♬ 10

Background color
Font
Font size
Line height

Ten

May problema kaba sa puso?

Napupuno na ang buong visual room ng mga tao habang tumatagal akong nakaupo dito sa isang gilid. Mas niyakap ko pa ang katawan ko dahil sa lamig mula sa malalaking aircon na nakakabit dito sa kwartong 'to. May isang babaeng tumabi sa akin, maliit siya siguro nasa five feet lang ang tangkad niya, kulay asul 'yung mga mata niya at may maputi siyang balat. 'Yung kulay ng buhok niya ay blonde, tingin ko anak mayaman siya at galing pa sa ibang bansa.

Ngumiti siya sa akin pero ni hindi ko siya ginantihan ng ngiti, "Hello, I'm Pia! I'm first year from music department. Ikaw?" aniya habang nakangiti sa akin.

Her aura is so bubbly na kahit ata sinong tumingin sa kanya ay mapapangiti rin. Then I remembered someone na katulad niyang ngumiti. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil pinaalala ko pa talaga iyon sa sarili ko. Umangat naman 'yung dalawang kilay niya sa akin.

"Ayaw mo bang sabihin 'yung pangalan mo?" aniya sa malungkot na tono.

Hindi pa rin ako umimik kahit na alam kong sincere siya at gusto niyang makipagkaibigan sa akin, siguro ay talagang wala lang ako sa mood dahil masama ang gising ko ngayong umaga. Kaya imbis na makipagkaibigan ako sa kanya ay binalingan ko nalang ang iba ng tingin. I heard her sighed pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Tingin ko ay umabot sa sixty students ang nasa loob ng visual room at lahat kami ay magpeperform para sa annual music fest. Kanina kasi ay nakatanggap ako ng email galing kay Mr. Bracelli at sinabi niyang kailangan kong umattend ng isang seminar ngayon para sa paghahanda sa fest. Ayoko mang umattend dahil masama talaga ang gising ko eh wala akong nagawa dahil ang subject ng email niya ay.

'Pls. do come Fermatta or I'll tell your dad about it'

He's a certified blackmailer! Dapat inerereport ko na siya sa head ng school pero alam ko namang hindi rin ako papansinin duon. Of course, he is Bracelli Rivera an institution for Cecilian Arts School! Pagkatapos tuloy ng klase ko ay dito ako dumiretso kahit na hindi pa ako kumakain ng lunch, dumadagdag pa sa init ng ulo ko ang puyat dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Ang huling pumasok sa room ay si Searcy at si Blaire. Agad na nagtama ang mata namin ni Blaire, kumunot ang noo niya sa akin pero hindi ko nalang iyon pinansin. Nasa gilid lang ako at sila ay duon sa unahan pumwesto. Maya-maya lang ay dumating na si Ms. Aw kasama si Mr. Bracelli at ang sunod na pumasok ay ang pinakaayaw kong makita ngayong araw na 'to. Nuon naman cool lang ako kapag nakikita ko sila, parang wala lang pero ngayon sa 'twing nakikita ko ang creole sumasama na ang timpla ko. Siguro dahil sa kagagawan ni Clef, siya lang naman palagi ang nagiiwan ng puzzle sa utak ko.

Unang pumasok sa kanila si Dwaine kasabay si Aldon, sumunod si Clef. Tinignan ko ang pinasukan nilang pinto pero wala akong Hilton na nakita duon.

"Nasaan si Hilton?" narinig kong sabi nuong nasa likuran namin.

"Hindi ko alam" sagot naman nuong isa.

Binura ko nalang sa isip ko iyon. Ano bang pakialam ko kay Hilton eh parang kagabi lang eh wala naman akong pakialam sa nararamdaman niya.

"Good afternoon presentors! I am Ms. Aw and he is Mr. Bracelli we are the professors who are in charge on the upcoming annual music fest of Cecilian Arts School. So we called you for this meeting to discuss to you the time frame of our schedules and deadlines"

Pagkatapos nuon ay pinatay na ang ilaw sa visual room. Kung anu-anong lumabas sa screen, mga time frame kung kelan ang schedule ng mga practices for every department. Nakalagay na din duon ang magiging program at kung sinu-sino ang tutugtog at sasayaw. Para sa mga level E students may mga solo performances sila, hindi rin naman iyon magtatagal dahil tatlong estudyante lang naman ang may level E na nakapasa sa audition. Si Blaire, Searcy at si Rafael na nakikita kong minsan ay kasama ni Lance. Parehas kasi silang matagal na sa Cecilian.

Anila sa prinesent ay may schedule ng practices every monday and wednesday para sa mga dance department, 'yung araw naman ng tuesday at thrusday ang para sa music department. Tuwing friday naman ang practice ng lahat.

"Kung aaralin niyo naman ang sayaw o kanta ay pwedeng sa mga studio niyo na gagawin pero 'yung practice na gaganapin sa Fola Theater ay may mga mentor nang magbabantay sa inyo. Nanduon si Giovanna at Xylus for the dance at sa music department naman ay nanduon ang creole"

I groaned as Ms. Aw told that dahilan kung bakit napatingin sa akin 'yung mga nasa harapan ko. Sinimangutan ko nalang sila, ano bang pakialam nila kung ayaw kong makasama ang creole? Nagpatuloy pa si Aw sa pagdidiscuss ng kung anu-ano.

"Ayaw mo ba sa creole?" narinig kong tanong nuong katabi kong si Pia.

Tinignan ko siya at kahit na madilim ay nakangiti pa rin siya sa akin. Pwede ko ba siyang makitang nakasimangot kahit isang beses lang? Hindi ko siya sinagot dahil hindi naman ako friendly'ng tao.

"Ako gustong-gusto ko ang creole! Marami akong nakatagong poster nilang apat tapos lahat ng cd's nila meron din ako. Pero pinakagusto ko talaga si Clef ang astig niya kasi.. "

"I don't care" matipid kong sabi na nakapagpatigil sa kanya.

Hindi ko na pinagmasdan kung ano 'yung reaksyon niya dahil bigla ng nagbukas 'yung ilaw at nakita kong mataman na akong tinitignan ni Mr. Bracelli, sunod na tinignan niya ay 'yung katabi ko. Ano nanaman bang sasabihin niya sa akin?

"Okay. So that's for today, next week ay magsisimula na ang mga practices niyo kaya hangga't may time pa para magliwaliw kayo ay gawin niyo na" ani Ms. Aw habang nakangiti, "May tanong paba kayo?"

Bigla namang nagtaas ng kamay 'yong nasa harapan ko, "Ms. sino po ang makakasama ng creole na magperform para sa annual test"

Narinig ko naman nagbulungan 'yung nasa loob ng classroom. May kasamang magperform ang creole sa annual fest? Ang akala ko ay puro estudyante lang nag magshoshowcase makakapagperform din pala sila.

Tumingin si Ms. Aw kay Aldon kaya tumayo ito sa kinauupuan niya sa harap, "We decided na ang makakasama naming magperform sa fest ay 'yung nakapagpahanga talaga sa amin sa audition" narinig ko nanaman ang bulungan ng marami.

"Medyo nahirapan talaga kami dahil lahat naman kayo ay magagaling pero may isa talagang nagstandout sa audition and she is Ms. Pia Collins" aniya sabay tingin sa direksyon ko? Direksyon ko o direksyon nuong katabi ko? Nagtinginan naman 'yung iba duon kay Pia, 'yun iba ay kinongrats siya 'yung iba naman ay tinaasan siya ng kilay. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil wala din naman akong interes kung siya ang makakasam ng creole sa pagpeperform. Ibig sabihin lang nun ay magaling siya and thats good for her.

"May iba paba kayong tanong?" ani uli ni Ms. Aw

Tumaas naman ng kamay 'yung babae sa likuran ko, "Miss nasaan po si Hilton?" lalon umingay sa loon ng room dahil duon sa tanong niya. 'Yung iba ay nagtilian na parang kinikilig. Kitang-kita ko pa ang paghalakhak ni Dwaine sa harap kasabay ng pagtipa ng kamay niya sa cellphone niya.

Valid question pa ba iyon?

"Unfortunately, Hilton is on the hospital" napanlaki ang mata ko duon sa sinabi ni Ms. Aw, "He's sick kaya nagpapagaling pa siya pero don't worry inassure ng doctor niya na makakaattend siya ng practices next week"

May kung ano akong naramdaman nang malaman ko 'yon. May sakit siya? Kelan naman siya dinala duon, he should have rest last night imbis na pinuntahan niya ako sa dorm plus the fact na kung anu-ano pang sinabi ko sa kanya. Lalo tuloy akong naguilty dahil sa kasamaan ng ugali ko.

Pagkatapos ng mga pinagsasabi ni Ms. Aw ay agad akong umalis sa visual room. Ako pa ata ang pinakaunang umalis ng room na 'yon, una kong pinuntahan ay ang canteen at pinagbuntunan ko nalang ng nararamdaman ko ay ang mga pagkain. I ate there alone alam ko kasing nasa klase ngayon si Lance at Chriselle, okay lang naman kahit na hindi ako pumasok kasi exempted naman ako. Mimsan tuloy naiisip kong unfair ang school na 'to.

Napahinga nalang ako ng malalim at tinanaw ang labas ng bintana kung saan matatanaw ko ang malaking Fola Theater sa labas.

Bigla kong naalala ang mga pinagsasabi ko kay Hilton kagabi pati na rin ang sinabi ni Clef sa 'kin nuong tumawag siya. I was rude, he's right. Pwede ko naman iyong sabihin sa kanya ng hindi ganuon kadiretso o pwede ko namang hindi nalang sabihin at hayaan siya sa ginagawa niya tutal ay masaya siya duon pero ano pa bang magagawa ko eh nangyari na 'yon? Hindi nanaman kasi ako nagiisip, ngayon pa ay nasa ospital siya mas lalo akong kinakain ng konsensya ko. Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko kung bakit siya nanduon. He's genuinely kind to me, siguradong kapag nalaman ni daddy itong mga pinaggagagawa ko ay siguradong pagagalitan niya ako. For sure. Dahil si Hilton ay parang si Daddy parang 'yung Pia lang na kausap ko kanina. They are light, na kapag kasama mo sila ay mawawala ang probkema mo and breaking their hearts is just too much.

Okay, I am damn guilty about it.

Kinuha ko ang iphone sa bulsa ko at tinext ko ang pwede kong lapitan sa ngayon.

'Where are you?'

Sinend ko agad kay Clef ang text na 'yon. I should pay Hilton a visit at alam kong alam ni Clef kung nasaang ospital siya ngayon. Excuse naman ako sa mga klase ko buong araw kaya hindi rin masasabing cutting ito.

Tumunog agad ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Clef sa akin.

'VR'

Ang tipid naman niyang magtext. I immediately stood from my seat at agad na naglakad pabalik sa visual room. Nasa laboratory floor lang iyon ng main building ng Cecilian, mismong tabi ng cafeteria kaya mabilis ko iyong natunton. Nakita kong nasa labas na ang mga estudyante at may mga sariling pinagkwekwentuhan. Dirediretso lang ako papasok sa visual room at pagpasok ko duon ay nakita kong kausap ni Pia si Clef. Nakatalikod si Pia sa akin pero alam kong siya 'yun dahil sa suot niya. Si Clef naman ay kita ko ang itsura, mukhang interesadong-interesado siya sa sinasabi ni Pia.

Tumalikod na ako para lumabas ulit pero narinig ko ang boses ni Clef, "Fermatta"

Humarap ulit ako sa kanila at nakita kong nakanganga na sa akin si Pia, "Ikaw 'yung anak ni Elizabeth Rivera?" tanong niya.

Napamaang nalang ako hanggang sa maramdaman kong may umakbay sa akin, "Yes Pia. She's Fermatta Gonzales Rivera" ani Dwaine habang nakangiti kay Pia.

Kulang nalang ay pati mata ni Pia ay lumuwa sa pagtingin sa akin. I should have expect the worse, nakalimutan kong anak nga pala ako ni Elizabeth Rivera. Tinanggal ko aad ang kamay ni Dwaine sa balikat ko at narinig ko nanaman ang paghalakhak niya sa akin.

"Pia, can we talk the other day? May paguusapan lang kami" ani Clef kay Pia. Wow, parang ngayon ko lang siya narinig na gumalang sa kausap niya. Malimit kasi ay tinatalikuran o kaya ay sinusungitan niya ang mga kakilala niya at hindi ako exemption duon dahil ako ang living proof nuon.

Para namang nahypnotize ni Clef si Pia at nakangiti lang itong tumango sa kanya. Kumaway sa amin si Pia at pagkatapos nuon ay umalis na siya sa visual room, kaya kaming tatlo nalanh ang nandito.

"Wow! Chix nanaman Clef" hindi ko alam kung pinupuri ba o inaasar nitong si Dwaine si Clef. Did Searcy knows about this? Napailig nalang ako dahil sa pangaasar ni Dwaine.

Boys will always be boys. Pare-parehas. Dapat ay hindi na ako nagtataka duon.

"Why are you finding me?" napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang tanong ni Clef. Tumahimik na rin si Dwaine sa pagdadaldal niya.

Ngumuso lang ako sa kanya. I am not good at this things. Never akong naging malambot sa ibang tao, ni hindi pa nga ata ako nakikitang umiiyak nila Lance o Chriselle. I dont want to let my guard down dahil hindi ko naman sila itinuturing na mga kaibigan.

Napataas lang siya ng kilay sa akin kasabay ng pagkunot ng kilay niya, "I want to visit Hilton. Can you tell me where is he?" dire-diretso kong sabi sa kanya.

Hindi ko na inisip kung anong iisipin nila sa akin, ang mahalaga mabisita ko si Hilton para mawala ang guilt na nararamdaman ko.

Tumitig sa akin si Clef then after some seconds he slowly curved his lips into smile. I suddenly frozed with that view. It's a genuine smile not a smirk he gave me when we're on the Fola theater then I felt my heartbeat beats fast.

Ano nanaman ba 'tong nararamdam ko? Bakit ba sa 'twing kasama ko ang creole ay sari-saring emosyon nalang ang nararamdaman ko na alam kong hindi ko naman nararamdaman dati. Bakit parang totoo 'yung sinabi ni Clef kagabi na I'm already involve with creole?

"We're going there. Sumabay ka nalang sa 'min" ani Clef bago kami lagpasan ni Dwaine.

"Sa 'kin kana sumabay. Hayaan mo sila ni Aldon ang masama sa sasakyan niya" narinig kong sabi ni Dwaine sabay kindat sa akin.

Hinawakan ko nalang ang dibdib ko at marahan iyong kinuskos para mawala ang pagpintig ng sobrang lakas, "May problema kaba sa puso, Ferm?" ani Dwaine habang may kakaibang ngiti sa labi niya.

Inirapan ko lang siya at sinundan na si Clef sa labas. Narinig ko uli ang pagtawa niya sa akin. Bwisit na Dwaine 'yon!

Tahimik lang ang naging byahe papunta sa ospital. Nuong nakita ng guard na sa sasakyan ako ni Dwaine nakasakay ay hindi na kami hinarang pa. Wala akong ginawa kundi pagmasdan ang nadadaanan namin, kumukulimlim na at alam kong malapit ng umulan. Papasok na rin kasi ang buwan ng tagulan ngayon.

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Dwaine sa tabi ko, "Are you really not attracted to Hilton?" sinulyapan ko siya at nakatitig lang siya sa daanan habang nagmamaneho.

Hindi ako sumagot sa tanong niya kahit na gusto kong ikwento ang nangyari kagabi. Ang ginawa kong pagpraprangka sa kaibigan niya. Pinili kong titigan nalang ang nasa labas.

"Nakipagaway kasi siya kagabi kay Inesia. Nagagalit siya dahil pinaalis ka ni Inesia nuong isang gabi sa arena. Palagi namang kaaway ni Hilton si Inesia dahil palagi siyang happy go lucky and well pabaya" natawa pa siya pagkasabi niya nuon, "Pero medyo matindi lang talaga 'yung kagabi. Nagwalk-out kasi si Hilton at isinama pa si Clef. Dumating nalang sila sa condo na lasing. Hilton is allergic to alcohol kaya ayun at nadala sa ospital nitong umaga" pagkwekwento niya.

Malalalim ang bawat paghinga ko habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Dwaine sa akin. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin pero nanatili akong walang kibo. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko. Should I act like a guilty woman? Mas gugustuhin kong kimkimin nalang ang nararamdaman ko.

Guiltyng-guitly ako. Gusto kong murahin si Hilton dahil alam niya namang allergic siya sa alcohol pero uminom pa rin siya. Gusto ko siyang pagalitan dahil inaway niya pa talaga 'yung manager nila para sa akin. I don't deserve those? Saglit palang kaming magkakilala ni Hilton. His feeling shouldn't be deeper from having a crush.

Narinig ko uli ang tawa ni Dwaine kaya napatingin uli ako sa kanya, "Loosen up Ferm. I'm not gonna hurt you in any ways" aniya habang nakangiti.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagsimangot. Alam ko naman nagtatayo ako ng malaking harang sa paligid ko para walang kahit na sinong makapasok duon. Sa ganitong panahon, si Lance lang ang palagi kong kinakausap, si Chriselle naman ang sunod kong hahanapin para patawanin ako pero paano ngayong wala sila sa tabi ko?

I sighed deeply, "I said harsh words to Hilton last night" muli akong nagbuntong-hininga. Tuwid kong pinagmasdan ang daan sa harapan ko, "Nagpunta sila ni Clef sa dorm, he's saying sorry pero sinabihan ko siyang tantanan niya ako dahil never akong magkakagusto sa kanya" I finally told him.

Napangiwi siya dahil sa kwinento ko, "That's bad" kumento niya.

"I know. That's why I felt so guilty nung nalaman kong nasa ospital siya"

"But do you like Hilton?" kinunutan ko lang siya ng noo dahil duon. Hindi paba obvious na hindi ko siya gusto? Para ngang binusted ko na siya kagabi.

"How about Clef? Are you not attracted to him?"

Nanlaki ang mata ko ng sinabi niya iyon, "Paanong nasali sa usapan si Clef?"

Natawa naman siya, "I'm not yet done. I'm still going to ask kung attracted kaba sakin o kay Aldon" aniya habang humahalakhak. Napairap nalang ako dahil puro kalokohan nanaman ang sinasabi niya. Ano pa nga bang maasahan ko kay Dwaine, siguro bagay nga talaga sila ni Chriselle. I can imagine them both together. Siguro ay magigin masaya ang future nilang pamilya. Hay, ano nanamam ba 'tong napasok sa isip ko?

"Pero seriously Fermatta. Hilton and Clef are bestfriends simula pa nuong mga first years kami, kung may hindk man mapaghihiwalay sa 'min 'yun ay ang dalawa"

"So?" nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya sa akin ng mapait, "I don't want you to get attracted to Clef. It will hurt Hilton's ego.. a lot"

Nakarating kami sa ospital ni Dwaine pagkatapos ng halos isang oras na byahe medyo traffic kasi. Sa backdoor kami dumaan dahil maraming tao sa main door at baka kami kuyugin dahil sikat nga pala siyang tao.

Agad kaming sumakay sa elevator at pinindot niya ang 5th floor, aniya nasa private floor si Hilton kung saan mga kilalang tao din ang mga nasa kwarto duon.

Paglabas namin sa elevator ay agad na naglakad si Dwaine pakanan, sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam kung saan ang kwarto ni Hilton.

Tumigil siya sa pinakadulong kwarto at nakita ko na ang plaka na nakalagay sa labas nuon.

Rm 510
Isaac Hilton Reyes
Dr. Camallo

May Isaac pa pala siya sa pangalan. Akala ko ay Hilton lang talaga. Binuksan ni Dwaine ang pinto at agad na sumalubong sa akin ang tawanan duon, kitang-kita ko ang paghagalpak ni Hilton sa tawa habang nakaupo siya sa hospital bed. Lumingon siya sa amin at nawala ang masaya niyang mukha ng makita niya ako.

Pinilit kong hindi magpakita ng anumang reaksyon kahit na may kakaiba akong naramdaman sa kalooban ko. Tumahimik na rin 'yung ibang nasa loob na si Aldon pala at Clef.

"Sa labas lang kami, Hilton" ani Dwaine na nasa tabi ko.

Bahagya naman siyang ngumiti at tumango dito. Lumabas si Dwaine at agad na sumunod si Aldon at Clef sa kanya. Nang makalabas sila sa kwarto ay parang gusto kong bumalik nalang sila sa loob dahil sa sobrang awkward ng pakiramdam ko.

Nakatingin lang si Hilton sa akin at ako naman ay nakatayo lang duon. Where's my tongue now?

Itinagilid niya ang kanyang ulo. That familiar move, "Bakit ka nandito? Diba may pasok kayo?" mahina niyang tanong sa 'kin.

Kung siguro natural na Hilton ang kaharap ko ngayon ay susugurin niya na ako at lalapita pero iba na ngayon. Umiling ako sa kanya, "Excuse ako" matipid kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin pero alam ko namang hindi 'yon umabot sa tenga niya, "You're visiting me? That's new. I'm glad you're here" aniya pero hindi ko naman nakikitang masaya siya ngayng nandito ako sa harapan niya.

Knowing na naginom siya kagabi ay sigurado akong naapektuhan talaga siya sa ginawa ko. Hindi ba't bawal sa singers ang uminom? Bakit ginawa niya pa? Para lang sa akin?

Naipikit ko ang mga mata ko. I gathered all the courage I have and said those words, "I'm here to say sorry" ani ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Agad na lumalam ito. Pain and sadness is written all over his face, "It's okay, Ferm. Totoo naman kasi 'yung mga sinabi mo sa akin. Binusted mo ako kagabi" aniya sabay tawa kahit na wala namang nakakatawa sa sinasabi niya. Dang!

Pagkatapos nuon ay sumeryoso uli ang mukha niya, "Akala ko kasi tulad ka ng ibang

You are reading the story above: TeenFic.Net