041 | Messenger

Background color
Font
Font size
Line height

MESSENGER

Stella Noelle Ybañez
8:05 PM

Stella Noelle
BESTIEEEEEEE

ANO NA NAMANG GANAP? 😭😭😭

HIT TWEET KA MAMHIE, WHAT DID YOU DO?

Alaina Valerie
Ano kamo ang ginawa ng bwiset na Atlas na 'yon sa'kin?

HINDI NIYA BA AKO TITIGILAN TALAGA, HA? AKO'Y NAIIMBYERNA NA, STELLA NOELLE.

Stella Noelle
Eh ano nga kasing nangyariiiii?

Pinagpipyestahan kayo sa school website, anteh.

😭😭😭

Galit sila sa'yo dahil sa tweet mo pero marami ring curious kung ano nga bang nangyari. Ang dami na ring nagtatanong sa'kin sa DM.

Alaina Valerie
Dadagdag pa sa isipin ko 'yong mga chismosang 'yon.

'Wag mo na lang sagutin ang mga tanong nila o kahit kaninong message.

Stella Noelle
Tell me what happened nga!

Alaina Valerie
TINAKOT AKO NG WALANG HIYANG ATLAS NA 'YON DITO SA LIBRARY.

Di'ba nga nagccramming ako dahil pasahan na ng lahat ng mga nahuhuli kong school papers bukas?

Stella Noelle

YES?

AND THEN WHAT HAPPENED?

Alaina Valerie
Eh hindi ko naman alam na nandito rin pala ang engkantong 'yon eh. Kanina pa 'ko nakakarinig ng mga kung ano-anong ingay at kaluskos sa likod ko kaya sobra na 'yong kaba ko.

At kung nasa matinong pag-iisip ba naman 'tong idol mo, gugulatin niya ba ako habang may inaabot akong libro sa taas, ha? Hindi di'ba?!?

Muntik na akong mabalian ng buto sa lakas ng talon ko Stella!

Stella Noelle
😔😔😔

I'm so sorry about thaaaat :(

Where na ikaw ngayon?

Alaina Valerie
Nakakaimbyerna eh. Umalis na ako sa library at ngayon hindi ko na alam paano uuwi. Hindi ko macontact si Manong sa bahay.

Stella Noelle
OMG :(

I WISH I COULD HELP YOU BUT OUR CAR IS CURRENTLY BEING FIXED.

Iyong isang car wala rito kasi dala nina Mom at Dad sa out of town business trip nila.

Should I book a Grab for you na lang? Para makauwi na ikaw agad.

Alaina Valerie
Hindi na. Ako nang bahala.

Magpahinga ka na. Update kita kung makauwi ako nang ligtas. Kung sakali namang may isa sa'min ni Atlas ang matagpuang bangkay na lang bukas, hulihin mo kung sino ang buhay.

Dahil isang maling galaw pa ng damuhong 'yon, makakagawa na yata talaga ako ng malalang kasalanan.
[😰]

Stella Noelle
Bestie namaaaan, u're making me scared, huhu.

Don't say things like that WAUANSSIENSNE

Bestie?

Hello?

Are you still there?

HELLOOOOOO?

HALA

DID IT HAPPEN NA? OMG SINONG IPAPAHULI KO?
Seen


You are reading the story above: TeenFic.Net