ANG HULING KABANATA

Background color
Font
Font size
Line height

Nawala ang focus ko kay Isabelia dahil napalingon ako sa likod ko dahil sa boses na yon, pamilyar siya kaya napalingon talaga ako.



"Ej..." gulat kong saad.



Naging pagkakataon yon ni Hannah para maitulak ako at kunin ang patalim na hawak ko, nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla siyang umalis sa harap ko at sinundan ang tingin kung saan siya papunta.



"H-hindi." saad ko at dali daling tumayo para habulin si Hannah, sobrang higpit ng kapit niya sa patalim habang lumalapit na sa pwesto ni Ej.



Tumakbo ako nang mabilis kung saan maabutan ko na siya, sobrang lapit na niya kay Ej at si Ej na nakatulala at parang gulat na gulat na nakatingin kay Hannah ang mukha niya.



Umamba na nang saksak si Hannah. "EJ!" sigaw ko kaya agad na napalingon sa akin si Ej, niyakap ko kaagad siya nang makalapit ako sakaniya.



Naramdaman ko ang pag baon ng patalim sa likuran ko, agad akong napangiti dahil hindi si Elijah ang nasaksak.



"I-Isabella?" rinig kong bulong ni Ej.



Tinignan ko siya sa mata at doon na tuluyang tumulo ang mga luha sa mata ko, hinawakan ko ang pisnge niya. "S-salamat at ligtas ka." mahina kong saad.



Lumambot ang tuhod ko kaya muntik na akong malaglag kung hindi lang ako nasalo ni Ej, naramdaman kong nahawakan niya ang likod ko kung saan naroon ang tama ng saksak sa akin.



Nakita ko ang pag luha ng mga mata niya. "H-hindi... mahal ko." saad nito.



Tumingala siya at sigurado akong nakatingin siya ngayon kay Hannah. "P-Paano mo 'to nagawa?" hindi makapaniwalang saad niya. "Hindi na ikaw ang Hannah na nakilala ko noon, ibang iba kana."



"Ikaw dapat 'yon!" sigaw ni Hannah. "Kasalanan ko bang humarang siya?" dagdag pa nito.




Tumingin sa akin si Ej, nasasaktan akong umiiyak siya nang dahil sa akin ngayon. "B-bakit mo ginawa 'yon?" humigpit ang hawak nito sa akin.



"Ayokong m-masaktan ka." napapadaing ako sa tuwing nag sasalita ako. "H-hindi ko matatanggap k-kung ikaw ang n-nasa sitwasyon ko n-ngayon." pahina nang pahina kong ani.



"JUSKO ANG ANAK KO!" unti unti nang lumalabo ang mga mata ko pero rinig ko pa rin ang mga ingay na nasa paligid.



Alam kong narito na ang lahat, pati na rin ang magulang ni Isabella.



Tinitigan ko si Ej at kaagad na nginitian siya. "Masaya akong nakilala kita ng p-personal, Ej." saad ko sakaniya.



"Huwag kang mag sabi na para bang nag papaalam kana." ani nito at niyakap na ako nang mahigpit. "Ipangako mo sa akin na mabubuhay ka pa." napangiti na lang ako nang mapait sa sinabi niya.



"H-hindi ako sigurad―."



"I-ipangako mo! P-parang awa mo na." tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko dahil ramdam ko ang sakit sa boses niya. "Ipangako mo sa akin, Isabelle."



Natigilan ako nang sandali dahil sa binanggit niyang pangalan. "Ipangako mo sa akin na babalik ka, kahit lahat nang 'to ay kathang isip lang at ginawa lang pero sinisigurado ko na ang nararamdaman ko sayo ay totoo." saad nito.



Hindi na ako makapagsalita sa sinabi niya, bakit niya alam? Narinig niya ba ang lahat?



"Kung isa lamang itong kwento, bakit... "









"Bakit napakasakit?" saad nito.



Bago pa ako mawalan ng malay, hindi ko na inaksaya ang oras ko para hawakan ang pisnge ni Ej at agad na hinalikan ang labi niya, alam kong nagulat pa siya pero naramdaman kong tinugunan niya ang halik ko.



Sabay kaming bumitaw at kaagad na tinignan siya. "P-pangako, babalik ako." saad ko dahil hindi ko na kinakaya, unti unti na ring sumisikip ang dibdib ko.



"I love you, Ej." huli kong banggit bago dumilim ang paligid ko.























"Dakpin ang babaeng iyan!" sigaw ni Don Alejandro at tinuro si Hannah na ngayon ay tulala lang na nakatingin sa dalawang taong nasa lupa.




"Anong gagawin niyo sa anak ko?!" naiiyak na sigaw ni Donya Teresina.




"Bitawan niyo ang anak ko!" sigaw ni Don Rolando, tumingin ito kay Don Alejandro. "Anong gagawin mo sa anak ko?!"




"PINATAY NIYA ANG ANAK KO!" dumagundong ang sigaw ni Don Alejandro sa paligid na ikinatahimik at ikinatuod ng iba.




"A-ang anak ko... I-isabella." naiiyak na saad ni Donya Ilaura.




Lumapit ito sa pwesto ni Ginoong Joaquin na hanggang ngayon ay ayaw pa rin bitawan ang nakapikit na si Isabella.




Halos maguho ang mundo ni Donya Ilaura nang makitang hindi na humihinga ang kaniyang anak. "A-ANAK!" sigaw nito at natumba sa lupa.




Dali dali namang gumabay si Don Alejandro at nakita ng dalawang mata niya ang mukha ng anak niyang nakapikit na.




Para namang sinaksak ang puso niya ng libo-libong karayom sa nakita, niyakap niya ang asawa niya na sobra na ang pag iyak, tumulo ang mga luha mula sa mata ni Don Alejandro.




"A-ang anak natin, Alejandro." iyak na saad ni Donya Ilaura.




Muling nabuhay ang galit sa puso ni Don Alejandro. "Hindi ko mapapatawad ang ginawa ng anak mo sa anak ko, Rolando." sa bawat bigkas ng salita ni Don Alejandro ay ramdam ng mga tao sa paligid ang tensyon.




Hawak hawak ng mga Guardia Civil ang tulala pa ring si Hannah, nilapitan siya nang kaniyang ina na sobrang hinagpis din sa sinapit ng kaniyang anak ngayon.




"P-paano mo 'yon nagawa iyon, anak?" hindi makapaniwala nitong saad. "Hindi ka namin pinalaking ganito." naiiyak na ani nito sakaniya.




Parang nasapian naman ng masama si Hannah. "Dapat lang iyan sakaniya." sagot nito na ikinagulat nilang lahat.




Lalo na ang mga magulang niya. "A-ano ang iyong sabi?" parang nabingi si Donya Teresina sa kaniyang narinig.




Tumingin ang nanlilisik na mata ni Hannah kay Donya Teresina na ikinagulat talaga nang lubos ng matandang babae kahit ang nasa paligid nila.




"Bagay lang 'yan sakaniya, dapat siyang mamatay!" sigaw nito.




Pero natahimik ang lahat nang isang malakas na sampal ang bumalot sa paligid, hindi lang isa kundi limang beses na sampal ang natamo ni Hannah sa kamay mismo ni Don Rolando.




Gulat namang napalingon si Hannah kay Don Rolando, parang namanhid ang mukha niya dahil sa lakas nito.




"HINDI NA IKAW ANG ANAK KO!" sigaw nito na ikinatakot naman ni Hannah. "Ang laki ng pinagbago mo! Asaan na ang anak ko na sobrang bait at kahit ang pumatay ng insekto ay hindi magawa?!" sigaw nito.




Bilang ama, nasasaktan ngayon si Don Rolando kaso hindi niya matanggap na nag iba na ang anak niya.




Ibang iba kumpara sa dati, nag iba lang ang ugali nito nung nadulas ito at nauntog.




"Kunin niyo na siya." saad ni Don Rolando sa mga Guardia Civil at hindi na tinignan ang anak.




"A-ano?! Ama please, patawarin niyo 'ko!" sigaw nito nang hilain na siya ng mga Gwardiya Sibil.




Pero parang bingi lang si Don Rolando sa naririnig, ayaw niya nang marinig ang sasabihin ng anak, dahil nakita na ng dalawa niyang mata ang pinagbago ng anak.




Napayakap naman si Donya Teresina sa kaniyang asawa at doon umiyak, masakit sa parte nila na makukulong ang kaisa-isahan nilang anak na babae.




"Dalhin niyo na ang aking anak sa morgue." muling saad ni Don Alejandro, kita mo ang mga pula nitong mata bakas na umiiyak talaga siya at ramdam mo ang puot sa mga mata niya.




"H-hindi." muling natahimik ang lahat nang mag salita si Ginoong Elijah.




Unti unting nag angat ng ulo to, kanina pa siya nakayuko at hindi nag sasalita.




Tumingin ito kay Don Alejandro. "Dalhin niyo siya sa inyong mansyon at mag padala ng mang gagamot." saad nito.




Yakap yakap pa rin niya ang katawan ni Isabella at parang ayaw niya na itong bitawan, kitang kita sa mga mata nito ang sobrang pagkahinagpis.




Iyak din nang iyak ang dalawang babae na si Claria at Olivia, kahit ang apat na lalake na si Miguel, Rafael, Samuel at si Oliver.




Hindi sila makapaniwalang wala na si Isabella na parang kanina palang ay nag sasaya pa siya kasama sila.




"Kung hindi kita iniwan kanina, hindi mangyayari 'to sayo" kumuyom ang mga kamao ni Samuel. "Patawad, Isabella. Hindi kita nailigtas at natulungan." tumulo ang luha nito sa mata.




"A-anak." lumapit si Donya Elena kay Ginoong Joaquin na nakatingin pa rin kay Don Alejandro. "T-tama na anak, wala na si Binibining Isabella." naiiyak na saad ng ginang.




"Hindi, ina." matigas na ani nito. "Babalik siya, ipinangako niya sa akin iyon." muling tumingin si Ginoong Joaquin kay Don Alejandro. "Babalik siya, Don Alejandro. Dalhin niyo siya sa inyong mansyon at mag padala ng mang gagamot." nag susumamo na ang mukha at boses ni Joaquin nang sabihin niya 'yon.




Nakita ni Don Alejandro ang diterminasyon ni Elijah dahil sa mga mata nito, mukhang nag sasabi ng totoo ang ginoo kaya parang nabuhayan ng pag asa ang puso ni Don Alejandro pero hindi pa ang oras para mag saya.




"Dadalhin natin siya sa aming mansyon." saad nito.




Napangiti naman nang maliit si Elijah kaya kahit nanghihina pa ay tumayo ito at siya ang nag bitbit kay Isabella. "Hayaan niyo pong ako ang mag bitbit sakaniya." saad nito.




Ang mukha nitong walang emosyon pero ang mga mata ay maraming sinasabi.




Naunang nag lakad si Elijah at hindi na nilingunan ang mga tao, tuluyan nang naiyak si Donya Elena dahil sa inasta ng kaniyang anak.




Niyakap naman siya ni Don Alexander, kahit ang tatay nina Joaquin ay nakaramdam nang matinding lungkot sa pag kawala ni Isabella pero mas nakakaramdam sila ng lungkot at sakit sa kanilang anak.














Isang babae unti unting namulat ang mga mata nang marinig niya ang mga pamilyar na tinig sa paligid. "Please doc, save my daughter." pag mamakaawa ng ginang sa isang lalaking doktor.




"We will try our best, ma'am." saad ng doctor.




"Mom?" saad sa isip ng babaeng unti unting naliliwanagan.




Kahit anong pilit niyang ibukas ang bibig at mata niya ay hindi niya magawa.




"Babayaran namin kayo nang kahit magkano, just save our daughter." saad ng isang lalake.




"Dad?" alam niya ang mga boses na 'yon at hindi siya pwedeng magkamali.




"Bumalik na ba ako sa totoong mundo?" tanong nito sakaniyang sarili.




Bigla niya na lang naalala ang lahat na nangyari sakaniya simula umpisa at hanggang sa dulo.




"Ej..." saad nito at naramdaman niyang may tumulo sa pisnge niya kahit nakapikit siya.




"H-hindi to maaari, nangako ako sakaniya." saad ni Isabelle sakaniyang isipan.




Narinig nang lahat ang biglang pag tunog nang nakakabinging tunog sa isang monitor.




"Isabelle!" rinig niyang sumigaw ang kaniyang mom.




"Palabasin niyo muna sila." saad ng doctor kaya agad naman sinunod ito ng mga nurse, kaso nag pupumiglas pa ang mga ito.




"Clear!" sigaw ng doctor habang nire-revive ang katawan ni Isabella.




"Gusto kong bumalik, nangako ako sakaniya." saad ni Isabelle sakaniyang isipan habang nararamdaman na niyang napuputulan na siya ng hininga.




"Hintayin mo 'ko, Ej."








Tuluyan nang nag straight line ang monitor kaya agad na tumingin ang doktor sa orasan.





"Time of death : 11:59 pm"

















Isang ginoo ang nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang karagatan sa pag alon nito ng malakas.




Pumikit ito nang maramdaman ang pag haplos sakaniya ng hangin. "Kailan ka babalik?" tanong nito sa hangin.




Matagal na ang pag hihintay niya pero ang tagal pa rin bumalik ng taong hinihintay niya. "Hindi ako susuko sayo, hihintayin at hihintayin pa rin kita." saad nito.




Ilang buwan na ang nakalipas simula nung nangyari ang gulo noon, nang maidala ni Elijah ang katawan ni Isabella sa mansyon ng Montenegro at tinignan ito ng manggagamot.




Nabuhayan sila ng pag asa nung sinabi ng mangagamot na bumalik na ang pulso ni Binibining Isabella kaya isa raw itong himala.




Sobrang natuwa ang mga magulang ni Isabella lalong lalo na si Elijah, sa isip isip nito ay tinupad nito ang kahilingan niya na babalik ito.




Ngunit nang magising si Isabella ay parang may kakaiba rito.




Hindi siya ang Isabella na nakasama niya, hindi si Isabelle.




Kundi ang totoong Isabella ang nakita niya nang mag simulang magising ito.




Nahalata niya ito dahil gulat pa ito nang yakapin niya ito, ramdam niyang hindi na siya ang babaeng minahal niya.




Napangiti na lang nang mapait si Elijah. "Kung babalik ka, nasaan ka ngayon?" saad nito.




Ilang buwan din ang nakaraan nang nag patiwakal si Binibining Hannah sa kulungan, nag durusa rin ang mga magulang nito ngunit mukhang naging maayos din naman ang lahat dahil himala ring nabuhay muli si Binibining Hannah.




Pero ang nasa katawan ni Hannah ay ang totoong Hannah na, nalaman din nang lahat na siya ay nililigawan na ng kapatid ni Ginoong Joaquin na si Ginoong Oliver.




"Nag iisa ka ba rito?" natigil ang kaniyang pag iisip nang marinig ang isang tinig.




Hindi niya ito nilingon at nanatili ang kaniyang tingin sa karagatan. Naramdaman niyang tumabi sakaniya ang binibini. "Ramdam ko ang iyong kalungkutan." pag umpisa nito.




Hindi siya nilingon ni Ginoong Joaquin at nanatili ang mga mata nito sa karagatan at sobrang lalim ang iniisip.




"Anong ginagawa mo rito, Binibining Isabella." sa wakas at nag salita na rin si Ginoong Joaquin.




"Papunta sana ako sa San Lazaro upang mag libot, ngunit nakita kita rito kaya ako'y napadaan lamang." saad nito. "Hindi ka dumalaw sa aming mansyon."




Hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin ng ginoo dahil mas tutok lang itong nakatingin sa malayo. "Hinihintay mo pa rin ba siya?" saad ni Binibining Isabella.




Isang nakakabinging katahimikan na naman ang namayani sakanilang dalawa.





Napabuntong hininga na lang si Binibining Isabella sa inaasta ni Ginoong Joaquin sakaniya.




Marahil ay ramdam nitong nangungulila pa rin sa isang tao si Ginoong Joaquin.




"Paano kung nakabalik na pala yung hinihintay mo?" salita ulit ni Binibining Isabella kaya this time nakuha na niya ang atensyon ni Ginoong Joaquin.




Nakatingin na ito sakaniya. "Ano ang iyong ibig sabihin?" tanong nito.




Bumuntong hininga naman si Isabella. "Siya'y bumalik na."




Biglang tumayo si Elijah na ikinagulat ni Isabella. "Saan ko siya matatagpuan?" nag mamadali nitong ani.




Napatingala naman sakaniya ang dalaga. "Sa iyong harapan." saad nito bago tumayo rin.




Natigilan naman si Elijah at napatitig sa kaharap na binibini.




Ang mga mata nitong nakikiusap na parang ulitin ang sinabi nito dahil parang hindi niya ata narinig.




"Ang babaeng hinihintay mo...




Nasa iyong harapan..." mahina nitong saad sapat na para marinig ng lalake.




Parang tumigil ang mundo ng lalake habang tinititigan si Isabella sakaniyang harapan.




"Bumalik na ako." nakangiti nitong sabi. "Tinupad ko ang hiling mo, patawad at hindi kaagad ako nag pakilala sayo. Ginawa ko yon para mag pakilala sa mga magulang ni Isabella ang totoo ako. Kung alam mo lang ang pakiramdam ko nung makita kita, gusto kitang yakap―." natigil ang pag sasalita ng dalaga dahil mabilis siyang niyakap ng lalake.




Nagulat pa siya pero kalaunan ay napangiti na rin at ginantihan ng yakap ang lalake.




"Salamat at hindi ka sumukong hintayin ako." saad nito.




"Hinding hindi ako mag sasawang mag hintay sayo kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit tumanda na ako, hihintayin pa rin kita." saad ni Elijah na nakapag paluha kay Isabelle.




Basta ang nasa isip niya ngayon ay... napakaswerte niya sa lalakeng 'to.




"I love you." saad ni Isabelle.




"Mas iniibig pa kita lalo." saad nito sa babae na alam niyang iibigin niya habang buhay.









Wakas.







***
Yes! Sa wakas natapos na rin ang kwento, minadali ko na habang hindi pa ako tinatamad dahil talagang gusto ko nang tapusin 'to.

Maraming salamat sa mga taong sumuporta sa kauna-unahang story ko rito sa wattpad, hindi man magaling pero sana nagustuhan niyo pa rin.

Love y'all!!!

yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net