KABANATA 51

Background color
Font
Font size
Line height

Nasa gitna nila ako ni ama at ina kaya ngumiti nalang ako kesa naman sa mag wacky ako baka sabihin ng mga tao ay ang weird ko!




Halos pumikit ako nang biglang nag flash yung camera, puta! Sobrang lakas ng flash buti nakayanan kong hindi pumikit.




Natapos ‘yon kaya umalis na kami at sumunod ang pamilyang Hernandez, napatingin ako sakanila nang pumwesto na sila.




Umupo yung dalawang matanda sa upuan na kinuha ng photographer tapos sa likod naman sila ni Ren at Ej.




Ang po-pogi! Parang gusto ko tuloy mag pa-picture isa-isa sakanila! Kaso baka naman magalit yung photographer, nakakahiya.




Tinaas ng photographer ang kamay niya at parang doon nag bibilang, kasabay nang pag three niya ay pag flash ng camera.




Natapos yon hanggang sa mag sunod-sunod na sila. Naks mga gaya-gaya oh! Pa-picture lang kami nag sunuran na sila hmp!




“Tayo na raw lahat ang susunod.” saad ni Don Felipe ang tatay ni Miguel.




Nang sabihin niya iyon ay nag puntahan na kami sa unahan, napag desisyunan na ang mga matatanda ay nakaupo.




Ang mga matatandang lalaki ay nasa kanan silang upuan, sunod-sunod at sa kaliwa naman ay matatandang babae.




Ganon din ang naging arrangement sa likuran, katabi ko si Ej at sa gilid ko naman ay si Hannah.




Yawa, bakit ko ‘to katabi?!




Hindi ko tinapunan nang tingin si Hannah kahit katabi ko lang siya, nasa kanan ko si Ej at kaliwa naman si Hannah.




Bakit ba ako pinag-gigitnaan nitong dalawang bida?


Yung katabi naman ni Ej ay si Renren katabi ni Ren ay si Miguel at katabi naman ni Miguel ay si Rafael.




Katabi ko si Hannah at ang katabi naman ni Hannah ay si Olivia at katabi naman ni Olivia ay si Claria.




Kumbaga sa likuran, kami ang pinaka gitna ni Ej.




Nakaayos na kaming lahat! Nakaka tense kasi lahat ng tao ay nakatingin sa amin!




Ngayon lang ba sila nakakita ng buong pamilya mag pi-picture




Inggit lang sila eh, tss!




Tinaas na ng photographer ang kamay niya kaya nag handa na ako, hindi ko alam kung mag fi-fierce ba ako o smile eh!




“Ngumiti tayong lahat.” rinig kong saad ni ama kaya napangiti ako nang malapad.




Ngiti raw!




Pero natigilan ako nang may kumulbit sa akin, tinignan ko si Ej dahil siya yung kumulbit.




“Te extraño, Mi vida.” (I miss you, My life.) saad nito na ikinataka ko na na naman.




Nag spa-spanish na naman siya! Ngumiti siya sa akin kaya sa hindi malamang dahilan ay napangiti na rin ako sakaniya.




Pero natigilan ako nang biglang nag flash ng malakas, sabay kaming napalingon ni Ej don.




Loh?!




BAKIT NAG PICTURE AGAD?! HINDI PA AKO READY!




Nag senyas ang photographer na okay na raw! Hindi pa ako nakakapag pose! Punyeta!




Si Ej kasi eh! Napasimangot nalang ako ng mag tayuan na ang mga magulang namin.




Yung picture! Nakatingin kami sa isa‘t-isa ni Ej! Nako! Di ‘yon maaari!




Kailangan naka smile ako sa picture! Biglang may nag pop up sa ulo ko. “Mag pakuha tayo ng litrato.” tigil ko sa mga kaibigan ko.




Sabay-sabay silang napalingon sa akin, parang nagustuhan nila ang naging suggestion ko.




“Oo nga! Magandang ideya!” tuwang saad ni Claria.




“Ina at ama, maaari po ba kami mag pakuha ng litrato? Kaming mag kakaibigan?” tanong ko.




Nag katinginan muna ang matatanda bago ngumiti sa amin at tumango. “Magandang ideya ‘yan, iha.” tango-tangong saad ni Don Marcelito ang tatay ni Rafael.




Sumangayon din ang iba pang matatanda na ikinatuwa ko naman at ramdam ko ring natuwa ang mga kasama ko.




“Oh anak, bakit ayaw mong sumama?” napatingin ang gawi ko kay Donya Teresina nang sabihin niya iyon kay Hannah.




“Hindi na, ina.” saad nito.




Mukhang ramdam niyang out of place siya eh.




Alam kong naroon na sa pwesto ulit sila Olivia kaya pumunta ako sa pwesto ni Hannah at hinila ang kamay niya.




Nagulat pa siya. “Sumama kana, litrato ito ng mga mag kaka-edad.” saad ko.




Hindi siya naka pag salita kaya tinuloy ko na ang pag hila sakaniya kaya nakarating kami sa pwesto ulit.




Ang mga kupal! Mas excited pa sila sa akin! Yawa.




Pumwesto na kami, ngayon ay random na ang pwesto namin, nasa gitna kaming dalawa ni Hannah at nasa gilid ko ay si Ej at sa gilid naman ni Hannah ay si Ren.




Kahit naman ganon ay si Hannah pa rin ang female lead sa kwento kaya dapat ay nasa gitna siya at syempre sa gitna rin dapat ako!




Aba ako ata villain dito, kapal naman ata nila. Syempre, pag walang villain walang thrill ang isang kwento.




Ang nasa gilid ni Ej ay si Claria at ang katabi ni Claria ay si Rafael. Katabi naman ni Ren ay si Olivia at ang nasa gilid ni Olivia ay si Rafael.




Muling nag senyas ang photographer kaya this time ay nakaharap na ako at nakangiti. Kahit may kumulbit sa akin bahala sila sa buhay nila.




Nag flash ng malakas ang camera at unti-unti na rin itong nawala, natapos iyon kaya umalis na rin kami.




Nakakahiya na kaya sa mga mag papa-picture pa, naka tatlo na kaming pa-picture!




“I‘m so excited to see our first picture!” nakangiting ani ni Claria.




“Me too! Isasabit ko ‘yon sa mansyon o hindi kaya ay sa kwarto ko nalang.” sagot din ni Olivia.




Nag tawanan nalang kami, nakita kong umalis na kaagad si Hannah, himala ata at hindi siya nakisabay? Baka ramdam talaga niyang out of place siya.




Nakarating kami sa table ng mga parents namin na masayang nag kwe-kwentuhan.




Umupo na rin kami sa kaniya-kaniya naming upuan. Nilibot ko ang tingin ko kasi kanina ko pa pala hindi nakikita si Samuel.




Speaking of Samuel...




“LET‘S WELCOME! SAMUEL FUENTES!”




Nag palakpakan ang lahat kasabay non ang pag labas ni Samuel.




Oy shoti! Ang pogi ni Samuel.




“Thank you for coming, everyone. I didn‘t expect na ganito karami ang magiging bisita ko, ang akala ko ay unti lamang ang darating kaya maraming salamat sa lahat.” nakangiti nitong saad na pinalakpakan naman ng lahat.




Naks, taglish ang lolo niyo Samuel! Kaya ko rin ‘yan kaso naalala ko medyo may kabobohan dito si Isabella!




Pinakain muna nila kami, aba syempre dapat lang dahil gutom na rin ako!




Si Samuel naman ay ayon nakiki salamuha sa mga bisita niyang dinaig pa ang isang baranggay sa sobrang dami!




Nag kwe-kwentuhan ang mga matatanda at nag tatawanan ako naman ay tahimik lang na kumakain pero parang ganon din ata ang mga kaibigan ko.




Hindi sila umiimik eh, edi kami na ang out of place ngayon!




Ngumunguya nguya akong inilibot ang tingin ko, pero parang nag kusa ata ang ulo ko sa isang pwesto.




Muntik na akong mabulunan nang mag tama ang tingin namin ni Philip! Kingina! Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?




Bakit hindi ko man lang naramdaman? Or baka naman ngayon lang din siya tumingin, assuming lang talaga siguro ako kaya ganon.




Umangat ang gilid ng labi nito nang mag tama ang tingin namin, medyo nataranta ako kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko sa pwesto niya.




Parang walang nangyaring gulo ah? Parang walang nangyaring siyasat at nahuli sila.





Kakaiba talaga ang mga villains kumilos... Pero okay lang! Extra lang naman ‘yang si Philip kaya mawawala rin ‘yan nang biglaan.




Pagtapos nitong party ay ang pagkawala na rin ng mga Soriano, ibig sabihin hindi na sila muling binanggit pa sa kwento.




Yung sa kwento kasi, dapat moment ito ni Samuel at Hannah kaya hindi masiyadong nabanggit ang mga Soriano, basta ang alam ko lang ay narito sila. Yun na ‘yon.




Naramdaman kong may nasa likod ko kaya medyo tumingala ako and si Samuel!




“Magandang gabi po sa inyo.” nakangiti nitong saad.




Natigilan naman ang matatanda sa pag kwe-kwentuhan. “Magandang gabi rin sa iyo, iho.” sabay-sabay nilang bati.




Naks, nag practice?




Bumaba ang tingin sa akin ni Samuel bago ako nito nginitian at umangat din ang tingin para makipag kamustahan sa mga matatanda.




Hihi pogi.




Binaba ko nalang ang tingin ko pero mukhang wrong move ata dahil nag tama ang tingin namin ni Ej.




Nakatitig lang ito sa akin na ikinataas ko ng kilay. Tinignan ko siya ng what-are-you-looking-at? look.

Napaiwas naman kaagad ito ng tingin na ikina ngisi ko naman, tss!




Nag tuloy-tuloy lang ang kwentuhan nila kaya hindi ko na iyon pinansin pa, wala bang thrill na mangyayari riyan?




Sobrang boring!




Natapos ang kwentuhan ng mga matatanda kaya nakahinga na rin ako nang maluwag para makapag paalam na gagala muna ako sa mansyon nila Samuel!




Naramdaman kong nag lean si Samuel kaya nag kalapit ang mukha namin na ikinalayo ko naman kaagad.




Kingina, anong trip nito?! Akala ko ba tropa tropa nalang?!




“Come with me.” saad nito na ikina kunot ng noo ko.




Saan kami pupunta?




“You can invite your friends para mag libot dito sa mansyon.” muling saad nito, nag liwanag naman ang mukha ko.




“Sige.” saad ko na ikinangiti naman nito bago umayos na ng tayo kaya nakahinga naman ako nang maluwag.






Alam niyang maissue mga tao tapos nagawa niya pang gumanon?! Jusko mahabagin!












***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net