Fall Chapter 9

Background color
Font
Font size
Line height

Ps. dedicated po to sa mga taong akala nila tama ang mga nagiging desisyon nila na pinagsisihan sa huli, lagi nyong iisipin ang kahihinatnan ng bawat kilos, salita at desisyon, isipin nyo kung makakasakit ba kayo sa kahit anong paraan ay dapat syembre wag na lang bye:)


********


Kinuha ko ang laptop ko sa sasakyan bago bumalik ako sa café para doon magpalipas ng oras and also to work. Wala akong balak na umuwi ngayong gabi sa bahay na yun. Sobrang nagugulohan ako sa mga nangyari ngayon. Si Mama, may high blood pressure siya at lumaki ako na lagi siyang sinusunod, hindi ko kaya na suwayin siya ngayon. Magulang ko pa rin siya.

Nang makapasok ako sa cafe ay wala na si Jana. Mukang bumalik na ito sa trabago. Good thing dahil wala rin akong oras sagutin ang mga tanong niya. Pumeweto ako sa pinakatago, sa loob ng cafe. I search the enchanting word na tanging sumaksak sa utak ko nang oras na iyon, Esposa.

LUMIPAS ang buong maghapon na nasa loob lang ako ng cafe. Gabi na and almost nine-thirty na ng gabi. Mabuti na lang at twenty-four-hours na bukas ang cafe ni Jana kaya dito ko naisipang magpapalipas ng gabi.

Kanina ay sinubukan ko I-search ang kahulugan ng Esposa pero hindi pumapasok sa akin ang nakukuha kong sagot kaya naman mas pinili ko munang tapusin ang trabaho ko. Ngayon ay baka maging maayos na ang takbo ng isip ko so I decided to search again the word that I remembered what the man said earlier. I typed Esposa means in google.

Pinagpapawisan ako habang hinihintay ko na lumabas ang kahulugan ng mga engkantasyon na iyon. I have idea pero gusto ko iyong sigurado

"English translation of esposa. Spouse, wife feminine husband masculine. Los esposos, the couple," I read the article.

Naguguluhan pa rin ako. Walang pumapasok sa isip ko. Gulong-gulo na ako. Bakit sasabihin niya ang word na wife? Sandali, kabit ba siya ni Mama? Na naman?

Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa naisip ko. Hindi naman siguro papatol si Mama sa mas bata sa kaniya. Baka naman anak niya ang lalaki yun. Hindi kaya, kapatid ko siya? Wife ng daddy niya si Mama?

"Argh, ano ba!"

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at nagsimulang mag-tantrums. I feel so frustrated and weak at the same time. After a minute, I tried to relax, I exhale and inhale to calm myself before I face my laptop. I scrolled the page. Mayroong mga ilang katanungan that also related to the topic that I was searching. I clicked the first one and read.

"What's the difference between Esposo and marido? I once read that in some countries the word marido does not necessarily mean you are married to the person. It is a word used for someone you are living with. Esposo always mean legal spouse. A priest then asked were they married legally and in the church and she said no."

Binasa ko ito ng mabuti at habang binabasa ay pilit kong pinapaintindi sa sarili ang kahulungan niyon. I'm sure tama ang pagkakaintindi ko. Hindi naman ako kamangmang sa english, pero ngayon parang tinalo pa ako ng mga bata.

He said esposa to me?! I'm legally married to him? What? What the heck is happening?

Nagmumuka na akong baliw sa ginagawa ko. I still can feel the gaze of my bodyguards, I know they are just here. I started to recall of what happened a while ago

"Tell me ikaw yun diba?!"

"Sotto esposo, maria."

Sotto esposo raw?! At sinong maria? Hindi ako si Maria? Asawa siya ni Maria makiling? Tama ba ang pagkakaalala ko?

Argh, memory gap. Hindi malinaw sa akin ang sinabi niya dahil ang lalim ng accent niya para bang matagal na siyang nagsasalita ng lenggwahe na yun. Ang malas ko. Bakit sunod-sunod kamalasan ko ngayon?

I should stop from thinking before it's make me crazy. I looked at my laptop and click another question.

"What is the meaning of esposo? Technically esposo means spouse, but it is also used to mean husband. However, los esposos is used to mean husband and wife, rather than say esposo y esposa."

Noong una ang pumapasok sa isip ko ay may anak si Mama sa labas. Baka kaya nasa bahay ako para makaroon kami ng pagkakataon na magkasundo. Lagi itong nasa kuwarto niya, mailap ito sakin. Iniisip ko tuloy na baka iniisip niya na ayawan ko sa kaniya dahil anak siya ni Mama iba. Tanggap ko siya kaya sana kung totoo na kapatid ko siya ay maging maayos na ang relasyon namin.

Before, Mama had an affair to his brother in law. Half-brother ni Daddy. Maliit pa kami nang mga panahon na iyon at ilang years din na nasa ibang bansa si Dad. Walang idea si Dad sa ginawang kataksilan ni Mama. When I was 7 years old, at the day of my birthday, Daddy's half-brother came to join in the party and my Mom was there showing her big stomach because of pregnancy. Si Skyre ang batang pinagbubuntis ni Mom at hindi ako sigurado kung nabustis ulit siya dahil lumaki na ako sa puder ng mga taong pinagkakautangan ni Mama. Nagtagal din ang relasyon nila ni Tito.

"Heaven, ayaw mo ba talagang umuwi?!" pukaw sa akin ni Jana.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ito sa katapat kong upuan. Umiling ako bilang sagot at tumingin sa pinto ng cafe. Kaunti na lang ang tao sa cafe, mukang pauwi na rin si Jana dahil dala na niya ang bag niya. Nanatili akong nakatingin sa bintana at muling nahulog sa malalim na pagiisip.

"No, i don't want too," mabigat na sagot ko.

"At bakit? Huh?!"

"I just, don't want. Okay?"

"Ako pa talaga pinagtataguan mo e, kilala na kita."

"Ts... What now?!" I'm starting to get annoyed by her presence. I want to be alone, I want space, I feel suffocated when someone is near around.

"Fine, alam kong wala kang balak na sabihin sakin," she said surrendering and looking at me with her sad eyes.

"Buti alam mo," I said looked away. I can see her in my peripheral vision.

"Yeah, hilig mo kayang ikimkim 'yang mga nararamdaman mo. Hindi talaga nagsasabi kahit pilitin ka," she's sound down.

This is the reason why I don't like sharing my problems with others, I don't want to be burden to them. Besides I can manage and can take care of myself.

"Ts, umuwi ka na nga at gabi na, mapano ka pa sa daan," pagtatapos ko sa usapan.

"No! Paano ka?!" gulat na sabi niya.

"I'm not going anywhere, just here."

I looked at her with my serious face so she can breath and stop acting like a mother. The staring contest began. She's not giving up so I am. Minutes pass and she took a deep breath and suggested something.

"Come with me, sa bahay ka na matulog."

"No... ayoko. Sana kanina pa kita inaya pauwi sa inyo kung gusto ko sumama sayo," pagsusungit ko.

Not because I hate her it just I don't need anyone right now. I don't know but I have this personality that I always wanted to solved my problem on my own and I don't want anyone to get involved.

"Pero hindi ako matatahimik kung nandito ka! Ganito na lang, may party si Vein. Why don't you go there? Tapos the next morning sa bahay ka magpalipas ng umaga?" Nakangiting suwestiyon nito.

Napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Nawala sa isip ko. May despededa party si Vein. Magandang reason yun to go out tonight.

"Fine, magliligpit lang ako. Bago pumunta roon," napapagod na sagot ko, bago tumayo at nagligpit.

THE next morning ay six-thirty nang umaga ako ay nasa elevator na ako ng hotel. Sa rooftop ginanap ang party ni Vein. May mga hotel room na naka-check para sa amin. Good thing that I have a lot of friend in Vein circle of friends kaya hindi ako na-out of place.

Naglalakad ako palabas ng hotel nang may isang hotel staff ang maingay na sumisigaw at tinatawag ang isang pangalan. Hindi ako nag-abala na lumingon. Sigurado naman ako na hindi ako iyon.

"Mrs. Carreon!"

Patuloy lang ako sa paglakad nang biglang may humawak sa braso ko dahilan para gulat na mapalingon ako sa taong humawak sa braso ko. Hiningal na umayos nang tayo ang babae. Naka-hotel staff uniform ito, black skirt at white woman polo.

"Mrs. Carreon, good morning and welcome to Carreon Hotel. The whole team of Carreon hotel is looking for you, Madam." Nakangiting turan nito.

Naguguluhan at nagtatanong na tumingin ako sa kaniya. Kinakabahan ako bigla. Bakit nila ako hinahanap?

"May order po kasi si Boss na kapag nandito raw po kayo ay dapat asikasuhin kayo. Ang tagal na rin po simula ng pumunta kayo rito, kasama si Boss," nagtatampung sabi nito.

"A, wait, sandali. Nagkakamali ka. Hindi ako si Mrs. Carreon. Single ako, wala pa akong boyfriend at mas lalong wala akong asawa."

"Po? Imposible, Madam. Lagi po kayong nasa rooftop dati kasama si Boss Carreon. Saka kilala po kayo ng mga old staff ng hotel na 'to. Ito po kasi ang main branch ng Carreon hotel kaya madalas po kayo rito."

Sa muling pagkakataon ay tumutol ako sa sinabi niya. Kita sa muka niya na sigurado siya. Hindi siya nagsisinungaling. She seems nice and I think she wouldn't risk her job just to mock a customer.

"May pruweba ka ba na ako si Mrs. Carreon?"

"Abay, syempre po. Kilala rin po namin ang mother niyo si Madam V." Kinuha niya ang cellphone niya sa likod na bulsa ng skirt niya. May kinalikot siy sa cellphone niya bago hinarap sa akin. "Here po, ikaw po 'yan. Ito naman si Madama V." Sabay swipe sa screen.

Ako nga iyon at si Mama nga iyon. Napalunok at pinilit na kinalma ang sarili. Napaiwas ako nang tingin habang kinakapos ng hininga. Napalingon ako sa babae at saktong nakita ko ang nametag nito. She's Olivia. She asked if I am okay and I just nodded.

"May picture ka ba ni Carreon?"

"Ay ni Boss Cosmor po? Wala po e. Ito po kasi ay kailangan namin I-save 'to lalo na sa mga bago pa lang para makilala ka po namin sa muka. E si Boss Cosmor po ay laging pumupunta rito kaya naman kilala na siya ng lahat kahit ng mga bago."

"So, Cosmor Carreon ang pangalan niya? May social media ba siya?"

"Naku, Madam. Wala po, naka-deactive lahat. Saka kayo po ang asawa 'diba?"

Natigilan ako sa sinabi ni Olivia. Kailangan ko magpanggap. Ngumiti ako at tumangon.

"Oo, ako nga. Sorry, puyat kasi ako. Thank you for approaching me, Olivia. But I really need to go," nagmamadaling sabi ko at pinanatili ang ngiti sa labi.

When she bid goodbye ay agad akong umalis. Ito na ang sagot sa mga tanong ko pero parang may mali, parang may kulang pa rin. Walang sekretong hindi nabubunyag kahit anong tago mo nito. I will take a risk whatever it takes to know the truth.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang katawan lalo na ang kamay ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako ano mang oras. I'm having a panic attack but I need to relax, walang tutulong sa akin dito. Mag-isa lang ako. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat na tawagan ko dahil alam ko na maging si Jana ay may issue sa akin. Everyone is betraying me.

Dumiretso ako sa parking lot habang pilit na nilalabanan ang pangangatog ng tuhod. Agad na sumakay ako sa sasakyan at itinapon ang cellphone sa dashboard. Tanging cellphone at car key lang ang dala ko sa loob ng hotel. Kinalma ko ang sarili at sinusuntok ang dibdib ko para kumalma ang tibok ng puso ko. Palagi ko iyong ginagawa sa tuwing kinakabahan ko nagkaka-panic attack ako. Suddenly, my phone rang. Binuksan ko ang engine ng sasakyan habang sinasagot ang tawag.

"Heaven, where are you?" Jana asked worriedly.

"I'm fine. Papunta na ako diyan. Ibaba ko na." Pinatay ko ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot ni Jana.

While driving a lot of scenario cross in my mind. The scene where I saw a guy in the balcony, the scenery where I always saw him. You are my wife, legally. Napreno ko nang malakas ang sasakyan nang mag-echo sa isip ko ang boses ng lalaking nasa restroom sa bar na kasama ko, but this time what he said is more clearer. Sinabi niya iyon sa akin bago ako tuluyang makatulog.

Sa lakas at biglaang preno ko ay tumama ang ulo ko sa manibela. Kaniya-kaniyang busina ang naririnig ko. Nahihilo ako kaya hinayaan kong napatong ang ulo ko sa manibela.

Mas masakit pa 'ata ang nararamdaman ko emotionally kaysa sa physically. Ang lamig ng pakiramdam ko. Isa-isang nagbagsakan ang luha sa mga mata ko. Binenta ba ako ni Mama? Pinangbayad na naman ba niya ako? Hindi bilang katulong kundi bilang asawa? Anong klaseng ina ang magbe-benta sa anak niya? Ano ba ang iniisip ni Mama? Anak niya ba talaga ako?

Mas malinaw na sa akin ang lahat. Hindi pa rin nagbabago si Mama, muka pa rin siyang pera. It took me almost six month to know the truth just because I respect my mother decision. Buong akala ko ay kapatid ko ang lalaking iyon kaya niya ako inilipat sa bahay na iyon, at iyon din ang dahilan ko kung bakit gusto ko manatili sa mansiyon. He is not my brother, he is my husband.

You are reading the story above: TeenFic.Net