KABANATA 47

Background color
Font
Font size
Line height

Lumakad na ako para pumasok na sa mansyon dahil may gagawin pa ako, nang makarating ako roon ay nakita ko ang pag aalala ni ama.




“Ama, ayos lang po ba kayo?” tanong ko kaagad.




“Ayos lang ako, ang pinoproblema ko lang ay malapit na rin dumating ang mga nag sisiyasat.” ngumiti nalang ako.




“Ayos lang ‘yan, ama. Walang namang mangyayari, dahil hindi naman ikaw ang kumuha kaya wag kanang mabahala.” pag papanatag ko sa loob niya.




“Maraming salamat, anak.” saad nito sabay upo.




“Ama, pwede ba akong lumabas? May pupuntahan lang po ako.” pag papaalam ko.




“Sige, basta‘t mag iingat ka.” napangiti nalang ako sa pag payag nito bago umakyat sa kwarto upang may kunin.




Nang makapasok ako roon ay kinuha ko ang isang tela na naka pulupot at kaagad na dinala iyon pababa. Nag paalam ako kay ama at lumabas na sa mansyon.




Dumiretso ako sa mga kalesa at kaagad na sinabi sa kutsero ang pupuntahan ko. Sumakay na ako at tumingin sa labas ng bintana.




Nang makarating ako sa pupuntahan ko ay saka ako bumaba. “Binibining Isabella, ano po ang gagawin niyo rito sa morge?” takang tanong ng kustero.




Ngumiti ako sakaniya. “Gusto ko lang pong tignan ang dalawang Gwardiya Civil sa mansyon ng Montenegro dahil hindi tama ang ginawa nang pumatay sakanila.” malungkot kong ani.




Mukhang nalungkot din si manong. “Kaya nga po, binibini. Mabait ang dalawang iyon napakabata pa nila para paslangin ang kanilang sarili.” saad nito.




Napatango ako. “Oo nga po eh.” mahihimigan ang lungkot sa boses ko. “Sige na po manong, pakihintay nalang po ako.” saad ko. “Medyo matatagalan po ako.” dugtong ko pa.




Nag taka naman ang mukha nito pero kalaunan ay ngumiti rin sa akin. “Hihintayin ko nalang po kayo, doon nalang ako sa sulok na iyon.” saad niya sabay turo ron sa gilid.




“Sige po, salamat po.” i said bago talikuran siya at dumiretso sa loob.




Nang makapasok ako sa loob ay walang katao tao, tahimik siya. Nakita ko ang lalaki kanina na kumuha sakanila Antonio at Louis.




Lumapit ako sakaniya, nakita naman kaagad niya ako kaya lumapit na rin siya sa akin. “Ayos lang ba sila?” i said using my cold voice.




“Oo, binibini. Ayos na ayos lang sila.” saad nito na ikinangisi ko.




Agad kong inihagis sakaniya ang bag na puro pera ang laman, gulat naman itong sinalo niya. “Salamat sa tulong.” saad ko. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”




“Ako po si Franco.” tumango tango ako bago ini-sway ang kamay ko. Tumango lang ito bago dali-daling umalis.





Buti nalang talaga at kakilala nila Antonio at Louis ang taong ‘yon at natulungan kami sa ginawa naming plano...




Nakangisi ako habang papalapit sa dalawang nakahiga at nakatakip ang puting tela sa katawan nila.




Umupo ako sa bangko at paharap sa hinihigaan nila. Pinag-cross ko ang mga binti ko at pati na rin ang mga braso ko.




“Gumising na kayo, wala ng tao.”











FLASHBACK



Nagising ako at kaagad na bumangon sa hinihigaan ko, dumiretso ako sa pintuan at kaagad na binuksan iyon.




Bumungad sa akin ang tahimik at medyo madilim na mansyon ng Montenegro, bumaba ako at dumiretso sa hapagkainan at pumunta sa kusina para doon lumabas.




Ang tagos nito ay sa likod sa kanang bahagi ng mansyon, sumalubong sa akin ang malamig na hangin kaya bahagya akong napayakap sa mga braso ko at pumunta sa kwarto ng mga Gwardiya Sibil.




Nang nasa tapat na ako nang para mini-house para sa gwardiya civil ay kaagad akong kumatok. Nilibot ko pa ang tingin ko dahil baka may makakita sa akin dito.




May naiisip na akong plano para hindi mapahamak ang dalawang ‘to, ako ang naiistress eh! Medyo hindi rin ako makatulog kaya naisip ko rin ang magiging plano.




Bumukas ang pintuan at mukha kaagad ni Louis ang bumungad sa akin, nakita ko pa ang gulat sa mukha nito. “B-binibining Isabella, a-ano po ang g-ginagawa niyo rito?”




Hindi ko siya pinansin at pumasok nang tuluyan sa mini-house nila na ikinaatras naman kaagad niya halos matumba pa nga siya sa ginawa niyang pag atras eh.




Nakita ko si Antonio na nakahiga pero napabalikwas nang bangon nang makita ako. “B-binibini.” hindi makapaniwalang ani nito.




“Isarado niyo ang pinto.” utos ko.




“P-po?” napangiwi ako dahil parang alinlangan pa sila sa gagawin nila. “N-ngunit binibini, m-masama na pumasok ang isang b-binibini sa kwarto ng mga kalalakihan.” saad ni Louis.




Pasimple kong nilibot ang tingin ko sa paligid, buti at silang dalawa lang ang tao rito mukhang nag babantay sa tapat ng gate ang ibang Gwardiya Civil.




“Chill, wala naman tayong gagawing malaswa.” pilyong saad ko na ikinalunok nilang dalawa halata ring pinag papawisan pa!




Big deal na big deal sakanila ang presensiya ng mga kababaihan sa panahon na ‘to! Masiyadong sensitibo, hmp!




Hindi ko rin sila masisise kung grabe ang pag respeto nila sa babae, buti pa rito nirerepesto ang mga kababaihan hindi tulad sa kasalukuyan na maraming babae ang nababastos.




“Kakausapin ko lang kayo at tungkol ito sa mga buhay niyo.” saad ko.




“Anong t-tungkol sa b-buhay namin?” gulat pa na saad ni Louis.




Ngumisi ako. “May naiisip na akong plano.” saad ko bago umupo sa isang papag at bahagyang sumandal.




Kita ko talaga ang ilang sa mga mukha nila na ipinag sawalang bahala ko nalang.



“Alam kong gagawa nang paraan si Philip para hanapin kayo pag nalaman nilang trinaidor niyo sila.”




Napayuko si Antonio. “Nung ginawa namin iyon ay tanggap na namin ang magiging kapalaran namin.” saad nito.




“May pag kakataon pa, wag kayong mag alala.” saad ko. “Sabi ko naman sa inyo, ako ang bahala.” mahiwagang saad ko na ikinaangat ng tingin ni Antonio.




“But before that, we need people na makikipag cooperate sa atin.” tumingala ako at tinitigan ang kisame.




Nag iisip ako kung sinong mga tao ang mapapag katiwalaan para gawin ang plano. “M-marami kaming kilala.” biglang saad ni Louis.




Napangiti naman kaagad ako. “Ganito ang plano... Puntahan niyo ang mga kakilala niyo ngayon at sabihin sakanila ang planong mangyayari.” tinignan ko sila na tatango-tango at halatang nakikinig sa sinasabi ko.




“Mag papanggap sila bilang nag ta-trabaho sa morge at kayo naman ay mag papanggap, pero bago ‘yon kailangan niyo munang sumulat at umamin na may ginawa kayong kasalanan kay ama.” nakangiti kong ani.




“Ano ang ipapanggap namin?” tanong ni Antonio.




Mas lumawak ang ngiti ko. “Mag panggap kayong nag pakamatay.” nanlaki ang mga mata nila.




“N-ngunit baka kami ay m-mahalata.” parang hindi pa siguradong saad ni Louis.




“Don‘t worry bebe boys, may kasabwat naman tayo! Basta pag nag umaga na doon niyo na gawin ang mga sasabihin ko. Syempre may pupunta sa morge na isang taong uutusan ni ama at doon na mag aantay yung kakilala niyo.” mahabang saad ko.




“Para mapaniwalang nag patiwakal kayong dalawa, gawin niyo yung sulat at iwan niyo lang diyan sa lamesa. Hindi rin mag tatagal at may makakakita rin sa inyong kasambahay o hindi kaya ang mga kauri niyong Gwardiya Civil.”




“And lastly! Sabihin niyo roon sa kilala niyo na babayaran ko ang gagawin nila, maligtas lang kayo.” mataray na ani ko.




Nag katinginan na naman sila. “M-maraming salamat kahit binalak naming t-traydorin ang iyong ama.” ngumiti nalang ako sa sinabi ni Louis.




“Na-ah, alam ko namang sumunod lang kayo sa utos ng nakakataas.” saad ko bago tumayo. “Kayo na ang bahala sa taong mga kakilala niyo at sabihin niyong tulungan kayo para mapabilis ang kilos natin.”




Muli na namang sumilay ang ngisi ko sa labi. “At sisiguraduhin kong malalaman ito ng pamilyang Soriano.” i said before turning my gaze infront of the door.




Kumaway pa ako patalikod. “Goodluck.”




END OF FLASHBACK




Kita kong gumalaw ang dalawang telang puti at unti-unting bumangon doon ang dalawang tao, natanggal ang nakatapal na tela sa mukha nila.




“Ayos ba ang tulog niyo?” napalingon sila ng sabay sa gawi ko. “Ayos na ba ang pakiramdam niyo?” muli kong tanong.




“Ayos lang kami.” saad ni Antonio bago umalis sa pagkakahiga, nakangisi ko namang hinagis sakanila ang telang bitbit ko.




Gulat namang sinalo ito ni Louis. “Suotin niyo ‘yan at tumakas na kayo.” saad ko. “May pera na rin diyan, umalis na kayo sa bansa na ‘to.”




Nanlaki naman ang mga mata nila. “Pero paano ka binibini?” takang tanong ni Louis.




“I can handle myself.” bagot kong sagot.




“Sa tingin mo binibini, alam na kaya ni Ginoong Philip ang nangyari sa amin?” ngumisi ako sa naging tanong ni Antonio.




“Baka sa oras na ‘to ay alam na niya at baka mamaya ay papunta na ang mga iyon dito.” tinignan ko sila. “Kaya umalis na kayo hangga't marami pa ang oras, ako na ang bahala.”




“Hindi, hindi ka namin iiwan dito binibini. Paano pag nalaman ng mga Soriano ang iyong ginawa? Mapapahamak ka.” naks naman, concern sa akin si Louis.




“Kaya ko ang sarili ko.” kaya ko naman talaga ang sarili ko eh, duh.




Kaso ang mahirap lang dahil sa mahaba kong suot! Di ako makakasipa pag nag kanda dehado na pero pwede naman yung sapak, hehe.




Pero baka hindi sila makalaban dahil sa gulat, sino bang hindi magugulat kung makakakita sila ng binibining nanununtok.




“Buo na ang aming desisyon, binibini. Hindi ka namin iiwan.” medyo nakaramdam ako ng kilig sa sinabi ni Antonio.




Hehe kakilig naman! Dalawang igop ang hindi ako iiwan. Sana ganito lahat ng lalaki sa kasalukuyan!











***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net