KABANATA 65

Background color
Font
Font size
Line height

Gulat, galit, at sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil ang dalawang tao na pinagkatiwalaan at tinulungan ko ay hindi ko aakalain na ta-traydorin ako ngayon.




Kitang kita ko ang dalawang mukha na nakaharap sa tatlong demonyo, galit na tumayo si Hannah. “Mga tonto! Bakit hindi niyo sinundan?!” gigil na sigaw nito.




“Hindi na namin siya nasundan.” saad ni Antonio.




“Pagkaalis mo kanina, maya't maya umalis din si Binibining Isabella.” dugtong ni Luis.




“Hanapin niyo!” napangisi na lang ako, halata sa mukha niya ang taranta at mukhang nakaramdam ang bobitang ito na sinundan ko sila.




Huli na...




Nakita na ng dalawang mata ko kung paano ako pag taksilan ng dalawang tinulungan ko.




Nakita ko ngang umalis ang dalawa, tumakbo pa ang mga ito at bigla na lang nawala sa dilim.




Napakuyom ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko, nanginginig na rin ang buo kong katawan.




“Argh!” gigil na sigaw ni Hannah. “Sa tingin niyo, bakit umalis ang babaeng 'yon?” saad nito.




“Baka nakaramdam? Nakita niya ba tayo kaninang tatlo na umalis?” tanong ni Samuel.




“Hindi.” sagot ni Philip "Tinitignan ko pa siya mula kanina pero hindi siya lumilingon at panay ang tingin niya sa unahan at pag kausap sa taga silbi niya.” saad nito. “Marahil nahalata niya na wala tayong tatlo sa ating pwesto kung saan niya huli tayong nakita.”




Mali, nakita ko talaga kayong umalis.




Napangisi na lang ako at kaagad na tinignan sila.




“Nasaan nag punta ang babaitang 'yon!” inis na saad nito.




Tumayo ako mula sa pinagtataguan ko, napatingin silang lahat sa pwesto ko nang may narinig silang tumunog.




Kaagad na alerto ang tatlo at kaagad na tinutok sa direksyon ko ang mga baril nila.




“Sino 'yan?!” tanong ni Samuel.




“Ako ba ang hinahanap niyo?” salita ko at lumabas sa madilim na pinagtataguan ko mula pa kanina.




“Isabella...” gulat na sabi ni Hannah.




Ngumisi ako nang nakakaloko sakaniya. “Yes, my darling. Si Isabella.” diin kong saad.




Mukhang natauhan si gaga at kaagad na hinawakan nang madiin ang baril niya at mas lalong itinutok sa akin.




Natauhan na rin ang dalawang lalake kaya inayos din nila ang tayo nila at mas lalo ring itinutok ang baril.




Naks, tatlong baril ang nakatutok sa akin ngayon.




Ang ganda namang pag masdan.




“Kanina ka pa riyan?!” mas lalong lumawak ang ngisi ko habang nakatingin kay Hannah.




“Ano sa tingin mo?” pang-aasar ko pa sakaniya.




Napatawa naman kaagad ito, tawang naaasar na. Tsk! Ang bilis niya talaga niya mapikon, walang pinagbago.




“Mukhang narinig mo na ang lahat." ngumisi ito sa akin. "Ano ang pakiramdam ngayon na traydorin ka at ipakita sa iyo na totoo ang intensyon nila sa 'yo?” nang aasar na saad nito.




Ang tinutukoy niya siguro ay yung kanila Samuel, Antonio, at Luis, mukhang alam na rin niya ang mga nangyayari, sino pa bang mag sasabi sakaniya? Edi silang tatlo lang din.




Nandilim kaagad ang paningin ko dahil sa sinabi niya, nawala ang emosyon ko at tumingin sa mukha ni Samuel at mukhang nagulat pa siya sa pag tingin ko sakaniya pero kaagad niya akong sinamaan nang tingin.




“Bakit?” malamig na saad ko rito.




Mukhang natigilan pa siya dahil sakaniya ko ipinaparating ang tanong ko.




Napatingin siya sa akin at natawa. “Bakit?” hindi makapaniwala nitong saad.




“Alam mong sa una pa lang ay gusto na kita Isabella.” diin pa nito, bigla ay natahimik ako. “Ginawa ko ang lahat para sa iyo pero ano ang isinukli mo sa akin? Sakit, hindi ba?” parang biglang ayaw na bumuka ng bibig ko dahil sa sinabi niya.




Hindi naman kasi ako ang tunay na Isabella, wala rin akong nararamdaman para sakaniya kundi ang pagiging kaibigan lang.




Nakausap ko na siya sa bagay na 'yon, ang akala ko ay tanggap niya na? Ibig sabihin lahat nang 'yon ay pag papanggap lang niya? Pero ang totoo ay kinamumuhian niya na ako?




“Mahal pa rin kita hanggang ngayon, pero kung hindi ka rin naman magiging akin... Hindi ka na rin pwedeng makuha ng iba.” saad nito at ngumiti.




Ayan na ata ang ngiting ayoko nang makita habang buhay. “Lalong lalo na kay Joaquin, bakit hindi ko na lang siya gawan nang masama? Ano sa tingin mo, mahal ko?” parang kinilabutan ako sa tinawag niya sa akin.




Hindi na siya yung Samuel na nakilala ko nung una naming pagkikita, bakit naging ganito siya bigla?




Nabulag ba siya dahil sa pagmamahal niya kay Isabella na hindi masuklian?




Naikuyom ko ang kamay ko at tumitig nang mariin sakaniya. “Huwag na huwag mong gagalawin si Elijah.” saad ko.




Muli na namang sumilay ang ngisi sa mga labi niya. “Huli ka na.” saad pa nito.




Anong ibig niyang sabihin? Biglang bumalik ang kaba ko na kanina ko pa nararamdaman, eto ba yung kaba na 'yon? Hindi talaga ako nag kakamali sa mga hinala ko.




“Kawawa ka naman Isabella.” nakangising ani ni Hannah. “Mukhang takot ka na, nasaan na ang tapang mo ngayon?”




Inilipat ko ang tingin ko kay Hannah nang siya naman ang magsalita, nginisian ko siya. “Mas ikaw ang mukhang kawawa sa atin, Hannah.” saad ko.




Unti unti na namang nag salubong ang kilay niya. “Alam mo kung bakit?” pabitin ko pa. “Kasi ikaw itong nag hahabol sa taong hindi ka na gusto.” dagdag ko. “Pero yung taong nagugustuhan mo? Ako na yung nagugustuhan, sino ang mas mukhang kawawa sa atin ngayon?”




“IKAW!” sigaw nito at akmang susugod sa akin nang bigla siyang pigilan ni Philip. “Bitawan mo 'ko at papatayin ko 'yang babae na 'yan!” saad nito at nag pupumiglas sa hawak ni Philip.




Itinabingi ko ang ulo ko at mas pinagkatitigan pa siya. “Bakit galit na galit ka? Kasi totoo?” mas lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko.




Tumayo nang maayos si Hannah pero sobrang sama pa rin nang tingin niya sa akin, hinawakan niya nang mahigpit ang baril at gigil na itinutok ito sa akin.




Ngumisi ito. “Tutal narito ka rin naman, bakit hindi na kita tapusin ngayon?” saad nito saka kinasa ang baril. “Bye bye.” nakangiti nitong saad.




Mas lalong lumawak ang ngiti ko at alam kong nagulat si Hannah ron, tinignan ko ang kuko ko sa kamay at saka nag cross arm pa sa harap niya.





Mas lalo atang nagagalit si gaga kasi hindi niya man lang ako nakikitaan nang takot.




Bakit ako matatakot?







Isang baril lang naman ang nakatututok sa akin.




“Mas mabuting tapusin na kaagad natin 'to.” rinig kong saad ni Philip at kita ko ang pag sang-ayon ni Samuel.




Ngumisi naman si Hannah nang marinig niya ang sinabi ni Philip, hindi man lang tinignan ang dalawa na nasa likod niya.




Lumawak ang ngisi ko. “Uulitin ko yung tinanong mo sa akin kanina Binibining Hannah.” mapaglarong saad ko.




Nangunot naman ang noo niya. “Wala akong panahon para makipaglaro sayong babae ka!”




Itinabingi ko ang ulo ko at nginitian siya, hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay mas tinitigan ko pa siya nang mabuti na parang bang sinusuri ko na ang buong mukha niya.




“Ano ang pakiramdam na traydorin ka at ipakita sayong kakampi ka nila pero ang totoo ay hindi naman pala talaga?”




Parang natigilan siya sa sinabi ko. “A-anong ibig mong sabihin!" utal at takot niyang sabi pero mahahalata mong tinatakpan niya 'to sa pamamagitan nang galit niyang boses.




Kitang kita ko kung paano unti unti siyang namulta kahit na medyo may kadiliman sa pwesto namin, kita mo pa rin naman ang mga kaharap mo dahil sa liwanag ng buwan.




Inangat ko ang kamay ko at kaagad na ipinaikot ang daliri ko habang may ngising nag lalaro sa labi ko. “Turn around.”




Nakita ko kung paano siya matigilan at unti unting naibaba niya ang baril na hawak niya habang nakatingin sa akin.




Gusto kong humalakhak sa mukha niya kasi mukhang alam na niya ang makikita pag lumingon siya sa likod niya.




Maya maya pa ay unti unti siyang humarap hanggang sa tuluyan na nga siyang napaharap sakanila.




“A-anong―.” hindi na niya natuloy dahil nag salita na ako.




“Suprise.”




FLASHBACK
(before the fiesta.)



Nagising ako kinagabihan, napatingin ako sa bintana at nakita na gabi na pala.




Medyo napagod ako kanina sa gala namin ni Ej, at iniisip ko rin yung taong sumusunod sa akin mula pa kanina.




Napabangon ako at saglit na humawak sa ulo ko, medyo sumakit nung bumangon ako.




Bumuntong hininga muna ako at pumunta sa pintuan.




Binuksan ko ito nang unti at nakitang madilim na sa labas at mukhang tulog na ang lahat.




Sinarado ko ang pinto bago dumiretso kung saan nakalagay ang mga damit ni Isabella.




Kinuha ko ang damit na tinahi ko mismo, nag aral ako kung paano manahi sa pamamagitan nang pag gawa ko ng mga damit na pang kasalukuyan.




Bumili ako ng mga tela, madali lang naman ang tinahi ko para siyang black jeans pero kakaiba ang tela na 'to, malambot at alam kong komportable akong suotin to.




Kinuha ko na rin ang black spaghetti sando na ako talaga mismo ang gumawa.




Proud na proud pa ako sa sarili ko niyan, all black ako para wala masyadong makakita sa akin lalo na't gabi pa ngayon.




Sinadya ko na itim lahat nang susuotin ko, hinablot ko na rin ang telang pula na ipangtatabon ko mamaya sa kalahati kong mukha para walang may makakilala sa akin.




Pumasok ako sa banyo at kaagad na nag palit, pumunta ako sa salamin na nasa harap ko at kaagad na itinali ang buhok ko into messy bun.




Sinuot ko na rin ang telang pula sa mukha ko at tanging mata na lang ang makikita sa akin.




Tinignan ko ang sarili ko sa salamin nang maisuot ko na ang mga tinahi ko, napangiti ako dahil hindi ko aakalain na makakagawa ako nito.




Hindi akma ang suot ko sa panahon na 'to, pero anong magagawa ko? Eto lang naman ang suot na komportable ako pag tumalon ako sa bintana at makakatakbo nang mabilis, plus pa na makakasipa at makakagalaw ako rito nang maayos.



Lumabas na ako sa banyo at kaagad na dumiretso sa kama ko at kinuha ron ang dagger ko saka ito nilagay sa tagiliran ko bago kunin ang mga unan at pag sama-samahin to para mag mukhang tao.



Kinuha ko ang kumot at kaagad itong itinakip sa unan, alam kong sisilipin ako ni Carla.




Hindi naman siguro niya mapapansin masyado dahil may kadiliman din naman sa kwarto ko at para talagang may natutulog sa kama kaya hindi na non maiisipan na lapitan pa ako.



Nang maayos ko na ang ginawa ko ay dumiretso ako sa bintana, malaki ang bintana rito kaya alam kong kakasya ako.




Binuksan ko ito kaya sumalubong sa akin ang malamig na hangin, medyo nilamig pa ako pero kaagad ding nawala yon bago sumampa at umupo.




Tinignan ko muna ulit ang kama bago dahan-dahan bumaba, sinarado ko rin ang bintana para hindi halatang binuksan.




Baka mamaya magtaka pa si Carla kung bakit nakabukas at pumasok pa 'yon tapos icheck ako sa kama.




Maingat lang ang pag galaw ko at nakakatuwa kasi talagang ang sarap sa pakiramdam maging komportable sa suot.




Mukha tuloy akong aswang sa ginagawa ko kasi naka yuko ako, baka mamaya may makakita sa akin na Guardia Civil at huntingin pa ako edi nahuli ako sayang lang pag takas ko.




Nakahinga naman ako nang maluwag dahil nakalabas ako ng mansyon na walang nakakakita sa gawang pag takas ko.




Nag tago kaagad ako nang biglang may narinig akong kalesa na paparating kaya kaagad akong nag tago sa likod ng puno.




Bakit may karwahe pang dumadaan sa ganitong oras?




Sino 'to?




Alam kong may tao sa loob ng karwahe.




Mabagal lang naman ang pag takbo nito kaya talagang sinundan ko, lakad at tago ang ginagawa ko wag lang mapansin nung lalakeng kutsero.




Hindi ko alam kung ilang minuto ko silang sinundan, basta ang alam ko ay nasa gubat na kami nang tumigil ang kalesa sa pag takbo.




Agad naman akong nag tago nang bumukas ang pinto nung karwahe at bumaba ron ang lalakeng hindi ko inaasahan.




“Philip?” mahina kong saad.




Sinenyasan niya yung lalaki na umalis, kaya kita ko kung paano bumalik ang lalake kaya agad akong nag tago, nang lumayo na ang karwahe na sinakyan ni Philip ay tumingin na ulit ako sa gawi niya.




Anong ginagawa niya sa lugar na 'to?




Lumakad siya kaya sinundan ko siya gamit ang mga mata ko, tumigil lang siya nung may nakita pa akong isang tao sa harapan niya.




Hindi ko masyadong maaninagan dahil sa medyo madilim na rin sa paligid.




Wala ring nag babantay sakanila at mukhang nag uusap ang dalawa, tinignan ko ang paligid at sinigurado ko talagang walang nakabantay sakanila.




Mukhang silang dalawa lang talaga, mas tinalasan ko ang mata ko para maaninagan ang taong kausap niya.




Humangin nang malakas kaya ang mga dahon na humaharang sa liwanag ng buwan ay biglang nahawi kaya kitang kita ko na kung sino ang lalaking kausap ni Philip.




“Samuel...” mahina kong banggit.




Anong pinag uusapan nilang dalawa?




Muli akong tumingin sa paligid bago kumilos nang tahimik para mas mapalapit sakanila at marinig ang sinasabi nila.




“Ganoon pa rin ang plano.” saad ni Philip.




Nangunot ang noo ko, anong plano ang sinasabi nila? May binabalak ba sila?




“Bakit hindi mo kasama si Binibining Hannah?” tanong ni Samuel.




Si Hannah?




“Ayaw niyang sumama.” ani ni Philip at lumakad papunta sa isang malaking bato at umupo. “Ganoon pa rin ang plano, malapit na ang pyesta sa San Lazaro at doon gaganapin ang pag sabog para mag kagulo ang mga tao at doon natin kukuhain si Binibining Isabella.” napakuyom ang kamao ko nang marinig ang pangalan ko.




Balak pa nilang idamay ang mga tao sa kasamaan nila? Hindi ako makakapayag dito, dapat ay masaya ang mga tao at hindi takot ang mararanasan nila sa pyesta ng San Lazaro.




“Malaki ba ang atraso ni Binibining Isabella kay Binibining Hannah?” tanong ni Samuel at umupo rin sa katabing bato kung saan nakaupo si Philip.




“Base sa mga emosyon na kaniyang pinapakita tuwing maririnig niya ang ngalan ni Binibing Isabella ay talaga ngang malaki ang atraso niya.” sagot ni Philip.




Wow ah! Ako pa nag kaatraso sa babaeng 'yon? Ang kapal naman yata ng pag mu-mukha niya.




“Ikaw, may atraso ba sayo si Binibining Isabella?” tanong ulit ni Samuel.




“Wala, gusto ko lang siyang pag laruan.” nakangisi nitong saad.




Napangiwi naman kaagad ako, siraulo ba yan? Ako pa na pag tripan. “Sayo? May atraso ba siya sayo?” balik na tanong ni Philip.




Hindi naman nakasagot si Samuel at tumingin na lang ito sa malayo. “Balita ko, may gusto ka sa babaeng 'yon.” saad ulit nito.




“Mayroon nga.” saad nito. “Hindi si Isabella ang pakay ko, kundi si Elijah.”




Nag salubong na naman muli ang dalawa kong kilay dahil sa narinig ko.


Ok lang na ako ang kantiin nila, wag na sila mandamay ng iba pang tao.




Sa inis ko ay kaagad kong kinuha ang patalim na nasa tagiliran ko at kaagad na hinagis yon sa gitna nilang dalawa.




Bumaon sa puno ang patalim ko kaya kita ko ang gulat na mukha ng dalawa, kaagad din silang tumayo at nataranta.




“Sino 'yan?!” sigaw ni Philip.




Unti unti naman akong lumabas sa pinag tataguan ko at kitang kita ko kung paano sila lumingon sa pwesto ko.




“S-sino ka?!” si Samuel naman ang sumigaw.




Hindi ako nag salita, tuloy tuloy lang ako sa pag lakad palapit sakanila.




Naalerto naman kaagad sila. “Sino kang lapastangan ka!” sigaw ni Philip.




Napangisi na lang ako kahit hindi nila makita dahil sa nakatabon sa mukha ko.




Natanggal lang ang ngisi ko nung makalapit na ako sakanila, alam kong naaninagan na nila ako, parang nagulat pa sila dahil halata sa mukha nila ang pag kagulat nang pasadahan nila ako nang tingin.




“Isang binibini.” saad ni Samuel.




“Anong ginagawa ng isang binibini rito? At bakit ganiyan ang iyong suot? Hindi akma sa isang binibini ang ganiyang kasuotan.” palihim pa akong napairap dahil sa sinabi ni Philip.




Naks, gentleman pa rin kahit may mga masasama nang balak.





“May narinig ka ba?” saad ni Samuel.




Doon muli sumilay ang nakakalokong ngiti ko na alam kong hindi nila nakikita.




Lumapit ako sakanila na ikinaatras nila, hindi ako nag salita at nag dire-diretso lang sa pag lalakad hanggang sa marating ko ang puno na inuupuan nila kanina.




Kinuna ko ang patalim ko ron bago inikot sa kamay ko. “Bitawan mo 'yan, binibini.” pag babanta sa akin ni Samuel.




Humarap ako sakanila habang patuloy pa rin sa pag ikot ng patalim sa kamay ko. “Why would i?” tanong ko.




Nag katinginan naman ang dalawa at parang nag uusap sa mga

You are reading the story above: TeenFic.Net