KABANATA 33

Background color
Font
Font size
Line height

Naramdaman kong may bumuhat sa akin at alam kong si Don Alejandro na ‘to dahil ramdam kong binigay ako ni Ren sa isa pang kamay.



“Ilalagay ko muna ang anak natin sa ating kalesa.” rinig kong saad ni Don Alejandro.



“Ingatan mo ang anak natin.” ramdam ko ang pag aalala ni Donya Ilaura.



Don't yah worreh guys! Aym a weyk, nag papanggap lang po ako para may thrill! Charot! Gulatin ko kaya sila sabay sabing...



IT‘S A PRANK!



Ay wag na! Baka ako rin masampal kaso si Don Alejandro ang sasampal sa akin, sayang naman yung acting ko kung bubulagain ko sila diba.



Hindi ko makita dahil nakapikit talaga ako hangga't maaari ay hindi ako dumidilat, naramdaman kong inilapag ako, mukhang narito na kami sa loob.



“Dito ka muna anak, babalik kami.” mahinang saad ni Don Alejandro bago ramdam kong hinalikan nito ang noo ko.



Ramdam ko ang pag uga ng kalesa which is bumaba na siya, rinig ko rin ang pag sara sa pinto kaya naman ay dumilat na ako



Bahagya akong sumilip sa bintana ng kalesa at nakita ko si Don Alejandro na nag lalakad na pabalik, i turn my gaze kung saan kita ko sa pwesto ang mansyon ng Guivarez.



Tumingin ako sa bubong nila bago ngumisi nang nakakaloko.



Poor you Isabelia, hindi ko aakalaing ako pa rin ang panalo at sa akin pa rin kumakampi ang tadhana, wag kang mag aalala nag uumpisa palang ako.







FLASHBACK


( Before Hannah‘s Birthday. )

“Carla, samahan mo ‘ko sa mansyon ng Guivarez.” saad ko kay Carla.



Kagagaling ko lang sa pamilihan at bumili ako ng totoong REGALO ko kay Hannah and i know she will love it!



“Ano po ang gagawin natin don?” takang tanong nito.



Ngumiti ako sakaniya. “Gusto ko kasing i-supresa si Binibining Hannah sa kaniyang kaarawan kaya may ibibigay ako sakaniya.” saad ko. “Ilalagay ko ang regalong ‘to sakanila! Sisiguraduhin kong sa mismong birthday niya ito makikita.” muli kong saad.



“Napakabait niyo naman, Binibini!” tuwang ani nito na ikinangiti ko lang.



“Kaya gusto ko sana ang tulong mo.” saad ko.



“Ano po iyon, binibini? Susundin ko lahat nang utos niyo.” ngumiti ako sakaniya.




──

Nandito na kami sa mansyon ng Guivarez, nakatago lang ako sa gilid kung saan hindi ako makikita, naka suot na rin ako nang pang maid na suot.



Para pag pumasok ako sa mansyon, hindi ako mahahalata. Kita ko si Carla na malapit na sa gate ng Guivarez habang bitbit ang pasirang.



Pinasadya ko iyan para kunwari talagang nabutas, may bantay kasi sa harapan ng gate ang Guivarez lalo na‘t wala ang pamilya Guivarez ngayon.



Which is good for me! Wala silang lahat diyan at tanging mga Gwardiya Civil lang ang nariyan.



Alam kong unti lang ang Gwardiya Civil dahil nabalitaan ko rin na maraming dinala si Don Rolando para mag bantay sakanila.



May pinuntahan ata sila pero wala na akong pake ron, napangisi ako nang sadyang nilaglag ni Carla ang bitbit niyang eco bag.



Nag kalatan ‘yon sa paligid, kita kong umalis ang dalawang bantay at tinulungan si Carla.



Doon na ako naka tyempo at kaagad na tumakbo, sakto at bukas ang gate psh! Lagi nalang akong sineswerte sa lahat ng bagay.



Magaling akong tumakbo, hindi mahahalata nang kung sino dahil tahimik akong kumilos, wala ang training ko sa kasalukuyan kung hindi ko rin gagamitin.



Nang tuluyan na akong makapasok ay lumingon ako sa piligid dahil baka biglang may sumulpot nalang.



Nang masigurado kong wala na, dumiretso ako sa likod ng bahay nila at pahirapan kung umakyat. Nilagay ko na ang karatula na nakalagay...



Maligayang kaarawan sa 'yo, Hannah Guivarez. Mag pakasaya ka lang baka huling kaarawan mo na 'yan.




At may mga bahid itong dugo bago ko nilagyan ang isang mannequin. May mata ito at nakangiti, nakakatakot tignan. Napangisi ako, sigurado akong tago ito.



Ang alam ko rin ay walang masyadong pumupunta sa likod ng mansyon na ito kaya dito ang best spot para pag taguan.



Alam ko rin na dito nag tatapon nang mga basura ang katulong, kaya hindi nila ito mapapansin pero kung tumingala sila edi paktay!



Kinuha ko lahat ng ebidensiya, panatag ako dahil wala pang mga automatic na kagamitan dito, hindi nila maii-scan ang fingerprints ko.



Pero para mas sigurado nag gloves ako! Aba mahirap na ‘no! Baka mahusay ang kunin nila.



Malinis akong gumawa ng kalokohan kaya masisigurado kong hindi nila malalaman kung sino ito.



Bumaba na ako, dumaan na ako sa dingding ng mansyon nila patagos sa likod.



Natatabunan ng mga puno ang mansyon ng mga Guivarez tanging sa harap lang ang kita kaya hindi talaga mapapansin ang inilagay ko sa likod ng bahay nila kahit maliwanag pa.



Nakita ko na si Carla sa isang puno. “Binibini, nailagay mo na ba?” tanong kaagad nito. “Ano kaya ang ini-regalo mo? Sigurado akong magugustuhan iyon ni Binibining Hannah!”



Ngumiti ako sakaniya. “Wala kang pag sasabihan na pumunta tayo sa mansyon ng Guivarez, kahit anong mangyari.” tumango tango naman ito bago siya nag promise.



Sana magustuhan mo, ate.




END OF FLASHBACK





Napangisi nalang ako sa isiping ‘yon, lumabas din ang tunay mong ugali. ‘Yan ang gusto kong makita.



Good girl, Isabelia.



Sumandal ako bago inisip ang reaction niya kanina, she so desperate na sisihin ako, which is totoo naman but sadly they don‘t believe her.



Lalo na‘t mag kakasama lang kami sa party niya kanina, she tried all over again but she failed, siya tuloy ang napahiya imbis na ako, tss careless.



She deserve that anyway, ngayon alam ko nang siya si Ate Isabelia, dahil ganon na ganon ang ugali niya. Hindi pa rin siya nag babago kahit kailan.



Pero bigla akong natigilan nang biglang bumukas ang pinto ng kalesa, matutulog na sana ako pero natigilan ako nang makita si Ej!



The heck is he doing here?!



Nag tama ang tingin namin, parehas kaming nagulat. “W-what are you doing here?” utal kong saad.



“A-ah...” kita ko bigla ang hiya sa mukha niya. “P-paumanhin kung pumasok ako nang biglaan, a-akala ko kasi ay wala ka pa ring malay.” he explained.



“Tuloy ka.” saad ko bago umusog, sign na pinapaupo ko siya.



Natigilan siya sandali bago pumasok nang tuluyan at umupo sa tabi ko, kita ko ang ilang sa mukha niya.



“Kakagising ko lang.” saad ko. “Where are they?” i asked kasi siya lang ang pumunta.



“Inaasikaso pa nila ang nangyari sa loob.” saad nito bago tumingin sa akin. “Ayos ka lang ba?” napangiti ako bigla sa tanong niya.



“Oo, ayos lang ako.” balik kong sagot.



Iniwan ba niya si Hannah? Diba dapat siya ang nag babantay kay Hannah.



“Ayos lang ba si Hannah?” i asked with full of pag aalala but it‘s fake actually, never akong mag aalala sa bruhildang ‘yon!



I hear his sigh. “Nahimatay rin siya kanina, pagkaalis niyo ni Don Alejandro.” natigilan ako sa sinabi niya.



Is she totally collapse or she just pretending too? Psh poor her! Don Rolando slap her.



“Naaawa ako sakaniya.” i sadly said. “Nasampal pa tuloy siya ni Don Rolando.” it‘s a lie, i‘m lying infront of Ej.



“Wala ka namang kasalanan, binibini. Mali lang talaga na sinise ka ni Binibining Hannah.” ngumiti ako sakaniya.



Kung alam mo lang na ako ang gumawa niyan.




Parehas kaming napatahimik na dalawa. “Y-you think everything will be okay?” i asked out of nowhere.



He gaves me a smile na para bang sinasabi na Yeah, everything will be okay.



Hindi ko rin maiwasan makaramdam nang medyong kaba ‘no! Malay mo malaman nila! But i will not allow to know who‘s behind that.



“May sinabi sa akin si Binibining Hannah bago mag umpisa ang kaarawan niya.” napatitig ako sakaniya nang bigla siyang mag salita.



Hmm, what did she say kaya?



“What is it?” i curiosity asked, why not? Maging chismosa rin tayo minsan pero wag araw-arawin.



“Pag hindi raw niya ako nasagot sa mismong kaarawan niya ay itigil ko na raw ang panliligaw sakaniya.”



Ow?






***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net