Fall Chapter 22

Background color
Font
Font size
Line height

PS. 8 chapters left. Pre-order na rin po ng pluma. For only 99 plus shipping fee ay may pluma na kayo.

***

Nang araw din na makauwi kami ay sa kwarto ako ni Comsser natulog. Hindi siya pumayag na bumalik ako sa kuwarto ko dahil hindi raw maganda sa mag-asawa na magkahiwalay ang kuwarto. Bulok naman ang rason niya. Nakapag-usap kami ni Cosmer pagkagising ko, kumain at natulog ulit kinagabihan.

Nagising ako na magaan ang pakiramdam. Nakatulog ako ng mahimbing at hindi paputol-putol. Maganda din pala ang epekto ng lalaking ito sa akin. Maayos ang tulog ko nitong mga nagdaang araw. Tulog pa si Cosmer nang magising ako, napuyat siguro kakabantay sa akin dahil akala niya tatakas ako.

Bumangon ako at inabot ang cellphone sa side table. Ala-sais na ng umaga, kaya pala hindi pa gaanong tirik ang araw sa labas. Muli akong nahiga sa tabi ni Cosmer. Kahit papaano ay naging komportable na akong nasa tabi ko siya lalo na at may konting naalala na ako tungkol sa kaniya. Sandali akong napa-isip. Nasaan ang mga magulang niya?

Wala akong balita sa mga Carreon dahil tanging si Collen lang ang maingay sa publiko. Saka lang lalabas ang mag-asawang Mr. And Mrs. Carreon kapag may crisis sa kompanya nila.

Marriage contract ang nangyari sa amin ni Cosmer at pumayag ang mga magulang ni Cosmer, kung ganoon hindi sila matapobre.

Napalingon ako kay Cosmer nang mahinang umungol ito at lumapit sa akin sabay yakap. Nananaginip 'yata ang mukong. Hinayaan ko na lamang siya at tumitig na lamang ako sa kisame.

"Cosmer, 'wag mo akong lolokohin a? Malaki ang tiwala ko sayo, maging ang pamilya ko. At kung sakali na may magustohan kang iba habang tayo, huwag kang magdadalawang isip na makipag-break sa akin kaysa mag-cheat." Boses ko iyon na umalingawgaw sa isipan ko. May nakikita rin akong babae na naka-uniform habang hawak-hawak ang mga kamay ng lalaki. Lumalabo ang imahe at napapalitan iyon ng maliliwanag na ilaw.

"Heaven, ayoko kong mangako pero hangga't kaya ko hindi ko sisirain ang tiwala mo." Pamilyar na boses ang muling narinig ko pero walang imahe na lumalabas.

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako at napapabaling-baling ng ulo. Sunod-sunod ang mga senaryo na pumapasok sa isip ko. Parang mga alaala na ngayon pa lang lumalabas mula sa pinagtataguan nila. Marami sila, memories mula childhood, memories ko noong elementary, at memories ko noong high school. Lahat ng iyon may kasama akong isang lalaki pero blury ang muka.

Napamulat na lamang ako nang maramdaman kong parang mahuhulog na ako. Parang binangungot ako ng gising.

"Novermber 11, 11:11 araw ng kapanganakan mo Heaven. Happy birthday." Boses muli iyon ng lalaki pero hindi ko pa rin maaninag ang muka niya.

Nasa isang tulay ang lalaki kasama ang batang version na ako. Medyo madilim ang paligid dahil nag-iisa lamang ang ilaw sa kinalalagyan nila. Malalayo rin ang bahay na malapit sa ilog at tulay. May inabot na regalo ang binata. Bago ko pa malaman ang susunod muling naging maliwanag ang buong paligid at napalitan ng bagong senaryo.

"Heaven, nakapasa ka! Congrats, alam kong makukuha mo ang dream course mo sa dream school mo with full schoolarship pa."

"Nakapasa ka ba?"

"Uhmm... yes! Syembre, ikaw kaya ang nagturo sa akin ng reviewer. 'Di nga lang schoolar."

Sa wakas unti-unting nabubuo ang mga imahe sa isip ko. Si Cosmer iyon, sigurado ako. Tama, si Cosmer lang ang tanging naka-alala ng birthday ko. Siya lang ang laging kasama ko sa lahat ng especial na okasyon sa buhay ko. Siya ang laging nandyan.

Nagmulat ako ng mga mata, agad na hinanap ng mga mata ko si Cosmer. Tulog pa rin ito. Ang himbing ng tulog niya. Ngayon, mas marami na ang mga naalala ko. Bumabalik na sila ng kusa, nang hindi pinipilit. Tama si Cosmer. Kailangan ko lang magtiwala sa kaniya lalo na at mahalagang tao siya sa akin noon.

Wala sa sariling hinaplos ko ang muka nito. Tama naman siguro ang desisyon ko 'diba?

Wala nang atrasan, nandito na ako kaya mas pipiliin ko ang tamang gawin at iyon ang ayosin kung ano ang mayroon kami. Ano man ang naging dahilan ko para iwan siya noon, dapat ko ng kalimutan iyon.

Unti-unting dumilat ang mga mata si Cosmer. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko habang awkward na nakatingin sa kaniya. Nagising ko yata. Nang ngumiti ito ay nawala ang hiya ko. We both chuckled we greet each other a good morning in union.

"Gaya-gaya," pagsusungit ko nang makabawi sa tawa.

"May gagawin ka ba today?" Hindi pinansin ni Cosmer ang sinabi ko. Tanging tango naman ang sinagot ko. "Let's date then." Ngiting-ngiti na turan nito, tumataas-baba pa ang kaliwang kilay nito.

"Date?"

"Yeah, it's been a long time since we dated. So how about we do it today, tapos diretsong honeymoon." Nakangising sagot ni Cosmer.

Halos umusok ang ilong ko sa huling sinabi niya kaya hindi ko tuloy napigilan ang sarili na hampasin siya ng malakas. Napangiwi si Cosmer dahil sa ginawa ko. Kasalanan niya naman. Speed lang ang peg? Honey moon agad.

"Date lang, hindi honeymoon."

"Pagkatapos ng date natin, ikaw na mismo ang mag-aaya sa akin mag-honey moon." sinunadan niya iyon ng malademonyong tawa sabay palikwas ng bangon at tumakbo papasok ng bathroom.

Mas makapal pa yata ang muka niya kaysa sa encyclopedia. Napapailing na bumangon ako at dumiretso sa closet niya. Ako ang pipili ng damit niya. Iyong bagay sa feature niya.

Nang buksan ko ang closet niya ay bumungad sa akin ang mga mamahaling damit galing sa mga kilalang clothing line. Napapailing na lang ako habang tinitignan isa-isa iyon. Kung ako mayaman, I won't expend so much money for brand clothes. Mas pagtutuonan ko pa na makatulong sa iba kaysa sa gumastos sa mga ganitong bagay. Kung sa bagay hindi ko naman sila masisisi, lumaki sila sa marangyang buhay. Hindi gaya ko na narasanan ang buhay mahirap kaya gustong yumaman para makatulong sa iba.

Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa nang makita ko ang isang summer design pollo shirt. Black and white ang kulay ng damit. Bagay na bagay kay Cosmer. Napangisi na lamang ako kunin iyon at pasadahan ng tingin. Perfect!

Sunod na kinuha ko ay black pants na siguradong bagay sa pollo shirt. Nagdadalawang isip ako kung kukuha ba ako ng underwear niya parang ang awkward. Sa huli ay sapatos na lamang ang kinuha ko. Nilagay ko ang mga damit niya sa ibabaw ng kama at ang sapatos sa ibaba ng kama.

Lumabas na ako ng kuwarto para maligo at mag-ayos. This is a date. Mas maganda kung komportableng damit ang susuotin ko. I never been on a date before. Really, Heaven? Tsk, gulo ng life ginulo pa lalo ng utak ko.

Habang dumadaloy ang malamig na tubig sa buong katawan ko ay hindi ko maiwasan isipin ang mga bumalik na alaala sa akin. Cosmer is my bestfriend and my childhood friend bago ko siya naging boyfriend. Parang itinadhana or maybe hindi? Bakit kaya siya lang ang hindi ko maalala? Bakit binura siya ng isip ko?

Ilang minuto pa akong nagtagal sa c.r Nang matapos ay lumabas ako ng tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa katawan. Nadatnan kong nakaupo si Cosmer sa sofa habang nakatutok ang buong atensyon sa cellphone. Parang may ka-text ito dahil timitipa ng mabilis ang mga daliri nito. Sino naman kaya ang ka-text ng lalaking ito?

Biglang sumagi sa isip ko ang unregistered number na nag-text sa kaniya. Marahan akong naglakad papunta sa likod ni Cosmer. Daig ko pa detective na may hinuhulong kriminal. Hindi naman kriminal ang pagiging malandi pero pag sumubra, oo. 

Bago pa ako makarating ay lumingon na si Cosmer. Kainis, mukang alam na niyang papunta ako. Tinago niya agad ang cellphone niya at tumayo para harapin ako. Halatang may tinatago.

"Gusto mo bang lumabas muna ako para makapagbihis ka? Hihintayin na lang kita sa balcony," kalmadong suhestiyon ni Cosmer.

"No! Dito ka lang," napalakas ang boses ko. Halos magsalubong naman ang kilay ni Cosmer dahil sa inaasta ko. Mas mabuti ng nakikita ko kung ano ang ginagawa niya. "Mag-aaya ka ng date tapos kung anu-ano ginagawa mo." Nag-walk ako pagkatapos ko sabihin iyon.

Dumiretso ako sa closet ko at doon nagbihis. P'weding makita ako ni Cosmer habang nagbihis kung sisilip siya pero binaliwala ko namang iyon at binilisan ang pag-aayos. Baka mamaya kung ano-anong kabulastugan ng lalaking ito. Makapal pa naman ang muka.

Without make and wet hair, I went to Cosmer. Nakapagsuklay na ako, sapat na iyon. I'm not a fan of make up, I don't even know how to apply those baka mamaya maging clown ang kinalabasan ko.

Mabilis na tinago ni Cosmer ang cellphone niya nang makitang parating na ako. Ano bang mayroon sa cellphone na 'yan? Bakit tinatago niya?

Nang makarating ako sa harap niya ay nilahad ko sa harap niya ng kamay ko. Senyales na hinihingi ko ang cellphone niya. Takang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kamay ko. 'Wag niya akong iinisin baka maputol ko ang kahabaan niya.

"Akin na," nagtitimping turan ko.

Napipilitang kinuha niya ang cellphone niya at ibinigay sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Nang buksan ko ay may password mukang napansin ni Cosmer iyon dahil sinabi niya agad ang password niya which is my name. But still not a good reason not to doubt his faithfulness.

Dumiretso ako sa message pero wala namang kahina-hinala. Si Joshua ang nasa first inbox niya. Mukang may importante silang pinag-uusapan hah. Hindi ko na binuksan iyon. Nang I-clear ko na ang history ay ibinalik ko din agad sa kaniya.

"Tara na," pagalit na sabi ko. Bad mood pa din ako kahit wala akong nakita. Aba, malay ko ba kung binura na niya.

Hindi ko na hinintay si Cosmer at naunang lumabas. Sa huli ay nagkasabay din kami dahil hinabol niya ako. Akmang aakbayan niya ako pero nakaiwas agad ako. Nakita ko naman si Flor at ang iba pa na palabas ng kusina. Lumapit ang mga ito sa amin. Binati nila kami ng magandang umaga lalo na si Cosmer. So all this time siya ang boss sa bahay na 'to. Hindi puwede, ako rin dapat.

Kukuha ako ng mga katulong na nasa akin ang loyatly. Hindi puwedeng si Cosmer lang ang may mata sa bahay na 'to. Asawa niya na ako, may karapatan na rin ako sa bahay na 'to.

"Good morning din sa inyo," magalang na bati ni Cosmer, ngiting-ngiti pa ang baliw.

"Good morning," pagod na bati ko sabay iwas ng tingin.

"Ma'am Heaven, saan po ang punta niyo?" tanong ni Flor.

"Nag-aya ng date si Heaven, kaya aalis kami. Syembre, gentleman ako kaya pumayag na ako," proud na sabi Cosmer.

Halos umusok ang ilong ko sa inis. Ang kapal talaga, binaliktad niya. Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya. Hinila ko rin ang buhok niya palabas ng mansyon habang sumisigaw siya sa sakit. Namumula na ang buong muka kaya nakonsensya ako. Binitawan ko siya at nag-aalalang tinignan siya. Kasalanan niya yan e. Alam niyang bad mood ako tapos mang-aasar siya.

Hindi ako tinignan ni Cosmer at inayos niya lang ang buhok niya. Sinubukan kong hawakan ang braso nito pero iniwas niya. Kinagulat ko iyon, don't tell me gusto niyang suyuin ko pa siya? Fine, kasalanan ko dapat bumawi. Lunukin ang pride, Heaven.

"Sorry, sorry, Cosmer. Kasi naman ikaw e, bad trip na nga ako mang-aasara ka pa, ayan tuloy."

"Hihingi ka ng sorry o maninisi?" seryosong tanong ni Cosmer.

"Hihingi ng sorry. Sorry na. Hindi na mauulit... uyy, sorry na... ganito na lang. May isang wish ka sa akin, kahit ano basta iyong kaya ko lang. Peace offering ko na iyon sayo. Sorry na," maamong tupa na sabi ko.

Hinarap niya ako at tinignan ng mabuti. Seryoso ko naman siyang tinignan para ipakita na seryoso ako sa sinasabi ko. Sobra yung ginawa ko, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Hindi naman ako ganito e. Hindi kaya dahil bumabalik na ang alaala ko bumabalik na rin ang dati kong ugali?

"Sige, pag-iisipan ko muna yung one wish ko," masungit na sabi nito sabay naunang maglakad.

Hindi man lang ako inaya? Seryoso ba siya? Akala ko ba gentleman siya? Puro salita lang pala. Sa inis ko ay hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko habang tinitignan ng masama ang likuran ni Cosmer. Dapat pala hindi na ako nag-sorry. Sayang paglunok ko sa pride ko.

Hindi pa gaanong nakakalayo si Cosmer nang huminto ito. Masama pa rin ang tingin ko rito. Naglakad siya pabalik. Nang huminto siya sa harap ko ay walang pasabi na hinawakan niya ang kamay ko.

"Tara na, pasalamat ka, hindi kita matiis," turan ni Cosmer habang salubong pa rin ang dalawang kilay sabay hila sa akin.

"Edi, salamat," inis na bulong ko, mabuti na lang at hindi niya iyon narinig.

Sa kabilang side kami ng mansyon kung saan may mini mansyon doon na puro sasakyan ang nasa loob. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako bago siya umikot papuntang driver seat. Fine, he is somehow gentlemen.

Naging tahimik kami buong byahe. Siya ang namili kung saan kami kakain dahil baka mahulog daw siya sa patibong ng 'Kahit saan' ng mga babae. Well, may mga babae naman talaga na nagsasabi ng ganoon pero sa huli sila ang mag-de-decide kung saan. Buti na lang hindi ako ganoon.

Pumunta kami sa cafe ni Jana. Jana wasn't there. Mukang may pakay si Cosmer kaya dito niya napiling pumunta. Hinanap niya kasi ito sa cashier pero halos isang linngo na raw na absent ni Jana. Nasaan kaya ang bruha na iyon? Don't tell me, umalis din siya nang hindi nagpapaalam gaya ng kapatid niya?

Nakapag-almusal na kami pero hindi pa rin umiimik si Cosmer. Awkward ang atmosphere sa pagitan namin. Normal naman siguro iyon lalo na at back to zero kami dahil hindi ko siya maalala. Pinili ko na lamang manahimik din pero pakiramdam ko dapat may gawin din ako. Hindi puwede na ganito kami buong date namin.

Nang makabalik kami sa sasakyan para bumiyahe ulit sa next destination na trip ni Cosmer ay hindi na ako nakapagpigil.

"Cosmer, sorry na. Hindi ko na uulitin iyon. Nagulat din ako, hindi naman ako ganoon dati-"

"Ganoon ka dati," seryosong sabi nito, kita pa rin sa muka niya na bad mood siya.

"Huh?" Salubong ang kilay na tanong ko.

"Sadista ka noon pa, Heaven. Mabilis kang mapikon. Mabilis ka ring mainis kahit sa maliliit na bagay," turan nito habang diretso pa rin ang tingin sa daan.

"Weh? 'Di nga? Parang hindi naman."

"Tsk, pruweba na iyong kanina."

"Oo na, sadista na kung sadista. Sorry, sorry na. Huwag kang mag-alala confuse pa kasi ako ngayon kaya nag-iiba iba ugali ko pero mabubuo ko rin lahat ng memory ko. Konti pa lang kasi ang mga naalala ko about sayo."

Mabuti na lang at naka-seat belt ako. Bigla kasing napapreno si Cosmer. Mabuti na lang din at naging alerto ako kaya hindi tumama ang ulo ko kung saan-saan. Tinanong agad ako ni Cosmer kung maayos lang ako. Tumango na lamang ako dahil sa totoo lang ay nainis ako sa ginawa niyang pagpreno. Papatayin niya ba ako?

"May mga naalala ka na?" halo-halong emosyon ang mababasa sa muka niya.

Kahit nagtataka sa ina-asta niya ay sumagot pa rin ako. "Uhm, naalala ko na yung elem days ko na kasama ka, some of our childhood memories and highschool life ko with you. Iyon pa lang naman. Iyong college, hindi pa and after college hindi pa." Sinabayan ko ng pag-iling ang huling sinabi ko.

"Ganoon ba, so alam mo na, na naging tayo noon pa?"

"Iyon ba, oo. Naalala ko na. Alam ko rin na mag-bestfriend tayo bago naging tayo."

Tumango ito bago ibinalik ang atensyon sa pagmanibela. Akala ko ay tutuloy na kami pero itinabi niya lang pala ang sasakyan sa gilid ng highway. Muli akong hinarap ni Cosmer ngunit may takot, panlulumo at lungkot sa mga mata niya. Parang pagod na pagod siyang kumilos.

"Heaven, tao lang din naman ako nagkakamali pero sana kapag tuluyan ng bumalik ang mga alaala mo piliin mo naman na pakinggan muna ang paliwanag ko." Nakikiusap ang mga mata nito.

"Cosmer, alam mo ba kung bakit hanggang ngayon si Daddy at Mama, maayos pa din kahit nagloko si Mama? Kasi pinili nilang ayosin ang marriage nila. Ganoon din ang gusto ko pero isang pagkakamali lang ang kaya kong pagbigyan, Cosmer. Tao lang din ako, may hangganan ang pagpapatawad na ibinibigay ko."

"Iyon na ang una at huli, Heaven."

"Puwede ko bang malaman kung ano ba talaga ang reason kung bakit tayo nag-break? Kahit clue lang."

Umiling ito bilang sagot, napanguso na lang ako na ikinatawa niya. "Kung ganoon pala, gusto mo ayos ang marriage natin?"

"Uhm, sa mga naalala ko, sapat ng reason iyon para pagbigyan ka at pagbigyan ko ang sarili ko naging masaya. Malay mo maging maganda ang kalabasan ng desisyon ko."

"Let's make sure of that, Heaven. Ugh, Heaven," ungol nito at sumandal pa sa balikat ko.

"Bastos ka!" Naiinis na hinampas ko siya.

Ang bastos niya, I don't like the out come of his moan. Like what the heck, he is moaning my name and it sounds like, argh nevermind. Tawa naman ng tawa si Cosmer. Buti naman bumalik na ang dating Cosmer. Hindi ako sanay na seryoso at tahimik siya. Gusto ko iyong playful side niya. And yeah, sa unti-unting pagbalik ng memories ko, unti-unti na ring bumabalik ang feelings ko. I don't know if this is bad or good. Masyado pa bang maaga para magsaya.

You are reading the story above: TeenFic.Net