Fall Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

AN: i think everyone knows this joke, Anong english ang yero?!
Answer: Jealouse
pagnagets mo tropa na tayo🤣
This chapter is dedicated for those who dare to get jealous but just keep her/his mouth shout.


**********

"Miss?"

Isang pagkatok sa bintana ang narinig ko. Pinili kong lingunin ito at abotin ang switch ng window so I can open it. Nanatili ang ulo ko sa manibela. Nahihilo pa rin ako at nanlalamig. I successfully opened the window as I force myself to smile. It was the guy I meet from the casino years ago. It is Collin Carreon who is looking at me curiously, looks like he did not recognize me dahil hindi niya makita ng maayos ang buong muka ko dahil sa buhok na nakatabing kaya naman pinilit ko na umayos ng ulo habang hawak-hawak ko ang ulo.

"Heaven? Are you okay?" he asked hurriedly, a hint of shock in his voice.

"Ayos lang," nanghihinang sabi ko.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan ko na ikinagulat ko. He looks so worried and acting like a close friend again. Collin squat while worriedly looking at me. He volunter to park my car at the side road. Saka ko lang napagtanto na ang mga sasakyan ay lumiliko para lang makadaan at malagpasan ang sasakyan ko. Mabuti na lang at nasa pinaka-last side row ang sasakyan ko at wala sa gitna.

Tinulungan ako ni Collin na lumabas sa sasakyan at hinatid ako sa gilid ng kalsada bago binalikan ang sasakyan ko. Nanlalamig pa rin ako lalo na ang paa ko, ramdam ko rin ang panginginig ng tuhod ko. After what happened may karapatan naman siguro ako na maramdaman 'to. Especially that Collin Carreon is here with me that I assumed, he is connect to Mr. Cosmor Carreon. He looks so worried and in hurry. Tahimik na pinakiramdaman ko lang siya. He is also a Carreon, hindi ko naririnig na connected sila sa isa't-isa but there are still a big chance that they are.

Mabuti na lang ay wala kami sa highway. Nasa tapat ako ngayon ng conveniene store na katabi ng mga fast food chain at banks. Bumalik si Collin at ibinigay sa akin ang key car ko. Nakatingin ito sa akin ng mabuti. I am hugging myself and he noticed it. Hinubad niya ang jacket na suot niya at ipinatong sa balikat ko.

"Hindi ka dapat nag-drive na masama ang pakiramdam mo. You look so pale," nauuyam na turan nito.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at inalalayan papasok sa conveniece store. Nagpa-akay na lamang ako dahil hindi ko pa kayang umalis. Pina-upo niya ako sa isang stall na nasa harap ng class wall at nagsabing hintayin ko na lamang siya rito. I just nodded and placed my head on the table.

Sinusubukan kong alisin ang mga gumugulo sa isip ko. I want to clear my mind and at least to be at peace for a little while. Narinig ko ang paghila sa stall pero hindi ako nag-abalang I-angat ang ulo ko. May kamay na nag-ayos ng buhok ko, ramdam ko ang daliri niya sa pisngi ko. Napalunok ako at agad na nag-angat ng ulo. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng kaba at takot na naramdaman ko. Si Collin lang iyon pero hindi ko maintindihan ang takot na nararamdaman ko. Kampanti itong naka-upo sa stall na nasa tabi ko habang nakaharap sa akin.

"Here, drink this," he demanded.

Tinignan niya ang small cup na nasa harap ko kaya napatingin ako roon. Napabuntong-hininga ako at napipilitang hinawakan iyon gamit ang nanginginig na mga kamay ko. Nang mahawakan ko ang cup ay kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko sa init na hatid niyon.

"You okay? Something is bothering you?"

Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatitig ito sa akin. Napalunok ako bago itinuon ang pansin sa harapan ko. Sumisim ako sa gatas na inibigay niya. Takot ako, takot ako kasi hindi ko alam kung sino ang dapat na pagkatiwalaan ko. Si Mama na ibenenta ako sa isang maperang lalaki. Hindi ako sigurado sa pagkatao ng lalaking iyon, dahil paano kung masamang tao pala siya? Paano kung sasaktan niya ako? What if he is a psycho? Ni hindi nga ako makawala sa bahay dahil may mga bodyguards na laging nasa paligid ko. Binabakuran niya ako sa paraan na alam niya. Hindi siya papayag na makatakas na ako.

"Ikaw ba? Kapag may nalaman ka na isang sekreto na hindi mo a-akala-in na magagawa ng mga taong pinagkakatiwalaan mo sayo ang bagay na yun, anong mararamdaman mo? Anong mararamdaman mo kapag nararamdaman mo na may tinatago ang mga kaibigan mo tapos ikaw lang ang walang alam? Nagmu-muka kang tanga. You felt so out of place, at pakiramdam mo tina-traydor ka na? Pero hindi mo magawang magtanong kasi natatakot ka," may sumbat na sabi ko habang nakatingin sa cup.

"May mga bagay na kahit may kinalaman sa atin ay hindi na dapat pa nating malaman. Minsan mas ligtas tayo kapag walang alam."

"Kahit na magmuka kang tanga?" Napatitig ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"Hindi naman masamang magmukang tanga. Alam mo ang mas masama? Ay iyong aware ka na natanga ka pero mas pinili mo pa rin na maging tanga. Kasi habang pinagmumuka ka nilang tanga nagkakasala sila pero hindi ikaw... Kapag aware ka na at pinili mo pa rin na maging tanga, may kasalanan ka na. Iyon ang masama, masama para sa sarili mo at masama para sa mga taong nag-aalala sayo."

"Hindi rin naman siguro masama kung ipipilit ko na malaman ang totoo 'diba?"

"Walang sekreto na hindi nabubunyag." Ngumisi ito na parang may ibig ipakahulugan. "Darating ang tamang panahon na malalaman mo rin ang lahat, Heaven." Humarap ito sa gawi ko at nakipagtitigan sa akin. "Mas makakabuti para sa iyo na wala kang alam, Heaven. Curiousity kills the cat."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at napag-alam na aalis na. Wala na akong nagawa at tinanaw na lamang siya mula sa loob ng store. Tama siya, darating ang tamang panahon na malalaman ko rin ang lahat pero kailan pa? Kung kailan malala na ang lahat?

AS I parked my car in front of Jana's house, I prayed that everything would be fine. Maayos na ang pakiramdam ko pagkatapos nang nangyari. Pagkatapos nun ay dito ako dumiretso sa bahay ni Jana. Lumabas ako ng kotse at napatingin sa bahay ni Jana. Malaki na ang pinagbago nito. Mas maganda at malawak na tignan kaysa noong una.

"Renovate, huh!" bulong ko.

Pumasok ako ng bahay nang makitang hindi naka-lock ang gate. Dumiretso ako papasok hanggang sa nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya nagtungo ako roon.

"Heaven, ikaw pala. Gutom ka?!" masayang tanong nito, nadatnan ko siyang nagsasalin ng tubig.

Matamlay na tumango ako. Palihim akong huminga ng malalim bago umupo sa stall na nasa harap ng counter table. Kumilos si Jana at pinaghain ako. Bisita ako kaya dapat asikasuhin niya ako. Lihim akong natawa sa naisip ko. Nakatingin lang ako kay Jana hanggang sa binigay na ni Jana ang plato na may pagkain na.

"Ako nagluto niyan, nahiya naman ako sayo baka sabihin mo pinapabayaan kita," pabiro niyang sabi.

Pailing na lang ako at napangiti sa sinabi. Ang yabang akala mo mahirap ang niluto, e hotdog at tocino lang naman. Hindi kasi siya marunong magluto ng mahihirap na putahe. Nasimula akong kumain samantalang siya ay natimpla ng kape. Iyon ang sinimsim niya habang nakikipagkuwentohan sa akin.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa hotel pero pilit na hindi ako nagpapahalata kay Jana na may gumugulo sa isip ko. Buong buhay ko ay hopeless romantic ako at ngayon malalaman ko na may asawa pala ako. Kahit hindi ako sigurado ay malakas ang kutob ko. Naroon na ang mga sign na nagtuturo na tama ang iniisip ko. Konektado si Mama sa lalaking yun. Cosmor Carreon, owner ng Carreon Hotel. Isa sa pinakamalaki at magandang hotel sa buong asia.

Kilala ang Carreon bilang isa sa mga mayaman na pamilya at kilala sa pagiging matalino sa pera. Si Collin Carreon ang tanging kilala ko sa Carreon family, isang bachellor at casino owner. Kilala kahit saan, mapa-america at asia. Nakasalamuha ko na si Collin Carreon one time sa bar na isa siya sa co-owner. Mahangin at parang close kami kung makipag-usap. Pangatlong beses na itong naka-usap ko siya. Hindi kaya kilala niya talaga ako? Bawal ang feelingera Heaven. Paano ka naman makikilala ng isang Collin Carreon?

Napabuntong-hininga ako at pilit inalis ang mga tumatakbo sa isip ko. Baka mamaya ay mapansin ni Jana iyon. Alam ko na may pakay sa akin si Jana. She want to know something from me. Whatever it is, it might be something important.

"Jana, kilala mo si Collin Carreon?" maingat na tanong ko, may ngiti pa sa labi para hindi halata na may iba akong balak sa tanong na iyon.

Kumunot ako ang noo nito at tumango. Maya-maya ay naging iba ang tingin nito, para bang nang-aasar. Akala niya sigurado ay may gusto ako sa Collin Carreon na yun. Well, hindi naman maipagkakaila na maganda ang lahi na pinanggalingan ni Collin. May lahi kasi itong spanish.

"Bakit natanong? Crush mo nuh?" malisyosong tanong nito.

"Loka! Para kasing nakita ko siya kagabi sa hotel. Wala lang, ang dami niya kasing kasamang babae," palusot ko.

"Aba, nagtaka ka pa. Attorney Collin Carreon, nabibilang sa isa sa mga high class. Owner ng Reon Casino, na naka-branch out around the world ang business niya. Co-owner ng mga bar at stock holder. Matipuno, guwapo, matalino, high class at higit sa halat one-hundrend-one-percent ang rate sa performance niyan sa kama!"

"Bastos ka!" gulat na suway ko kay Jana.

"Duh!" Natatawang sabi nito sabay flip ng hair niya. "Ang kaso nasa kaniya na nga ang lahat pero hindi naman kayang makontento sa isang babae. Kaya ako, hayts. Hindi ako makakarandarapa sa gaya niyang manloloko."

"Weh?" asar sa kaniya.

"Oo nuh! Hinding-hindi ako magkaka-gusto sa gaya niyang manloloko, babaero, mahangin, at pak na pak ang abs. Teka nga, ikaw nga yata itong may crush doon."

"Wala, na-curious lang kasi ako sa kaniya. High class... tayo, nasa middle lang."

"Alam mo may kapatid yun..." Natigilan ito at parang nagulat mismo sa lumabas sa bibig niya. "Ang kaso hindi ko alam kung nasaan."

Nakita ko ang paglunok nito. May tinatago rin siya sa akin. Tama si Cyrene, wala akong mapagkakatiwalaan. Pati ba naman si Jana may tinatago. Mag-isa na lang talaga ako na tutulong sa sarili ko, pero kukunin ko ang pag-chance na 'to para makahita pa ng impormasyon.

"Anong pangalan niya?"

"Ah, si ano. Si Cosmor Carreon. Nga pala, kamusta ang party?"

Masyado siyang halata. Walang patutunguhan ang usapan na 'to. Lahat sila may hidden agenda. Si Jana may kailangan siya sa akin kaya ko siya kaibigan. Una pa lang kaming nagkakilala ay paulit-ulit na sa akin sinabi ni Joshua na hindi maganda ang kutob niya kay Jana. But I want her to change and give her a chance. Pambihira nga naman kapag inggitera. Kakayanin mong makipag-plastikan at magpanggap. Hanggang saan kaya aabot ang nakakasukang ugali niya?

Tahimik ang buong bahay at kami lang ang nagpapa-ingay. Napatingin ako sa bintana at nakitang tirik na ang araw. Ang alam ko ay may pasok siya around eight in the morning. Base sa liwanag ng araw sa labas ay around nine in the morning na. I asked Jana about it. Natigilan ito ibinaba ang baso ng kape.

"Mag-uusap tayo remember?!" may kaba sa boses nito.

"Huh?! Tungkol saan? Kinakabahan naman ako sayo." Nilunok ko ang pagkain na kinakain ko sabay hablot ng tubig at lagok, kinakabahan ako sa kaniya.

Binaba ko ang baso na hawak ko at umayos ng upo. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. She seems so eager to know what she want to know. Malikot ang mga mata nito, halata na kinakabahan. Para bang nagdadalawang isip siya kung magtatanong pa siya.

"A-about sa nangyari 2 years ago, Heaven."

"What about it?!" seryosong tanong ko.

What happened two years ago is still puzzle piece to me. Kung tungkol sa kapatid niya ay wala akong kinalaman doon. Jana's sister just vanish without telling anyone, Jana is not exception. Wala rin akong alam kung nasaan na ito, at kahit sino sa amin ay walang ideya kung bakit ito umalis ng walang paalam.

"Bubalo... mou," mahinang bigkas ni Jana pero sapat para narinig ko parin ito.

Bubalo mou? paulit-ulit kong binigkas ito sa isipan ko. Hindi ko inaasahan ang biglang sumakit ang ulo. Parang sasabog ang ulo. Kakaibang matinis na tunog ang bumalot sa paligid. Nakakairita iyon at masakit sa tenga. Hindi ko alam ang hahawakan ko, ang ulo ko ba o ang tenga ko. Wala sa sariling sinabunutan ko ang sarili habang dumadaing sa sakit.

Hindi ka nag-iisap Jana. Makasarili ka. Huling beses na itong pagkakatiwalaan kita. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko pero naroon pa rin ang matinis na ingay. Umiikot ang paningin ko at namamanhid ang buong katawan ko. Paputol-putol ang naririnig ko sa sinasabi ni Jana.

"Jana! Please, help!" huling na-isigaw ko bago dumilim ang buong paligid.

HINDI ko alam kung nasaan ako. Pamilyar ang lugar na kinatatayuan ko. Tumingin ako sa buong paligid, ngunit walang tao. Ang tahimik, nakakatakot. Umaga pa lang pero dahil sa katahimikan at malamig na pakiramdam ay matatakot ka. Pamilyar sa akin ang lugar na kinaruruonan ko. Nasaan ako?

Nasa isang garden ako na puno ng mga magagandang bulaklak. Napalingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mansiyon. Ibig sabihin ay nasa bahay lang pala ako. Kung ganoon saan sila Manang? Bakit walang tao?

"Heaven, madaya ka," nagtatampung turan ng isang bata.

Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng garden. May mga batang naglalaro. Dalawang bata, isang babae at lalaki. May apat din na matatanda na pinapanuod ang mga batang naglalaro. Nakilala ko ang dalawa sa may edad na tao. Si Mama at daddy ang dalawa sa apat na matatanda. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko si Manang Sonya. Pero bakit malabo ang muka ng mga bata gayong malinaw naman sa matatanda? Anong nangyayari?

Sinubukan kong maglakad ngunit hindi ako maalis sa kinatatayuan ko. Sinubukan kong muli pero wala talaga. Narinig ko muli ang pagtawag ng batang lalaki sa batang babae ng Heaven. Si Heaven ang batang babae, ang batang ako. Kung narito si Mama at Daddy ay ibig sabihin kasama nila ako at ako ang batang iyon.

"Cosmor, ang daya mo. Bagalan mo ang pagtakbo!" naiinis na bulyaw ng batang si Heaven sa batang lalaki.

"Ikaw kasi e. Ang bagal mo tumakbo."

"Ang panget mo Cosmor, hindi ka gentleman. Ayoko na sayo!" Natatakbo ang batang babae papasok sa dining area.

Walang nagawa ang batang lalaki kundi ang habulin ang batang babae. Si Cosmor Carreon ang batang lalaki, kung ganoon ay bata pa lang kami ay magkakilala na kami. Ang dalawang batang yun ang madalas na dumadalaw sa panaginip ko na isang alaala pala. Bakit nawala siya sa alaala ko? Anong nangyari? Sino ba talaga siya sa buhay ko?

You are reading the story above: TeenFic.Net