Fall Chapter 19

Background color
Font
Font size
Line height

The next morning, it is a weird feeling. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin and to make it crazier, I'm here in hospital. I don't want to scar myself but I can't help it. I really do hate coming in hospital. Dahil bukod sa amoy chemical ay maraming buhay ang natatapos dito. Maraming kaluluwa ang gumagawa sa paligid.

Tahimik na lumunok ako bago unti-unting nagmulat ng mga mata. Bumungad sa akin ang kalmadong muka ni Cosmer. Hindi man lang ito natinag nang magsalubong ang mga paningin namin. Cosmer insisted to sleep with me. Pumayag naman ako sa gusto niya na tumabi sa akin kagabi dahil natatakot ako.

"Goodmorning, Hon." Ngumiti ito pagkuwan.

Naistatwa naman ako kaya hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Dapat bang matuwa ako dahil hindi multo ang nakatitig sa akin? O dapat kabahan ako kasi hindi ko naman talaga totally kilalaang lalaking ito? Pero wala sa dalawang iyon ang dahilan nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang totoo ay dahil iyon sa ngiti niya, totally.

Bes, yung panty ko, mahuhulog yata. Napalunok ako bago maingat na bumangon para makaiwas sa tingin niya. Hindi siya iyong tipo na guwapo to the max na gaya ng mga artista pero ang lakas ng dating niya to the point na hindi mo na lang mamalayan na nakatitig ka na pala. Ang lakas ng karisma niya.

Naalala ko tuloy noong unang nagkatinginan kami. Iyong tipong hindi siya lubos na malinaw sa paningin mo pero yung charm niya umaabot sa pwesto mo.

Mabuti na lamang at napagpasiyahan ni Cosmer na maligo na. Ligtas sa temtasiyon. Napakainit sa kwarto ko kahit ang totoo ay naka-air conditionaire kami. Kung iisipin ay kakaiba ang mga reaction ko sa mga ginagawa ni Cosmer. Parang may mali. Parang gusto ko I-kiss siya kahit lapag iyon sa dignidad ko. Anong nangyayari?

Naigtad ako dahil sa isang malakas at sunod-sunod na busina mula sa labas. Hindi maintindihan kung bakit bigla na lamang ako nakaramdam ng sobrang takot. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Nakaawang ang labing napailing ako sa pagkadismaya.

Marahan at nanginginig pa ang buong katawan ko nang inabot ko ang dextrose. Naglakad ako palapit sa bintana. May pinagkakaguluhan ang ilang mga tao. Malapit lang sa parking lot ang kwarto ko kaya hindi nakakapagtaka ang mga busina. Ngunit ang kanina ay mahaba at malakas.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, kasabay ng panlalamig ng buong katawan at pamamawis. Nakaawang ang bibig ko habang nakatitig sa dalawang kotse na nagbunguan.

Mabilis na hinawakan ko ang aking ulo dahil sa pagsulpot ng kakaibang sakit at kirot na para bang ano mang oras ay mabibiyak na ito. Hindi ko maiwasan na masabunutan ang sarili ko na wari ba'y mababawasan nito ang sakit na nararamdaman. Anong nangyayari?

Umiikot ang buong paligid na para bang isa itong transition na patungo sa panibagong senaryo.

Naramdaman ko na lang ang malamig na semento senyales na bumagsak ako. Nanatiling nakahawak ako sa aking ulo, sinasabutan at pilit iniinda ang sakit.

Ilang sandali pa ay nasa isang sasakyan na ako. Nagmamaneho habang namumugto ang mga mata sa kakaiyak. Masama ang mga tingin ko sa kalsada na para bang kaaway ko ito. Anong nangyayari? Nasaan ako?

Bumilis ang pagmamaneho ko na siyang ikinagulat ko. Mapapahamak ako sa ginagawa ko. Pero wala akong magawa. Paano nga ba ako mapapahamak kung parte lamang ito ng memorya ko. Ito ang aksidente na sinasabi ni Mommy na dahilan ng pagkawala ng memories ko.

Isang malakas at mahabang busina ang narinig ko kasunod ng nakakasilaw na liwanag. Kinabig ko pakaliwa ang manibela at ang mga sumunod na nangyari ay naging malabo na.

Kung titignan mo nga naman. I wasn't that reckless when it comes to driving but I look so upset. My eyes are already swollen and I'm still crying that time. Something must have happened that made me upset and drive recklessly.

Unti-unti ay humupa ang sakit. Ngunit ang sakit na nararamdaman ko emotionally ay naroon pa rin. Para bang bumalik ang sakit na iyon dahil sa alaalang bumalik. My hands loosen up a bit from pulling my hair. I heard a door's open.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagtawag ni Cosmer sa pangalan ko habang papatakbo itong lumapit. Malabo ang paningin ko at tanging mga paa lamang nito ang nakikita ko. Namumungay na rin kasi ang mga mata ko.

"Heaven, what happened?" nag-aalalang tanong nito habang buhat-buhat ako.

Inihiga ako ni Cosmer sa kama at muling naramdaman ang mainit at malambot na kama. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Nasa ibaba ko si Cosmer habang ang dalawang kamay niya ay nakabantay sa magkabilang gilid ko. Ang mga paa niya ay nasa floor pa din.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Naalala ko na ang aksidente."

Nakita ko ang pagbaba taas ng adam's apple ni Cosmer. Kalmadong inobserbahan ko ang reaksyon niya. Ang inaasahan kong kislap sa mga mata niya ay puno ng kaba at takot lamang ang tanging makikita.

Bumuka ang bibig ni Cosmer ngunit itinikom niya rin. Kumunot ang noo ko sa inaasal niya. Para bang natatakot siya magsalita dahil sa hindi ko alam na dahilan.

"I... I-iyon lang ba?" halos pabulong na tanong ni Cosmer.

"Anong iyon lang ba?" Halos dikit-kilay na tanong ko pabalik.

"Kung iyong aksidente lang ba ang naalala mo at wala ng iba."

"Iyong aksidente lang. At hindi pa ganoon kalinaw ang lahat."

Parang nakahinga siya ng maluwag dahil sa isinagot ko. Kumalma ang ekspresyon ng muka nito. Naging kalmado rin ang katawan nito at umayos na ang kaniyang paghinga. Nag-iwas pa ito ng tingin bago lumingon sa akin na may maliit na ngiti sa labi. Hindi ko alam pero bigla na lamang pumasok sa isip ko na may itinatago siya sa akin.

Cosmer, wala ka namang dapat ikatakot 'di'ba? Hindi mo naman ako ipapahamak 'di'ba?

Umayos ng tayo si Cosmer kaya nakahinga na ako ng maluwag. Ngunit pareho naming hindi inaasahan ang paghulog ng tuwalya na tangin tumatakip sa kahubaran ni Cosmer. Nanlaki ang mga mata ko at sandaling hindi nakapag-react. Gulat na nakatingin kami ni Cosmer bago ako napasigaw.

"Wahhh! Hotdog!" Mabilis na tinakpan ko ang mga mata ko habang sumisigaw.

Hindi na berhin ang mata ko. Nakakita na ako ng hotdog at live na live pa. Kailangan ko ng holly water para patakan ng mga mata ko. I can't believe na nakita ko ang hotdog niya.

Ilang minuto na akong nakatulala habang nakatitig sa sariling repleksyon ko sa salamin. Nasa c.r ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Parang ayaw hindi pa rin nakaka-move on katawan at utak ko sa nakita ko kanina.

Pagkatapos nang nangyari kanina ay agad na tumakbo si Cosmer papasok sa c.r at nang matapos siya ay walang imik akong pumasok sa c.r para maligo pero ang totoo ay para magpalipas ng kaba at oras. Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla ka na lang nakakita ng hotdog.

Napaigtad ako nang marinig ang pagkatok sa pinto ng c.r. Ano ba yan, parang tumalon ang puso ko dun a. Nag-aalangan na binuksan ko ang pinto. Bahala na. Binuksan ko ang pinto na may maliit na siwang sapat lang para maidungaw ko ang ulo ko.

Tumaas-baba ang dalawang kilay ko senyales na sabihin niya na ang kailangan niyang sabihin sa akin. His brows are knitted while looking at me strangely.

"Still not done?" takang tanong nito, nang mapansin na hindi pa basa ang buhok ko. Umiling lang ako bilang sagot. "You been there for an half of hour."

My expression grumbled because of what he said. Seriously? Ilang minuto pa lang kaya. Imbento naman ang lalaking 'to. Inirapan ko na lang siya at malakas ang pwersa na sinara ko ang pinto. I'm not in the mood to face him. Omayghas, pakiramdam ko ang lakas ng mood swing ko ngayon. Kasalanan 'to ng lalaking yun.

As I started to get a shower, someone knock on the door again. It was Cosmer, nagpapaalam na aalis muna to grab some food. I didn't answer and just continued on with my business.

Nagpapatuyo na lamang ako ng buhok habang hinihintay si Cosmer na bumalik. Naiinip na ako sa totoo lang. Bakit ang tagal niyang bumalik? Saan ba siya bumili? Baka nangbabae lang ang lalaking yun. Well, wala naman akong pakielam kung mangbabae siya pero siguradohin niya na mas maganda at mas matangkad sa akin ang babae niya.

Inis na hinagis ko ang tuwalya sa paanan ng kama. Kinuha ko ang cellphone ko at kinontact si Manang. Bukas na kami uuwi. Kailangan maiuwi na ang ilang mga gamit dito. I dialed the house number. Ilang ring pa lang ay may sumagot na.

"Hello? si Heaven po ito," agad na bati ko.

"Madam!" excited na bati ni Flor. "Kamusta ho ang Team HeCo?"

My brows knitted as I looked at my phone, assuring if I am calling the right one. "Team HeCo?"

"Opo, Heaven and Cosmer po. HeCo po for short."

"E? kilala mo siya? Alam mo ang tungkol sa kaniya? Siya ba ang amo mo?" nanggigil na tanong ko.

"Opo... pero Madam wala naman po akong choice. Syembre, sa inyo po ang loyalty ko, idol ko po kayo e. Kaso si Manang tinakot ako."

"Kung ganoon, kapag tinanong kita tungkol kay Cosmer, magsasalita ka?"

"Oo naman po. Basta po sagot niyo po ako."

"Of course! Ako ang bahala sayo. After all, I'm his wife. May karapatan ako sa bahay. Don't worry, I got your back."

I told her what I need, good thing that she's the one who answered my phone. Sakto naman pagkatapos ng usapan namin ni Flor ay bumukas ang pinto at pumasok si Cosmer. Marami siyang bitbit na plastik bag. Tumayo ako at hinintay siyang makalapit.

He was scanning me from head to foot before he greet me hi. Tumango lang bilang sagot. I'm not in the mood to talk. Inayos ni Cosmer ang mga dala niya habang ako ay bumalik ako sa kama at binutingting ang cellphone ko. I opened my social media accounts. It's been a week since I last updated my accounts.

"Who's your texting?" seryosong tanong ni Cosmer.

"Break it!" bulalas ko. Naihagis ko ang cellphone ko sa gulat, tumalon-talon iyon sa mga kamay ko.

Naiinis na tinignan ko si Cosmer. Seriously? Kailangan niya ba talaga manggulat?

Tinaasan niya ako ng isang kilay. He looks so serious. Lumapit siya habang dala-dala ang mga pagkain na binili niya. May mga ilang plastic bag na naiwan sa mesa. Isa-isa niyang inayos ang mga pagkain sa harap ko habang seryosong nakatingin sa akin. He repeated the same question with the same seriousness. Napabuga ako ng hangin sa inis. Tinaas ko ang kamay ko saka pinakita sa kaniya ang screen ng phone. I'm not texting anyone, I was in the middle of posting.

He got relieve and nodded slowly. Tinaasan ko siya ng kilay habang nag-aabang ng paliwanag niya. Ano ba ang nasa isip niya?

"Let's eat," pagtakas niya sa mga tingin sabay upo sa harapan ko.

Napapagitnaan namin ngayon ang mesa na para sa hospital bed. Maayos na ang pagkain. May kaldereta, may barbeque, and chicken wings with different flavor. Float naman for drinks and match cake for dessert. Sandali, lahat 'to favorite ko a. Alam niya kaya 'yun?

Ang thoughtful niya naman kung ganoon. Pogi points 'yan. Sa panahon kasi ngayon ang mga lalaki naging binibini, ang babae ang hinihintay na mag-effort, definately and totally.

Tahimik kami pareho sa pagkain. No one dare to talk. Ramdam ko ang awkwardness lalo na kapag naalala ko ang nangyari kanina. Pinipilit ko naman talaga alisin e pero ayaw ako tantanan ng senaryo na 'yon. Patuloy lang siya sa paglabas sa isip ko. Mabuti na lang at chicken ang ulam. Patawarin nawa ako sa iniisip ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain kahit hirap na hirap ako alisin sa utak ko ang nangyari kanina. Bigla naman nabasag ang katahimikan dahil sa pag-inom ni Cosmer ng float. Matunog iyon dahilan para magulat ako at hindi ko sinasadyang maibulalas ang salitang hotdog.

Takang nakatingin sa akin si Cosmer habang ang straw ng float ay nasa bibig niya pa rin. Unti-unti ay ngumisi si Cosmer. Wala akong ideya kung bakit pero pakiramdam ko hindi maganda ang nasa isip niya. Mula sa ngisi ay napalitan iyon ng tawa.

Naiinis na binaba ko ang kutsara ko sa mesa bago siya inirapan. College graduate siya at CEO ng kompanya. Sisiw na lang sa kaniya basahin kung ano ang nasa isip pagkatapos ko mabangit ang salitang hotdog na isinigaw ko kanina nang makita ko ang hotdog niya.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin humuhupa ang tawa niya. Nakahawak na siya sa tiyan at namumula na rin ang buong muka niya, maging ang gilid ng mata niya. May tumutulong luha na rin. Ang babaw ng kaligayahan niya. For sure, mabilis masaktan 'to at mabilis din ma-fall.

Naiinip na ako sa totoo lang. Kanina pa masama ang tingin ko sa kaniya pero hindi pa rin niya kayang ubusin tawa niya.

"Cosmer, alam mo bang nakakamatay ang sobrang pagtawa? Tumigil ka na, for sure masakit na tiyan mo kaya umayos ka na."

"Ayiee, concern bebe ko," ngising aso na turan nito. Pinunasan niya ang luha niya bago umayos ng upo.

"Kadiri ka, bebe ka diyan," kinikilabotan na sagot ko.

"Sus, kunwari ka pa. Mga babae talaga, laging dinedeny yung mga bagay na obvious naman."

"Sus, mga lalaki talaga. Huling-huli na dinedeny pa." Pinanlakihan ko siya ng mata habang nakatutok ang kutsara sa leeg niya.

Takot na umatras si Cosmer para makalayo sa kutsarang nakatutok sa kaniya. "No comment," kinakabahang sagot nito.

Padabog na umayos ako sa pag-upo. Hindi ko na siya pinansin pa at pinagpatuloy ang pagkain. Gusto ko ng katahimikan. Pero ang totoo hiyang-hiya na ako sa iniisip niya, nagpapanggap lang naman akong naiinis pero ang totoo gusto ko na magpalamon sa lupa.

Narinig ko ang pagsipol-sipol ni Cosmer. "So kanina pa pala tumatakbo sa isip mo ang hotdog."

"Bastos ka!"

"Uyy, uyy. Ikaw nga itong bastos e. Kumakain tayo pero hotdog yung nasa isip mo. Kawawa naman si Chicken oh, siya yung nandito pero si Hotdog gusto mo." May paawa effects pa ito at pout habang tinitignan ang mga chicken wings. "Kung sa bagay masarap naman talaga ang hotdog." Ngising tagumpay na dagdag nito.

"Bastos!"

Nangigil na binato ko ang kutsara sa kaniya. Mabuti na lang at nakailag siya. Ginantihan naman ako nito ng masamang tingin. Maingat na tinulak niya ang mesa palayo sa kama. Nanlalaki ang mga matang sinundan ko iyon ng tingin bago tumingin sa kaniya.

Napatili ako sa gulat nang bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko at tinulak ako pahiga sa kama kaya muli akong napasigaw. Anong gagawin niya?

At dahil madumi na naman ang isip ko, tinakpan ko agad ang dibdib ko. Mahirap na baka masalisihan pa, alam ko naman na hindi ako biniyayaan ng malalaking cocomelon pero may maipagmamalaki pa rin ito. Kumbaga sa size na large, medium at small, nasa gitna ng medium at small ang akin.

Halos ibaon ko na ang ulo ko sa foam ng kama nang unti-unting ilapit ni Cosmer ang muka niya. Nasa ibabaw ko lang siya. Nasa magkabilang gilid ko ang kamay niya.

"Team HeCo, HeCo-O may gosh," kapos ang hiningang turan ni Flor sa tatlong huling salita.

Sa kabutihang palad, sabay kaming napalingon ni Cosmer sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok si Flor na naka-earphone at kumikimbot-kimbot habang naglalakad. Nang makita niya kami ay napatakip na lamang ito ng mata sabay talikod at mabilis na lumabas. Babangon sana ako para pigilan si Flor ngunit pinigilan ako ni Cosmer.

Bumalik kami sa dating posisyon. Flor naman, akala ko savior ka. Bakit mo ko iniwan dito? Akala ko ba nasa akin ang loyalty mo?

"Akala mo ba makakatakas ka? Tumawag ka pa talaga ng kakampi mo."

"Hoy, Cosmer. Sa papel lang tayo mag-asawa kaya umayos ka."

"Heaven, sa ayaw mo at sa gusto mo. Asawa mo na ako. Gusto mo ba mabuhay sa miserabling marraige life kung p'wede naman natin I-work out ang marraige natin?" unti-unti siyang bumangon kaya sumunod naman ako. Nakaluhod siya sa harap ko habang seryosong nakatingin sa akin. Tinukod ko ang dalawang siko ko sa kama dahil hindi ako tuluyang makabangon dahil nandyan pa siya. "Pag-isipan mo ng mabuti, Heaven," seryosong turan nito bago tuluyang umalis sa kama at dire-diretsong lumabas ng kuwarto.

Napatitig na lamang ako sa pinto na nilabasan ni Cosmer. He's right at some point. Do working out things in our marraige is worth it?

Kailangan ko pag-isipan ng mabuti 'to. Lifetime decision ang pinag-uusapan dito. Isa pa mukang wala siyang balak na I-divorce ako. Gaya ng sabi niya kahapon, As if naman papayag ako na mawala ka ulit sa akin. That was the exact word na sinabi niya. Kung siya walang balak, ako mayroon o siguro mas maganda kung bibigyan ko muna siya ng chance.

Hindi naman niya siguro ko minamadali sa pag-desisyon tungkol sa bagay na 'to. Kailangan ko pa ng kaunting oras, panahon para mas maka-decide at mas makilala siya. Bahala na si Batman.

You are reading the story above: TeenFic.Net