Fall Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

COSMER POINT OF VIEW

Nasa harap ako ngayon sa hamba ng sliding door, patungo sa veranda. Puting kurtina ang nagsisilbing taguan ko para hindi tuluyang makita ni Heaven. Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko si Heaven habang abala sa kinakain. I always wanted to see her, much better if it closer pero sa ngayon ay magtitiis muna ako sa ganitong set up.

Ilang buwan na rin na ganito ang sitwasyon ko. Kaduwagan ang tingin ng iba sa ginagawa ko pero hindi pa ako handa na maka-usap at malapitan si Heaven. Kailangan ko pa nang panahon. Kaunting panahon para makapaghanda sa mga posibling mangyari. Hindi ko gugustuhin na mawala ulit siya sa akin.

Dalawang magkasunod na katok sa pinto ang narinig ko. Hindi ko iyon binigyang pansin. Nakatuon lang ang paningin ko sa kay Heaven. Napapadalas ang pagtambay niya sa pool area. Sigurado ako na marami na ang tanong sa isip niya. Ano mang oras ay gagawa na siya ng paraan para malaman ang totoo at hindi ko na mapipigilan yun. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto, tinignan ko kung sino ang dumating. Nakita ko si Manang na may hawak na tray. Ipinatong niya ang tray sa office table ko.

"Hijo, ito ang meryenda. Wala ka bang balak lumabas ngayon? Wala kang pasok sa opisina mo ngayon a," pagbubukas ng usapan ni Manang Sonya matapos mailapag ang pagkain.

Bumalik ang tingin ko kay Heaven. Kita mula rito kung paano siya pasimpling tumingin sa gawi ko. Magaling talaga ang pakiramdam niya. I smirked because of the thought.

"I want to watch her, I don't feel like going out either, Manang," bored na sagot ko.

"Hindi rin halata na baliw na baliw ka sa batang yun," pabirong sabi ni Manang.

Naistatwa ako sa kinakatayuan ko. Fuck, nakakabakla 'to. Nahihiyang napakamot ako ng batok. Nakayukong lumapit ako sa office table ko at umupo sa swivel chair. Rinig ko ang hagikgik ni Manang kaya mas lalo akong nahiya. Ramdam ko rin ang init ng pisngi ko. Kapag ganito ay namumula ako, mula pisngi hanggang tenga at batok.

Inilapit ko ang tray at kinuha ang sandwich. Club sandwich iyon na may kasamang orange juice. Kumagat ako habang pilit na iniiwas ang tingin kay Manang. Para akong bata na nahihiya aminin sa nanay niya na may kinakabaliwang babae ang anak niya. Heaven is my first love, and first love never dies. Until now, still her, nothing change.

Umupo si Manang sa sofa na malapit sa kama. Maayos ang lahat sa trabaho, maaga kong tinatapos ang dapat na tapusin para maaga akong makauwi and also to spend sometime here in house while watching Heaven.

"Hijo, nararamdaman ka niya."

Nabitin sa ere ang sandwich na kakainin ko sana. Takang napalingon ako kay Manang. Maang-maangan ko kahit alam ko naman talaga ang tinutukoy niya.

"Ano ho ang ibig n'yong sabihin?!" takang tanong ko.

She saw me a while ago, for sure I gave her a little hint for what is really happening. She graduated with a flying colors after all, and for sure this is just a piece of cake to her after all she is a writer who have a wide imagination. Baka kung anu-ano na ang pumapasok na eksena sa isip niya. Napabuntong-hininga si Manang na siyang nakaagaw nang atensyon ko sa pag-iisip.

"Hijo, sinabi niya sa akin na may nararamdaman siyang nakamasid sa kanya. Nakakatawa ang batang yun kahit alam niyang hindi multo ay pinalabas niyang multo ang nararamdaman niya, kita ko sa mga mata niya. Alam kong may idea na siya, ayaw niya lang ipaalam sa akin." Nakangiting kwento nito habang hinaplos ang sofa.

"I know, Manang. She's smart and a hardheaded too." Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa sandwich na hindi ko na makain dahil sa pag-uusap namin ni manang. "She saw me, Manang. Alam kong unti-unti, malalaman niya rin ang totoo nang walang nagsasabi sa kaniya."

Walang kagat-kagat na sinubo ko ang sandwich bago tumayo at nakapamulsang naglakad patungo sa veranda upang silipin ulit si Heaven. Nagbabaka sakali na kung naroon pa rin siya pero mukang umalis na ito. Hindi talaga siya marunong maghintay. Bumalik ako sa swivel chair at inubos ang juice kaya napatitig ako sa baso na hawak ko. Bakit parang ang unti ng juice?

"Siguro nga, hijo. Alam mo ba, hijo, kanina ay inaaya ko siyang mag-swimming pero iyong muka niya parang nakakita ng multo. Nawala sa isip ko na takot nga pala siya malalim na tubig." Natatawang sabi nito.

Bumaling ako kay Manang. Nangingiting napailing ako sa sinabi ni Manang. Inilapag ko ang baso sa tray bago sumandal sa upuan. Hindi pa rin pala nagbabago iyon. I am the reason of her fear, for once, she save me. Tumayo si Manang at niligpit ang pinagkainan ko bago nagpaalam na aalis na dahil may gagawin pa raw ito. Malapit na, Heaven. Magkakasama rin tayo.

I WAS preparing to go out para mabantayan ang babaeng yun, nang biglang pumasok si Manang the reason why I stopped from what I am doing. Nakangiti sya ng tumingin sa'kin.

ANG karma talaga masiyadong mabilis. Nagpaalam si Heaven kay Manang na magkakaroon daw itong celebration sa isang bar. Bar na maraming lalaki, bar na maraming alak, bar na magpapawala sa katinuan niya. Hindi ako papayag na mag-I-take advantage siya ng mga lalaking nasa bar kapag nakitang mahina na siya. What mine is mine. No one is allowed to get share of what is mine. Especially if that of it is Heaven.

I'm in the middle of preparing when Manang enter my room. Napahinto ako sa pagtitiklop ng sleeve ko sabay pameywang. Itinuon ko ang atensiyon ko kay Manang.

"Hijo, papaalis na siya, sa pintuan lang ako. Ang mga boydguards niya ay mananatili sa malayo, nakamatyag," Manang said, worried is invident in her voice. Tango lang ang naisagot ko bago inayos ang tiklop sa sleeves ko. "Narito na 'ata ang mga kaibigan niya."

Napalingon si Manang sa veranda nang marining ang busina sa labas. Nakatayo ako sa harap ng kama ko, nakatalikod sa veranda. Nagpaalam si Manang na aalis na kaya agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at sumunod. Sa front veranda ako dumiretso para tanawin ang pag-alis ni Heaven. Nakapamulsa ako habang hinihintay ang paglabas niya.

Hindi ako pabor sa pagpayag ni Manang kay Heaven na umalis ngayong gabi lalo na nang malaman ko na sa bar ito pupunta. Baka kung ano na naman ang isuot ng babaing yun. Kapag hindi ako nakapagtimpi ay magpapakita ako ng wala sa plano.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita si Heaven. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti. The last time I saw her wearing that kind of clothes, I almost ripped it off. Fuck, this is the hardest temptation. Kahit sinong lalaki ay mapapansin siya. Agaw-pansin ang suot at hubog ng katawan niya. Napalunok ako kasabay ng pagkuyom ng kamao ko sa loob ng bulsa ko. Talagang sinusubukan niya ang pasensiya ko. Napalunok ako at pilit na kinalma ang sarili.

Kasalanan ito ni Manang, hindi dapat siya pumayag na umalis si Heaven. Marami na ang kaagaw ko sa babaing yun pati ba naman ngayon madadagdagan pa. Even some of Heaven's man bestfriends like her. Sadyang manhid si Heaven para mapansin iyon.

"A party girl," I whispered to myself.

Before she went inside the car she looked at my direction that I wasn't expecting. Our eyes meet and I can't help but to stared back. She's the beautiful girl I know. She has a lot of flaws but it doesn't make her less beautiful in my eyes. I can't just sit here while she's there drinking with the other guys... She is mine I smirked before preparing to follow her.

HEAVEN is dancing in a disco when I came. Pasaway talaga. Kita mula rito kung paano naging parang predator ang mga lalaki nang makita si Heaven. Based on how they looked at Heaven, they are planning something bad. Ito nga ba ang kinakatakot ko pero kailangan ko pa rin na pigilan ang sarili ko.

Lumipas ang ilang oras hanggang sa makaramdaman ko na kailangan kong magbanyo. Naiinis na naghanap ako ng banyo. Napayuko ako nang makita si Justine at Joshua sa pinakatagong parte ng bar. Anong ginagawa nila rito? Kasama ba nila si Heaven?

Nagmadali ako pumasok sa restroom. Binilisan ko ang pagkilos dahil baka makawala si Heaven. Masama pa na kasama niya si Joshua. Everyone knows that Joshua likes Heaven, even Heaven is aware of that. Wala akong tiwala kay Joshua. Lalaki pa rin siya. Lahat ginagawa niya kapag sinabi ni Heaven, ganoon siya kabaliw. Kahit na may girlfriend ngayon si Joshua alam ko na ginagamit niya lang iyon na panakip butas para masabi na wala na siyang nararamdaman kay Heaven.

Palabas na ako ng restroom nang makita si Heaven. Kumukuha ito ng suporta sa pader. Mapupungay na ang mga mata. Napalunok ako nang magtagpu ang mga tingin namin. Hindi nagbago ang reaksyon niya. Muntik na siyang mabuwal kaya napahakbang ako palapit. Naduduwal siya kaya nagmamadali siyang pumasok sa girls restroom. Pasaway ka talaga, Heaven. Lagi mo na lang ako pinag-aalala. Inalalayan ko siya habang hinahagod ang likod niya.

Lihim akong napangiti nang mahawakan ko siya. Sheet, nababakla na naman ako. Ang lakas talaga ng epekto mo sa akin. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon para akong lumulutang sa ere. Ang sarap sa pakiramdam na ang lapit niya, na nahahawakan ko siya. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko.

"Babe, I miss you so much," I whispered in her ears.

I was looking at her in through the mirror. Suddenly, she use her remaining energy to looked at the mirror. Her eyes widen a bit as if her sleepy eyes felt the urge to open more so she can see me clearly. Our eyes meet that made my heart skip a beat. This always happened even before, she's the only person who can make me feel like this.

Maya-maya ay umayos na ang paraan niya ng pagtayo, pinilit na rin niyang buksan ng maigi ang mata niya. Mukang umaayos na ang pakiramdam niya. Dahan-dahan ay pinilit niyang gumalaw paharap sa akin, habang nakaalalay lang ako sa kaniya. Muntik na siyang ma-out of balance mabuti na lang at nandoon ako. Pasaway talaga siya. Natingin lang siya sa akin kaya hindi ko maiwasan na mailang sa paraan ng pagtingin niya.

"You're so drunk, hon. Let's go home, you're making me worry, babe," I said while looking at her.

Suddenly, she hug me and placed her head on my shoulder. I can feel her breath on my neck. Fuck, another temptation. Pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya at inilapit pa ang katawan niya sa akin.

"I'm not your fucking wife, mister," she mumbled and tried to looked at me.

I smirked because of what I have heard. Hinaplos ko ang buhok niya kasabay ng paghigpit nang yakap ng isang braso ko sa bewang niya. Wala siyang ka-alam-alam na matagal na siyang may asawa, na matagal na siyang akin. Makikilala mo rin ako, malapit na tayong pumunta sa punto na yun.

"You are my wife, legally." I kissed her cheeks. "I miss you so much, Heaven. Please come back to me."

Binuhat ko si Heaven in a bridal style. Masyado na siyang lango sa alak. Hindi naman kasi mataas ang alcohol tolerance niya. Lumabas kami ng restroom na buhat-buhat ko siya. Mabilis akong naglakad palabas. Nakita ko pa na umalis si Cyrene sa dance floor at mukang hinahanap na si Heaven. Hindi na nila kailangan mag-alala kay Heaven dahil nasa akin na siya.

I park my car in front of our house. Darn wife, you're so heavy. Since she fell a sleep after she vomited in the restroom I will chose to carry her all the way to her room rather than waking her up. She's still at sleep when I stop the car in front of our house. I'm happy to serve my wife. Ngayon lamang ito kaya susulitin ko na lamang.

Lumabas ako ng sasakyan at umikot papunta sa side ng front seat. Nang buksan ko ang pinto ay gumalaw siya. Mukang nagising siya. I squat at her side. Mukang nasa akin ang swerte ngayon dahil gumalaw siya paharap sa akin. Kitang-kita ko ngayon ang buong muka niya kaya napangiti ako. Ang ganda.

"Oumm, darn my head is in trouble," pabulong niyang sabi sa sarili.

Hinayakap ko ang isang braso ko bewang niya at lumapit pa sa kaniya. Ni hindi man lang siya gumalaw nang halikan ko ang pisngi niya. Napangiti ako habang unti-unti ay bumaba ang labi ko para halikan ang labi niya. This is not even the first I kissed her without her consent after all she's my wife and I think, there is nothing wrong with it dahil kapag nakilala na niya ako ay gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin. Hindi pa lang puwede sa ngayon dahil masilan pa ang kalagayan niya.

Naglapat ng labi namin at hindi inaasahan ang pagyakap ng isang braso niya sa leeg ko. Nanigas ako at gulat na nakatingin sa kaniya. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Fuck this is wrong! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mahinang ungol ang kumawala kay Heaven na mas lalong nagpabaliw sa akin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at gumanti ng halik. Yumakap ang isa pang braso ni Heaven sa bewang ko at naglalakabay iyon pababa. Darn, Heaven, hindi mo alam ang ginagawa mo.

Pumasok ako sa sasakyan ng hindi bumibitaw ng halik. She's my wife, paulit-ulit na dahilan ko sa sarili para ipagpatuloy ang pagganti sa halik. Munting ungol ang muling lumabas sa bibig ni Heaven. Mas lalo akong ginaganahan. Bumaba ang halik ko sa panga niya hanggang sa leeg niya. Kusang kumilos si Heaven para tumingala. Ibinaba niya rin ang lace sa balikat niya. Pinagti-tripan niya ba ako? Sheet!

Hinalikan ko ang balikat niya pagkatapos ay hinihingal na huminto ako. Ako na mismo ang nagtaas sa lace ng silky dress niya bago yumakap sa kaniya. Isiniksik ko ang ulo ko leeg niya. Ramdam ko na natigilan siya pero maya-maya lang ay yumakap ang isang braso niya sa bewang ko at naramdaman ko ang isang kamay niya na sumusuklay sa buhok ko. Madalas niya iyong ginagawa dati. I miss her so much. Tumulo ang isang luha galing sa mata ko. Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko kung bakit na-aksidente siya, at kasalanan ko kung bakit nabura ako sa alaala niya.

Gusto kong umiyak at aminin na ang lahat kay Heaven para matapos na ang lahat pero paano kung lumala ang kondisyon niya? Paano ako? Paano siya? Paano yung kami? I cannot afford to lose her again.

Kapag siguro may makakita sa akin na umiiyak dahil sa babae ay madrama o kabaklaan na ang tingin sa itsura ko. Lalaki ako dapat maging malakas ako sa ganitong sitwasyon pero tangina tao rin ako may mga pagkakataon din na nanghihina ako at kailangan ko ng taong makikinig sa problema ko. Hindi porket lalaki malakas na. Nagiging mahina rin ako lalo na pagdating sa mga babaing mahal ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at naramdaman ko na tumigil na si Heaven sa pagsuklay sa buhok ko. Mukang nakatulog na siya ng tuluyan. Tinignan ko siya at nakitang mahimbig na ang tulog niya. Inayos ko ang sarili bago lumabas ng sasakyan. Binuhat ko si Heaven nang pa-bridal style. Nag-door bell ako ng isang beses bago bumukas ang maliit na gate. Naroon na si Manang at nag-aalalang nakatingin kay Heaven. Hindi ko na pinansi ang tanong nito at dumiretso na lang papasok ng bahay.

Maingat kong binaba si Heaven sa kama nya. Nagising na naman ang babae nang umaakyat ako ng hagdan and now, she's still conscious pero parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. I smiled by the thought. Tinitigan ko siya nang ilang minuto. May binibulong siya na hindi ko maintindihan. Maya-maya pa ay natigil na siya sa mga pinagsasabi niya. Umupo ako sa kama kapantay ng bewang niya. Payakap kong ipinatong ang braso ko sa bewang niya, maingat na hindi siya magising. Napatitig ako sa maamo niyang muka. Ang liit na nga ng height pati hugis ng muka niya maliit pa rin but still she's cute.

"Babe... I'm miss you... Can you please come back to me? Please, remember me. Please remember the moments we shared,"

I know it's not manly to cry pero kaunting kalabit na lang, tutulo na ang mga luha ko. Magpakita lang talaga sa akin ang Jona na yun. Mapapatay ko siya. Hindi lang ako ang may kasalanan sa nangyari. May sabwatang nangyari, at gusto nilang masira ako kay Heaven pero hindi ako puwede na mag-akusa lalo na, na mga kaibigan namin ni Heaven ang may mga posibilidad na gumawa na niyon sa amin.

I'm going to take this chance wife. Maingat akong humiga sa tabi niya, ingat na hindi siya magising. Isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya. I'm on my favorite spot again siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya at niyakap siya. Hindi ko inaasahan ang pagyakap niya pabalik, na siyang ikinagulat ko. Inayos niya ang posisyon namin na mas naging komportable para sa akin. Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman si Heaven. Susulitin ko ang gabing 'to dahil bukas babalik na naman sa dati.

Its been a years, but still baby, I can't get over you, after you push me away, you're still my favorite addiction. I don't want get over that addiction, Heaven. You are always be my haven. One tear escape from my eyes. Please come back before it's to late, baka hindi ako makatiis at masabi ko ang lahat ng walang pag-aalinlangan na puwedeng makasama sa iyo... I don't want to hurt you.

"Reviens, mon amour," I whispered.

You are reading the story above: TeenFic.Net