Chapter 29

Background color
Font
Font size
Line height

PS: Hey, sorry for the long wait. 2 chapter na lang, guys. Ito na talaga, before ako mag-under medication ulit, tataposin ko na ito dahil baka maging hiatus na ako sa mga susunod na araw, at baka umabot na iyon ng taon. But before it's too late. I want to say thank you for those who fell in love with my story and for those who keep on supporting me.

*****

Halos mag-iisang oras na ako sa loob ng opisina ni Cosmer pero wala pa rin siya. His secretary never tried to bother me, siguro dahil natakot sa pang-e-snob ko sa kaniya kanina. Naiinip na ako at the same time ay hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag dumating si Cosmer.

Ilang minuto pa bago ako nakapag-decide na umalis na lang. Sinabihan ko na lang ang sekretarya ni Cosmer na huwag sabihin na dumalaw ako rito. On my way out, kinuha ko ang cellphone ko to text Cosmer that I am going to visit Jana. Dumiretso ako sa sasakyan ko at bumiyahe.

Hind ako makapag-focus ng maayos sa pagmamaneho. Lumilipad ang utak ko sa mga alaala na bumalik. How come na kapatid pa talaga ang kaibigan ko ang kasama ni Cosmer sa video? As fas as I know they don't talk that much. Cosmer don't pay too much attention on other girls even they are my friends.

Nakarating ako sa cafe ni Jana past lunch. Dumadaing na ang tiyan ko pero binalewala ko muna iyon at pumasok sa cafe ni Jana. Lumapit ako sa cashier para magtanong kung nasaan si Jana. Bad luck yata ang araw na 'to dahil wala raw si Jana, don't tell me hind pa siya tapos magbakasyon? Ang tagal na niyang wala sa cafe.

Frustrated na naghanap ako ng vacant seat. Magpapalipas na lang muna ako ng oras dito. Nawala na rin kasi sa isip ko na I-contact muna si Jana bago pumunta rito. Masyadong lumilipad ang utak ko. Isang seat na lang ang vacant, malapit iyon sa pinto pero no choice kaya dumiretso ako doon pagkaupo ko pa lang ay may pamilyar na boses na akong narinig.

"Looks who's here..." a familiar voice said.

Walang ideya na nilingon ko ang taong iyon. Kaya naman pala pamilyar sa akin ang boses niya dahil kanina pa siya nasa isip ko. Kita mo nga naman, kapag hindi mo hindi inaasahan nagpaparamdam. Pinili kong hindi magsalita habang sinasalubong ang mataray niyang tingin. Siya pa ang may ganang mag-inarte ngayon ha.

"Anong ginagawa mo rito?" mauuyam na tanong ni Jona. Yes, it's Jona, looks like she is back. "Bakit hindi ka nagsasalita? Mukang totoo nga ang balita, nagka-amnesia. Mukang isa ako sa mga kinalimutan mo." Dagdag nito habang walang paalam na umupo sa katapat ng upuan ko.

"Well, ganoon nga talaga siguro kapag mga patapon, mabilis makalimutan."

"You never change kahit naaksidente ka na't lahat-lahat." She raise her brow and looked at me fiercer.

"Maybe you're right, I still never change. I can still remember how to smash a face and break a neck."

Kita ko ang paglunok ni Jona bago sosyales na tumayo kahit kita mo ang kaba sa mga mata niya na para bang natakot sa sinabi ko. Mas mabuti kung umalis na siya dahil seryoso ako sa sinabi ko. Thinking that she's with Cosmer that night make me so mad to the point that I can loose temper anytime and smash her face.

Ang kapal ng muka niya para magpakita sa akin after what she did. Mga kabit nga naman sila pa ang matatapang. Saan ba sila humuhugot ng kapal ng muka at lakas ng loob para humarap sa original wife?

"Jana is now here if you are looking for her," turan nito bago walang paalam na umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin at pumasok ito sa office ni Jana. Bakit sa lahat pa ng magiging kapatid ni Jana ang babaing iyon pa? Hindi marunong mahiya.

I left the cafe feeling so mad and frustrated. Dapat sinapak ko ang babaing 'yon, silang dalawa ni Cosmer. Sasapakin ko silang dalawa. Sumakay ako ng sasakyan at pasaring na sinarado ang pinto. Wala sa sariling pinaghahampas ko ang manibela na para bang ito ang kalaban ko. Sumigaw ako ng sumigaw para mailabas ko ang frustration at galit ko habang hindi tinatantanan ang manibela.

UMUWI ako kinagabihan sa bahay. Inabala ko ang sarili ko sa mga resto bar na pinuntahan ko. Sa totoo lang ay hindi pa ako handa na kausapin si Cosmer pero hindi puwede na takasan ko 'to habang buhay. Dumating ako na sa mansyon at nadatnan si Cosmer sa front door. Ni hindi pa ito nakabihis at parang aligaga sa cellphone. Nang mapansin niya ay agad itong tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"I been reaching you out but your phone is cannot be reach. What happened? Ang sabi mo hindi ka magtatagal..." sunod-sunod na turan nito with his worried look.

"Na-aliw lang ako sa mga resto na kinainan ko, sorry. Nga pala, kumain ka na ba? Bakit hindi ka pa nakabihis?" I try to look fine and normal but the coldness in my voice are still evident.

"Nag-alala ako sayo, let's go inside."

Pumasok kami sa loob habang pinipilit ko ang sarili na maging okay. Ang yabang mo pa nung nakaraan, Heaven. Ang sabi mo kalimutan na ang nakaraan at huwag ng balikan. Ngayon mo sabihin sa sarili mo na kaya mong kalimutan ang nangyari.

Iginaya ako ni Cosmer papuntang kitchen where his family are. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Umalis na lang ako kanina ng hindi nagpapaalam tapos babalik ng gabi.

"Hija, bakit ngayon ka lang?" normal lang ang tono ng boses ni Mrs. Carreon. "Sabi ko naman sayo, Cosmer. 'Wag ka masyadong mag-aalala. Heaven is safe and will back. Right, hija?"

"Opo, pasensya na po ginabi."

Nag-stay ako sa kitchen dahil sa mommy ni Cosmer. Napakain tuloy ako kahit busog na busog na ako dahil pinilit ako ni Mrs. Carreon. Pinilit ko na lamang makisama kahit hindi ako komportable na kasama sila. Napansin ko naman ang kakaibang pagtitig sa akin ni Cosmer, like as if he know something is wrong with me. Yeah, something is wrong with me.

Nang matapos ang dinner ay dumiretso ako sa kuwarto, I want to be alone even for tonight pero sinundan ako ni Cosmer. Hindi siya pumasok na mauna siyang pumunta sa kuwarto niya at susunod na lamang ako. I just let him because I am already tired and I don't want to pick a fight with him. Pagkasarado pa lang ng pinto ay niyakap na ako ni Cosmer mula sa likod. I tried to get free pero mas lalo lang humihigpit ang yakap niya.

"Cosmer, maliligo ako-"

"What's going on, Hon?" kalmadong tanong ni Cosmer.

Frustrated na lumunok ako bago siya hinarap. Pinagmasdan ko muna ang maamo niyang muka. Walang ilaw ang kuwarto ko, tanging liwanag na nagmumula sa labas ang tanging nagbibigay liwanag sa madilim kong kuwarto.

"Sabihin mo nga sa akin, Cosmer, kung bakit tayo naghiwalay?"

"Hon, 'diba sabi-"

"Did you cheat on me?" lakas loob na tanong ko habang tinitignan ko siya gamit ang malalamig kong tingin. "Gusto ko, sabihin mo sa akin ang totoo, ang lahat at walang halong kagagohan, Cosmer."

"You already get back your memories?"

"I don't want to make another mistake, by not listening to your side. That's why I am here. Tell me the truth and let me decide if we can fix us."

"I don't really know what happened because I was drug that night, Hon." He started to teared up and tremble.

I was shocked at first, he was drug that night? What does it mean? Sinubukan kong ayosin ang sarili bago muling hinarap si Cosmer. I gesture him to talk again while I listen attentively.

"I don't really remember everything that happened that night that's why at first I wasn't aware of what was really going on not until you show up in my office and broke up with me..." He swallowed hard before he continued. "Then you got an accident. I started to look for an answer... That's when a message on my telegram shows up. The sender was anonymous.

The video content was about me... kissing a girl and... the second video was about Joshua putting a drug on my drink. It was all three videos containing what really happened that night. I saved it, I can show it to you. And also I did some drug tests since the boys' night out happened for not almost 12 hours before you got an accident."

"Good. Pero gusto ko malaman, iyon lang ba ang nangyari sa inyo o higit pa?"

"I woke up fully dress up... and for sure there's nothing more, Hon. I told you that I was going out with the boys, and we are both aware that there are no girls invited that night. I was also shocked to know that Jona was there."

"Si Joshua ba? Hindi mo kinausap about this matter?"

"Hindi pa... si Justine pa lang. Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang alam o wala siyang maalala dahil baka naka-drugs din siya. Ang sabi niya kasi wala siyang alam, si Jona raw ang kausapin natin. Sabi ni Justine, magiging iba raw ang dating kay Joshua kapag kinausap ko siya baka pagmulan pa raw iyon ng mas malaking gulo kaya mas maganda kung ikaw daw ang kakausap dahil mas nakikinig at mas kalmado si Joshua kapag ikaw ang kausap."

"Sige, kakausapin ko si Joshua at Jona bukas. Gusto ko malaman kung bakit siya nandoon... Gusto kong malaman kung sino ang nag-imbita sa kaniya o baka kusa siyang pumunta... at I-send mo sa akin ang video na sinasabi mo"

"Matagal ng nagtatago si Jona, Heaven."

"Yup, but she's back. I saw her in the cafe."

Hinintay ko ang reaksyon ni Cosmer. I don't know why but I want to know how he will react when he finds out about Jona coming back. And I know, her comeback could bring disaster in me, in Cosmer, and in our marriage. Jona doesn't even look guilty about what she did. She deserves to be alone for ruining our relationship.

Cosmer's face grumbled after he hear the news. Anong expression ang dapat na asahan ko?

"She's back?... Does she look guilty to you?" Cosmer asked nervously.

"No, she looks like a double-thick face mistress who faces the legal wife. Don't get nervous if you know to yourself that you don't made mistake. Now, sleep in your room and I will sleep here."

"Pero, Hon-"

"Get out or I will get lost?" I treated him seriously.

Hind ko siya kayang makatabi ngayon. Although for the past days, I started to feel comfortable with him but now that I remember everything that he did that caused our break up. It makes me like I was fooled by everyone.

Humugot ng malalim na hininga si Cosmer bago tumango. At last he surrended and left my room. Parang lahat ng lakas at tapang ko kanina ay naumubos nang makaalis si Cosmer. Napaupo ako sa sahig habang humihikbi. Joshua and Kuya was there that night with Cosmer pero wala silang nagawa. Mali, may ginawa si Joshua. He drug Cosmer, that's what all he did o baka mayroon pa siyang ibang ginawa, baka siya ang nagpapunta kay Jona.

Jana's voice echo in my head. "Si Ate. Sa tingin ko si Ate iyon. Jonah Jan ang pangalan ni Ate. Jana Jon ang sa akin. Konti lang ang tumatawag na Jan kay Ate. Mostly kaming malalapit lang sa kaniya na kaya siyang asarin at pikonin." Tama, sa lahat nang nandoon sa party na kasama ni Cosmer, si Joshua lang ang close ni Jona. The fact that Joshua put a drug on Cosmer's drink.

There is one thing to find out the truth. Bukas na bukas ako na mismo ang kikilos para malaman ang totoo.

Nanghihina na pinilit ko ang sarili na tumayo. Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa ginawang ni Joshua. He drug Cosmer for pete sake! Kaibigan niya ako, at alam niya kung ano ang estado ng relasyon namin ni Joshua pero ginawa pa rin niya ang bagay na iyon. Parang hindi na siya ang kaibigan ko, parang hindi siya kaibigan.

Cyrene is right, I shouldn't trust anyone.

You are reading the story above: TeenFic.Net