Fall Chapter 17

Background color
Font
Font size
Line height

Nakapagtatakang nagising ako na naglalakad na papasok sa dati kong eskwelahan noong highschool ako. Ang suot ko ay maikling itim na palda, at polong puti na may itim na tie. Suot ko rin ang sleeveless na blazer na kulay itim. Long sock na itim naman para sa paa na abot hanggang tuhod ko.

Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata. Ang pakiramdam na naka-uniform ulit ako at papasok ako sa dati kong eskwelahan ay ang sarap balikan. Ang problema lang ay wala akong kontrol sa aking katawan. Kusa akong bumabati sa mga nakakasalamuha ko kasabay nang pagngiti. Ito ang lagi kong ginagawa bilang isang good model sa mga estudyante ng Furtrick International School.

Isang eskwelahan na kilala sa buong bansa maging sa ibang bansa because why not. Kilala sila dahil sa galing ng mga estudyante nila. Kinuhan kasi nila ang mga matatalinong estudyante mula sa iba't ibang parte ng bansa with free full scholarship na sa kabutihang palad ay kasama ako.

Bilang isang vise presidente ng school government para sa high school kailangan ko maging isang anghel sa harap ng mga tao. Nasa school field na ako habang patuloy pa rin sa pagbati sa mga estudyante at guro. Sa lawak ng eskwelahan na ito ay malalayo ang mga building.

Kusang huminto ang mga paa ko nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Gusto ko mang magkunot-noo ay hindi ko magawa. Hindi kasi pamilyar ang alaala na ito. Kusang lumingon ang ulo ko at ngumiti sa taong papalapit. Isang binata ang lumapit sa akin. May itsura ito at mukang kilala siya sa campus dahil napapalingon ang lahat sa kaniya. Sino siya?

Nakangiti itong lumapit sa akin sabay akbay sa balikat ko. Gustohin ko mang bumalag ay hindi sumusunod ang katawan ko. Ang nakakainis pa ay nakangiti ako sa hindi malamang dahilan.

"So how was your day with your Mom?" maingat na tanong ng binata.

Wala sa sariling napasimangot ako. Hindi ko man maalala ang araw na ito, marinig ko lang na ang topic ay si Mommy nawawala na agad ako sa mood. Napabuntong-hininga ako at mas piniling manahimik.

"Heaven-"

"Cosmer, please lang." Naiinis na tinanggal ko ang braso nito sa balikat ko.

Sandali, ang sabi ko ba ay Cosmer? Siya si Cosmer? Kilala ko na siya noon pa? Bakit hindi ko siya maalala?

Sunod-sunod na mga senaryo ang bumalik sa alaala ko. Parang naging isang movie clip iyon. Nakakahilo sa sobrang dami, na hindi ko na rin masundan pa. Simula noong mga bata pa kami kung saan naglalaro kami sa garden ng mansyon, hanggang noong high school.

Kasama ko si Cosmer sa lahat ng bagay. Nakapagtataka kung bakit hindi ko siya maalala. Gusto ko siyang maalala. Gusto ko malaman kung sino ba siya sa buhay ko noon. Sa konting alaala na iyon alam ko na malapit siya sa akin. Hindi lang siya basta kaibigan. Nararamdaman ko, higit pa siya roon.

Ang panaginip ko noon kung saan may naglalarong mga bata sa hardin. Ngayon alam ko na kung sino sila. Si Cosmer, Collin at ako. Akalain mo nga naman. Ang dalawang mahangin mga kababata ko pala.

Ang sumunod na senaryo ay umiiyak ako habang nasa harapan ko si Cosmer at Collin na parehong tahimik habang pinagmamasdan ako. Madilim na ang buong paligid dahil gabi na. Nasa bakuran kami ng bahay ni Tita Fe. Ang Tiyahin kong matandang dalaga.

"Your Auntie is kind. So why cry?" Collin asked coldly.

"Hindi naman ako umiiyak dahil kay Tita. Umiiyak ako dahil kay Mommy," naiinis na sigaw ko.

"Your Mom? Tita V is kind. She's just influenced by bad people. Don't be too hard with your Mom."

"Bakit ako pa ang nagmumukang masama?" gulat na tanong ko. Kung nandito lang si Daddy, magiging maayos sana ang lahat. "Don't judge me as if you know what I am feeling. Wala ka naman kasi sa puwesto ko. Hindi mo naman kasi magulang ang magulang ko." Umiiyak na sigaw ko sabay takbo papasok ng bahay.

Naalala ko na, alam ko ang senaryo na ito. Ito ang araw na pinamigay ako ni Mommy sa Tiyahin ko dahil may utang siya kay Tiya na hindi niya mabayaran. Nandito si Cosmer at Collin, pero imbes na I-comfort ako ay nang-iinis pa si Collin. High school na kami nang mga panahon na 'to.

Kakaiba na ang treament sa akin ni Collin, he become cold and distant. Para bang may nagawa akong mali sa kaniya kung bakit siya naging ganito sa akin. Dito ko unti-unti napansin na parang may galit sa akin si Collin at naging distant na siya sa amin.

Dumilim ang paligid na ikinatakot ko. Wala akong makita sa sobrang dilim. Hanggang sa naramdaman ko ang malamig na paligid. At unti-unti ay parang may humuhugot sa lakas ko. Naging magulo na sa isip ko ang mga sumunod na nangyari.

NAGISING ako nang maramdaman na parang may nakatingin sa akin. May nakahawak din sa kanang kamay ko at marahang hinahaplos iyon kapag kuwan ay may dumadamping labi. Sino ba ang taong 'to?

Kahit nanghihina ay pinilit kong minulat ang mga mata para tignan kung sino ang taong kasama ko. Malabo iyon nung una dahil sa sikat ng araw. Ilang beses pa akong pumikit bago tuluyang naging malinaw sa paningin ko kung sino ang kasama ko. Si Cosmer pala. Bumungad sa akin ang kalmadong muka nito na parang payapa siyang dahil pinagmamasdan niya ko.

"Cosmer?" naisatinig ko.

Kilala ko siya simula pa noon. Unti-unti ay babalik din ang alaala ko sa kaniya. Ngayon ay nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan dahil sa naalala ko at dahil na rin sa narito siya sa tabi ko. Ngayon na may kaunti na akong naalala patungkol sa kaniya mas naging komportable na akong makipag-usap at makipagsagutan sa kaniya.

Kita ko ang gulat sa mga ni Cosmer. Wari ba'y may nasabi akong kinagulat niya gayong pangalan lang naman niya ang binanggit ko. Naiilang na ako sa tingin niya kaya naman nag-iwas ako nang tingin. Napansin ko ang katahimikan ng paligid kaya napakunot ang noo ko. Nang tignan ko ang buong kwarto ay walang kahit na sino ang naroon kundi kaming dalawa lamang. Mukang sinadya nila na iwan ako kay Cosmer.

"Heaven, maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" nag-aalalangang tanong nito.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Magaan naman ang pakiramdam ko sa kaniya, knowing na kilala ko pala siya noon, na magkaibigan pala kami o mas higit pa. Ngayon mas gusto ko na siya bilang kaibigan pero hindi ko lang talaga gusto ang ideya na kasal ako sa kaniya. Malakas na napabumuntong-hininga ako bago umiling.

"Nagugutom ka na ba?" Nakangiting tanong nito.

Halos magdikit ang dalawang kilay ko sa tanong niya. Bakit parang may kakaibang kahulugan ang tanong niya? Huwag mo sabihin sa akin na iniisip niyang patay-gutom ako?

Masungit na tumangi ako sa tanong niya. Ngayon hindi na ako natutuwa sa kaniya.

"Talaga? Maghapon kang tulog, hindi ka nagutom?" nagtatakang tanong nito ngunit mahahalata ang pang-aasar sa mga mata at tono ng boses niya.

"Ano? Maghapon? Ang tagal naman."

"Hindi mo ba alam? Bukod sa pagkain matakaw ka rin sa tulog." Natatawang sagot nito.

"Ha ha ha, ilang tawa gusto mo?" sarkastikong tanong ko.

"Mga lima."

"Pilosopo ka a!" Naiinis na binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Nagtatanong ka e." Nakangiting sagot nito.

Hindi ko alam pero naiinis na ako ngayon sa kaniya. Ang yabang ng dating niya parang si Collin. Sa bagay, magkapatid nga talaga sila. Sumingot na lang ako at piniling manahimik. Feeling close, oo, gwapo siya pero hindi ko type ang ugali niya. Minus points ka sa akin.

Naging tahimik na naman ang paligid. Pinilit ko naman na mag-iwas ng tingin habang nararamdaman ko ang mga tingin ni Cosmer. Saka ko lang napag-isip-isip, kung asawa ko siya, ibig sabihin ay sa kaniya iyong mansiyon na tinitirhan ko? At ibig din sabihin na ilang buwan niya na pala akong pinapalamon. Nakakahiya! Palamunin lang ako sa mansiyon niya. Ang isang confidently independent woman like me ay ilang buwan ng palamunin?

Napalunok ako bago lumingin kay Cosmer. Sandali, asawa ko siya, resposibilidad niya na pakainin ako lalo na at gusto niyang mag-stay lang ako sa bahay. Tama, hindi ako palamunin. Natatapakan ang ego ko. Buong buhay ko ay sanay akong kumayod para sa sarili ko. Ayoko ng ganito.

Nang magtama ang mga tingin namin ni Cosmer ay hindi man lang ito nag-abala na umiwas bagkus ay ngumiti pa ito. Hindi na rin masama kung siya ang lalaking pinili ni Mom. Mayaman siya, hindi naman siguro ako magiging battered wife 'diba?

Kakabasa ko ng mga novel 'to e. Bakit parang kasalanan pa nila? E kusang loob ako nagbasa. Pero kung magkatotoo man dapat ay wala na ang mga bodyguards. Mahihirapan ako makatakas kung may nakabuntot sa akin lagi. Kailangan nilang mawala sa landas ko. Bakit parang kontrabida ang dating ko doon?

"Mr. Carreon CEO of Carreon Hotel, siguro naman puwede mo nang alisin ang mga bodyguards?" may pagkasarkastikong turan ko ngunit pinanatili ang seryosong muka.

Nawala ang ngiti sa labi nito. Walang pasabi na pumangalumbaba siya habang ang siko ay nasa kama ko. Dahil sa ginawa niya ay mas naging malapit ang muka niya sa akin. Anong ginagawa niya? Feeling close na naman?

"Mrs. Carreon... Uhm, pag-I-isipan ko," nang-aasar na sagot nito, ngunit ang muka ay parang inosente.

"At bakit pag-iisipan mo? Meron ka ba nun?" nang-aasar na tanong ko.

"A sigi, hindi na ako mag-iisip. Hindi ko sila tatanggalin," inosenting sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Nang-aasar ba siya? "What?! Pag-isipan mo muna," takot at nagmamadaling turan ko.

"Sigi, tatanggalin ko na. Malakas ka sa akin," buong pagmamalaki na sagot nito.

"Sinong nagtanong?" pabulong na sagot ko.

"Ginaganiyan mo ako? Sigi, hindi ko tatanggalin ang mga bodyguards."

"Sorry, uyy! Sorry na!" naiinis na turan ko.

"Kapag nag-so-sorry dapat sincere hindi iyong naiinis. Kayo talagang mga babae." Napailing-iling pa ito na parang nag-aasar. "Ganito na lang, simula ngayon dapat tawagin mo ako na darling."

"Gago ka ba?"

"Ayaw mo ng darling? Sweetie pie? Pancake?"

"Ang korni mo naman!" napipikon na bulyaw ko sabay upo at pinanlakihan siya ng mata.

"Ayaw mo talaga nun? Okay, mabilis naman ako kausap."

"Nakakainis," nanlulumong bulong ko sabay pabagsak na humiga.

Nagtanong pa ito kung may sinasabi ako pero sinagot ko na lamang na nagugutom na ako. Naramdaman ko na rin kasi ang pagkulo ng tiyan ko at gusto ko makaiwas sa mga kalokohan niya. Hindi nakakatuwa ang pinapagawa niya. Even he is my husband already hindi madali na mag-adjust from being single to being married. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ng isang mabuting asawa dahil in the first hindi pa ako nagkaka-boyfriend.

Nakakatawa na lang isipin nanalo si Cyrene sa pustahan. Hindi niya na rin siguro naalala iyon. At hindi niya na dapata maalala iyon dahil mapapagastos ako ng sobra. Ang babaing yun, may kasalanan pa siya sa akin.

Tumayo si Cosmer at naghanda ng makakain. Tahimik lang ito ngunit nakikiramdam din gaya ko. Saka ko lang napansin na madilim na sa labas nang tumingin ako sa bintana. Gabi na pala. Hindi ko man lang namalayan. Kaya siguro umalis na ang mga kasama namin kanina. Kailan ba ako makakauwi? Bakit nga ba hindi ko natanong iyon?

Umupo ako nang makitang maayos na ang lahat sa mesa. Masiyadong marami ang pagkain. May chicken na galing sa paborito kong fast food chain, may burger, soaf drinks, float at saging. Umupo naman sa harap ko si Cosmer. Hindi pa ba siya kumakain? Don't tell me sasabay siya sa akin?

"Puwede naman siguro ako sumabay kumain sa asawa ko 'diba?" Nakangiting tanong nito.

Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "May magagawa ba ako?" masungit na sagot ko. Nilagay ko ang siko ko sa mesa sabay pangalumbaba nang maalala ko ang itatanong ko. "Teka nga, bakit kung umakto ka parang close tayo? Hindi ka ba naiilang sa akin? Kasi ako oo."

"Hmm, bakit naman ako maiilang? Matagal na tayong magkasama. Mga bata pa lang tayo. Alam ko nga na may nunal ka sa dibdib-"

"Wait!" pinahinto ko siya habang nakataas ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko bago hinawakan ang mga dibdib ko. Nakita niya na ang dibdib ko? "Paano mo naman nalaman yun?"

"A, yun ba. Hinahayaan mo ako lagi na gawing unan dibdib mo," sagot nito na parang nakapasimpling bagay lang ng sinasabi niya.

"Ano?! Bakit ko naman hahayaan yun?! Ang sabi mo matagal na tayong magkasama simula bata pa lang... Naging tayo ba?" kinakabahang tanong ko.

Ako iyong tipo ng babae na hindi nagpapahawak ng dibdib kahit babae pa yan. Tapos siya? Laging nararamdaman ang dibdib ko? Hindi kaya baliw na baliw ako sa kaniya dati? Ginayuma niya siguro ako!

"Naging ex-girlfriend kita bago tayo pinagkasundo. Iyon lang ang pwede ko sabihin," sagot nito sabay subo ng kanin.

Ako iyong nagugutom pero siya ang naunang kumain. Aba, tinamaan ka ng magaling. Sino ngayon sa amin ang patay-gutom?

"No, tell me. Bakit tayo naghiwalay?" tanong ko, determinadong malaman ang sagot, may bakas ng pag-u-utos sa boses ko.

"May nagawa akong kasalanan, pero hindi ko sinasadya iyon. Planado ang lahat, pero hindi mo pinakinggan ang side ko at basta ka na lang nakipaghiwalay." Ngumunguya siya habang nagsasalita. Muka tuloy siyang bata.

"Wait, victim blaming 'to a. Bakit parang kasalanan ko pa? Ako na nga itong biktima. Argh, kayo talagang mga lalaki. Kapag kayo nagkasala gusto niyo isang sorry lang okay na? Sasabihan pa kaming mga babae na maarte at pakipot. Pero pagkami ang nagkamali gusto niyo hiwalay agad! Walang sorry-sorry. Aba, nasaaan ang gender equality doon? That's so unfair!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Lumunok muna ito bago kumuha ng utensils at nilagay sa mga kamay ko. "Hon, relax. Ang layo nang narating mo. Kumain ka na, gutom lang 'yan."

Tinignan ko siya ng masama. Mga lalaki talaga, "E totoo naman ang sinasabi ko a. Tinatamaan ka siguro."

"Opo, tinamaan ako sayo." Tumaas-baba pa ang dalawang kilay nito.

"Luh, kumain ka ba ng corn? Corny mo," masungit na pangbabara ko. "Bago mo pa masabi ang matatamis na pangbobola mo, nasa utak ko na yan. Sa dami ng libro na nabasa ko kahit sarili ko kaya kong pakiligin."

"Argh, ang sama ng epekto ng pagbabasa sayo," inis na bulong nito pero rinig na rinig ko pa rin.

"Hindi nuh, makikita mo pagdating sa kama. Baka mabaliw ka sa akin." Nangingising sagot ko.

"Heaven!" may pagbabanta sa boses nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Anong problema niya? "Don't tell me nagbabasa ka ng mga bed scene."

"Sandali, bakit parang nagiging si Daddy ka?" sa paraan ng paninita para siyang si Daddy. Ilang buwan na lang wala na sa kalendaryo ang edad ko. Hindi na ako bata. "Ikaw naman makikinabang nun e."

Nagpatuloy ako sa pagkain at binalewa na lang siya. Kung ganoon ex ko pala siya. Hindi na rin siguro masama kung ex ko ang asawa ko ngayon kung naaalala ko siya. Muling naging tahimik ang buong paligid. Tanging pagtama ng mga utensils na gamit namin ang tanging nagiging ingay sa paligid.

Kung kababata ko siya, ibig sabihin kilala niya sila Cyrene at Joshua, maging ang iba pa. Ito siguro ang pilit na tinatago nila sa akin para protektahan ako gaya ng sabi ni Joshua. Sana nga ay ganoon. Kakausapin ko si Cyrene tungkol dito. Hindi ako mapakali sa huling sinabi niya sa akin.

Ngayon na unti-unti nang nasasagot ang mga problema ko siguro naman puwede ko na tulungan si Jana sa problema niya dahil pareho lang naman ang gusto namin. Ang malaman ang totoong nangyari two years ago.

Tinapos ko ang pagkain ko na hindi kumikibo. Kahit papaano ay hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness kahit tahimik kami pareho. Panay lang ang tingin sa akin ni Cosmer, kapag nagtatagpu naman ang mga tingin namin ay agad siyang ngingiti.

Nararamdaman ko sa sarili ko na kahit papaano ay gumagaan na ang pakiramdam ko sa kaniya. Hindi katulad noong una. Basta huwag lang siya magyayabang, magiging maayos ang lahat sa pagitan namin.

Pagkatapos ko kumain ay natapos na rin kumain si Cosmer. Siya ang nagligpit ng mga kinainan namin, habang ako ay simisimsim ng float at pinagmamasdan siya. Maganda ang katawan niya, sakto lang sa mga tipo ko. Naningkit ang mga mata ko habang bumababa ang paningin ko papunta sa puwetan nito. Uhm, ang unfair ng mundo...

Napalunok ako sabay hawak sa puwetan ko habang sa isip ay pinagkukumpara na, ang tambok ng puwetan niya sa puwetan ko. Bakit ganoon, mas malaki ang sa kaniya?

Naiinis na sinamaan ko ng tingin ang puwetan ni Cosmer. Hindi ko namalayan na naibigkas ko na pala ang salitang matambok dahilan para mapalingon si Cosmer at nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin sa puwetan niya at sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Minamanyak mo ang puwet ko. Tsk, tss, masama yan, Heaven." Napapailing na sabi nito habang may naglalarong ngiti sa labi.

"Hoy! Hindi kita minamanyak nuh. Baka nga ikaw-"

"Deny pa more." Napapailing na sabi nito. "Baka nga deep inside, gusto mo na hawakan."

"For your information puwet mong may lotion. Hindi lang ikaw ang may matambok na puwet. At sino ka naman sa akala mo para manyakin ko?" naiinis na dahilan ko sabay padabog na nilagay ang plastic cup ng float sa side table.

"Ang pinaka-hot at gwapong asawa ni Heaven Enricoso Carreon," mayabang na sagot nito. Humarap pa ito sa akin sabay buka ng mga braso nito na parang lilipad.

"Gusto mo I-divorce kita?" seryosong pananakot ko.

Nanlaki ang mga mata nito pero agad din na nagbago at napalitan ng pakasimangot. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaasar sa mga sumunod nitong sinabi with matching paawa effects at teary eyes.

"Babe, walang ganiyanan. Sorry, sorry kasi makulit ako, sorry kasi hindi naman talaga ako gwapo, sorry hindi naman talaga ako hot-"

"Sadboi ka, Boy?" pangbabara ko.

Ngumisi ito saka natatawang lumapit sa akin at bigla na lang ako hinawakan ang wrist ko sabay hatak sa akin palapit sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang pagdampi ng labi nito sa labi ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang nanlalaki ang mga mata. T-that's my first kiss... or maybe not?

Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang makitang nakapikit ang mukong at mukang nag-e-enjoy. Mas tromeple ang bilis ng tibok ng puso ko nang magsimulang gumalaw ang labi nito. Hindi ko alam kung paano ang gagawin. Hindi ako marunong humalik at higit sa lahat ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Asawa ko siya pero hindi ko siya mahal, tama ba na maramdaman ko na ang nararamdaman ko ngayon?

Pakiramdam ko kasi ay ayos lang ang nagyayari, pakiramdam ko ay matagal na naming ginagawa ito at natural lang ang lahat.

Kusang gumalaw ang labi ko at sumabay sa bawat galaw ng labi ni Cosmer. I couldn't resist it. I admit I'm enjoying what he is making me feel. Napapikit ako na lamang ako habang tumutugon sa bawat halik ni Cosmer.

Ilang segundo pa ang lumipas at si Cosmer na mismo ang tumigil. Magkadikit pa rin ang mga noo namin habang nanatili naman akong nakapikit at naghahabol ng hininga. Ngayon ko lang naramdaman ang hiya sa katawan ko. Hindi ko siya kayang tignan. I just kissed a stranger! I kissed him! Gosh, Heaven!

"Bakit naman ako malulungkot kung nasa akin ka na? As if naman papayag ako na mawala ka ulit sa akin," mayabang na bulong nito.

I can't help but open my eyes and see his smirk. He looks so confident and dashed. Damn, my heart. Please, calm down. Hindi dapat ako magpauto sa mabubulaklak niyang salita. Hindi ako si Bola para magpabola.

You are reading the story above: TeenFic.Net