Fall Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height

Masayang tinapos ko ang pagkain ko. Hindi naman matanggang ang pagkakatingin ni Joshua sa akin. I'm not mad at him, even to Cyrene. Gusto lang nila ako protektahan. Ayoko na rin magtanong nang magtanong pa dahil makukuha ko rin ang sagot sa tamang panahon. Sapat na sa akin ang paliwanag ni Joshua. Pinoprotektahan lang nila ako.

Nang matapos ako kumain ay kunot-noo akong tumingin kay Joshua na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin. Ni hindi man lang niya nagalaw ang pagkain simula nang mag-usap kami.

"Josh? May problema ba?" Kumaway ang kanang kamay ko sa harap ng muka niya.

Natauhan ito, pumikit-pikit pa bago nangingising tumingin sa akin. Kanina ay kinakabahan, sunod natulala, ngayon ngumingisi. Hindi kaya, may tililing ang isang 'to?

"Sorry, ang akala ko magagalit ka pa. Masaya ako kasi hindi ka nagalit pa at mukang satisfy ka sa naging paliwanag ko. Sa bagay, valid naman yun." Tumango-tango ito bago nagsimulang kumain. "Buti, bati na tayo," dugtong nito habang ngumunguya.

Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Asa naman siya masiyado. May kasalanan pa siya, hindi yun basta masusuholan ng paliwanag. Isa pa ay mayaman naman siya hindi mabigat sa bulsa kapag humingi ako ng sampung libro sa kaniya. Napansin ni Joshua ang reaksyon ko kaya halos mag-isang linya ang kilay niya.

Umiling ako sabay labas ng dila para maasar siya. Humiga ako at humihikab na pumikit ako. Inaantok pa ako. Sabagay madalas naman ako antokin pagkatapos kumain. Hinayaan ko ang sarili na antokin. Hindi ko pinansin ang pangungulit ni Joshua. May sinasabi pa itong tungkol sa bawal matulog pagkatapos kumain. Syembre alam ko iyon, hindi naman ako shunga pero inaantok na talaga ako.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mahihinang usapan ng dalawang lalaki. Boses iyon ni Joshua at Mr. Carreon. Tahimik ang buong paligid kaya hindi nakapagtataka na kahit anong hina ng boses ni Joshua at Mr. Carreon ay rinig na rinig ko pa rin ito.

"Puwede ba, pare. Sabihin mo na lang kung anong pinuputok ng bushi mo," may inis na sabi ni Joshua ngunit gamit ang mababang boses.

"What's my problem? Ikaw! Tsk.... know your limits, dude. Baka hindi ako makapagpigil, humilita ka na lang d'yan bigla."

Ano bang sinasabi niya? Huwag niya sabihin sa akin na nagseselos siya kay Joshua? Sino ba siya akala niya?

"Limits? Heaven and I are friends since high school. Of course, I know my limits," mapang-asar na sagot ni Joshua.

"Fuck-"

Naputol ang usapan nila nang bumukas ang pinto. Nag-iba ang ihip ng hangin kasabay nang pagsalita ni Mommy.

"Hey boys!" masayang bati ni Mom.

OMG si Mommy. Parang tumalon ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat matuwa ako na nandito na si Mommy dahil siya lang ang laging tinuturo ng lahat na magsasabi sa akin ng mga dapat kong malaman pero kinakabahan ako, natatakot ako. Hindi dapat ganito. Handa na ba talaga ako I-komperma ang lahat?

Hindi ako bumangon at nagpatuloy lamang sa pagpapangap na tulog. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang sarili na huwag muna didilat. Hanggang saan ba ako tatagal? Hindi ako magaling magpanggap na tulog. Mabilis ako matawa or dumilat.

"Hi, Tita... Hi, Tito," balik-bati ni Joshua.

"Hi Mom... Dad, kamusta ho? Nakapagpahinga ho ba kayo?!" masayang bungad ni Mr. Carreon.

Bakit parang close na close siya sa mga parents ko? Araw-araw ba sila kung magkita? Don't tell me, nagkaroon pa sila ng mother and son-in-law bonding?

"Okay lang kami, hijo. Kamusta na ang asawa mo? Nakausap mo na ba?" balik tanong ni Daddy.

Hindi ko maiwasan na magtaas ng kilay nang marinig ko ang salitang asawa na mismong galing sa bibig ni Dad. Don't tell me alam niya?

"Hindi pa ho, Dad. But don't worry maso-solo ko naman po siya sa mansyon. You don't need worry about us," kampante na sagot ni Mr. Carreon.

"Hindi pa rin ba siya nagigising?" maarteng tanong ni Mom.

Hindi ko alam kung nag-alala man lang ba siya kahit konti nang malaman na nandito ako. Pinilit ko na lang alisin ang negative thought sa isip ko. Hindi makakatulong iyon sa mga nangyayari. May magandang reason si Joshua why he keep his mouth shut. Ngayon kay Mom naman ang gusto kong malaman.

Sa tingin ko ay umupo na sila sa sofa dahil sa ingay ng string na nasa loob ng sofa. Dad is with them all this time. Si Dad pa naman ang inaasahan kong magiging kakampi ko rito.

"Nagising na ho siya pero natulog lang ulit. My wife is fine now, sabi ng doktor," it was Cosmer.

Pakiramdam ko ay nakatingin sila sa akin. Nakagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili na gumalaw kahit kaunti. Mas mahirap pa ito sa inaakala ko. Kung sa penikula pang-direktor lang ako hindi pang-artista.

Hindi ko na kaya, baka ito na talaga ang tamang panahon. Wala na rin naman akong takas kung iiwas ako ngayon. Isa pa ay ito naman talaga ang gusto ko. Tahimik at maingat na lumunok ako bago marahan na dumilat. Umaarte na inantok pa at bagong gising pa lang. At dahil nagising ako sa side na malapit sa bintana, kaya humarap ako sa kanila.

Nakahiga pa rin ako nang lumingon sa kanila. Halos sabay sabay silang napalingon sa gawi ko. Napalunok ako bago marahang bumangon. Ito na talaga. Masasagot na ang lahat ng katanungan ko.

"Tell me now, Mom. Siguro naman sabat na ang ilang buwan na pagtatago mo para sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari," mahinahon na sabi ko.

Umupo ako nang pa-indian set paharap sa kanila. Tahimik lang sila habang nakatingin sa akin. Base sa mga itsura ng mga muka nila ay kinakabahan sila, maliban kay Mom na kampante lang na naka-upo. Mukang hindi pa rin sila ready magsalita. Kulang ba ang ilang buwan na pagtatago nila?

Si Mommy ang unang bumasag sa katahimikan nang maarteng bumuntong hininga ito sabay ikot ng kaniyang mga eyeball. Magulang ba talaga siya? Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Mas lalong tumitindi ang inis ko sa kaniya. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan.

Tumayo si Mom pero hindi umalis sa puwesto. Tinignan niya ako na parang isang gamit na boring tignan. Napalunok ako para pigilan na sigawan siya.

"Naalala mo dati, noong bata ka pa. I had an affair that time," mahinahon na sabi ni Mom.

"Stop.. i want, a.... direct to the point answer!"

"Be patient, Heaven," banta nito, ni hindi man lang natinag.

"Fine!" pagsuko ko.

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib dahil sa inis. Do I have a choice? As I have. Hindi nga nila ako tinanong kung gusto ko ba makasal sa lalaking 'yan e.

"'Di nagiging sapat ang pera na pinapadala ng Daddy mo, para sa mga luho ko pati... ng affair ko... so I don't have a choice kundi ang umutang hanggang sa mabaon ako."

"Mayroon kang choice, Mom. At iyon ay ang huminto sa kabaliwan na yun, pero itinuloy mo pa rin," sarkastikong sabi ko.

Nangingising napailing ako sa sagot niya. I don't get her point, wala raw choice. Tsk, what a lame excuse. I hate that kind of excuses. Mayroon laging choice. Nasa sa iyo na lang iyon kung gagawin mo because in the end maganda man o panget ang kinalabasan na sa iyo pa rin ang sisi.

"Heaven, please!" pagpapahinto n'ya sa'kin. Nagpatuloy s'ya nang hindi na ako umimik. "Nabaon ako sa utang hanggang sa umuwi ang Daddy mo. Saka lang natapos ang mga kahibangan ko, pero hindi n'ya alam ang mga utang na yun. Hanggang sa nagkasundo kami ng pinagkakautangan ko, na ikaw ang kabayaran sa lahat ng utang ko. Hindi na rin iyon masama kasi gustong-gusto ka niya para sa anak niya."

What? Seryoso ba siya? Paano niya na sasabi ang ganiyang bagay? Muka ba akong pangbayad ng utang? Hindi na rin masama na pangbayad ako? Wow, just wow.

"Heaven, napagkasunduan naming ipakasal ka sa bunso n'yang anak... Pagkatapos mo nang college mangyayari ang kasunduan, kaso may nangyaring aksi-"

Sabay kaming napatingin ni Mommy kay Daddy nang putulin ni Daddy ang mga susunod na sasabihin ni Mom.

"Ma," the warning was evident on his voice. "V, hindi na kailangan na isama ang nangyari 2 years ago." Hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy para pahintuin ito.

My brows knitted in confusion. Nangyari 2 years ago? Ano ba talaga ang totoong nangyari 2 years ago? Bakit tinatago pa nila iyon?

Nadismaya ako nang mapagtanto na marami pa silang tinatago. Tumango si Mommy bago tumingin kay Cosmer na tahimik lang na nagmamasid. Gusto ko magtanong pero parang nawalan ako ng gana. Si Daddy na akala ko madadamayan ako ngayon alam din pala ang totoo at mukang kasama rin siya ni Mommy sa pagtatago sa akin ng totoo.

"Cosmer, come here." Mom extend her hand. Agad namang sumunod sa kanya si Cosmer. Tumayo ito sa tabi n'ya bago tumingin sa'kin. Agad na nagtama ang tingin namin na nagpabilis na naman nang pagtibok ng puso ko. "Heaven, listen up."

Bumalik ang tingin ko kay Mommy. Nakita ko ang pagtayo ni Dad at paghawak sa mga balikat ni Mommy. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil pagkatapos ng cheating part sa relationship nila ay buo pa rin sila, or magagalit kasi nag-team up sila para dito.

"We should get ready."

Rinig kong sabi ni Daddy. Kita ang lungkot at guilt sa mga mata niya, maging sa expression ng muka niya.

"This guy... is Cosmer Gray... Carreon... CEO of Carreon Hotel, your husband, Heaven. Your husband,"

Lumipat ang tingin ko kay Mom at agad na nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Alam ko na pero hindi ko maiwasan umasa na sana hindi. Marraige is not easy as many young people think. Akala nila kapag kinasal sila iyon lang pero hindi nila alam ang mga responsibility na dapat nilang gampanan. Maraming magbabago.

Kaya maraming asawa ang nagrereklamo dahil sa hirap ginagampanan nila dahil ang akala nila madali ang buhay may asawa. Paano na lang kami? Hindi ko nga siya kilala at higit sa lahat, hindi ko siya mahal. Marriage is a life time responsibility and your husband will be your life time partner.

'Your husband' paulit-ulit na nag-echo sa isip ko ang sinabi ni Mommy. Parang may humuhugot ng lakas ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay. Napahawak ako foam na kinahihigaan ko. Napayuko ako dahil sa hilo at panghihina. Parang nakalutang ako sa ulap, saka ko lang napansin na bumasag na pala ako sa kama pahiga kasabay nang pagtawag ni Mr. Carreon sa pangalan ko.

Dumilim ang paligid at mas lalong lumamig. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na nasundan.

You are reading the story above: TeenFic.Net