Fall Chapter 18

Background color
Font
Font size
Line height

Magkakasala yata ako dahil sa nakikita ko. Parang lulunokin ko rin ang sinabi ko na ayaw ko kay Cosmer. Paano ba naman ay lumabas si Cosmer ng restroom na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan. Nasa hospital pa rin kami at napagdesisyonan niya na maligo sa restroom na narito sa loob ng kuwarto ko.

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. Nagpupunas ito ng buhok gamit ang maliit na tuwalya kaya hindi niya ako nakitang nakatingin sa kaniya. Take note, yung pang-ibaba lang ang natatakpan ng tuwalya pero yung itaas kitang-kita ng mga mata ko. Para akong nasa isang temptation room, na puno ng hunk boys at nasa gitna ang single na babae, at ako yun.

Pandesal sa gabi. Ang alam ko ay tanging umaga lang kinakain ang pandesal. Omaygash. Mukang magiging pasyente ako ulit ng ilang mga araw pa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Nanlalamig din ang buong katawan ko na para bang alam nito na may mangyayari hindi maganda, hindi maganda pero hindi masama. Kung saan saan napupunta ang isip ko, hindi ko maiwasan kahit pinapaalala ko sa sarili ko na hindi iyon pwede.

Sa bawat yabag na naririnig ko ay parang nagiging slow motion ang lahat. Cosmer, ano ba ang ginagawa mo sa akin? Binabaliw mo ako kakaisip nang kung anu-anong hindi magagandang bagay.

"Eight na nang gabi. Hindi ka pa inaantok?" pagkuwan ay tanong ni Cosmer.

Mula sa periphiral vision ko ay nakita ko itong nakatayo sa malapit sa paanan ng kama habang pinagpapatuloy ang pagtutuyo ng buhok. Nanatili naman akong nakahiga sa kama habang nakaangat ang uluhan nito. Lumunok muna ako bago sumagot ngunit hindi nakatingin sa kaniya.

"Puporgahin mo ba ako ng tulog?" kunwari ay masungit na sagot ko.

"Hindi naman, puporgahin lang ng pagmamahal." Natatawang biro nito.

Umusok ang ilong ko sa inis. Hindi siya nakakatuwa, naiinis lang ako. Mas maganda siguro kung magbihis na siya matutuwa pa ako. Hindi na rin napupunta kung saan-saan ang isip ko. Yung kakornihan niya baka maging owner na siya ng corn farm.

"Corny mo, Sadboi," pangbabara ko. Sumimangot naman ito habang bumubulong na hindi ko maintindihan dahil hindi ko gaanong marinig. Parang gusto ko tuloy siyang pagtripan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sabay ayos nang pag-upo at tinitigan siya. "Ganito magpakilig ng babae."

"Paano?" Kunot-nuo na tanong nito at nakipagsukatan din ng tingin habang nakatayo pa rin. Nakatingala ako sa kaniya habang siya naman ay nakayuko. "Hon?" kinakabahan na pukaw nito sa akin, kita ko rin ang paglunok nito. "Uyy, walang ganiyanan."

"I like your eyes. Ang lakas makagwapo," malambing na sabi ko.

"Ta-talaga?" Nanlaki ang mga mata nito sabay hawak sa buhok nito na parang nahihiyang bata. Nauutal pa ito nang sumagot, kita ang tuwa at kaba sa muka nito.

Hindi ko alam pero natutuwa ako sa reaksyon niya. Pakiramdam ko, magiging masaya ako na kasama siya. Nakakatuwa siyang asarin.

"Um, huwag mo babagohin hair style mo a. Bagay sayo e," dagdag ko pa sabay ngiti ng matamis.

"S-sigi," natutuwang sagot nito.

Itinuro ko ang isang daliri ko pataas sabay galaw niyon paatras-abante, senyales na pinapalapit ko siya sa akin. Sumunod naman agad si Cosmer. Umupo siya habang may nagtatakang tingin. Ako na ang nag-adjust para sa kaniya. Unti-unti nilapit ko aking bibig sa kaniya.

Kita ko ang paglunok nito habang ang mga mata ay tutok na tutok sa akin. Natatawa ako pero pilit na pinipigilan ko. Ano kaya ang iniisip niya? Baka kung saan saan din napupunta ang lawak ng imahenasyon niya. Ang cute niyang pagmasdan. Para siyang teenager na natutorpe sa harap ng crush niya. But for his disappointment I'm not planning to kiss him on lips.

I peek a kissed on his cheek. Napabuga siya ng hininga kaya napangiti ako. I saw a little disappointment in his eyes. Sunod naman na inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. Parang tumigil siya sa paghinga at naistatwa sa kinauupuan. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti.

"Hon?" I called him.

"Yes?" bulong na sagot nito.

"Ganiyan, ganiyan magpakilig," walang halong pagmamayabang bagkus ay natutuwang sabi ko. "Tignan mo, halos malagutan ka ng hininga sa sobrang kilig."

"Fuck!" Tumayo ito habang nag-aakusang nakatingin sa akin.

Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. "Fuck you too, babe."

"Let's go," agad na sagot nito sabay lapit sa akin.

"Suntok gusto mo?" Pinakita ko ang kamao ko sa kaniya na ikinasimangot nito sabay layo.

"Ikaw kaya nag-aya," pabulong na sagot nito.

"Gusto ka ba?"

Sumimangot ito lalo pero nagulat na lamang ako nang lumapit ito at yumakap sa akin. Nanigas ako sa kinalalagyan ko. Ramdam ang lamig ng balat nito at tigas ng dibdib nito na siyang nakadikit sa buong kamay ko. Mas nangibabaw sa akin ang pag-aalala. Naka-air conditionaire ang kuwarto na kinalalagayan namin. Kanina pa kami nag-uusap. Baka kanina pa siya nilalamig.

Marahan akong kumilos para kumalas sa kaniya pero hindi siya nagpapigil at mas humigpit lalo ang yakap nito. Umakyat siya ng kama nang hindi kumakalas sa yakap. Pumahiga ito kaya nadala ako. Naiinis naman na hinampas ko ang balikat nito. Ang bigat niya para sa katawan ko na sexy lang.

"Cosmer, ang bigat mo. Magbihis ka muna, malamig. Baka magkasakit ka," nag-aalala at maharang sabi ko.

Pumuwesto ito sa tabi ko habang nakayakap pa rin sa akin. Sumiksik pa lalo ito maging ang ulo nito sa leeg ko. Hindi naman ako makapalag lalo na nang maramdaman ko ang kiliting hatid ng hininga nito maging ang pagdami ng labi niya sa leeg ko. Cosmer, ano ba ang ginagawa mo sa akin?

Inulit ko ang sinabi ko habang tinatapik ang balikat nito. Naramdaman ko ang pag-iling nito. Pasaway, baka magkasakit siya. Ang lamig kaya, para siyang hindi tao, hindi man lang nakakaramdam ng lamig.

"Babe..." bulong nito. "Sabi nila, brain forgot but the heart always remembers. Alam ko na mahal mo pa ako nung hiwalayan mo ako... hindi mo-"

"Hindi yun totoo. Ang hypothalamus na located sa brain na tin ang nagmamahal, Cosmer. Hindi ang puso natin. That's why when we forgot the memories we spend together with the person we love, our hearts will also do the same. Hindi na yan titibok gaya ng nararamdaman natin noon kapag nandyan siya."

"Ngayon ba... Anong nararamdaman mo kapag malapit ako?"

Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Inabot ko muna ang kumot na malapit sa tuhod ko at ibinuka iyon sabay ikinumot sa katawan ni Cosmer. Naramdaman ko ang pagngiti nito at mas lalong sumiksik sa akin.

"Noong una kinakabahan para kasing may kakaiba sayo, ngayon magaan at komportable."

Napabalikwas ito nang bangon na ikinagulat ko. Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang ang labi habang nakatingin sa akin. May pag-asa at tuwa na mababasa sa mga mata nito. Naguguluhan tuloy ako kung bakit ganoon ang tingin niya sa akin. Napatakip ako ng bibig nang mapagtanto ang nasabi ko. Hindi ko iyon pinagisipan. Ni hindi ko nga alam na nasabi ko iyon.

Kaya naman pala ganoon na lang ang reaksyon niya. Napalunok ako bago bumangon at umupo sa tabi niya. I smiled awkwardly as if did or I say something embarrassing.

"Does that mean that there is a high chance that you will fall for me again?" Cosmer asked hopefully.

"I'm not yet sure, Cosmer. Naguguluhan pa ako... mabuti pa ay magbihis ka na."

Nawala ang pag-asa sa mga mata ni Cosmer nang marinig ang sagot ko kasabay nang pagkalalag ng balikat niya. Para siyang nanlulumo at nawawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para gumaan ang pakiramdam niya. Isa na yata ako sa mga babaing paasa. What I said is what I truly feel. Kusa na lamang lumabas ang mga iyon nang hindi ko pinagiisipan.

NAUBOS ang halos isang oras na puro malalalim na buntong-hininga ni Cosmer ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto. Humiga lang ito sa tabi ko at sumiksik habang nakayakap sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong gawin. Ano ba ang dapat?

Tahimik lang ako habang diretsong nakahiga sa kama. Walang galaw-galaw, walang salita-salita at halos hindi na ako huminga. Para akong naninigas na bangkay dahil sa itsura ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nag-iipon nang lakas ng loob para kausapin siya. Kung saan saan ako tumitingin at ilang beses na akong napapalunok pero naroon pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako mahanap ang lakas ng loob para kausapin siya.

Muli ay napabuntong-hininga si Cosmer. Ito na ang sign. Hindi ko na matagalan ang ganitong set up namin. Pakiramdam ko ay gusto niya, na ako ang maunang kumausap sa kaniya. Lumunok muna ako bago ko tinawag ang pangalan niya. Sumagot ito nang paungol na parang tamad na tamad magsalita.

"Cosmer, hindi pa kasi ako inaantok. Gusto ko sana manuod ng movie. Puwede ba tayo manuod?" nahihiyang sabi ko.

Bumangon siya at ginamit niyang pangtukod ang isang braso niya habang nakadukwang na nakatingin sa akin samantalang nanatili ang isa niyang braso na nakayakap sa bewang ko. Masaya ang ekpresyon ng muka nito para bang nakuha nito ang gusto niya. Para siyang bata.

Nagustuhan niya ang suggestion ko kaya naman bumangon siya para kunin ang laptop niya. May dala rin daw siyang pocket wifi na magagamit din namin sa panunuod. Bumalik siya sa kama na dala ang laptop at pocket wifi. Tumingin siya sa akin habang tinatanong ang mga pwedeng panuorin na genre. Kdrama sana ang gusto ko pero hinayaan ko na lamang siya na magdesisyon.

Bumalik ang tingin niya sa laptop nang lumiwanag ito at bumungad sa amin ang lockscreen niya noong mga highschool student pa lamang kami. Kung tama ang naalala ko iyon ang prom night namin at kaming dalawa ang mag-partner. Kung gayon matagal na nga talaga kaming magkakilala.

He typed the password while my eyes are following Cosmer's finger. He typed so fast but my eyes are too fast too to cope up. Pumaling ang ulo ko habang binibuo ang mga letra na pinindut ni Cosmer. H, e, a, v, e, n. Then he clicks shift and the apostrophes. Sinunod niya ang s, b, o, o, b, s.

Gulat na tumingin ako kay Cosmer habang abala ito sa laptop niya. Naka-awang ang bibig ko sabay takip niyon habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Cosmer. Heaven's boobs ang nabuo. Don't tell me totoo yung sinasabi niya na nakikita niya ang dibdib ko?

Hindi ko napigilan na hampasin ang braso ni Cosmer na ikinagulat nito. Naiinis ako na nahihiya. Paano nangyari na ganoon ang password niya? Talagang naisip niya pa talaga ang dibdib ko?

Piningot ko rin ang tenga nito habang nang-gigil na pinanlakihan ko siya nang mata. Napapa-aray naman ito dahil sa ginagawa ko.

"Babe, ouch, sandali. What's wrong?"

"Huwag mo akong niwa-what's wrong what's wrong, Cosmer!"

"Babe naman masakit na," mangiyak-ngiyak na pakiusap nito.

Binitawan ko ang tenga niya habang masama pa rin ang tingin sa kaniya. Hindi talaga ako makapaniwala na iyon ang password niya. Hindi ko lubos maisip. Pinagpapantasiyahan niya ang boobs ko?

Hindi naman sa pagmamalaki pero maganda ang hubog nitong hinaharap ko pero hindi iyon dahilan para pagpantasiyahan niya ang hinaharap ko. Walang hiya siya. Pinag-krus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko. Namumula ang buong muka ni Cosmer at mahahalata mo na nasaktan ito sa ginawa ko. Medyo nakonsensya tuloy ako, medyo lang. Hinahaplos niya ang tenga niya habang nakayuko. Napabunton-hininga ako bilang pagsuko. Fine, sumubra ako doon.

Umusog ako ng kaunti para makalapit sa kaniya. Marahan kong hinawakan ang pisnge ni Cosmer para iharap sa akin. Napansin ko ang pamumula ng tenga nito. Mapulang-mapula, halatang napagdiskitahan. Maingat na hinaplos ko ang tenga nito habang hinihipan. Nakatingin lang sa akin si Cosmer habang ginagawa ko iyon. Para siyang maiiyak sa ekspresyon ng muka niya.

"Masakit pa ba?"

Parang bata na sumimangot ito at parang lalong maiiyak dahil sa tanong ko. Dapat pala hindi na ako nagtanong.

"Masakit sobra, hindi mo tinantanan e," nanunumbat na sagot nito.

Napangiwi naman ako sa naging sagot nito. Kasalanan niya naman e. Bakit kasi ganoon ang password niya?

"Bakit naman kasi ganoon ang password mo?" mababang boses na sabi ko ngunit may halong paninisi.

"E? Nakita mo?" gulat na sagot nito. Tumango lamang ako bilang sagot. Sunod-sunod ang narinig kong pagmumura nito ngunit pabulong lang. "Shit. Sorry, Heaven. Nasanay na kasi ako sa password na iyon kaya hindi ko na pinalitan. Isa pa ay ikaw ang nag-set nun."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sabay atras ng upo palayo sa kaniya, napahawak din ako sa dibdib ko habang iniisip ang sinabi niya. Sandali, bakit ko naman gagawin ang ganoong klase na password? Ako? Ginagago niya ba ako? That's to ridiculous! Hindi ko magagawa iyon, malayong-malayo sa personality ko ang gumawa ng ganoon... maliban na lang kung may ganoong side ako dati na sa kaniya ko lang pinapakita?

Bakit pakiramdam ko ibang tao si Heaven noon at ang Heaven na kilala nila ngayon? Argh, hindi ko na kilala ang sarili ko. Nalilito na ako sa personality ko!

Wala sa sariling napasabunot ako nang buhok. Unti-unti ay nararamdamam kong hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang hindi ako ito. Parang may kulang. Napu-frustrate ako sa hindi ko malamang dahilan. Shit, ano ba ang nangyayari? Babalik na naman ba ako sa pagiging walang alam? Sa walang pagkakakilanlan?

Puno ng pagkalito ang isip ko ngayon. Umusbong ang kakaibang takot na una kong naramdaman noong nagising ako mula sa aksidente at wala akong maalala. Isang iglap ay kumalma sa pagtibok ang puso nang maramdaman ko ang pares ng mga braso na yumakap sa akin. Naramdaman ko rin ang paghaplos nito sa likod at buhok ko.

Ang personality ko ngayon sa personality ko noon pakiramdam ko sobrang magkaibang magkaiba sila. Conservative ako sa maraming bagay maging ang salitang primitive ay naka-ukit na rin sa pangalan ko. Samantalang noon ay pakiramdam ko kabilang ako sa mga naughty girl na gustong-gusto nang mga lalaking dahil easy to get at madaling pakibagayan. Shit, no way

"Hey, Hon. Don't bother or stress yourself from this matter. Baka makasama pa sa iyo. Mabuti pa ay manuod na lang tayo."

Humiwalay ako sa kaniya at inayos ang sarili kahit hindi ko mapigilan na hindi manlumo at matulala dahil sa mga bagay na tutuklasan ko sa sarili ko. Tinulungan ako ni Cosmer na ayusin ang buhok ko pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ito sa akin na para bang sinasabi na magiging maayos din ang lahat. Pinilit ko naman na ngumiti pabalik bago tumango.

Pahamak naman kasi ang password na yun. Bakit ko nga ba tinignan yun? May pagkachismosa rin ba ako dati na bumabalik na ngayon? No way! I'm not chismosa!

"So how about horror?" Nakangising tanong ni Cosmer habang tumataas-baba ang dalawang kilay niya.

Halos magdikit ang dalawang kilay ko dahil sa inaasta niya. Mukang may pinaplano siyang gawin. Ibang klase rin ang lalaking 'to. Napabuntong-hininga na lamang ako bago tumango. Ngiting tagumpay na kumilos ito at naghanap ng papanuorin sa isang apps na puno ng movies.

Lumapit ako sa kaniya at nakisilip na rin sa laptop niya para magharap din ng papanuorin. Napalunok ako nang maramdaman ang ilong niya na tumatama sa pisngi ko. Pinilit ko na hindi lumingon. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa paghahanap ng movie. Nakuha ng isang movie cover ang atensyon ko, ako na mismo nag-set ng movie dahil parang estatwa na huminto na lamang si Cosmer habang nakatingin sa akin.

Umayos ako ng upo nang hindi tinitignan si Cosmer. Nagulat na lamang ako ng pumulupot ang mga braso nito sa bewang ko habang ulo nito ay nakapatong sa balikat ko.

Magsisimula na ang movie. Naigtad naman ako bigla na lang tumili si Cosmer. Kahit ako ay nagulat din nang bigla na lamang lumabas ang multo sa screen pero mas nagulat ako sa pagtili ni Cosmer. Gulat at hindi makapaniwalang napatitig ako kay Cosmer habang nakayakap pa rin sa akin. Ang buong atensyon nito ay nasa screen pa rin. Hindi ko tuloy alam kung natatakot ba talaga siya.

Muli akong napaigtad nang tumili ito at sumiksik sa akin. This time ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa. Humalagapak ako nang tawa, hindi ko naman maiwasan na mahampas ko ang hita ko sa sobrang tawa. Napahiga na ako sa sobrang tawa, napahawak na rin ako sa aking tiyan dahil sumasakit na ito.

"Shuta, Cosmer. Seryoso ka ba? Lalaki ka ba talaga?"

"Bakit babae lang ba ang p'wedeng matakot? Babae lang ba ang p'wedeng tumili?" seryosong tanong nito habang ang dalawang kilay ay halos magdikit na.

"No, of course not. Okay, okay, I'm sorry. My mistake. Sobrang natawa lang talaga ako sa reaksyon mo. Ikaw kasi ang nag-aya na horror ang panuorin kaya akala ko kaya mo."

"Kaya ko, nagugulat lang ako pero hindi ako natatakot." Naka-pout na sagot nito.

Buong magdamag ay nagpapansin lang ako kay Cosmer. Nagalit kasi ito dahil sa sinabi ko. Alam ko naman na mali ang sinabi ko. Gender equality pa naman ang laging bukang bibig ko tapos nasabi ko ang ganoon. Nagu-guilty ako. Buong magdamag ay hindi ako pinapansin ni Cosmer. Nagpapapak lang ito ng fries habang nanunuod. Mukang wala talaga siyang plano na pansinin ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko para pansinin niya ako. Hindi ko rin maintidihan ang sarili ko kung bakit ko ginagawa 'to. May parte sa akin na ang dahilan ay mali ang sinabi ko sa kaniya kaya ko ginagawa 'to pero may parte sa akin na sinasabing may iba pang rason.

Ibang rason na hindi ko maintidihan. Ayoko yung pakiramdam na ganito ang mood niya. Ayokong nagagalit siya. Ayoko na ganito ang treament niya sa akin. Iyon, iyon ang hindi ko maintindihan na pakiramdam. Hindi ko nga alam kung tama bang maramdaman ko iyon.


AN: All the parts of this chapter are full fiction.

You are reading the story above: TeenFic.Net