KABANATA 64

Background color
Font
Font size
Line height

Nag simula na ang pag bigay bati at nagkakaroon na ng mga sayawan sa gitna at tugtugan, nag kakatuwaan ang lahat sa gitna kaya napangiti nalang ako.

Sana walang gulong mangyari, wag muna ngayon dahil ito ang pyesta at kasiyahan ng mga tao ngayon. Wag sana ngayon.

Natigilan ako ng may biglang lumitaw na kamay sa harapan ko. “Maaari ba kitang maisayaw?” napaangat ang tingin ko at bumungad sa akin si Ej.

Napangiti ako bago tanggapin ang kamay niya kaya itinayo niya ako at saka kami nag lakad palapit sa unahan. Hinawakan nito ang kamay kong isa at ang isa ko namang kamay ay nasa balikat niya, patuloy lang sa pag tugtog ang mga mantutugtog ng smooth na sapat lang sa pag sayaw ng mahinhin.

Napatitig ako sa mukha ni Ej, hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko huling araw ko na lang makikita ang mukha na 'yan? Bakit napakabigat ng pakiramdam ko?

“Ayos ka lang ba?” tanong nito.

Natauhan naman ako kaagad bago tingnan ulit siya at ngumiti. “Ayos lang ako.”

“Parang kanina ko pa napapansin na napakatahimik mo.” nginitian ko lang siya.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito, naiinis ako kasi never ko pa naramdaman ang ganitong kaba at parang takot sa puso ko.

Ilang linggo o isang buwan nang nanliligaw sa akin si Ej and i admit that i have a feelings to him, mahal ko na rin ang taong na sa harapan ko at sinasayaw ako. Nakakatawa lang sa part na unang pasok ko pa lang sa katawan ni Isabella ay halos isumpa ko pa na hindi ako magkakagusto sakaniya.

Pero kinain ko lang din ang mga salitang binitawan ko, hindi ko aakalain na dati na ayokong malapit sa mga characters na narito, pero eto ako ngayon lahat sila ay halos kaibigan ko na.

I'm happy that they treated me like a real family, friend and lover. Even this is fiction or just a novel. But the feelings and love that i felt is real.

Ang sakit lang isipin na lahat nang na sa paligid ko ay gawa lamang ng kathang isip. Sobrang sakit... kung lahat nang ito ay kathang isip lang, bakit?

Bakit ang sakit? Bakit nararamdaman ko 'to ngayon na parang mawawala silang lahat sa akin? Bakit ganito? Eto ba yung mabigat na nararamdaman ko mula pa kanina?

Pero bakit? Why i feel that i will leave and come back to my real body?

Muli akong natauhan ng may humawak sa pisnge ko at hinagod 'yon. Napatingin ako kay Ej, at kita sa mga mata niya ang pag aalala. “Umiiyak ka.” mahina nitong saad.

Napahawak ako sa pisnge ko at may nahawakan na basa ron. Umiiyak nga ako... Hindi ko man lang napansin 'yon, umiyak pa ako sa harap ni Ej.

“Hindi na ako naniniwalang ayos ka lang.” saad nito.

Muli na naman akong napatitig sa mga mata niya. “Narito lang ako kung kailangan mo nang masasandalan, handa akong makinig.” mas lalong namuo ang luha sa mga mata ko.

“H-hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon Ej.” i said to him. “Sobrang bigat niya.” dugtong ko, isinandal ko ang noo ko sa dibdib niya, hindi naman siya umangal don.

“Ano ang ibig mong sabihin?” ramdam ko ang curiosity niya base sa boses niya.

“Hindi ko maipaliwanag, basta mabigat.” saad ko.

Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko nang sumandal ako kay Ej, i feel like i'm safe with him. Ganito siguro pag may trust ka sa isang tao, medyo nabawasan ang pangamba sa dibdib ko, as long as na narito si Ej.

He's my comfort zone and my home also.

Inangat ko ang tingin ko sakaniya. “Ej.” tawag ko rito.

Nag baba naman ito ng tingin sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi titigan ang maiitim niyang mata na parang hinihigop ako palagi.

“May sasabihin ako sa 'yo.” itigil ko muna ang pag sasalita ko. Tiningnan naman niya ako ng ‘ano-yon-look’. Bumuntong hininga muna ako dahil bigla akong kinabahan, pero ibang kaba tong nararamdaman ko ngayon.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay niya at mas lalo pa siyang tinitigan.

“I love you.”

Gulat naman itong tumingin sa akin, mukhang hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon sakaniya nang biglaan.

Napakagat na lang ako sa labi dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sakaniya, yumuko ako bago ulit nag salita.

“Mahal na rin kita, Elijah Joaquin Hernandez.” lakas loob ko pa.

Nung sinagot ko naman si David, hindi ganito ang naramdaman ko ah! Bakit ganito na lang katindi yung hiya sa mga sinasabi ko ngayon, hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko 'to sa isang lalake!!!

“Te amo màs que a cualquier otra cosa, Isabella Montenegro. ( I love you more than anything else, Isabella Montenegro) ” natigilan ako at kaagad na napatingin sakaniya.

Hindi ko alam, pero bigla kong naintindihan yung sinabi niya. As in! naintindihan ko talaga... Parang mapupunit yung labi ko sa sobrang pag ngiti at may kung ano na naman akong naramdaman sa tyan ko.

Nag ‘I love you’ na ako sakaniya, ibig sabihin... Kami na.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Ej, niyakap niya ako sa maraming tao!!!

“Sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon, dahil sa wakas ikaw ay akin na.” saad nito kaya parang hinaplos ang puso ko.

Niyakap ko na lang siya pabalik, nasa ganon kaming posisyon nang marinig ko ang mga familliar na ingay sa likudan ko. Natawa na lang ako dahil kahit kailan napakaingay ng dalawa na si Miguel at Rafael.

Hindi talaga sila nalalayo sa mga kalalakihan sa kasalukuyan. Minsan kagalang-galang silang tingnan minsan naman barumbado.

“Tila yata napakasaya mo ngayon aking kaibigan.” saad ni Miguel at hinawakan ang balikat ni Ej pagkatapos naming mag hiwalay.

Kumapit naman si Claria sa braso ko. “Pwede ba naming malaman ang pinag uusapan niyo?” nakangiti nitong ani.

Natawa na lang ako ulit dahil napaka chismoso at chismosa nila, hindi talaga mawawala ang mga marites sa paligid kahit ano pang taon ang punta mo.

Nakita ko si Ren na nakangiti sa aming dalawa, hindi ko alam pero mukha yatang alam na niya? Kita ko rin sa mga mata niya ang saya pero nag hahalo ang lungkot ron.

Bumuntong hininga na lang ako at napaiwas ng tingin, kahit nag bago ang istorya sa kwento, talo pa rin si Ren... Hindi ko alam naaawa ako sakaniya at nasasaktan na rin.

Hindi ako tanga para hindi maramdaman na may gusto sa akin si Ren, hindi lang siya nabigyan nang pagkakataon na maiparamdam 'yon sa akin dahil na rin kay Elijah.

Ayoko na rin siya bigyan ng motibo dahil alam kong mas masasaktan siya sa huli, mas okay nang hindi ako nag pakita ng motibo sakaniya at friendship lang ang ibinigay ko para hindi niya ako mahalin pa nang sobra.

At least sa nakikita ko ngayon, hindi masyadong masakit ang nararamdaman niya, dahil kahit papaano umiibabaw ang kasiyahan niya para saaming dalawa.

Alam ko na balang araw, makakahanap din siya ng babae sa buhay niya, sa dami ba namang babae sa mundo for sure papatamaan silang dalawa ni Kupido.

Lumapit sa akin si Ej at sabay kaming humarap sakanila. “Si Binibining Isabella.” pag papakilala niya sa akin, nangunot naman kaagad ang mga noo nila dahil sa pag tataka.

“Alam namin.” saad ni Rafael.

Gusto ko tuloy matawa, para kasing ang sarcasm pakinggan, natawa lang si Ej sakanila at saka nag salita ulit na nag pagulat sakanilang lima.

“Ang aking irog.” saad nito.

Sa sobrang gulat nina Olivia at Claria, napatakip sila ng kalahating mukha nila sa hawak nilang abaniko.

“Edi mas lalo pa tayong mag saya.” saad ni Rafael, mukhang naka get over na siya sa gulat.

“Hindi lang pala ang pyesta ang selebrasyon, pati rin pala ang sa inyo.” nakangiting ani ni Miguel.

Napatingin ako sa pwesto ni Ren nang mag lakad ito palapit sa amin, hinawakan ni Ren ang balikat ni Ej at tinanguan. Nag usap sila sa pamamagitan ng mga tingin nila, nangunot ang noo ko habang nakatingin sakanila.

Nginitian ni Ej si Ren. “Maraming salamat.” saad nito.

Mukhang na gets ko na ang tinginan nilang dalawa, tss.

Tiningnan ako ni Ren bago nginitian at tinanguan din, nag thank you na rin ako kasi mukhang sa pamamagitan nang tingin na 'yon ay kino-congrats niya kami pareho.

Ganoon din ang ginawa nila Olivia at Claria sa aming dalawa. Parang mga knikilig pa nga e, nakakalimutan ata nilang kumilos nang naaayon sa kilos nilang pang binibini.

Napalitan ang tono ng mga nag iinstrumento at tumugtog ito nang nakakawiling tunog. Eto na rin ang umpisa ng pag sayaw naming pito sa gitna.

Hindi na kami umalis ron at sinulit ang pag sayaw namin. Inilibot ko ang tingin ko dahil kanina ko pa napapansin na parang wala pa rin sina Hannah.

Sumayaw sayaw lang ako pero inililibot ko na ang mga tingin ko sa paligid, kanina pa sila wala at kanina pa kami sumasayaw dito.

Muling bumalik ang kaba ko kaya napatigil ako sa pag sayaw at kaagad na ikinuyom ang mga kamay ko para maibsan ang kabang nararamdaman ko.

Napatingin ako sa mga taong nasa harap ko bago ako nag paalam. “Saglit lang, may pupuntahan lang ako.” saad ko.

“Sasamahan na kita.” saad ni Ej.

“Saglit lang naman ako.” sagot ko sakaniya.

Pupuntahan ko lang yung tatlo, masama ang kutob ko sakanilang tatlo. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita yung tatlong 'yon.

“Ngunit―.” pinutol ko na ang pag sasalita niya dahil hinawakan ko na ang kamay niya.

“Mabilis lang 'to, may pupuntahan lang ako. Babalik din ako kaagad.” saad ko sakaniya.

Nag pakawala naman siya nang malalim na buntong hininga bago tumango, nginitian ko muna siya bago bitawan ang kamay niya.

Tiningnan ko muna mga kasamahan namin bago sila tanguan. “Babalik ako kaagad.” saad ko bago tumalikod sakanila at nag lakad palayo.

Nang mapunta ako sa parteng madilim ay saka ako lumingon sa likod ko kita ko na sinundan nila ako nang tingin. Mukhang hindi na nila ako nakita kasi sabay sabay pa silang nagkatinginan sa isa't isa.

Sana ay hindi sila sumunod sa akin... Nirelax ko muna ang sarili ko bago humarap na ulit at kaagad na naglakad patungo kung saan ko huling nakita ang tatlo.

Madilim sa lugar na 'to at puro halaman ang nakikita ko, mukhang gubat 'to.

Lakad lang ako nang lakad at tinatandaan ko talaga ang dinadaanan ko, maya't maya pa ay nakarinig ako nang mga boses sa hindi kalayuan.

Nang tuluyan na akong makalapit ay doon ko nakita ang taong kanina ko pa hinahanap... Pero bakit dalawa lang sila? Nasaan si Hannah?

Bakit sila nandito sa lugar na ito? Mataas ito at naririnig ko ang umaagos na tubig sa ilog mukhang sa ilalim iyon nang gagaling.

Nakaupo si Philip sa malaking bato na sapat na para maupuan, at si Samuel naman ay nakatayo habang nakatingin sa ibaba kung saan doon maririnig ang ilog.

“Mukhang kakarating mo lang.” natigilan ako at napatingin sa nag salita.

Si Philip... Nakita niya ba ako? Pero nawaksi yon nang may babae na naglalakad palapit sakanila, medyo nakahinga ako nang maluwag dahil ang akala ko ay nakita na nila ako.

Tinanggal nang babae ang nakatakip sa ulo niya at doon ko nakita ang babaeng hinanap ko rin kanina.

“Mukha yatang hindi maganda ang iyong nakita.” salita naman ni Samuel.

Napatingin ako kay Isabella na sobrang sama ng timpla ng mukha niya. “Napakaharot talaga ni Isabella!” gigil nitong saad.

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ako?! Maharot?!

“Mukhang galit na galit ka ah, ano ba ang nakita mo?” muling tanong ni Samuel.

“Nag lalampungan silang dalawa ni Elijah.” saad nito na ikina pintig ng tenga ko.

Inggit lang siya kamo! Nangunot ang noo ni Samuel. “Tumigil na kayo, at pag usapan natin ang plano.” naningkit ang mata ko sa sinabi ni Philip.

Plano? Anong plano?

“Bilang na lang ang kasiyahan ni Isabella.” nakangising saad ni Hannah at lumapit sa dalawang lalaki na ngayon ay may hawak na baril.

Teka...

BARIL?!

Saan nila nakuha 'yan at bakit may hawak silang baril? May balak na ba silang pumatay?!

Lumapit si Hannah ron sa isang baril at hinawakan niya 'yon. “Hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa ni Binibining Isabella na ilagay sa mansyon namin ang dapat ay sa mansyon nila inilagay.”

Natigilan ako at napatitig kay Philip, paano niya nalaman 'yon?

“Hindi ko alam na may katalinuhan din pala ang babaeng 'yon.” nakingising ani ni Samuel.

All this time, lahat nang pagpapakita sa akin ni Samuel ay peke? Paano nangyari 'to.

“Akalain mo, naagaw niya sayo ang pinakamamahal mong Elijah.” saad nito habang ang mata ay nakatingin kay Hannah.

Nag salubong naman kaagad ang kilay nito. “Shut up.” saad nito.

Natawa naman si Samuel at umiiling-iling. “Hindi ako hihingi ng tawad kung may mangyaring masama sa pinakamamahal mong Elijah.” saad ni Samuel bago ikinasa ang baril.

Para naman akong binuhusan nang malamig, bigla kong naalala ang letter na mga nag sesend sa akin... Doon ko lang din napagtanto kung sino ang nag papadala.

Si Samuel...

“Oh nandito na pala kayong dalawa, kanina pa namin kayo hinihintay.” muli akong napatingin kay Philip na ang lawak nang pagkakangisi.

Nagtaka naman ako kung sino ang kausap at bagong dating. “Minamanmanan niyo ba talaga siya nang mabuti? Hindi ko aakalain na sa akin pa rin pala ang bagsak niyo.” nakangisi nitong ani.

“Umalis si Binibining Isabella, at wala na siya ron.” natigilan ako nang parang pamilyar ang boses na 'yon.

“Mukhang may pinuntahan siya.” saad nang isa.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga taong bagong dating... Hindi ako pwedeng magkamali sa mga taong 'yon, ang mga boses na 'yon... Bakit????








Antonio at Luis.






***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net