KABANATA 40

Background color
Font
Font size
Line height

Padabog akong umalis sa pwesto na ‘yon dahil sa nasasaksihan ko!




Ughh! Yakapin ba naman pabalik si Hannah?! So what?! Pake ko ba kung mag yakapan pa sila ron.




Pake ko talaga!




Bumalik ako sa pwesto kung saan naroon pa rin ang mga taong nag kakasiyahan, napalingon sa gawi ko si Ren bago ngumiti.




“Saan ka galing? Kanina pa namin kayo hinahanap.” tanong nito.




“May pinuntahan lang ako.” saad ko.




Nilibot niya ang tingin niya. “Akala ko ay mag kasama kayo nila Joaquin at Hannah.”




Naroon ang dalawa sa sulok, may ginagawang kababalaghan.




“Hindi ko sila nakita.” saad ko. “May tanong ako Ren.”




Nangunot naman ang makinis nitong noo. “Ano iyon, binibini?”




“May nararamdaman ka pa ba kay Hannah?” i asked.




I‘m curious, okay?!




Ngumiti ito, ngiting nang aasar. “Pag ba sinabi kong wala na, ikaw ang papalit?” nangunot din ang noo ko dahil sa sinabi niya.




Teka, deja vu ata ‘to eh! Parang may naalala akong sinabi na niya ‘yan! Dito rin mismo sa San Lazaro kung saan una kaming nag kita, tf?!




Ganon din ang naging tanong ko sakaniya non! “Parang sinabi mo na rin sa akin ‘yan ah?” saad ko na ikinatawa naman niya.




“Tinanong mo na rin sa akin ‘yon ah?” pang gagaya niya sa akin.




Nag katitigan pa kami bago kami natawa nang sabay. “At ngayon sasagutin ko ang tanong mo ” napatigil ako sa pag tawa at tinignan siya. “Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ba ako sakaniya.” sagot niya.




Natigilan ako, napatitig ako sa mukha ni Ren, ang sabi sa kwento ay obsessed si Renren kay Hannah pero wala akong nakikitang ganoon ang ugali niya.




Nag bago bigla ang ugali niya. “Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na muling guguluhin pa si Binibining Hannah, ipapaubaya ko na siya sa kapatid ko.” saad niya. “Pero ang sabi ng kapatid ko ay titigilan na raw niya ang panliligaw niya kay Binibining Hannah na ikinataka ko at sinabi niya naman kaagad sa akin ang dahilan.”




Gusto kong matawa, matawa sa pagiging padalos dalos ni Hannah, tignan mo doble karma niya mga beh! Nawala na sakaniya si Renren nawala pa si Ej nang sabay!




Kung minamalas nga naman siya!




"Pero ngayon ay sinarado ko muna ang aking puso at hindi muna iibig sa iba, dahil kusa naman dadating iyon." naks ang lalim non boy!




Tumingin siya sa gawi ko. “Diba aking kaibigan?” natatawang ani niya.




Natawa na rin ako. “Oo aking kaibigan, tama ang naging desisyon mo sa buhay.” natatawa ring sagot ko.




“Anong tinatawa tawa niyo mga kaibigan, pasali naman kami.” napangiwi naman ako nang marinig ang boses ng tukmol na si Raf.




Biglang may kumapit sa mag kabilang braso ko nang tignan ko iyon ay yung dalawang babae na si Claria at Olivia.




“Hi, binibini.” nakangiti nilang bati sa akin na ikinangiti ko rin.




Masiyado silang clingy sa akin pero kay Hannah kanina ay hindi naman nila ‘yon ginagawa, tuluyan na bang nag bago ang plot ng kwento?




“Sali tayo sa sayaw.” nakangising ani ko, natigilan naman silang lahat sa sinabi ko.




“Pero hindi kami marunong sumayaw.” sabagay anak mayaman kaya hindi pa sila nakakaranas na sumayaw sa public place kasama ang mga mamamayan.




“Bakit hindi niyo subukan ngayon?” saad ko bago bahagyang tinulak ang tatlong lalaki na ikinagulat nila.




Nasa gitna na silang tatlo, saka ko naman dinala ang dalawang babae, kita ko ang pag hawak sa kamay ni Claria ng isang matandang babae bago siya hilain sa sayawan.




Nagulat pa siya, hanggang sa sunod-sunod nang hinila ang kasama ko sa pabilog at hawak kamay na umiikot.




Bahagya akong natawa ng makitang gulat na gulat sila sa pag hila sakanila. Palibhasa mga hindi sanay at puro karangyaan ang kaharap.




“Sumama kana, magandang binibini.” saad ng matanda sabay hila sa akin.




Hihi, maganda raw ako.




Umiikot lang kami habang nakikisabay sa sayawan ng mga tao, tuwang tuwa naman ang mga kasama ko.




Oh diba at least nakapag interact sila sa mga tao na nasa labas hindi yung puro mga richkid din ang kaharap nila na puro arte naman ang ugali!




Habang sumasayaw nang kunti ay napalingon ako kung saan kami naka pwesto kanina habang nanonood.




Doon ay nakita ko sila Ej at Hannah na nag tataka kung bakit kami nasa unahan na at nakikisayaw.





May kalokohan na namang pumasok sa utak ko bago pa ikot-ikot na pumunta sa gawi nilang dalawa, nung na sa harapan na nila ako, nagulat pa nga eh.




Napatingin ako kay Hannah na ngayon ay nakataas ang kilay sa akin, nginitian ko lang siya bago kuhanin ang kamay ni Ej.




Kita ko pang nagulat si Ej sa ginawa ko, ganoon din si Hannah kita ko rin ang inis. Akmang mag sasalita na siya nang hilain ko na si Ej.




“Pahiram muna ako.” saad ko at tuluyan nang hinila si Ej.




Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya! Iniwan namin siya ron na nakatunganga!




Bahala siya halata naman na ayaw niyang makihalubilo sa mga tao rito.




Maarte ang isang ‘yan! Kaya mas mabuting hindi na siya sumama sa amin, hindi siya belong.




Char.




Pinunta ko si Ej sa gitna kung saan naroon ang mga kaibigan namin na sumasayaw na rin at bakas sa mukha nila ang saya.




Halatang first time amp, tuwang-tuwa eh!




“Sayaw ka muna, mukhang pagod ka eh.” nang aasar na saad ko.




Busy ang lima sa pag sayaw, nag kwe-kwentuhan pa, hindi ata nila napapansin na nandito kami sa tabi nila.




“Hindi naman.” saad nito.




“Kanina ka pa tahimik, ayos kalang ba?” tanong ko, kanina pa talaga.




“Si...”




“Si?” awit, mukhang alinlangan pa siyang sumagot.




“Si Samuel...” nangunot ang noo ko.




Anong meron kay Samuel?




“Siya... Siya ba yung tinutukoy mo?” nag taka kaagad ako sa tanong niya.




Anong tinutukoy ba?! “Ano ang ibig mong sabihin?”




“Siya ba yung taong tinutukoy mo kanina? Yung taong m-mahal mo na nasa m-malayo?” nag taka pa ako nung una pero kalaunan ay ngumiti.




Ngiting nakakaloko. “Nag seselos ka ba?” pang aasar na sagot ko, gulat itong napatingin sa akin.




“H-hindi.” napairap ako sa kawalan, maasar nga siya!




“Bakit ba kita kinakausap? Galit nga pala ako sa ‘yo!” taas kilay na saad ko, nag taka naman ang mukha nito.




“Bakit ka naman galit sa akin, binibini?”




Nanatiling nakataas ang kilay ko. “Ang sabi mo sa akin ay uuwi ka, pero bakit mag kasama kayo ni Hannah?” nakasimangot na tanong ko.




Natawa naman kaagad siya, ayan! Diyan siya magaling! Ang tumawa sa hindi naman nakakatawa!




“Pauwi na talaga ako non, binibining Ysa. Ngunit hinarangan ni Binibining Hannah ang aming kalesa at dokn niya ako niyaya. Hindi ako makatanggi kaya sinamahan ko na siya.”




ahh!




Si Hannah pala ang nag aya, naks naman. Siya na mismo nag aya mag date?! Angas ng mukha niya ah. Bangasan ko ‘yon.




Inirapan ko lang siya, kita ko naman ang pag palit ng ngiti niya, kung kanina ay natutuwa ngayon naman ay nang aasar na rin!




“Nag seselos ka ba, binibini? Huwag kang mag alala. Ikaw lang ang binibining nasa puso ko.”




Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya, eto na naman! Kung ano na naman ang meron sa tyan ko at nag kakaganito! Jusme mahabagin!




Asaran pala ang gusto niya? Game ako riyan.




Ngumiti ako nang malapad sakaniya na ikinalawak ng ngiti niya, pero agad ko rin pinalitan ng mataray na mukha. “Oo Ej, nag seselos ako, alam mo kung bakit?” seryoso kong saad.




Palihim akong napahalakhak sa isip ko nung siya naman ang natigilan. Pero mas lalo siyang natigilan sa sunod kong sinabi.




Kahit cringe 'tong sasabihin ko ay ayos na may mairebat lang sa sinabi niya.






“Dahil pag mamay ari na kita. Ang akin, ay akin lang.”






***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net