KABANATA 45

Background color
Font
Font size
Line height

Nandito na ako sa kwarto ko at ngayon ay na sa banyo para linisin ang dagger ko na may bahid ng dugo ni Antonio na binyagan tuloy ng wala sa oras ang baby dagger ko, psh.




Hindi ko sila nagawang patayin dahil na rin na sumusunod lang naman sila sa utos ng nakakataas sakanila, medyo naawa naman ako kaya wag muna.




Saka nalang pag trinaydor nila ako. Nasakit ang ulo ko dahil don, buti nalang talaga at nahuli ko sila paano nalang kaya kung hindi ko nahuli.




Ano kaya ang mangyayari sa ama ko?




Kahit naman ganon ay napamahal na rin ako sa Pamilyang Montenegro kahit hindi naman ako ang totoong anak nila.




Iniisip ko pa nga kung aalis pa ba ako o hindi na? Gusto kong bumalik sa totoo kong katawan na parang ayaw ko.




Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, sa dami nang nangyayari ngayon ay saka ko nalang iisipin 'yon.




Basta ang importante kung babalik man ako sa totoo kong katawan ay yon yung ayos na ang lahat, wala nang gulong magaganap dito saka lang ako aalis.




Hindi ko sila maaaring iwan kung may nangyayari pang gulo rito.



Hindi ko na rin malaman kung nasaan na ang matandang Ale na 'yon, pero mukhang hindi na niya kailangan pang sabihin dahil mukhang alam ko na kung sino ang papatay sa akin.



Parang si Hannah... O baka naman hindi?




Napailing nalang ako dahil mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa isiping 'yon.




Hindi ko rin alam kung ano ang naging atraso ni Don Alejandro sa Pamilyang Soriano, pero mukhang wala naman.




Wala nga ba?




O baka naman gusto lang talaga ng pamilyang Soriano ang mandamay? At sa ama ko pa talaga?




Kapal ng apog!




Isabella is the Villainess at si Philip ang Villain, ang pinag kaibihan lang si Isabella ay pang whole story talaga ang pagka villain niya.




Si Philip naman ay extra lang, lumabas lang siya nung may nakawan na nga tulad non, nakulong din naman sila pero saglit lang at tuluyan na ngang hindi nag pakita ang Soriano.




Ang alam ko puntirya ng Soriano ang Guivarez pero bakit napunta sa Montenegro? Ano 'yon, trip trip lang ng Soriano?




Angas naman ng trip nila kung ganon.




Napailing iling nalang ang ulo ko bago lumabas ng banyo at dumiretso sa isang aparador at kumuha ng tela para ipang punas ko sa dagger.




Pag katapos non ay inangat ko ang saya ko at kaagad na nilagay don ang dagger, in case of emergency lang gagamitin 'yan.




Malay ko bang bigla nalang may sumugod dito diba, dapat palagi tayong handa sa ano mang oras. Parang girls scout.




Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba para pumunta sa hapagkainan, nang makarating ako ron ay naroon na rin sila ina.




"Oh anak, saan ka ba nag punta?" salubong kaagad sa akin ni ina.




"Sa likod ng mansyon lang po, ina. Nag papahangin po ako ron." saad ko.




"O sige, umupo kana dahil tayo ay manananghalian na." napatango nalang ako bago umupo.




"Ama, may tanong po ako." pukaw ko sa attention ni Don Alejandro na busy sa pag babasa ng dyaryo.




Hilig niya talaga mag basa, hindi ba lumalabo ang mga mata niya? Para kasing ako na bo-boringan sa binabasa niya riyan sa dyaryo.




"Ano iyon, anak?" kunot noong tanong nito.




"Kailan mag sisiyasat ang mga taga siyasat sa nangyari?" biglang tanong ko.




Mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa tanong ko. "Bakit mo naman iyan naitanong?"




Bumuntong hininga ako. "Kinakabahan po kasi ako, baka mamaya may tumatraydor na pala sa inyo." saad ko.




Pero wag kayo mag alala, ama. Hindi ikaw ang masisise.




Nakita kong natigilan ito. "Bukas pa raw dadating ang mga taga siyasat, bakit pakiramdam mo ay may traydor sa mansyon?"




Ngumiti lang ako. "Hindi po kasi mabuti ang pakiramdam ko, parang ramdam ko pong na sa paligid lang ang mga 'yon." saad ko. "Mas mabuti na po yung sigurado." dugtong ko pa.




Nahuli ko na yung dalawa, pero magagamit ko pa sila.




Natahimik na si ama, kaya hindi na rin ako umimik pa, nag patuloy lang kami sa pag kain at natapos na rin 'yon.




Pumunta na si ama sa kaniyang opisina, agad akong pumunta sa tabi ni ina. "Ina, mag papaalam lang po sana ako na aalis." saad ko.




"Sige, mag iingat ka." napangiti ako nang malapad at tumango.




Umalis na ako roon, dumiretso ako sa kalesa. Nag pahatid ako sa Paraiso lugar din 'yon kung saan payapa, kaya nga Paraiso ang tawag in english Paradise.





Gusto ko munang tumambay roon dahil sa sakit ng ulo ko sa nangyayari, hindi matake ng aking brain.




Tumigil ang kalesa kaya bumaba na rin ako, nilibot ko ang tingin ko at puro mag kasintahan ang nakikita ko! Sakit! Ipamukha ba naman sa akin na single ako?




Grabe na talaga ang earth! Nag lakad-lakad lang ako at mamasabi ko ngang nakaka ginhawa ang paligid, parang lahat ata ng problema ko ay nawala!




Pino-problema ko pa yung dalawa na si Antonio at Louis, nagawa kaya nila yung pinapagawa ko? Baka mahuli ulit sila, mga engot naman kasi kung kumilos. Mga hindi nag iingat.




Habang nag lalakad, hindi sinasadyang may makabangga ako. "Aww." daing ko dahil sa sakit ng balikat ko, pucha! Ang tigas naman ng katawan ng lalaking 'to?!




"Patawad, binibini." tinignan ko kung sino ang nag salita at bumungad sa akin ang isang disenteng lalaki.




"Ayos lang." sagot ko. Tinitigan ako nito na ikinangunot ng noo ko.




Bakit ganito 'to makatitig?! Alam ko namang maganda ako pero wag niya ipahalata!




"Hindi ko aakalain na ganiyan pala kaganda ang anak ni Don Alejandro." natigilan ako dahil binanggit niya ang pangalan ng ama ko.




Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit kilala mo ang ama ko?" nag salubong na rin ang kilay ko.




Umangat ang gilid ng labi nito. "Nakakahanga ang emosyon na ipinapakita mo sa akin, binibini."




Napairap ako ng wala sa oras, gusto ko ng kapayapaan tapos may mang iistorbo?! Pasalamat siya at pogi siya sa paningin ko!




"Sino ka ba?" maangas na tanong ko, aba kilos lalaki 'to tol, baka gusto mong masapak?




"Oh, patawad." saad nito bago umayos nang tayo at ngumisi sa akin, oo ngisi talaga!




"Philip Soriano, that's my name. Mi amore."




Gulat ang bumalatay sa mukha ko at unti-unti ring napangiwi.




Ano raw?! Mi amore?! Ang ibig-sabihin non ay My love diba?!




"Mi amore?" takang tanong ko, hindi ko pinahalatang naiirita ako sa pag mumukha niya.




Muli na namang umangat ang gilid ng labi nito, waahhh! Bakit ganiyan siya? Feeling ko para siyang mafia boss pero sinaunang panahon ang version, jusme.




"What is it, Mi amore?" nangunot ang noo ko sa sinagot niya.




Tila nag loading pa yung utak ko. Napakurap kurap ako nang maalala ang sinabi ko, lakas bumanat nito! Grabe talaga! Nag pipick-up lines ba siya?




Like, rosas kaba? Kasi sa spaceship isasakay kita.




"Are you gagoing me?" nakangiwing saad ko rito at tinaasan pa ng kilay.




Ngayon siya naman ang nangunot ang noo. "Gag... Gagoing me? What?"




"Pfft." pigil tawang saad ko.




Mas lalo tuloy nag taka ang mukha niya pero kalaunan ay napalitan na din iyon ng nakakaloko. "You're funny, binibini."




Inirapan ko 'to. "Mawalang galang na, pero mag lilibot pa kasi ako." walang pakealam na sagot ko.




Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya, baka pati siya ay gawin na rin akong happy pill ah? Gosh! Ang hirap maging natural beauty.



At saka naiirita lang ako sa pag mumukha niya lalo na't nag pakilala pa siya na si Philip! Yung Philip na nag utos sa dalawang engot!




Pag naaalala ko na gusto nilang ibintang kay ama yung kagagawan nilang mag ama ay naiirita at nababanas ako!




Nasabihan ko pa man din siya ng gwapo! Binabawi ko na 'yon! Pangit na siya sa paningin ko. Pangit na nga, pangit pa ng ugali!





Pero okay lang 'yan Isabella, extra lang 'yan sila kaya chill ka lang wag mong i-stress ang sarili mo sa mga villain na 'to na walang ginawa kundi mansise nang iba.




Akmang aalis na ako ng bigla ulit siyang mag salita. "Mag-iingat ka, binibini." saad nito.




Napansin ko kaagad ang pag double meaning sa sinabi niya pati na rin ang pag iiba ng tono sa boses niya.



Bahagya akong napangisi nang palihim, tinignan ko rin siya na kasama ang mga ngiti ko sa labi.




"Maraming salamat at mag iingat ako.... Ikaw rin, mag iingat ka." makahulugan kong saad.




Mukhang hindi napansin ng loko dahil nginitian lang ako, naks naman! Halatang hindi malakas makiramdam ang isang 'yon!




Pailing iling akong tumalikod sakaniya bago walang lingon-lingon na nag lakad, kapal naman ng mukha niya kung lilingunin ko pa siya, diba?




Tulad nga nang sabi ko ay pinag patuloy ko ang pag gagala ko dahil naudlot 'yon nang mag pakita sa harap ko si Philip.




Ako pa binalaan niyang mag ingat, hindi niya alam na nilipat na ng dalawang engot yung pinautos nila na sa mansyon ng Montenegro ilagay.




Natapos ang pag gagala ko at medyo na enjoy ko na medyo hindi, dahil biglang sumulpot si Philip kanina!




Nakakaputa ang lalaking 'yon! Narito na ako ngayon sa loob ng kalesa at pauwi na.




Malapit na yung Welcome Party ni Samuel! Sa susunod na bukas na pala 'yon, pag naiisip ko na mag kikita na naman kami ng mga main characters ay naiistress ako.




Parang mahihilo at sasakit ang ulo ko pag naroon na ako, parang ayaw ko na tuloy pumunta, kaso in-invite rin ang mga magulang ko kaya for sure ay sasama ang mga 'yon.




Baka mag tampo rin si Samuel, lalo na't na friendzone na nga 'yon tapos hindi pa ako sasama diba? Nakakaloka!




Napahilot ako sa sintido ko dahil naiisip ko palang parang ramdam ko na kaagad ang sakit sa ulo!




Ano kaya mangyayari sa Party? Ang alam ko lang ay moments na 'yon nila Samuel at Hannah, nag pakilala si Samuel tapos nakipag friends siya, ganon!




Moments lang ng dalawa ang nakalagay sa kwento na 'yon! Wala naman sigurong mangyayari doon 'no? Hindi ako makakasipa pag naka-saya ako!




Nakasimangot akong bumaba sa kalesa nang makarating kami sa tapat ng mansyon.




Iniisip ko rin yung dalawa! Sila Antonio at Louis, ayos na kaya yung pinapagawa ko? Dapat lang nilang ayusin 'yon, dahil kung hindi lagot talaga sila sa akin.




Akmang papasok na ako sa loob nang biglang may dalawang boses ang tumawag sa akin.






"Binibining Isabella!"











***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net