KABANATA 46

Background color
Font
Font size
Line height

Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang dalawang engot! Si Antonio at Louis! Para silang ewan na nag mamartsa papunta sa akin, as usual mga Gwardiya Civil sila.




“Ayos na ba?” seryoso kong tanong, nag katinginan muna sila bago umabante sa akin si Antonio.




“N-nailagay na po namin.” mahina nitong saad.




Bahagya akong napangisi sa isiping ‘yon, nailagay na nila ano kaya magiging reaksyon ng dalawang Soriano? Ang tatay ni Philip at si Philip mismo.




Naiisip ko palang ay natutuwa na kaagad ako. Tumingin ako sakanilang dalawa at bahagyang tinapik ang balikat ni Antonio na ikinagulat niya.




“B-binibini.” gulat na usal nito, mukhang hindi niya inaasahan na basta basta nalang siya hahawakan ng isang babae.




Medyo namula ang tenga niya, awit nahihiya ba siya? Sa kasalukuyan ay wala lang ‘yon eh.




“Hinatid niyo ba yung mensahe ko?” tanong ko.




Aba kailangan nilang ihatid ‘yon, sweet message ko ‘yon sa Soriano lalo na kay Philip.




“Pag sinabi po namin iyon ay malalaman nila na nakita niyo kami.” ani ni Louis.




Oo nga naman? Dapat pala minura ko na kanina pa si Philip kung hindi rin pala maiihatid ang mensahe ko! Ano ba ‘yan!




Nag buntong hininga nalang ako bago sinenyasan na silang umalis. “Mabuti at nagawa niyong ilagay at hindi ko na iisipin pa kayong dalawa.” saad ko sabay irap.




Napayuko kaagad sila. “M-mapapahamak kami pag nalaman ng mga Soriano na imbis sa mansyon ng Montenegro ilagay, sakanila inilagay. Kami ang pupuntiryahin.” ramdam ko ang alinlangan at pag aalala sa boses ni Louis.




Muli ko silang tinignan. “Ako na ang bahala sa inyo.” saad ko.




“M-maraming salamat, binibini. Pero hindi na namin kaya ang ginawa naming pag ta-traidor sa iyong ama.” biglang saad ni Antonio.




“Napakabait ni Don Alejandro ngunit siya ay trinaidor namin, sapat lang sa amin na kami ay parusahan.” dugtong ni Louis.




Napailing iling ako. “Hindi na ‘yon kailangan, nagawa niyo naman na ang pinapagawa ko.” saad ko.




Nakita ko sa mga mata nila ang pag-sisise na ikinailing ko. “Ayos lang, wag kayong mag alala. Ako na ang bahala sa inyo.” pag papanatag ko sakanila.




“Sige na at papasok na ako, salamat sa ginawa niyo at sigurado akong matutuwa si Ginoong Philip sa ginawa niyo.” ngumisi ako sa harap nila.




Muli na naman silang napakurap, kaya tinalikuran ko nalang sila at tuluyan nang pumasok sa loob ng mansyon.




Dumiretso ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Isabella, nag linis muna ako ng katawan bago humiga sa kama, napatitig ako sa kisame at nag buntong hininga.




Bukas na dadating ang mang-sisiyasat... Napangisi ako.




Ano kaya ang gagawin ni Philip sa sitwasyon na ‘yon? Lalong-lalo na ang kaniyang ama.





Ang lakas ng loob nilang ilagay pa talaga sa mansyon ng Montenegro, buti nalang talaga at nakita ko, hindi ko rin naman aakalain na takot sa akin ang dalawang ‘yon.




Sabagay... Hindi ko rin sila masisise kung matatakot sila sa biglang kinilos ng isang binibini.




Pinagbantaan at tinutukan ko pa sila, tsk tsk! Kawawang mga bata.




Napatingin ako sa bintana, napaka bilis ng oras kaya mukhang hapon na, hindi pa naman ako nagugutom kaya pumikit na ako at tuluyan nang nilamon ng dilim.











Nagising ako dahil gabi na pala, bumangon ako mula sa pag kakahiga at dumiretso sa banyo para mag hilamos.




Kumakalam ang tyan ko dahil siguro nagugutom na ako, nang tapos na ako sa ginagawa ko ay nag bihis muna ako bago bumaba.




Nang makababa ako at dumiretso sa hapagkainan ay nakita kong nag hahanda na ang mga maid sa hapunan.




Hindi ko na iyon pinansin kaya pumunta ako sa lamesa kung saan naroon na sila ama at ina.




Binati ko lang sila at nag dasal bago kumain, nag kwentuhan lang kaming tatlo at pag katapos ay nag paalam na akong aakyat dahil matutulog ulit ako.




Umakyat na ako sa kwarto ko at kaagad na binagsak ang katawan ko sa higaan at pumikit.




Bahagya akong napahawak sa noo ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Naiistress talaga ako! Lalo na talagang malapit na ang gaganaping Welcome Party kuno ni Samuel.




Tapos yung mga dadating pang taga siyasat dahil nga sa kagagawan ng Soriano sa trabaho nilang mga Don, kinginang ‘yan. Sila na nga ang mag kakatrabaho nag ta-traydoran pa.




Napailing-iling nalang ang ulo ko bago tuluyan nang nakatulog.









Nagising nalang ako kina umagahan at kaagad na bumangon, uminat-inat pa ako dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.




Tumayo na ako at dumiretso sa banyo upang makaligo na, kumakanta ako habang naliligo ewan ko ba pero parang good mood ako ngayon.




Dahil siguro ngayong araw pupunta ang mga taga siyasat tapos mahuhuling sakanila Philip natagpuan yung ninakaw nila.




Naiisip ko palang na ganon ang mangyayari ay natatawa at parang tangang ngi-ngisi-ngisi ako rito sa banyo.




Nang matapos na akong maligo ay kaagad na rin akong lumabas at nag bihis, habang inaayos ko ang buhok ko ay biglang bumukas ang pintuan ko.




Sobrang lakas pa! Nakita ko si Carla na humahangos na lumalapit sa akin. “B-binibini, may dalawang G-gwardiya Civil ang namatay sa tirahan ng mga g-gwardiya!”




Agad nanlaki ang mata ko, biglang kumabog ang dibdib ko nang sobrang bilis dahil sa narinig ko... Wag naman sana ang iniisip ko!




Daglian akong tumayo at tumakbo. “BINIBINING ISABELLA!” narinig ko pang tinawag ako ni Carla pero hindi ko na siya pinansin pa.




Nang makarating ako roon ay ang daming nag kukumpulan na mga maid! Kita ko ang mga takot sa mata nila, nakita ko si ama na nakatayo sa gitna kaya hindi na ako nag dalawang isip na pumunta sa pwesto niya.




“Anak.”gulat na usal ni Don Alejandro, pero hindi ako sakaniya nakatingin, doon sa dalawang Gwardiya Civil na nakaupo sa mga bangko at may dugo sa leeg nila na parang hiniwa iyon.




Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat... Hindi ‘to pwede!













Antonio at Louis!








Parang nanlumo ako dahil sa nakita! Ano ang nangyari?! Sino ang may gawa niyan?! Halos nakatulala lang ako sa mga bangkay nilang nag kukulay ube na.




“Anak, huwag ka rito.” rinig kong saad ni ama.




“A-ama, ano ang n-nangyari?” mahina kong saad na halos maluha-luha ko siyang tinignan.




“Nakita nalang silang ganiyan ng isang kasama nilang Gwardiya Sibil.” saad nito.




Biglang may lumapit sa amin na isang Gwardiya Civil at may inabot na sobre. “D-don Alejandro, nakita ito sa isang lamesa na mukhang liham ng dalawa bago mamaalam.” nanlaki ang mata ko at alam kong ganon din si ama.




Ibig sabihin.... Pinatay nila yung sarili nila?! It means nag suicide sila?!




Kinuha ni Ama yung sobre at kaagad itong binuksan, kaagad ko rin iyong tinignan para malaman kung ano ang sulat.




Pero napatigil ako sa laman...








Don Alejandro...

Maraming salamat sa pagiging mabuti mong amo sa amin, ngunit kami ay nakagawa nang malaking kasalanan na kailan man ay hindi niyo na mapapatawad pa, kaya heto kami ngayon at binubuwis ang aming buhay para sa kasalanan na iyon... Maraming salamat at patawad.

Ang inyong Gwardiya Civil
Antonio at Louis.





Napakurap kurap pa ako sa nabasa, hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano pero pilit kong pinapangunahan ng lungkot.




“Ano ang kasalanan na iyon?” biglang usal ni Don Alejandro na nakapag patigil sa akin.




Naalala ko yung mga pinag usapan namin kahapon, ang sabi nila ay tatanggapin daw nila ang parusang ibibigay ko dahil sobrang laki raw ng kasalanan nila.




Hindi kaya ayon ang ginawa nilang way para pag bayaran ang ginawa nilang pag ta-traydor kay ama?




Pero hindi naman nila kailangan na gawin iyon! Nag sayang sila ng buhay dahil sa ginawa nila! Mga engot talaga!




Gusto kong maiyak pero walang luhang gustong lumabas sa mga mata ko, muli akong napatingin sa bangkay nila na ngayon ay inaasikaso na.




“Sila kaya yung traidor na sinasabi mo anak?” napapitlag pa ako ng sabihin iyon ni ama.




Oo ama, pero sa tingin ko naman ay mababait sila dahil mukhang sinusunod lang naman nila ang utos nang mas nakakataas sakanila.





“Hindi ko alam, ama.” mahina kong saad. Nag sinungaling ako kahit alam ko na ang totoong dahilan.




Pinatay nila yung sarili nila para pag bayarin ang kasalanan nila, akala ko ay nalaman na nila Philip ang pag ta-traidor ng dalawa kaya may inutusan siya upang patayin ang dalawa.




Yun pala ay pinatay nila ang sarili nila, siguro inisip din nila na mamamatay rin sila pag nalaman na ng mga Soriano ang ginawa nila.




Nilabas na nila ang dalawang bangkay. “Dadalhin na po namin ang mga ‘to sa Tanggapan ng mga patay.” saad ng isang lalaking mukhang tagakuha ng mga namamatay na tao.




“Oo, mabuti pa.” tumango si ama bago tumalikod na at may kinausap pa na isang Gwardiya Civil.




Napatingin ako sa lalaking nag-aasikaso doon sa dalawa, nakatingin na ngayon siya sa akin. Nangunot ang noo ko dahil sa kakaibang tingin niya.




“Mauuna na po kami, binibini.” tinanguan ko nalang siya nang tuluyan na silang umalis.




Inalis ko nalang sa utak ko ang kakaibang tingin na binibigay sa akin ng lalaking iyon, siguro ay nagagandahan sa akin, alam ko naman ‘yon. Huwag niya lang ipahalata.





Nag alisan na rin ang mga nakiki chismis sa nangyari, ganon din si ama. Tumingin muna ito sa akin. “Halika na, anak.” yaya nito na tinanguan ko lang.




Nang mag simula na silang mag lakad kasama ang Gwardiya Sibil na kausap niya ay napatingin pa ulit ako sa kwarto ng mga Gwardiya Sibil kung saan may mga bakas pa ng dugo nila Antonio at Louis.




Mukhang walang pang kaalam alam ang mga tao sa labas tungkol sa nangyayari, alam kong papatahimikin ni Don Alejandro ang mag tatangkang sabihin o ikalat ito.




Siguro ayon ang pinag uusapan nila ng dalawang Gwardiya Civil, hindi sa papatayin nila ang mga taong nakiusyoso, kundi babayaran para lang manahimik.




Baka kasi kung ano ang isipin ng mga tao... Muli akong humarap sa unahan at tinignan ang dinaanan ng mga taong marites pabalik sa loob ng mansyon.






Doon unti-unting sumilay ang ngisi ko sa labi.












Mga uto-uto.








***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net