♬ 1

Background color
Font
Font size
Line height

♬ One

Cecilian Arts School

Annual Music Fest

Audition for performers are scheduled on 24th, 25th and 26th day of June year 2015. Students are encourage to join. Students who will pass the audition will have extra points to their major subjects and will automatically advance their school levels. Please look for Mr. Bracelli for more information.

Auditions are for:

1. Dancers

2. Singers

3. Intrumentalists

"Omg! Ito na ang pinakaiintay na'tin Ferm!" ani Chriselle habang nakatutok ang mga mata niya sa kanyang laptop. She's sitting on her study table habang nasa tabi niya ang tambak na school papers na kailangan niyang tapusin sa linggong 'to.

Imbis na sagutin ko siya eh kinuha ko ang libro na nasa kama ko at prente akong humiga duon.

"Don't tell me alam mo na ang tungkol dito?" tanong niya nuong hindi ko siya pinansin, "Nabasa mo na ito? Bakit hindi mo sinasabi sa 'kin?" maktol niya.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa kakulitan niya. Ibinaba ko ang librong hawak ko at sinimangutan ko siya, "'Cause I know you'll also receive an email about it. Taon-taon naman ganon ang nangyayari, hindi kapa nasanay"

"Yeap! At magauaudition ulit ako!" masaya niyang sabi sabay harap duon sa laptop niya at type ng tingin ko ay application form para sa audition na sinasabi niya. Parang last year lang ay ganito din ang nangyari, nagaudition siya at ang kinalabasan ay ang isang linggo niyang pagmumukmok dahil hindi siya nakapasa duon.

Napailing nalang ako at tumayo sa kama ko. I grabbed my purse and my Lee jacket. Dirediretso akong naglakad palabas ng kwarto namin ni Chriselle pero bago ko pa maisara ang pinto eh narinig ko ang boses niya.

"Ikaw? Hindi kaba maga-audition? Malay mo palarin ka?"

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Palarin. In this world there is no word such as luck. Hindi ko na siya sinagot at isinara ko na lamang ang pinto ng kwarto. Inilagay ko sa aking ulo ang hood ng jacket ko at nakatungo akong naglakad sa pasilyo ng dormitory namin. Maraming pakalat-kalat duon na mga babaeng schoolmate ko, ang ilan ay nagkwe-kwentuhan ang ilan naman ay nakatambay lang sa gilid. Nonetheless wala rin naman akong pakialam kasi hindi naman kami ganoong close. Ang totoo wala naman talaga akong close sa school na 'to kundi si Chriselle, si Mr. Bracelli at si Lance. Sa kanila lang ako may pakialam at syempre sa mga grades ko.

Pagkalabas ko ng dormitory namin ay agad kong inilabas ang cellphone ko. I dialed Dad's number. It's been 4 weeks simula ng huli ko siyang nakausap dahil sa pagpasok ko dito. Nasa kalagitnaan ako ng pagta-tayp ng number sa phone ko ng biglang may bumangga sa braso ko dahilan para mahulog ang Iphone ko at mabasag ang screen nuon.

"Shit" mura ko sabay pulot duon sa cellphone kong basag na basag na ang screen. Triny kong buksan iyon at thank God gumagana pa naman iyon but damn halos wala akong makita sa screen dahil sa pagkabasag nuon.

Agad akong tumingala para tignan ang bumangga sa 'kin ang there I saw a guy na gulo-gulo ang buhok. Hindi naman gaanong kahabaan iyon pero alam kong gulo iyon dahil sa bangs niyang hindi ko alam kung saan ba nakapaling. Nakahood din siya at nakalagay sa bulsa ng jacket niya ang kanyang dalawang kamay. Mukha rin siyang gulat dahil sa pagkabasag ng phone ko at gusto ko nalang siyang sungalngalin ng hawak kong sirang cellphone dahil wala man lang siyang ginagawa duon.

Sa sobrang asar ko eh malakas kong nilagay sa dibdib niya ang cellphone kong may crack na ang screen.

Napadaing siya dahil sa ginawa ko, "Pay me" anas ko sa kanya.

Hindi pa siya nakakarecover duon sa ginawa ko. Maya maya lang eh nakita ko agad ang pagsalubong ng kanyang mga kilay, "What? Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang cellphone ko. Bayaran mo ako" dire-diretso kong sabi.

I don't know this guy. Parang hindi ko pa siya nakikita nuon. New student? Or probably has lower level than mine.

Nagulat ako nuong kinuha niya 'yung cellphone kong nakadikit parin sa dibdib niya. Nakita kong may kinuha siyang cellphone sa bulsa niya na katulad ng akin. Parehas kami ng model ng Iphone? Napanganga ako nuong tinanggal niya ang case ng Iphone ko. Aalma sana ako pero nagawa niya ng tanggalin ang sim at mabilis na pinagpalit ang sim namin.

Nang matapos niya ang ginagawa niya ay tinignan niya lang ako na parang walang anumang nangyari at inabot ang cellphone niya sa akin.

"I bought this last week. I think this is not a bad payment for the phone I broke" matigas niyang ingles bago ako iwan duon na laglag ang panga. Hindi ko inaasahan na pagpapalitin niya ang phone namin. Yea, inaasahan kong babayaran niya ako dahil sure thing mapera iyon, lahat naman ng nagaaral sa Cecilian ay mapera pero hindi ko alam na 'yon ang gagawin niya. Who's that guy?

Binuksan ko agad ang phone na ibinigay niya sa akin. It's still the same Iphone like mine. Mabuti nalang at sa sim card ako nagsasave ng contacts. Binuksan ko ang message nuon at wala ni isang text mula sa kung sino. Dumako ako duon sa gallery niya. Puro pictures lamang iyon ng sikat na banda, maybe he's on music department.

Tinignan ko ang music duon at nakita kong puro kanta iyon ng iisang banda.

Creole of Note

'Yan 'yung pangalan ng banda. Ni hindi ko alam kung nageexist ba 'yung bandang 'yun sa Pilipinas. Hindi naman kasi ako fan ng acoustic o rock music or maybe they are not just popular. Hays. Hinayaan ko nalang iyon at tinawagan ko na talaga si Dad. I have my new phone that's the most important right now.

Nang sumunod na araw ay naging busy na ang buong Cecilian Arts School. Halos lahat ay makikita mong may hawak ng libro ang iba naman ay todo practice sa mga music studio at dance studio sa school para sa nalalapit na music fest habang ako ay palagi lang nandito sa canteen at kuntentong kumakain ng strawberry yogurt ko.

"Hindi mo pa rin natatapos 'yang librong 'yan?" narinig kong sabi nuong lalaking umupo sa harapan ng mesa ko. Dito kami nakaupo sa gilid ng bintana sa canteen kung saan matatanaw mo ang Fola Theater kung saan ginaganap ang mga recital sa school.

Inirapan ko lang siya dahil sa pagpuna nanaman niya sa ginagawa ko, "Nagaral muna ako kaya ngayon ko lang tinuloy ang pagbabasa nito" sabi ko sa kanya.

Inagaw naman niya sa akin ang librong kanina ko pa binabasa.

"Lance!"

"You should be praticing. Gayanin mo si Chriselle" aniya habang binubuklat ang Safe Haven. What's the problem of this guy?

"Ikaw ang dapat magpractice dahil ikaw naman ang may interes na tumaas ang level" anas ko.

Napatawa naman siya dahil sa akin, "I'm on level D Ferm. Kapag naglevel E ako eh siguradong next year ay gragraduate na ako"

"So?"

"Hindi ko pa gustong grumaduate" matipid niyang sagot habang nakangiti siya sa akin. I don't know what's with his smile that keeps me feel so uneasy. Kapag ngingiti kasi siya ng ganyan ay parang may iniiisip siyang kakaiba. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niya pang grumaduate. Ang totoo ay 2 years ahead siya sa akin pero hanggang ngayon ay nasa level D parin siya. Hindi naman siya ganon kabobo sa academics at sigurado akong nageexcel naman siya sa dance department dahil last year eh natanggap siya sa music fest na dahilan kung bakit naging level D siya ngayon.

Narinig kong umingay ang buong canteen. Tinignan ko ang pintuan at nakita kong pumasok si Searcy at Blaire kasama ang mga kabarkada nila. Nagsinghapan sila nuong inikot ni Searcy ang paningin niya, tulad ng dati eh duon sila sa gitnang table nakaupo kung saan lagi silang center of attraction.

Searcy is from music department samantalang si Blaire naman ay galing sa dance department. Sila ang dalawang nangunguna sa dalawang department. Parehas silang fourth year na at nasa level E kaya sigurado akong this year ay gragraduate na sila. Parehas din silang sikat dito sa school, 'yung tipong lahat ay mangingilag sa kanilang dalawa. They have few projects outside the school. The perks of being on the top of the list.

Cecilian Arts School.

This school is way different from other colleges or highschools you knew. This is a performer school. Conservatory of music. Dance academy at kung ano pang gusto mong itawag dito na related sa arts. Halos lahat ng artista, singer, composer at dancer sa bansa ay dito nanggaling. Marami ring foreigner dito na gustong makaapak sa showbusiness kaya napili nilang dito magaral. This is a well-known academy para sa mga gustong magperform. Dito ay trinatrain kami at kung gusto naming sumikat ay dapat makinig kami sa lahat ng ituturo sa school na 'to.

It has two departments.

Dance and Music.

Sa dance ay may iba't-ibang genre ang tinuturo samantalang may dalawang parte naman ang music. Ang isa ay ang para sa mga singer at ang isa ay para sa mga instrumentalist. Tulad ng sa highschool ay may apat na year ka ding igugugol sa pagaaral dito ang kaibahan lang siguro ay hindi ka maaring grumaduate sa school na 'to hangga't hindi ka nagiging level E.

This school also follows ranking according to their academic, values attributes at syempre ang kagalingan mo sa department mo. First year are entitled to level A for passing the entrance exam and auditions para makapasok sa school. For the next years ay bahala na ang bawat estudyanteng gumawa ng paraan para tumaas ang level nila.

Tumataas ang level depende sa improvement mo sa department na kinuha mo kung hindi naman ay kahit abutin kapa ng sampung taon dito sa Cecilian ay hindi ka gragraduate at ang last resort mo ay ang umalis nalang dito at magsimula ng ibang buhay sa labas ng school.

That's why luck is not a mere word in this world we're existing. What we need is talent and hard work. Onti lang ang sumisikat that's the sad truth that every student here should accept.

But my story is real diffirent from them. They wanted fame and I am okay with being average.

The real score here is I don't really want to study here.

"Hoy! Tulala ka ah!" pangiistorbo ni Lance sa pagmumuni ko nakatikim tuloy siya ng irap mula sa akin. Tulad nalang ngayon, everyone is busy rehearsing para sa audition na sinasabi nila samantalang ako ay busy sa pagbabasa ng libro ni Nicholas Sparks.

Hindi naman kasi big deal sa akin ang Annual Music Fest.

Kapag kasi nakapasok ka sa performer's list ng music fest ay siguradong tataas ng isang level ang ranking mo. Sa akin naman ay wala akong problema. Third year ako ngayon at nasa level C. Sa pagkakatanda ko ay umaakyat lang ang level ko dahil sa kakaperfect ko ng exam, not so bad dahil atleast tumataas ang ranking ko ng wala man lang akong ginagawa.

"Bakit kasi ayaw mong sumali? Sigurado naman akong makakapasok ka. Tugtugin mo 'yung kantang kinompose mo nuong isang linggo" tuloy-tuloy niyang sabi.

Gusto ko nalang plasteran ang madaldal na bibig ni Lance. Ito ang ayaw ko sa kanila ni Chriselle dahil may pagkaparehas sila ng ugali. Parehas nila akong pinipilit sa mga bagay na ayaw ko, well halos lahat naman sila ay ganoon even my family do that to me.

"Bakit ba gusto mong tumaas ang level ko? Makukuha ko rin naman 'yun by the end of the year" iritable kong sabi sa kanya.

"Para maging magkalevel na tayo at sabay tayong makagraduate" aniya sa mahinang boses na narinig ko parin. Sinimangutan ko lang siya dahil sa pagiging childish niya, dapat ay nuon pa talaga grumaduate ang isang 'to hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon ay pinapatagal niya pa rin ito.

Buong lunch ay nakinig lang ako sa kakakwento ni Lance ng kung anu-ano tumigil na rin siya sa pagpupumilit na magaudition ako para sa annual music fest na iyon. Siguro ay napagtanto niyang hindi naman talaga ako papayag na sumali duon dahil ayoko naman talagang magperform sa harap ng maraming tao.

Sabay kaming pumasok sa afternoon class dahil parehas kaming may subject na Humanities. Halos makatulog ako sa pagdidiscuss ng professor namin dahil sa sobrang boring niyang magdiscuss kaya't nagsulat-sulat nalang ako ng kung anu-ano sa notebook ko. Tulad ng dati eh duon parin ako nakaupo sa gilid ng bintana kung saan tanaw na tanaw ko ang labas ng building namin.

I looked outside, this is well a natural monday afternoon. Kakatapos lang ng summer at sobrang init parin sa labas. Nagpangalumbaba pa ako habang tinitignan ko ang labas ng may makita akong dalawang pares na nasa may garden ng school. Ang alam ko ay pinagbabawalang pumunta sa garden na iyon dahil iyon daw ay pinagawa nuong mga dating estudyante dito at prinepreserve nila ang kung ano mang bulaklak ang nanduon.

The girl is wearing the same uniform as mine, at 'yung lalaki naman ay nakajacket at nakasaklob ang hood sa kanyang ulo. THe guy seems so familiar to me. Parang nagkita na kami nuon. Nagulat ako ng mapatingin sa direksyon ko ang lalaki at tinignan niya ako mula sa baba dahil nasa second floor ako ng building.

He's just eeyeing me at hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yung nakita ko nuong isang araw, 'yung nakasira ng phone ko.

Tumingin din sa akin 'yung babaeng kasama niya at hindi ako makapaniwalang si Searcy iyon.

Magkasama sila sa garden? Eh ano naman ngayon as if may pakialam ako sa kanila.

"Ms. Rivera! Are you listening!" kulang nalang ay mapalundag ako sa kinauupuan ko ng sumigaw ang prof ko sa akin. Napatingin agad ako sa kanya at nakataas na ang kilay niya sa akin. Goodness, I was listeing to her awhile ago talaga lang nakakabagot siyang pakinggan.

"Answer this on board" kulang nalang ay maglabas siya ng apoy sa ilong dahi sa galit niya sakin kaya agad akong tumayo sa upuan ko, narinig ko pa ang mahinang tawa ni Lance sa akin. Pinandilatan ko tuloy siya ng mata bago tuluyang pumunta sa harapan ng klase. I answered all the question so easily. Pasalamat ako't pinanganak ako ng nanay at tatay ko na natural ng matalino.

Napaismid lang 'yung professor ko nung nakita niyang tama ang sagot ko. Agad akong umupo duon sa upuan ko at binalik ang tingin ko sa garden pero wala na akong nakita ni anino nilang dalawa. Weird.

Kinagabihan ay nagkulong lang ako sa dorm dahil wala naman akong gagawin sa school. Hindi katulad ng iba eh wala talaga akong isnalihan na club Dagdag lang kasi sa gawain iyon imbes na natutulog naang ako ay baka busy pa ako sa pagaasikaso ng kung anu-ano kaya huwag nalang.

Nakuntento nalang ako sa panunuod ng pelikulang The Vow sa laptop ko habang nakahiga sa kama ko. Nasa kalagitnaan na ako ng panunuod ng marinig ko ang pagring ng cellphone ko. I searched it under my blanket to found out that Dad's calling. I immediately answered it habang hinihinaan ang speaker sa laptop ko.

"Honey" anas niya sa kabilang linya. I immediately smiled. I really miss my Dad kung may isa mang taong pinakaimportante sa buhay ko ay iyon ang tatay ko.

"Yes Dad? Kamusta?" I happily greeted him sabay tihaya sa kama ko.

I heard nothing from my Dad after I ask him that kaya kinabahan na ako, "May nangyari ba?"

"Wala naman anak. It's just that your Mom flew to Mexico para sa concert niya" napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Same old issue. Tumatawag lang naman sa akin si Daddy ng ganito kapag umaalis si Mommy para sa mga concert niya sa ibang bansa. Maybe he misses my mom so much dagdag pa na nandito ako sa Cecilian at hindi ko man lang siya makasama sa bahay namin.

"When will she come back?" I ask in a plainly.

"I don't know. Maybe for two months again" malungkot na sabi ni daddy.

Sa totoo lang ay naawa ako sa tatay ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort sa panahong ganito. My Dad is a businessman, sikat ang kompanya namin na nageexport ng chocolate samantalang si mommy naman ay isang batikang singer. Kahit na nasa early 40's siya ay sikat na sikat pa rin siya. Busy palagi si mommy dahil sa mga show at concert niya halos kalimutan niya na kami dahil sa pagkaworkaholic niya kaya lumaki akong mas kaclose si papa pero ang hindi ko matanggap ay ang pagpapadala niya sa akin sa school na 'to. She wanted me to become like her kahit na hindi ko naman talaga gustong maging katulad niya.

"You want me to go home this weekend?" alok ko sa kanya.

"Please honey" I smiled and nodded kahit na hindi naman ako nakikita ni daddy.

"Okay. I'll be there"

"Thank you anak. By the way your mom told me about your annual music fest. Inaasahan niya daw na makakapasok ka duon"

I groaned when I heard him say that, "Dadddy! Alam mo namang hindi ako magaaudition duon" hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni dad na wala talaga akong hilig sa pagpeperform na 'yan.

"I'm just saying anak. Baka sakaling gusto mong magbago ang isip mo para maging masaya ang... "

"I get it dad pero hindi ako magaaudition. Sige byebye na. I'll hung up the phone. See you! Take care! I love you!" hindi ko na siya pinagsalita pa at pinatay ko na ang tawag niya.

I know it's rude pero hindi ko na gustong marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin dahil sigurado akong tungkol nanaman 'yon sa mga expectations ni mommy sa akin na never ko namang maaabot dahil hindi ko naman siya katulad.

Nilaksan ko nalang uli ang laptop ko at pinagpatuloy ang panunuod ng The Vow. Nadatnan ako ni Chriselle na ganoon. She looks tired though siguro dahil sa walang humpay na pagprapractice niya.

"Are you done with your routine?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa screen ng laptop ko.

Narinig ko ang paglundo ng kama niya kasabay ng pagtilapon ng kanyang sapatos sa kung saan, "Not yet but I'm getting there" aniya. Maya-maya lang ay narinig ko na ang paghilik niya. I bet she's really tired. Ikaw ba naman ang magballet simula umaga hanggang gabi.

Nang matapos ang pelikulang pinapanuod ko eh naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas. Dinala ko ang notebook na palagi kong dala sa 'twing naiisipan kong magpahangin. Tulad nuon ay sinuot ko ulit ang Lee jacket kong may hood. Tahimik na sa buong girl's dorm dahil magaalas dyies na rin ng gabi. Wala namang curfew ang dorm dahil kadalasan ay gabi natatapos ang rehearsals ng mga estudyante lalo kapag may presentation na magaganap.

Nasa lobby na ako ng dorm ng makasalubong ko si Searcy. Naalala ko 'yung kaninang nakita ko sa garden.

Nakatingin siya sa akin habang magkasalubong kami, hindi ko nalang siya tinignan para iparating sa kanyang wala naman akong pakialam sa kung ano mang business meron siya at nung lalaking kasama niya kanina. Tulad ng sinabi ko kanina eh kay Chriselle, Lance at Mr. Bracelli lang naman ako may pakialam sa school na ito.

Nang makarating ako sa labas ng dormitory eh agad kong nalanghap ang malamig na hanging hatid ng gabi. Tahimik sa paligid at walang bakas ng istorbo akong nakikita. Ito ang gusto ko kaya gusto kong lumalabas ako sa gabi. Nagiging payapa ako.

Nakita ko ang bench na palagi kong inuupuan sa labas lang ng girls dorm. Naglakad ako papunta duon pero nagulat nalang ako ng may biglang humila sa kamay ko.

Sisigaw na sana ako kung hindi ko lang nakilala kung sino iyong lapastangang humili sa jacket ko.

"Ano bang ginagawa mo!" asik ko sa kanya pero imbis na bitawan niya ako eh hinigpitan niya pa lalo ang kapit niya sa jacket ko.

Damn. May jacket din naman siya ah? Bakit hindi iyon ang hilahin niya? At bakit kailangan niya akong harrasin ngayon?

"Kung tingin mo ibabalik ko 'yung cellphone na binigay mo sa akin nung isang araw. No way. Akin na 'yon, sinira mo 'yung

You are reading the story above: TeenFic.Net