KABANATA 36

Background color
Font
Font size
Line height

Isang linggo na ang nakakaraan nang mangyari ‘yon sa kaarawan ni Hannah.




Sa loob din ng isang linggo wala akong ginawa kundi ang mag mukmok sa bahay.




Minsan ay pumupunta rito si Ej para bisitahin ako, pero minsan ay hindi. Ang boring nang buhay ko sa loob ng isang linggo!




Feeling ko nga nag uumpisa na ‘yon si Hannah para pabagsakin ako lalo na‘t ako ang pinag hihinalaan niyang gumawa non.




Duh! As if naman makakahanap siya ng ebidensya?! Baka nakakalimutan niyang wala kami sa kasalukuyan at nasa sinaunang panahon kami.




Walang mga electronic devices dito or ano pa man, ano ‘yon magiging si Detective Conan siya? Di wow.




Sa loob din ng isang linggo na stack lang ako sa loob ng mansyon, ewan ko ba tinatamad akong mag lakad-lakad sa labas.




Inaatake ako ng katamaran! Pero ngayon ay balak kong gumala sa San Lazaro! Mang huhunting ng shoti.




Nandito ako ngayon sa likod ng mansyon, nag papahangin, dito lang din ako natambay sa likod ng mansyon namin! Minsan nga nandito na ako natutulog pag hapon.




Tapos sila ina naman aalalang-alala eh nasa likod ng mansyon lang naman ako, duh!




Iniisip ko na rin yung mga nangyayari sa kwento, pagkatapos kasi ng birthday ni Hannah, eh diba sinagot na ni Hannah si Ej? Edi mag dadate na dapat sila sa San Lazaro.




Kaso hindi ‘yon natuloy dahil hindi niya nasagot si Ej. Pfft! Ang mas nakakatuwang bagay pa, yung siguradong-sigurado na siyang masasagot niya si Ej!




Ayan na karma tuloy, hindi natuloy and worst titigil na si Ej sa panliligaw!




Gusto kong tumawa ng malakas nang sabihin sa akin ni Ej ‘yon, karma is real sabi nga nila.




Nag buntong hininga nalang ako bago pumikit, gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko baka bukas o makalawa may ginagawa nang katarantaduhan si Hannah o sabihin na nating si Isabelia.




Hindi ‘yon titigil sa pang-gugulo lalo na‘t hindi niya nasagot si Ej, poor her.




May dadating pa kayang characters? Hindi ko matandaan kung sino-sino ‘yon! Natatandaan ko nalang pag nag papakita na sila, gosh! Naloloka ako hindi ko kilala kung sino ang mga tauhan.




Paano nalang kung biglang may pumana sa akin dito? Edi tegi na ako.




Hindi ako pwedeng mamatay...




Babalik pa ako sa totoong katawan ko.




Hindi na nag paramdam sa akin ang Ale na nakausap ko, pero pakiramdam ko ay si Hannah ang papatay sa akin, nakakahinala ang sinabi ng Aleng ‘yon.




Hindi ko naman hahayaang patayin ako ni Hannah ‘no! Lalaban talaga ako, baka mauna pa siyang ma-tegi kesa sa akin.




Kung pwede pa akong makabalik sa totoo kong katawan...




Hindi kaya nakalibing na ang katawan ko? Or baka comatose ako?




Syempre comatose ka talaga, paano ka makakabalik kung patay na ang katawan mo at inilibing na? konsyensya ng isip ko.




Natawa nalang ako sa isip ko, napakaboring talaga ng buhay! Argh! Hinayaan ko lang ang sarili kong nakapikit habang dinadamdam ang hangin.




"Heart beats fast
Colors and promises."



"How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall."




"But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow."




Dinamdam ko ang pag kanta, aaminin ko ang ganda pala ng boses ni Isabella, ako kasi nung nasa totoong katawan pa ako, boses kambing, partida may panginig-nginig pa ‘yan.




"One step closer."





"I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more."




“Magandang araw, binibini.”




Napadilat ako bigla at sa pagdilat kong ‘yon ay nag tama ang tingin naming dalawa ni Ej!




Anong ginagawa na naman niya rito?!




“Ano ang kinakanta mo?” kita ko ang pagtataka sa mukha niya na para bang ngayon niya lang narinig ang kanta na ‘yon.




Syempre sa kasalukuyan yung kanta na ‘yon eh! Hindi niya talaga malalaman.




Napatikhim ako. “A thousand years, ang pamagat ng kanta.” saad ko.




“Ngayon ko lang narinig ang kanta na ‘yan, nilikha mo ba ang kantang iyan?” agad akong napa iling sa tanong niya.





“Narinig ko lang ang kantang ‘to kung saan.” pag sisinungaling ko.




“Napakaganda ng kanta na iyon, para kanino ba ang kinanta mo?” tumingin ako sakaniya bago bumuntong hininga.




“Para sa taong mahal ko.” mahinang saad ko pero sapat na para marinig niya.




Biglang pumasok ang imahe ni David sa utak ko, i loved him actually, minahal ko rin naman siya kaso nag cheat siya sa akin.




“Sino ba ang tao na ‘yon at saang lugar siya?” bakit ba tanong nang tanong ang lalaking ‘to?!




Tss.




Ngumiti ako nang mapait. “Kung nasaan siya? Nasa malayong lugar.” saad ko, totoo naman na nasa malayong lugar si David.




Bwesit na manloloko na ‘yon! Kapal ng apog! “Mukhang malungkot ka?” ngumiti lang ako sa tanong niya at tumingin sakaniya.




“Niloko ako ng taong ‘yon.” pagkwekwento ko, kita ko ang pag tigil niya. “Pero kahit ganon ay minahal ko pa rin siya.” saad kong muli.




“Inagaw siya sa akin.” hindi ko masabing si Ate ang tinutukoy ko dahil magtataka siya kung sinong Ate eh wala namang kapatid si Isabella!




Atsaka yung nang agaw kay David ay ngayon ay ang female lead na si Hannah! Bwesit, sa dami pwedeng ma-reincarnate-tan niya kay Hannah pa!




“P-patawad.” tipid na ngiti lang ang iginawad ko sakaniya.




“Ayos lang, wala ka namang kasalanan.” saad ko.




“Mahal mo pa rin ba siya?” umiwas ako sakaniya ng tingin at nakapag-isip.




Hindi ko na siya mahal, hinding-hindi na.




“Medyo na medyo hindi.” parang di ko siguradong sagot.




Natawa ako sa naging reaksiyon niya. “Hindi kita maintindihan, binibini.”




“Hindi mo talaga ako maiintindihan, sasakit lang ang ulo mo sa akin.” natatawang saad ko.




Narinig ko na rin ang tawa niya. “Ikaw ba, may napupusuan kana bang ibang babae bukod kay Hannah?”




Natigilan kaagad siya sa sagot ko. “Hanggang ngayon ay may gusto pa rin ako kay Binibining Hannah, pero may isang binibining gumugulo sa isip ko.” saad nito.




Napakunot naman ang noo ko, Binibini? Sino?




“Hindi ko mawari kung sino ba talaga ang gusto ko, si Binibining Hannah ba o ang Binibining ‘yon.” tumingin ito sa akin, ewan ko ba pero biglang nag tambulan ang puso ko.




“Pag nakikita ko ang binibining iyon, nag iiba bigla ang tibok ng puso ko na para bang may kakaiba, samantalang ang kay Binibining Hannah...” tumigil siya saglit. “Wala na akong nararamdaman pa.”




Napaawang ang bibig ko, omg?! Wala na siyang nararamdaman para kay Hannah?! Nyare?!




“Diba ang sabi mo ay gusto mo pa rin si Binibining Hannah?” takang tanong ko.




Bumuntong hininga siya. “Ang sabi ng isip ko ay gusto ko pa siya pero ang puso ko....” ayan na naman, tumigil na naman siya. “Hindi na ganoon ang nararamdaman para sakaniya.”




OMG! Sino kaya yung babae?!




“Pero sa Binibining ‘yon, bumibilis ang tibok ng puso ko.” hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko, jusme!




“Hoy Ej! Two timer ka ah!” singhal ko bigla sakaniya, aba tibay ng lalaking ‘to! Di porket gwapo siya ganiyan na ang gagawin niya.




Pero mas bet ko para sakaniya ang babaeng tinutukoy niya kesa don kay Hannah! “Two timer?” takang tanong nito.




“Oo! Two timer! Dala-dalawa ang iniibig! Nako Ej, mapapahamak ka riyan!” saad ko. Pero ang loko tinawanan lang ako!




“Pero mas sigurado ako sa Binibining ‘yon.” nag tataka na talaga ako sa binibining sinasabi niya.




Sino kaya ‘yon?! Swerte na medyo malas siya ah! Kaya siya swerte kasi yayamanin si Smiley Boy plus pa yung pogi at maginoo ang malas lang niya dahil laitero at bully ‘to!




“Sino ba ang binibining ‘yon?” taka ko nang tanong, aba dapat maging marites din tayo minsan!




Pero ang sagot niya ang hindi ko inaasahan at pinagsisihan kong tinanong ko pa...











“Ikaw.”











***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net