KABANATA 7

Background color
Font
Font size
Line height

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa lalaking ‘yon! Pumapasok sa isip ko ang imahe niya kagabi!




Hindi ko naman akalain na ganon ang mukha ng character na ginawa ng Author.





Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Carla. “Binibini.” gulat pa nitong saad. “G-gising na po pala kayo.”





Tumango lang ako at umupo sa higaan ko, hindi talaga ako halos makatulog kagabi! Ano bang meron sa Elijah na ‘yon?!





“Ayos lang po ba kayo? Namumutla kayo.”





“Ayos lang ako, wag mo ‘kong alalahanin.” sabi ko bago tumayo at dumiretso sa bathroom.





At alam ko sa sarili ko na mukha akong zombie! Bakit ba ginambala ako ng pagmumukha non ni Elijah?!





May sumpa ang pagmumukha na ‘yon! May sumpa talaga ‘yon. Ayoko nang makita ang pagmumukha na ‘yon.





Nag simula na akong mag linis ng katawan at ang masasabi ko sa sarili ko ay LUTANG.





Kanina pa ako lutang, aaminin ko! May crush ako kay Elijah noong nag babasa palang ako pero hindi ko naman aakalain na makikita ko siya sa personal!





May pasabi sabi pa akong hindi ako mafafall eh.





Oo nga! Hindi nga talaga ako mafafall! Hindi talaga! Hindi pwede.





Napatitig ako sa salamin na nandito sa loob ng banyo, agad kong sinampal nang malakas ang pisnge ko.





Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ko ang hapdi dahil sa pagkasampal ko.





Wag kang mag papauto sa pagmumukha niya, Isabelle!





Tama, bawal mag pa-uto masama ‘yon, lason.





Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si Carla na nasa gilid lang at nag aabang sa akin, ngumiti ito ngunit bigla ring nawala.






“Nako binibini! Ano nangyari sa iyong pisngi? Namumula.”





Napaiwas ako nang tingin sakaniya. “Wala ito, blush-on ‘yan.”





Ayan na ang PINAKA walang kwentang naging dahilan ko sa tanang buhay ko. Blush on habang naliligo?! Kahibangan.





“Blash own?” bahagya akong natawa sa naging accent niya.





“Oo, blush on pampula ng pisngi. Sige na kuhanan mo na ako ng damit dahil ako ay mag bibihis na.” pag iiba ko sa usapan.





Alangan namang sabihin ko na sinampal ko ang sarili ko diba? Baka pagkamalan na talaga ako nitong sinasapian.





Nasabihan pa naman ako ng baliw non, grabe na.





“Sandali lang po.” umalis ito at dumiretso sa aparador para kumuha nang panibagong baro‘t saya.





Nasa bahay lang naman pero naka baro‘t saya pa rin? Parang ako ang naiinitan para sakanila! Sa panahon na ‘to, nirerespeto ang babae.





Ang daming bawal! Talagang sa magulang ka muna babagsak bago sa taong mahal mo.





Pero para sa akin ay okay rin ang ganon diba, may permission sa magulang.





“Binibini, ito na po.” inabot niya saakin ang baro‘t saya na kulay blue, maganda naman.





Kinuha ko ito at pumasok ulit doon sa may pangharang at nag bihis na. Nang matapos na ako ay lumabas na ako roon at dumiretso sa salamin para mag ayos.





Nang matapos na ako ay saka lang ako tumayo para lumabas na, nagugutom na rin ako hindi pa man din ako nakapag hapunan kagabi dahil sa nangyari!





“Binibini, halika na po dahil hinahanap kana ni Don Alejandro.”





Mag dadalawang araw na ako sa katawan na ‘to! Ano kaya ang sunod na mangyayari sa akin dito?!






Bumaba na kami dahil tinatawag na raw ako ni ama, sana naman may pagkain na sa lamesa dahil nagugutom na talaga ako.





Pagkarating namin doon, tinignan ko kaagad ang nakahanda sa lamesa.





Kape at tinapay?!





Ano ba ‘yan! Akala ko may kanin at ulam! Ganiyan din ang inaalmusal ko sa umaga nung nandoon pa ako sa mundo ko eh.





Pero gutom kasi ako ngayon!





“M-magandang umaga po, ama at ina.” magalang na saad ko.





“Narito kana pala anak, halika at mag almusal kana.” nanlulumo naman akong umupo sa upuan.





Nahihiya naman ako mag tanong kung may kanin at ulam diba?





May hiya ka pa pala, Isabelle?





“Manang Glenda, handaan mo ng pagkain si Isabella, dahil hindi pa siya nag hahapunan kagabi.” lumiwanag bigla ang mukha ko dahil sa sinabi ni ina.





Ikaw ang savior ko. May nag lapag ng kanin at ulam sa harapan ko, amoy palang ang sarap sarap na!





“Maraming salamat po.” saad ko.





Nagulat pa ito pero kaagad ding ngumiti. “Walang anuman, anak.”





Nag simula na akong kumain dahil nagugutom na rin ako. Ramdam ko ang titig ng dalawang matanda sa akin.





Hindi ko tuloy maiwasan na mailang. “She changed.” rinig kong saad ni ama.





“I‘m happy for her, hon. She so respectful and kind now.”






Hindi ko nalang sila pinansin dahil busy ako sa pag kain. Akala ba nila hindi ko sila naiintindihan?





Atsaka kind and respectful daw? Loh? Hindi ba mabait si Isabella? Sabagay tama naman sila ron.





“Bakit nag bago bigla ang isip mo, anak?” natigil ako sa pagsubo nang biglang mag tanong si ama.





Binaba ko muna ang kutsara at tumingin kay ama. “Nasabi ko na po ‘yon kagabi, ayoko na pong humadlang sa dalawang nag mamahalan. Dapat ganon ang gawin ng mga tao na ‘Kung ayaw sa ‘yo wag mo nang pilitin.’ kaya hindi ko na rin po pipilitin ang sarili ko sa taong hindi naman po ako mahal.” mahabang saad ko.





Dapat kasi maniwala na sila sa akin! Kagabi pa ako explain nang explain sa kanila.





Nagkatinginan naman silang dalawa bago bumuntong hininga si ama. “Humahanga ako sa ‘yo anak, nag bago kana nga talaga.” ngumiti nalang ako sa sinabi niya.





Kung alam niyo lang na two-faced bitch ako, kaya kong mag panggap kahit kailan ko gusto, lalo na sa mga taong hindi ko gusto.





Kaya kong makipag-plastikan kung kinakailangan.





Nag patuloy nalang ako sa pag kain habang nag uusap naman ang dalawang matanda.





Habang kumakain, may narinig akong nag salita sa tapat ng pintuan, hindi ko na sana titignan at papansinin dahil nga busy ako sa pag kain.





“Donya Ilaura, Don Alejandro at Binibining Isabella, may bisita po kayo.” boses ‘yon ni Carla.





“Sino naman ang bibisita nang ganito kaaga?” takang tanong ni ina.






“Si Ginoong Joaquin po.”






The fuck?!












***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net