ay narinig ko na ang isang kanta mula sa isang sikat na international artist.

"Lance?"

I heard him hum habang kinakalikot ang cellphone niya.

"How does it feels?" tanong ko sa kanya.

Suddenly bigla siyang tumingin sa akin habang nakakunot ang noo niya na parang hindi niya naiintindihan kung ano ang tinatanong ko sa kanya. Nagtaas lang ako ng balikat at tumingin uli sa notebook ko habang pinapaikot sa kamay ko ang ballpen ko.

"To like someone? Just like how Chriselle like Dwaine? Just how Clef like Searcy? Just like how Hilton likes me?" tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. These things keep bugging me for the last week. Pakiramdam ko kasi ay lahat ay nagugustuhan ang isa't-isa. Yeah, it's normal for the teenagers like us pero hindi ko makuha kung bakit gustong-gusto nila na may nagugustuhan sila.

I felt so strange asking that question maybe because never ko pa naman talagang naexperience na magkagusto ng sobra sa isang tao. Bato ata ang puso ko pagdating sa mga lalaki. Paghanga lang kasi ang nararamdamn ko pero more than that, 'yung desire na makasama sila tulad ni Chriselle kay Dwaine o 'yung feeling na mahal mo na siya. I don't know.

I didn't hear anything nang itanong ko 'yun sa kanya. Nakadiretso lang ang mata ko sa ballpen kong alam kong nagumaagos na ang ink sa notebook ko pero hindi man ako kumikibo at hinahayaan ko lang matintahan iyong notebook ko. I never saw Lance liked someone else. Since day 1 I remembered few instances na makikita kong may kasama siyang babae pero ang alam ko lahat 'yun ay babae. Never pa atang nalink siya sa iba kahit na medyo sikat siya sa Cecilian. Maybe he's just like me. He still don't know how it goes, liking someone.

Napatawa nalang ako at napailing dahil sa sarili kong katangahan, "Nevermind" anas ko sabay tapon duon sa ballpen kong nagtatae na.

Nang lumalim na ang gabi ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Gusto niya pa ngang magsneak in sa loob ng girl's dorm kung hindi ko lang siya pinigilan dahil baka mahuli kami at baka masuspend pa siya dahil sa kakulitan niya. May gumagala din kasing prefect tuwing gabi para maginspeksyon kung may mga lalaking estudyante ang nakakalusot dito. In the end napapayag ko ring mauna na siya papunta sa boys dorm, tinanaw ko nalang siya habang naglalakad siya palayo sa akin pero hindi pa siya nakakalayo eh lumingon rin siya sa 'kin.

"It's a good feeling, Fermatta" aniya habang nakangisi sa akin.

I raised my brows to ask him kung ano 'yung sinasabi niya then I saw him pointing his fingers on his right chest, "It's good in here to fall and like someone. It feels like you're in a cloud nine" aniya na parang isa iyon sa pinakamahalagang nasabi niya sa akin.

Hindi ko mapigilang hindi macurious dahil sa sinabi niya. Cloud nine?

I breathe deeply and asked him, "Did you feel it already?"

His smile fades at ang tanging nakita ko ay ang malungkot niyang mukha. Ibinaba niya 'yung mga kamay niya at naglakad lang siya paatras habang nakatingin sa akin saka siya nagsalita, " I can feel it right now" aniya bago tuluyang tumalikod at mawala sa paningin ko.

That night I can't stop thinking what Lance told me. He said it feels like cloudnine, feels like heaven. Up until now I still don't get it. Sure thing, I do believe in love, destiny and what so ever. I am also a hopeless romantic for reading mostly Nicholas's stories pero hanggang duon lang iyon. Ni hindi ko alam kung totoo pa ba ang nababasa o nilulunod ko lang ang sarili ko sa mga kwentong sa sarili ko ay hindi ko man lang mapatunayan. For me, books are my escape. My other dimension. It's not real, there's no such thing as happy ending except from fiction books. Life is very ironic, it's like a survival game which you should survive. It's not always happy. Siguro ito ang rason kung bakit hindi ako makapagsulat ng tungkol sa pagibig. It's just so out of my vocabulary.

Nang gabi ring iyon ay pinagmamasdan ko si Chriselle habang natutulog siya sa kama niya. Nakabukas ng maliit ang kanyang bibig at may mahinang tunog ang lumalabas duon. A day without her is really sad. Parang ang tahimik ng mundo ko at wala man lang nangungulit sa akin. Siguro dahil sanay na sanay na ako sa kadaldalan niya tuwing umaga o bago kami matulog. Sa ngayon mas mabuting isipin ko muna ang tungkol kay Chriselle, friendship over things that least I concern kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtype ng mensahe kay Dwaine.

'Please Dwaine. Can you date my friend? She's a fan of yours'

Nilunok ko na lahat ng pride ko para lang itext si Dwaine ng ganyan, sana lang pansinin niya ang text ko ngayon para naman hindi masayang ang pagsasabi ko ng please. It's rare for me to say those word dahil all my life, ayaw kong may ginagawang bagay ang isang tao para sa akin. I don't like asking help kung kaya ko namang gawin iyon ng magisa. If someone doesn't like me I wouldn't even dare to push myself to him or her. But this time it's different, Chriselle is different because she's a friend of mine. Isa pa kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagisip ng ganuon, sana tinext ko man lang sila ni Lance na aalis ako kasama ng creole kahapon, hindi 'yung nagpadalos-dalos nalang ako dahil sa sobrang pagkaguilty ko kay Hilton.

Wala pang 5 minutes eh nakareceived ka agad ako ng reply galing kay Dwaine. I almost shout in happiness nang mabasa ko ang text niya sa 'kin.

'Okay. Is she the black swan? Can we meet on Saturday? Ps. Pls, sleep it's almost 1 o'clock Ferm'

I am grinning while reading his text to me. Damn it. I can really sleep peacefully right now dahil alam kong isang problema ko ang masosolve. He just fucking agreed to date my friend!

The next day ay maaga akong nagising, ako pa ang nagbukas ng mga kurtina sakwarto. Maya-maya lang ay nagising din siya akala ko ay kakausapin niya ako pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa pagbangon sa kama niya at pagtuloy sa bathroom. Before she could even open the door I boredly said to her, "May date kayo ni Dwaine bukas"

Napahinto agad siya sa paggalaw at biglang napatingin sa akin. Ngayon ang maganda niyang kilay ay nakataas habang nakatingin sa akin. Itinaas ko ang balikat ko na parang sinasabi kong ewan, "I already said it. Prepare yourself. He may contact you later" ani ko bago siya talikuran para tiklupin ang mga kumot sa kama ko pero bago ko pa mahawakan ang comforter ko eh naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

"Thank you Ferm! You're really the best!"

I just smiled now that she finally noticed my presence. I love Chriselle just like how I love my books and stuffs that's for sure.

Nang maglunch ay sabay-sabay na kaming kumain sa canteen parang ang tagal naming hindi nagawa 'yon dahil naging sobrang busy kami nitong mga nakaraang araw. Back to usual, madaldal pa rin si Chriselle at kwinekwento niya na kay Lance na itinext na nga siya ni Dwaine. She keep on thanking me dahil ako pala 'yung rason kung bakit sila magdadate, aniya eh okay lang kahit friendly date atleast daw ay nakasama niya si Dwaine kahit saglit lang. She's really a fan.

"Ano sa tingin niyo sususotin ko? Dress? Pants?" tanong niya sa 'min na parang excited na excited siya para bukas. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagsusulat sa hawak kong notebook. Sinisimulan ko na kasi ang pagsusulat ko ng tula tungkol sa pagibig, well bahala na kung anong mabubuo ko dito. It's not like I'm a pro with this theme ang mahalaga makapagpasa ako ng piece sa email ko. The deadline's on tomorrow.

"Hoodie? Sunglasses?" suhestiyon ni Lance.

"Sun glasses? Hoodie!? Lance! So Dwaine 'yun!" ani Chriselle na parang naghyhyesterical na duon sa upuan niya. I even heard someone from the other table gasped upon hearing Dwaine's name.

"That's my point. You think makikipagdate si Dwaine publicly? Imagine kung makita kayo ng mga fans niya? Baka hindi kana makauwi sa inyo dahil baka pinakulam kana nila o kaya naman sinabunutan kana o worst pinapatay kana nila" masungit na sabi ni Lance sa kanila.

I looked at them with my irritating stare, ni hindi ako makapagconcentrate sa pagsusulat dahil sa pagkwekwentuhan nila. They can atleast lower down their voice para hindi sila marinig nang mga nasa kabilang table.

Nakanguso si Chriselle dahil sa sinabi ni Lance samantalang si Lance naman ay nakasimangot din. Hindi ko alam kung bakit parang masama ang gising nitong isang 'to at mukhang nadadamay kami ni Chriselle sa pagiging badtrip niya.

Napabuntong-hininga nalang ako at tinignan si Chriselle, "Just wear normal clothes, Chriselle. Siguradong 'pag nagpaganda ka masyado mapapansin ka ng mga tao" ani ko sa kanya.

She nodded on me na parang ngayon niya palang narerealize ang kanina pa nila pinagtatalunan ni Lance. Napatungo siya sa sinusulat ko at bigla niyang kinuha ang notebook ko. Binasa niya ang nanduon at biglang nanlaki ang mata niya, "You're writing poem about love?" halos hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.

I fight myself not to roll my eyes on her pero hindi ko pa rin napigilan at inirapan ko pa rin siya at kinuha sa kamay niya 'yung notebook ko.

"It's a writing contest. Love 'yung theme"

"Is that the reason kung bakit natanong mo 'yun sa'kin kahapon?" tanong ni Lance.

Tumango lang ako sa kanya. Ano pa bang magandang reason ang pwede kong isipin para tanungin 'yun kay Lance. It's not like I am feeling something for someone kaya natanong ko 'yun sa kanya.

"Teka anong natanong?" nagtataka namang tanong ni Chriselle sa 'min.

"'May pagtatampo kapa kasing nalalaman. Tinatanong ni Fermatta sa 'kin kahapon kung anong pakiramdam ng magmahal"

Napatango-tango naman si Chriselle sa kanya, "Then what did you tell her?" inosenteng tanong nito pabalik.

I saw Lance twitched his lips na parang nagaalinlangan siyang magsalita but Chriselle wouldn't give up until she get what she wants. Pinagmasdan lang niya si Lance hanggang sa magsalita ito, "Cloud nine" anas nito sa mahinang boses bago iiwas ang tingin kay Chriselle.

"So may minahal kana? Or may minamahal? Oh my God! Ni hindi ka man lang nagkwekwento sa 'min na may nagugustuhan kana palang babae? Paano nalang kung selosa pala 'yun at iniisip na isa sa 'min ni Ferm ang girlfriend edi busted kana? Sino ba 'yung babaeng 'yun Lance!" Chriselle whined habang kinukulit si Lance.

"Stop being so nosy Chriselle"

"Not until you tell me who's the lucky girl"

Napailing nalang ako dahil sa ingay na nililikha nang dalawang ito. Their talk went from one to two to three topics, pabago-bago na hindi ko na nasundan dahil hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil nakatutok na ang mata ko sa pagsusulat ng tula ko. The day went so fast, mabilis lang ang mga naging klase namin, ang ilang subject ay walang klase dahil may biglaang meeting ang mga professor para sa paghahanda sa monday na simula ng practices for annual muoc fest. We only have one month para makapagpractice.

Nang hapon na 'yun ay tinawagan ko lang si daddy at sinabing hindi ako makakauwi this weekend. Siguro ay next week nalang dahil busy pa ako sa mga ginagawa ko. Isa pa kailangan kong tapusin ang nasimulan kong tula. He's sad of course, kung pwede lang ay sa Laguna na lang ako tumira pero alam naman naming parehas na hindi pwedeng mangyari ang mga bagay na 'yun. Lalo pa ngayon at involve na ako sa mga school activites.

The next day umaga palang ay wala nang ginawa si Chriselle kundi magdadaldal sa 'kin tungkol sa magiging date nila. Dwaine will fetch her on the mall, aniya eh napagdesisyunan nilang sa malayo magdate dahil baka maraming makakita sa kanila dito. Dwaine is an artist at alam kong sikat siya lalo na sa mga kababaihan, sigurado akong magiging masama ang mangyayari kapag napabalitang nakikipagdate siya. I can imagined Inesia's face habang nagagalit siya kay Dwaine kung magkataon but I wanted to see her raging face. Sigurado akong matatawa ako kung sakaling mangyari 'yun.

Inihatid ni Lance si Chriselle sa mall hindi na ako sumama dahil tatapusin ko pa ang sinusulat ko though he's insisting na sumama ako. I just texted Dwaine to bring Chriselle home safe and whole.

Halos buong araw akong nakaburo sa kwarto at nakaharap sa aking laptop para itype ang tulang ginawa ko. From time to time ata eh may mga binabago akong word duon, pakiramdam ko kasi ay may kulang sa mga sinusulat ko hindi ko naman matanto kung ano 'yun. It's almost 5pm nang matapos ko ang buong tulang ginagawa ko. It has 12 verses na ayun na rin sa criteria na nakalagay sa email nila. I read it all oer and over again para masigurado kong okay na iyon. I even called Lance para sabihing natapos ko na ang tula. He said pauwi na rin daw siya sa Cecilian and he brought some chiken curry from the restaurant he tried this afternoon. Pakiramdam ko tuloy ay mayroon nanaman akong rason para gustuhing bumilis ang oras. I badly wanted to taste that food right now. Pagkasend na pagkasend ko ng email ko ay agad akong humiga sa kama ko at tinignan ang ceiling ng kwarto ko. Umalingawngaw ang tugtog ng creole sa cellphone ko. I automatically shut my eyes and felt so comfortable. There's really something about their songs, it's not just about Hilton's voice. It's more than that. I almost fell asleep habang nakikinig nang biglang tumigil ang tugtog at narinig kong nagriring ang phone ko.

I lazily got up and looked kung sino ang tumatawag sa akin pero my eyes widen as I read what's written on my phone. It's my mom's freaking number. I just stared at it for a moment. Hindi ko alam kung bakit siya tumatawag sa akin ngayon, it's so rare for her to call me right now dahil sa pagkakaalam ko wala pa naman akong nagagawang maganda maliban sa pagpasa sa audition and she already greeted me the other day.

Sa pangapat na ring nito ay sinagot ko na ang tawag niya pero hindi pa ako nakakapag 'hello' ay narinig ko na ang galit niyang tono.

"Who told you to join that writing contest, Fermatta!? You should focus on practicing for the annual fest!"

"Pero mommy.. " I was cutted.

"You're inside the cecilian Fermatta. You're supposed to do songs not a freaking poems. I didn't put you to Cecilian para maging isang manunulat"

Napapikit ako dahil sa mabibigat na pagbitaw ng salita ni mommy sa akin. Pakiramdam ko ay may sumakit sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya.

"Are you listening Fermatta?"

I bit my lips before answering, "Y-yes I do mom. But I want to be a w-writer" I stuttered hindi sigurado sa mga sinabi ko. I really wanted to become a writer, not a pianist, not a composer not even a singer. I want to write! Gusto ko lahat iyon sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

Rinig na rinig ko ang malalalim na paghinga ni mommy sa kabilang linya na parang pinipigilan ang galit niya sa akin, "No, you're not going to be a writer Fermatta. Now focus sa pagprapractice for annual music fest. I expect a lot from you. I'm going to turn down your application from that writing contest, mabuti nalang at kaibigan ko ang organizer nuon. Don't be a stubborn child. Always remember you're my daughter. Everyone is watching you" pagkatapos nuon ay

You are reading the story above: TeenFic.Net