KABANATA 57

Background color
Font
Font size
Line height

FLASHBACK CONTINUATION


Nasa likod ako ng mansyon para mag pahangin, hindi ko na keri ang nalaman ko, asaran na naman ang aabutin ko sa mga 'yon!




Hindi pa nga ako nakaka-move on sa pang ha-harana ni Ej tapos dinagdagan na naman.




Pero okay lang, ang ganda naman nung litrato, hihihi. Unique kasi kami ni Ej kaya ganon.




Napasandal ako sa puno at muling dinamdam ang hangin na tumatama sa balat ko, napakasarap nang ganitong pakiramdam.




Parang walang problema... Simula nang pumasok ako rito feeling ko sobrang daming nangyari, hindi man lang ako nakapag pahinga ng maayos!




Simula rin nung pumasok ako rito, nagugustuhan ko na rin ang pag trato sa akin ng magulang ni Isabella.




Tatanggapin pa kaya nila ako pag hindi ako ang tunay na anak nila?




Ang isiping iyon ay nakakabahala at the same time, masakit.




This feeling is new to me, i never felt this feeling nung nasa totoo pa akong katawan.




Nung na sa totoo pa akong katawan ay nakukuha ko ang atensyon ng mga magulang ko at ayon ang kina-kaselos ni Isabelia.




Lagi akong sinasama nila mom at dad sa labas at si Isabelia ang iniiwan nila sa mansyon, kaya ganon nalang ang inggit ni Isabelia sa akin.




Pero siya talaga ang pinapahalagahan ng mga magulang namin! Pag na riyan si Isabelia saka lang nila ako papansinin pero pag wala ako naman yung pinag tatabuyan nila.




Kaya nila iyon ginagawa to protect Isabelia's life lalo na sa mga inggit sa negosyo nila mom at dad.




Successful kasi sila palagi pag dating sa negosyo, that is why maraming inggit at nag tatangka sa amin.




Ako ang pinapakilala nila sa publiko para ako ang mapahamak samantalang si Isabelia ay tinatago nila! Nung una ay hindi ko alam na 'yon pala ang dahilan.




Natuklasan ko nalang nung nag kaisip na ako, napatugma tugma ko na lahat ang nangyayari sa akin.




Kung bakit ganoon nalang ang trato ng mga magulang ko sa akin pag wala sa paligid si Isabelia.




Hindi alam ni Isabelia na mahal siya ng mga magulang namin dahil ang alam niya ay ako lang ang binibigyan nila ng atensyon pero hindi niya alam na sa tuwing napapalapit ang magulang ko sa akin doon mas nagiging delikado ang buhay ko.




Kaya rin natuto akong mag self defense dahil don, walang tutulong sa akin kundi ako lang.




Hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam si Isabelia na ganon ang intensyon sakaniya ng magulang namin.




Ang alam niya ako lang ang mahal ng mga magulang namin pero hindi niya alam na mas mahalaga siya.




Ako ang hindi pinapahalagahan dahil kung mahal talaga nila ako, bakit ako yung isinasaalang nila sa buhay ni Isabelia?!




That's really unfair for me! Masakit sa akin nung natuklasan ko 'yon, kung nasasaktan at puno ng inggit si Isabelia mas ako yung nasasaktan kasi ginawa akong pain para sa mga kaaway nila.




Kaya naging bitchy rin si Isabelia dahil doon, inaagaw niya ang dapat sa akin kahit na ang boyfriend ko na si David. Wala akong sinabi non dahil kapatid ko pa rin siya.




Naging fiance niya si David kahit na alam ng mga magulang namin na boyfriend ko 'yon.




Kaya umalis ako sa mansyon at pumunta sa condominium ko mismo, pero ang gaga na si Isabelia pumunta para lang patayin ako.




Tss, mukhang hindi pa satisfied si gaga nung makita niyang wala akong pake nung inagaw niya si David sa akin.




Baka ang gusto niyang makita ay yung nasasaktan ako. Well nasaktan naman talaga ako pero hindi ko pinakita dahil ayaw kong makita niyang mahina ako.




Humantong iyon sa kamatayan naming dalawa at na reincarnate bilang isang bida at kontrabida sa isang nobela.




Hindi ko aakalain na sa second life makakasama ko pa rin ang kapatid ko, bwesit na iyon!




Napabuga ako ng malakas dahil sa isiping iyon! At ang mas malala pa dahil ako pa yung napunta sa katawan ni Isabella ang kontrabida tapos si Isabelia ang napunta sa katawan ni Hannah ang bida!




Pero okay lang....




Mukha kasing ako na ang bida ngayon sa kwento na 'to, dahil bukod sa maganda na ako, nakuha ko pa si Ej mula sakaniya.





I think reincarnated as a antagonist..... But suddenly i become the main protagonist.





Siguro ganti ko na rin sakaniya iyon, ang pang aagaw sa ex-boyfriend ko! Natapakan ko siguro ego non.




Baka kasi ang akala niya, sakaniya ang spotlight dahil siya ang bida, but sorry to her, i'm the queen here.




Alam kong wala pa rin siyang ka-alam-alam na ako si Isabelle ang kapatid niya pero ako alam kong siya si Isabelia.




Mabuti na rin iyon, dahil alam kong gaganti siya sa pang aagaw ko kay Ej bilang Isabella, hindi bilang ako mismo.




"Binibini." napadilat ang mga mata ko at nag tama ang mata namin ni Carla.




"Bakit?"




"May nag padala sa inyo ng liham." nangunot ang noo ko sa inabot niyang sobre.




"Kanino galing?" takang tanong ko.




Hindi kaya kay Ej? Palihim akong napangiti bago kunin sa kamay niya ang sobre.




"Hindi ko po alam kung kanino galing." napatango-tango nalang ako.




"Maraming salamat, pwede kanang umalis." saad ko.




Yumuko muna ito bago tuluyan ng umalis. Excited ko namang binuksan yung sobre at kaagad na binuklat upang basahin.




Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa nabasa.





Isabella Montenegro...

Enjoy your happiness, binibini. Malay mo huling kasiyahan mo na pala iyan.

Someone...






Nalukot ko ang papel, seriously?! Nag effort pa siyang dalhan ako ng sulat pero ganito lang kaikli?!




Pwede naman chat chat nalang.




Napatampal ako sa noo dahil na sa nakaraan pala ako. Akala ko si Ej ang nag padala, assumera ko talaga!




Muli akong napatingin sa papel na halos malukot na at nag aktong natakot. Lalo na't pakiramdam ko may nag mamatyag sa kilos ko ngayon.




Mas mabuting mag akting tayo para ang maisip niya kumagat ako sa liham niya! Kingina lasapin mo ang acting skills ko kung sino ka man!




As if namang matatakot ako sa death threat niya eh araw-araw naman akong nakakatanggap ng ganiyan nung na sa totoo pa akong katawan.




Walang wala na sa akin ang ganiyan! Ako pa kinakalaban niya na galing sa kasalukuyan, baka magulat siya pag inispada ko siya.




Sino kaya tong someone na 'to, may pa someone someone ka pang animal ka! Dagdag ka pa sa pag ooverthink ko.




Akmang tatayo na ako nang biglang may sumigaw na naman sa pangalan ko. "Binibining Isabella!" nilingon ko iyon at nakita ko na naman silang lahat.




Nag tama ang tingin namin ni Ej, nginitian ako nito pero inirapan ko lang siya.




Niyakap ako ni Claria at Olivia, ginantihan ko nalang din sila ng yakap.




"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko, papasok na sana ako sa mansyon pero dumating na naman sila.




"Kanina pa kaya kami rito." sagot ni Claria.




Nangunot ang noo ko. "Ano ang ibig mong sabihin?"




"Kanina pa kami rito, ngayon ka lang namin pinuntahan dito sa likod dahil nag usap usap pa kami nila Donya Ilaura at Don Alejandro." mahabang paliwanag ni Olivia.




"Hiningi na ni Ginoong Joaquin ang iyong kamay sa iyong magulang."









"HUH?!"








***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net