EPILOGUE

Background color
Font
Font size
Line height

HAPPY READING HEHE

******

"Cosmer, Cosmer, tara doon tayo." Nakangiting turan ni Heaven habang hinihila ang damit na polo ko.

Nasa isang amusement park kami. Dito kami madalas mag-date at kung mayroon man akong isang lugar na babalik-balikan para maalala si Heaven dito iyon. Sabi nila memories never fade away even that person who is with when you build that memory is already gone. Totoo nga iyon, kaya nga siguro ako nandito.

May pag-iingat na kinuha ko ang kamay ni Heaven at inakay siya sa ride na tinuturo niya. Hindi iyon extreme ride dahil alam niyang hindi ko kayang sumakay sa mga ganon. She's always thoughtful.

Naka-alalay lamang ako sa kaniya the whole time habang papasakay kami sa napili niyang ride. As we sat down, I starred her.I miss her so much. Ang lapit niya pero parang ang layo niya. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to. Heaven, what did you do to me?

I lost starring at her, she's the world, making me realize how life and world is beautiful but also meaningless without her. She help tight my hand as the ride started to move. I saw how her smile widen as she looked at me. Ayoko ko nang matapos 'to, humigpit ang hawak ko sa mga kamay niya na para bang takot na takot akong mawala siya.

"Cosmer! Enjoy! Smile!" she shouted as she raise both of our hands.

"Heaven, I love you!" sigaw ko na may ngiti sa mga labi.

"Kuya Cosmer, please! Tama na po. Wala po rito si Ate Heaven. Wala na po siya, tanggapin na lang po natin," Sky's voice echoed in my head.

Unti-unti ay biglang naglaho ang mga imahe na nasa harapan ko. Napalitan iyon ng mga tinginan ng mga tao. Kita ko ang mga pagtataka sa mga mata nila habang nakatingin sa akin. Nasa amusement park pa rin ako, pero wala ng Heaven, hindi ko alam kung nasaan na siya.

Takot, kaba at pagkataranta agad ang naramdaman ko. Nasaan si Heaven? Nasaan ang asawa ko? Bakit wala ako sa ride? Anong nangyayari? Bakit si Sky ang kasama ko?


"No! She's here, this is her favorite place. I know she's here," pagalit na sagot ko kay Sky.

"Kuya Cosmer, pinapahirapan niyo po si Ate, patahimikin mo na po siya. Mag-iisang taon na po siyang wala," nagmamakaawang turan ni Sky.

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. Hindi totoo iyon. Kasama ko lang siya kanina. Nasa rides pa kami. "No, Sky. Why are you saying this? She's your sister! You want her gone?"

"Kuya naman, dalawin na lang po natin siya," nagpapagod na turan ni Sky sabay hawak sa pusuhan ko pilit na hinihila iyon. "Kuya, tara na. Sigurado ako, hinihintay ka na niya. Dalawin na po natin siya."

Doon unti-unting sinampal ako ng reyalidad. Nasa memorial park ang asawa ko, doon siya nagpapahinga. Wala sa sariling nagpaakay ako kay Sky. Ang nakababatang kapatid ni Heaven. Siguradong hinihintay na ako ni Heaven. Alam ko napatawad na niya ako sa mga nagawa ko.

Hindi ko alam pero unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Habang lulan ng sasakyan biglang nag-iba ang imaheng nakikita ko. Sa isang iglap nasa isang sementeryo ako habang kasama ang mga pamilyar na muka na malalapit sa amin ni Heaven. May kabaong na nasa harapan namin at may malaking picture kung saan makikita ang nakangiting si Heaven. Ano 'to? Nasaan ako?

"Mamimiss ka namin Heaven. You go through a lot. Now, you will be at peace, huwag kang mag-alala sa amin..."

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Jana. Jana is delivering her speech for Heaven's funeral. Isang matinis na ingay ang bumalot sa tenga ko. Masakit at nakakairita iyon. Napatakip ako ng tenga habang inililibot ang paningin sa paligid. Lahat sila nakatingin sa kabaong, kita ang sakit at lungkot sa mga mata nila.

Naniniwala ba talaga silang si Heaven iyon? Kasi ako hindi. Hindi ang asawa ko ang nasa kabaong na iyon. Kahit na anong mangyari, hindi ako maniniwala na si Heaven iyon. Sunog ang katawan ni Heaven nang dalhin siya sa amin, hindi na makilala ang katawan. Ang tanging pinanghahawakan ng pamilya ni Heaven ay ang DNA test. Magkakasama kami nang makita namin ang katawan ni Heaven bago siya e-autopsy.

Sinabi sa amin na aksidente ang nangyari, nahulog daw sa bangin at sumabog ang kotse niya.

Hindi ko alam, pero kahit isinampal na sa akin ang DNA test. Hindi ko magawang maniwala na si Heaven iyon. Malakas ang kutob ko na hindi iyon si Heaven.

"Please, Heaven. Tell me that it's not you. You're alive, right? I know you are."

END OF STBO

Guys, sorry for taking too long. I know, the ending is not acceptable for you guys as a reader. But I don't know actually if I am still going to continue the Book 2 since I am already satisfy with the ending lol. Actually, gagawa ako ng another book nito pero malaki ang chance na iba na ang bida at ibang point of view na, either one of Heaven's friend. So huwag tayong umasa masyado dahil masakit umasa sa wala. Bawi na lang si Heaven sa next life haha, I-reincarnate ko kaya siya? Baka gusto niyo ng reincarnation story, try to read, my KATIPUNERA SERIES! Again, thank you for reading


You are reading the story above: TeenFic.Net