Fall Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

dedicated para sa mga taong curious cat hindi lahat ng sekreto eh kailang mong malaman minsan mas magandang manatiling sekreto na lang its either ikakapahamak mo o makakasakit

***********

Kinabukasan ay alas-kuwatro pa lang nang madaling araw ay gising na ako. Nasa loob ako ngayon ng kuwarto ko sa sala side ng kuwarto ko sa kaharap ang television. Madilim pa sa labas at sarado pa ang gate sa labas, maging ang ilaw sa buong mansiyon ay sarado pa.

Kagabi ko pa sinusubukan I-contact si Cyrene but still her phone is cannot be reach. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit. Nakaligo at nakabihis na ako, I'm ready to go pero I want to make sure kung nasaaan si Cyrene dahil baka mamaya ay wala ito sa bahay, nasayang lang punta ko.

Nakagat ko ang kuko ko habang nagpapabalik-balik sa paglalakad. Kailangan umalis na ako ngayon pero hindi pa gising sila Manang. Baka akalain na naman nila na tumakas ako. Baka this time ay maparusahan na ako. Isa pa ay walang tutulong sa akin na tumakas dahil kagabi ay sinubukan ko rin I-contact si Kuya Justine at Joshua pero parehas kay Cyrene ay cannot be reach din sila. Ano ba ang nangyayari sa tatlong yun? Pakiramdam ko ay pinagtataguan ako ng tatlo. Hindi nga kaya?

Inis na kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa. I dialed Cyrene's number again, but it is just keep on ringing. Nilagay ko iyon sa conference and I tried to dial Cyrene's, Kuya Justine's and Joshua's phone number. Pero wala pa rin. Naiinis na ako sa totoo lang, ngayon maiitindihan ko na baka tulog pa sila pero ang hindi nila pagsagot sa tawag ko kagabi ay hindi. Masama ang kutob ko rito.

Kinuha ko ang car key ko at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Hindi ko na kaya. Kailangan ko na silang makita. Sasabog na ang utak ko sa maraming tanong na gumugulo sa utak ko. Dumiretso ako sa maid's room kung saan natutulog ang mga kasama ko. Nasa first floor iyon sa tabi ng kitchen area pero sa labas ang pinto, kaya kailangan dumaan sa dining araw at dumaan sa pool side bago makapunta sa maid's room. Kaunting estorbo lang naman.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ay huminga muna ako nang malamin bago kumatok. Walang sumagot sa unang katok ko kaya kumatok ulit, this time ay tinatawag ko na si Manang. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago bumakas ang pinto. Bumungad sa akin ang inaantok na si Manang habang inaayos ang pagtali sa buhok. Nang matapos ito sa ginagawa ay takang tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Saan ang lakad mo, Heaven? Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw may lakad ka na?"

"Ahm, bibisitahin ko po ang kaibigan ko. Kagabi ko pa po kasi tinatawagan pero hindi po sumasagot. Nag-aalala lang ako. Puwede na po ba akong lumabas?"

"Ang aga pa, hindi ba puwede na mamaya na lamang. Mga ala-singko ay bubuksan ko na ang gate, saka ka na lamang umalis." Kunot-noong sagot nito.

Napatango habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Hindi na ako nagpaalam at basta na lamang umalis. Ilang minuto na lang din naman hihintayin ko na lang. Pinili kong sa sala na lamang mag-antay habang pinipilit na kontakin ulit nang tatlo. Padapa akong humiga ako sa sofa habang nakatutuko sa cellphone ko.

Problema noon, problema ngayon. Wala na bang katapusan. May pag-asa pa bang umayos ang buhay ko pati ang nag-I-isang business ko sa bantangas ay napapabayaan ko na.. Ilang buwan ko ng hindi nadadalaw ang resort ko sa batangas. Bawal kasi ako lumayo sabi ni Manang when I told her na pupunta ako ng resort. Alam niya pati ang tungkol doon.

BUMUKAS ang ilaw sa buong mansiyon na ikinabigla ko. Napabalikwas ako ng bangon. Hindi kasi ako nag-abala na buksan iyon kanina dahil hindi ko alam kung saan ang switch. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Manang na palabas ng dining area. Agad naman akong tumayo. Sa wakas makakaalis na rin. Lumapit si Manang sa gawi ko.

"Maghintay ka na sa labas, bubuksan ko na ang gate. Nandiyan na rin ang mga bodyguards," kalmadong sabi nito na walang kangiti-ngiti.

"Salamat po," tanging nasabi ko bago tumalikod at tumakbo palabas ng mansiyon.

Dumiretso ako sa parking area. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan kahit hindi pa ako sigurado kung bukas na ang gate. Marahan ko iyong pinatakbo hanggang sa makarating ako sa gate. Napangiti ako nang unti-unti ay bumukas ang gate. Cyrene, wait for me, wala ka ng takas sa akin ngayon.

Hindi na ako nag-abala na alamin kung nakasunod ba ang mga bodyguards. Nagmaneho na lamang ako at hindi na nagpaalam pa kay Manang. Nasa isang apartment nakatira si Cyrene at mag-isa lang sa apartment. Medyo malayo ang lugar kung saan nakatira si Cyrene kaya nang makarating ako ay maliwanag na ang langit.

Bumaba ako ng sasakyan at kumatok sa gate. Ang nasa harap ko ngayon ay isang may kalakihan na gate para sa tatlong building na puro apartment. Bumukas ang maliit na pinto sa gate, may guard na sumilip mula roon at tinanong kung sino ang kailangan ko. Sinabi ko naman ang pangalan ni Cyrene kaya agad akong pinapasok.

Umakyat ako hanggang third floor at bago nakarating sa harap ng apartment ni Cyrene. Nasa pinakadulo itong bahagi ng floor. May door bell doon kaya ginamit ko iyon. Ilang minuto ang lumipas pero walang Cyrene na lumabas. Malapit na mag-six ng umaga kaya sigurado ako na gising na iyon. Nag-door bell ulit ako this time ay sunod-sunod na. Iniinis niyo ko. Huminto ako at naghintay ng ilang segundo dahil baka lumabas na si Cyrene.

Nakailang minuto na ako ay wala pa rin. Naiinis na pinaglaruan ko ang door bell. Naiinis na tumigil ako at binuksan ang pinto. Parang gusto ko magmura nang bumukas ang pinto. Bukas lang pala siya all this time. Nawala ang inis ko at napalitan ng pagtataka. Baliw ang babaing yun, bakit niya iniwan na bukas ang pinto?

Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at pumasok. Maayos ang mga gamit, walang senyales na may pumasok. May isang kuwarto si Cyrene sa apartment, napansin ko na may nakabukas iyon kaya patakbo akong lumapit roon at binuksan ng tuluyan. Nakita ko si Cyrene nakahiga habang tulala sa kisame. Nag-aalalang lumapit ako rito at inayos ang buhok niya na gulo-gulo na, at ang ilan ay nasa muka na niya.

"Cyrene? Ayos ka lang ba? What happened? Cyrene?!" nanginginig ang boses ko habang tinatanong siya. "Anong nangyari?"

Tumingin sa akin ito sabay yakap sa akin ng mahigpit. I brows knitted sa sobrang pagtataka. Kumawala ito at ngumiti, ngiting parang natatawa sa nangyayari.

"Heaven, anong ginagawa mo here?" tanong nito habang nakatingin sa kisame, at may naglalarong ngiti sa labi.

"Tinatanong kita tapos sasagutin mo ng tanong. Syembre, pumunta ko dito dahil sayo. Ano ba ang nangyari sayo?"

"It's nothing naman. So, kamusta ka? Hindi na ako nag-call sayo yesterday kasi my head is still masakit, girl. But don't worry, wala namang bad na nangyari to me. Alam mo na, girl. I'm all fine," bumalik na ang sigla nito.

"E bakit daig mo pa ang nagahasa sa lagay mo?" Tumayo ako at umupo sa kama.

"Ayy gosh, girl. Grabe ka, hah. Why ka naman ganiyan? Medyo ouch lang sa head ko kasi I haven't taking a bath since kahapon, and gosh, even a gamot sa headache is hindi ko pa naiinom," maarteng sabi nito. "And I just miss my parents, kasi naman, when I was still with them, may nag-aalaga sa akin and now, I'm all alone here sa masikip at small na apartment." Umarte ito na parang naluluha.

"Hindi ko alam kung naluluha ka ba talaga o nag-I-inarte ka lang." Nakangiwing sabi ko.

"Aray, girl. Ang harsh mo naman."

"Anyway, umayos ka na diyan. Maligo ka na para makakain na tayo. Na-miss ko yung lugaw diyan sa tabi."

"Okay, here na. I'm going to ligo-ligo na."

NASA sala ako habang hinihintay si Cyrene na matapos maligo. Nasa labas kasi ng kuwarto niya ang bathroom sa tabi ng lababo slash kusina. Sakto lang sa limang tao ang apartment na 'to. May sala, kusina, kuwarto at bathroom. Agad na bubungad sayo ang sala pagkapasok mo, kusina na may harang na kurtina at sa tabi nito ay bathroom, sa tabi ng bathroom ay kuwarto.

Ilang oras pa ang hinintay ko bago lumabas si Cyrene sa bathroom. Napakatagal maligo ng babaing 'to. Inabot naman ng kalahating oras ang pagbibihis niya. Naiinip na ako. Mabuti na lang ay lumabas na ito. Naka-make up pa kahit kakain lang sa kanto ng lugaw. Napailing na lang ako sa ayos niya. Naka-sando ito na, sando na para sa workout, kulay pula iyon, sa ibaba ay naka-itim na sport short at puting rubber shoes.

"Saan ba lakad mo?" intriga ko.

"Well, workout. Para mawala ang hangover ko. Tara!"

Mamaya ko na lang sasabihin sa kaniya ang totoong pakay ko. Nauna akong lumabas dahil ni-lock niya ang apartment niya. Hinintay ko na siya sa labas ng gate. I was looking around to search for the bodyguards. Nakita ko sila hindi kalayuan sa kinatayuan ko. Lumabas si Cyrene at sumakay na kami sa sasakyan ko.

Ilang layo lang ang luwagan na tinutukoy ko mula sa apartment ni Cyrene. When we reach our destination ay si Cyrene ang nag-order. Para itong mini-karenderya, lugawan sa umaga, karenderya naman sa tanghali at gabi. Mabilis na dumating ang order namin dahil luto na ito at isasandok na lang.

"Oh, Cyrene. Kamusta? Sino ba iyong mga lalaki na pumunta sayo kagabi? Ang po-pogi kaso nakakatakot ang aura," turan ng ginang nang mailapag ang mangkok ng lugaw.

Takang napatingin ako sa kay Cyrene. Nakakatampo siya, may hindi siya sinasabi sa akin. May tinatago siya. Napalunok ito at kinakabahan na tumingin sa akin.

"Aling Merna, may customer po kayo," pag-iwas ni Cyrene sa usapan.

Naniwala naman ang Ginang at nagpaalam na aalis na. Nanatiling tahimik si Cyrene habang hinahalo ang lugaw niya. Inilapag ko ang kutsara at tinitigan siya. Naiilang siya kapag may nakatingin sa kaniya. Bakit kasi kailangan niya pa itago? Isa pa, akala ko ba kaibigan ko siya? E bakit parang may tinatago siya na may kinalaman sa akin?

"Puwede ba, Heaven. Stop na. Don't me, nakakairita hah," pagod at nauuyam na turan nito.

"Wala pa akong tinatanong, Cyrene. Pero hindi ko maintindihan kung bakit tinatago mo yun. Sino ang mga lalaking pumunta sa apartment mo kagabi? May fiance ka na hindi ba? Bakit ganito?"

"O wait lang, are you thinking ba na nakipag-bang ako sa mga guy yun? Na nag-cheat ako?

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I'm not saying na ganoon, hindi ganoon ang gusto kong iparating. Ang akin lang ay may fiance na siya dapat alam niya ang hangganan niya, at hindi naman niya kailagan itago sa akin ang ganoong bagay. Napabuntong-hininga ako at napagdesisyonan na sabihin na sa kaniya ang pakay ko.

"Pumunta ako rito para malaman kung ano ang nangyari sa bar at kung bakit hindi sinasagot ni Kuya Justine at Joshua ang tawag ko, obviously ikaw din."

Naging malikot ang mata nito, kung saan-saang bumabaling. Kapag ganito siya ay kinakabahan siya sa sasabihin dahil baka madulas siya.

"Hindi ko alam, e sino ang mga lalaking nasa bahay mo? Bakit nandoon ang coat ni Joshua?" malamig na turan ko.

Habang nasa sala ako kanina ay nahagip ng mata ko ang isang coat. Nasa swivel chair ito na malapit sa television dahil katabi lang ng television ang study table niya. Sigurado ako na coat ni Joshua iyon dahil lahat ng coat niya ay may initial na butones. Alam ko iyon dahil ako mismo ang nag-design ng initial na logo for his clothes.

Nakapagtaka kung bakit pupunta si Joshua sa bahay ni Cyrene ng ganoong oras gayong may girlfriend na selosa si Joshua at may fiance na si Cyrene. Ayokong bigyan ng malisiya pero sa itsura niya na nadatnan ko kanina, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin.

Gulat ang bumalot sa muka ni Cyrene. Hindi ko inaasahan ang luhang papatak mula sa mga mata niya. May poot at sakit na tumingin ito sa akin.

"Heaven, hindi mo na kailangan alamin. Hindi mo kailangan malaman pa," may lungkot at sakit na mababasa sa mga mata nito. "Heaven, may tiwala ka naman sa akin hindi ba? Makinig ka na lang sa akin. Para rin ito sa ikakabuti mo."

"Pero kaya ko ang sarili ko!" nangigil na turan ko, pilit na binabaan ang boses ko.

"Hindi sa lahat ng bagay kailangan may alam ka. Minsan mas mabuti na wala tayong alam para hindi tayo masaktan, para sa ikakabuti natin." Pinunasan nito ang luha niya at tinuon ang tingin sa lugaw. "Pinoprotektahan lang kita, dahil alam ko na hindi ka pa handa. Makinig ka na lang sa akin. Alam ko ang ginagawa ko, para rin sayo 'to."

"Kaya ko ang sarili ko," pangungulit ko sa kaniya.

"I'm sorry, Heaven. Ito lang ang puwede kong sabihin." Lumunok ito at hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang magti-tiwala sa mga kaibigan na nakapaligid sayo. Hindi mo alam, sila pala ang magha-hatid ng kahapahamak sayo."

"Kahit sayo?"

"Kahit ako." Tumayo ito at tuluyan akong iniwan.

You are reading the story above: TeenFic.Net