KABANATA 8

Background color
Font
Font size
Line height

Halos mabulunan ako nang marinig ko ang pangalan na ‘yon.




Anong ginagawa ni Elijah dito?!





“Magandang umaga po sa inyo.” parang na freeze ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ulit ang boses na ‘yon.





“Ginoong Joaquin, halika at maupo ka.” napaangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo lang at nakangiti pa.





Kung kagabi ay hindi ko masyadong makita ang mukha niya ngayon ay kitang kita ko na!





Nag simula na itong mag lakad at umupo sa...





Sa tabi ko?!




Alam ba niyang bawal kami mag katabi?! Oo dahil bawal talaga, wala desisyon ako eh.





“Magandang umaga sa ‘yo, Binibining Isabella.” ngumiti ito sa akin at bahagyang iniyuko ang ulo.





Kitang kita ko na siya nang malapitan, at hindi ko nagugustuhan ‘yon. Parang may bulate sa pwet ko dahil hindi ako mapakali.





“Ano ang iyong ipinunta rito, Joaquin?” tanong ni ama sakaniya.





Muli na naman siyang ngumiti. Yung totoo? Hobby niya ba ang ngumiti nang ngumiti?





“Gusto ko lang po sanang kausapin si Binibining Isabella, narito po ako para humingi ng permiso.”





Anong kakausapin?! Tungkol saan naman ang pag uusapan namin?





Biglang nag pop-up naman ang alaala kagabi, mukhang sinabi na ng magulang niya ang nangyari. ‘Yan kasi punta-punta pa kay Hannah.





Pake mo kung pumunta siya kay Hannah?




Oo nga! Pake ko ba.





“Siguro ay nalaman mo na ang nangyari kagabi, pwede naman ijo.” pag payag ni ama.





“Maraming salamat po.” yumuko ito at ngumiti na naman.





Naks naman si Smiley Boy ba siya? Para siyang siraulo.





Natapos akong kumain nang hindi tumitingin kay Elijah! Nag uusap lang silang tatlo basta ako kumakain.





“Pwede na ba kitang makausap, binibini?” napatingin ako kay Elijah at ngumiti.





“Oo naman, Ginoong Joaquin.” mas lalong lumapad ang ngiti niya bago tumayo, inilahad niya ang kamay sa akin para siguro alalayan akong tumayo.





Kaya ko naman ang sarili ko pero...





Napatingin ako sa ina at ama ni Isabella nakita kong nakangiti sila sa akin. Napaiwas ako nang tingin bago tanggapin ang kamay niya.





Sa pag lapat ng kamay namin parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko. Nang makatayo na ako saka ko lang inagaw ang kamay ko.





“T-tara sa labas, ginoo.” saad ko bago yumuko muna sa dalawang matanda at nauna nang maglakad palabas.





Bastos na kung bastos pero ayaw ko sa nararamdaman ko na ‘to!





Tuluyan na akong nakalabas at hinintay si Elijah, maya maya rin ay nakarating na siya.




“Ang bilis mo mag lakad, binibini.” saad nito.





Umiwas naman ako nang tingin. “Tara at doon tayo mag usap sa likod ng bahay.” saad ko bago nauna na ulit mag lakad.





Ramdam ko namang naka sunod siya sa akin. “Bakit naman ata napaka-sungit mo ngayon, binibini?” napatigil ako sa paglalakad at tinaasan ng kilay si Elijah.





Tinawanan lang ako ng animal! “Paumahin, hindi ko sinasadya.” natatawang saad nito.





Nag patuloy nalang ako sa paglalakad at nakarating na rin kami sa wakas! Huminga ako nang malalim dahil sa fresh air na nalalanghap ko.





“Napakalawak nang iyong lupain, binibini.”





Pucha.





Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nakatingin sa akin kundi doon lang talaga sa mga bulaklak.





Napapahiya naman akong umiwas ng tingin, akala ko yung dibdib ko ang tinutukoy niya na malapad, inshort...




Flat chested.





Pasensya naman kung nag double meaning ‘yon sa akin ‘no!





Spell ASSUMERA.





I.S.A.B.E.L.L.E





Nakakahiya ‘yon, buti nalang talaga at nakatingin siya sa malayo. “A-ano ang pag uusapan natin?” pagbasag ko sa katahimikan.





Naiilang na ako sa sobrang katahimikan, idamay mo pa yung presensiya niyang nasa tabi ko lang!





Ang sabi ko pa naman ay lalayo ako sa mga main characters na narito, pero sila na mismo yung nagpapakita sa akin.





Yung totoo, pinaparusahan ba ako ng kataas taasan dahil sa mga kasalanan ko? Kung ganon ayoko na ng parusa na ‘to!





Tumahimik muna sandali bago ito tumingin sa akin. “Sinabi sa akin ni ina na tumutol ka raw sa kasal?”





“Oo, e ano naman?”





“Sungit.” rinig kong bulong niya.





Aba‘t─





“Dapat masaya ka ron dahil ako na mismo ang tumutol sa kasal, saan ka ba kasi nag pupunta kagabi? Dapat sinamahan mo ‘kong tumutol.”





Pero mabuti nalang talaga na wala siya kagabi dahil baka narinig niya yung mga rants ko! Nakakahiya kaya ‘yon.





May pa ‘Ayokong humadlang sa dalawang nag mamahalan.’ eww! Buti nalang talaga.





Siguro nawala lang ang hiya ko non dahil sa pursigido akong itigil ang kasal! Pakapalan nalang ng peslak basta ang importante hindi matutuloy.





“Pasensiya na, ngunit hindi ko magagawang tumutol kung si ama na ang nag uutos. Maraming salamat sa ginawa mo at wala na kaming po-problemahin ni Binibining Hannah.” biglang saad nito.





Gag─ bakit parang ako ‘yung problemang tinutukoy nito?! Gago ‘to ah!





Sakit mo sa bones, Elijah! Pasalamat ka mabait ako ngayon at nag aacting na mahinhin, kung hindi kanina ka pa naka bulagta sa damo.





“Bakit ka pala tumutol sa kasal? Diba ang sabi mo sa akin ay gusto mo ‘ko.” nanlaki naman ang mata ko at hindi makapaniwalang tinignan ang lalaking ‘to.




Dahil hindi 'yon patanong kundi direkta talaga at siguradong sigurado siyang gusto ko siya!




Kung makapal ang peslak ko, mas makapal naman ang kay Elijah! Mapapa-wow ako sa kakapalan ng pagmumukha niya!





Atsaka si Isabella po ‘yon, hindi ako. Masiyado rin straight forward ‘to.  Walang tabas ang bibig.





Atsaka napapagod na rin akong mag explain nang mag explain sakanila!





Iisa parin naman ang dahilan ko. ‘Yun yung ayaw ko ngang makasal dahil may mahal siyang iba.





Hindi ba sinabi ‘yon ng kaniyang magulang?! Dapat sinama na nila ‘yon nang hindi na ako makapag explain sa lalaking ‘to.





Bumuntong hininga nalang ako dahil sa irita, dapat may sabihin ako para itigil niya na yung pag a-assume niya. “Natauhan lang ako sa isang bagay.” seryosong saad ko.





“Ano naman ‘yon?” taka nitong tanong na palihim kong ikinairap.











“Na hindi na pala talaga kita gusto.”











***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net