KABANATA 32

Background color
Font
Font size
Line height

Napatingin kaming lahat sa labas ng mansyon dahil doon nang gagaling ang sumigaw. Sheyt! Onis ‘yon?




“Ano ang nangyayari?” biglang tanong ni Don Rolando bago tumayo.




Napatingin ako sa mukha ni Hannah na ngayon ay kita ko ang taka at inis sa mukha niya, dahil siguro ay hindi niya natuloy ang pag tangkang Yes niya kay Ej.




Which is good for me! Pero ang sigaw na nang galing sa labas ay kakaiba, para itong nakakita nang kung ano.




Kita ko ang ibang bisitang lumabas na para siguro makitingin din. Psh mga chismoso at chismosa! Napatingin ako sa gawi ni Ej na ngayon ay nag tataka na rin ang pag mumukha.




Tumayo na rin ang mga magulang namin, nag sunod-sunod ang pag labas ng mga bisita.




At dahil na cu-curious talaga ako, pati ako ay tumayo na rin. Akmang lalakad na ako palabas nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.




Napatingin ako ron at si Donya Ilaura iyon, kita ko ang takot at pag aalala sa mukha niya, parang ayaw niya akong papuntahin don dahil baka may masamang mangyari.




“Tignan natin ang nangyayari sa labas.” biglang saad ni Raf, tss chismoso!




Nag katinginan pa kaming lima, ako yung dalawang mag kapatid na si Ej at Ren at saka yung dalawang ulupong, kilala niyo na iyon kung sino.




Biglang sumulpot si Hannah sa kawalan at tinignan kami, tinignan niya ako bago umirap, buti at busy ang mga magulang namin nang gawin niya ‘yon.




Two-faced bitch.




Unang lumakad palabas ay si Don Rolando, sumunod ang dalawa pang lalaki na si Don Alexander at Don Alejandro.




Pati ang mga asawa nila ay sumunod din tanging si Donya Ilaura lang ang nakahawak pa rin sa akin.




Sumunod ang dalawang ulupong bago sumunod din ang dalawang kapatid. Syempre kasama ron si Hannah na nakakapit pa kay Ej na parang tuko! Duh!




Baka nakakalimutan niyang nasa panahon kami ng kalolo-lolohan namin at hindi pa uso ang malalantod dito!




Nag katinginan naman kaming dalawa ni Donya Ilaura. “Halika na po, ina.” saad ko.




Bumuntong hininga muna siya bago kami mag simulang mag lakad, ang daming nag kukumpulan sa likod ng mansyon!




Nasa likod ng mansyon ang sumigaw, pero umabot sa harapan ng mansyon? Sabagay yung sigaw kasi ay parang takot at gulat, kaya siguro napaka lakas.




Dumaan kami ni Donya Ilaura sa mga nag sisiksikang mga tao papunta sa unahan kung na saan naroon ang lahat.

“Grabe, nakakatakot ang bagay na iyon.”


“Sinabi mo pa.”


“Sino kaya ang gumawa non?”


“Malamang ay may galit iyon sa pamilyang Guivarez.”


“Nabalitaan ko na sapilitang inaano ni Don Rolando ang mga tao upang mag bayad sa utang.”


“Malamang ay kagagawan ito ng mga taong may galit sa pamilyang Guivarez.”





Nangunot ang noo ko sa mga bulong-bulungan, anong ibig nilang sabihin?! Nang makarating kaming dalawa ni Donya Ilaura sa unahan.




Nakita ko na kinakausap ni Don Rolando ang isang maid ata, umiiyak ito at sila Ej ay nakatingin sa taas ng bubong.




Tumingala ako para matignan ang tinitignan nila pero napatakip ako sa bibig ko nang makita ang isang karatula at may bahid itong dugo.




Parang may isang mannequin ang naroon na puno ng dugo. Nakaramdam kaagad ako ng kilabot.




Sino ang gagawa niyan?!




“Hindi mo ba nakita ang may kagagawan?” rinig kong tanong ni Don Rolando.




Napatingin ulit ako sakanila. “H-hindi po, nag tapon lang ako ng basura at napaangat ang aking tingin ay nakita ko po iyan.” iyak nitong saad.




“Sino ang lapastangan ang gumawa nito?!” biglang sigaw ni Don Rolando na nakapag paigtad sa akin or sabihin na nating sa amin.




Gago, katakot.




Kita kong umiiyak na si Hannah sa gilid at nakasandal pa ito kay Ej na halos ika irap ko, halatang peke ang iyak niya jusko!




Tapos ito namang si Ej, tamang comfort comfort lang. “Lahat tayo ay nasa loob ng mansyon at nag sasaya, sino ang gagawa nito?” pag aalalang tanong ni Don Alexander.




“Sino ang umalis kanina bago pa mag simula ang anunsyo ni Binibining Hannah?” biglang tanong ni Don Alejandro.




Loh, umalis ako kanina para mag banyo! Madami akong nakasabayan non kaya panatag ako.




Kita kong inangat ni Hannah ang mukha niya bago nanlilisik ang tingin sa akin.



Lah! Anong tingin ‘yan?!




“Ikaw! Umalis si Binibining Isabella kanina!” sigaw nito.




Lah! Ba‘t ako?!




Aba! Siraulo ‘tong babae na ‘to! Ako raw may gawa?! Lakas maka bintang amputa. Umalis ako kasi nag banyo ako kanina para umihi!




“Alam kong may galit ka sa akin pero hindi mo kailangan gawin ito sa akin!” sigaw nito sabay iyak na naman kay Ej.




Pinilit kong wag gumawa nang kung anong emosyon, kapal talaga ng mukha oh! “T-teka, h-hindi ako ‘yon.” takot kong saad, di naman talaga ako ‘no!




Katakot pa naman si Don Rolando kanina! “Hindi magagawa ‘yan ng anak ko.” rinig kong saad ni Don Alejandro.




“Nag banyo si Binibining Isabella kanina.”



“Oo nga, narinig pa nga namin ang pag papaalam niya.”




Rinig kong tutol ng dalawang ulupong, naks naman kinampihan ako ah? Bago ‘yan! Never nilang kinampihan si Isabella at sa side lagi sila ni Hannah.




Hilig mo pa rin mag bintang, hindi ka pa rin pala nag babago, ate.




“H-hindi ko magagawa ‘yan sa loob lang nang ilang minuto!” tutol ko, totoo naman paano ko magagawa ‘yan aber?




Mag aaksaya ako ng oras para lang umakyat sa bubong nila?! Eh hindi na nga ako mag kanda ugaga sa pag ihi dahil sa sasabihin niya!





“Hindi ‘yan magagawa ng anak ko, Hannah.” rinig kong saad ni Donya Ilaura.




“Hindi ‘yan kasalanan ni Binibining Isabella.”


“Tama, kami ang nakasabayan niya kanina habang pumupunta sa palikuran.”


“Kaya walang kasalanan si Binibining Isabella rito.”





Rinig kong saad ng ilang babae sa likod ko, sigurado akong ayon ang mga babaeng nakasabayan ko, palihim akong napangisi.



Paano ba ‘yan Hannah? Sa akin kumakampi ang tadhana, kawawa ka naman.




Tumingin ako sa pwesto niya nang umiiyak ang mukha, lakas mang bintang! Hmp!




Kita ko ang disappointed sa mukha ni Don Rolando na ngayon ay nakatingin kay Hannah.




Ma-disappointed kalang Don Rolando, hindi niyo naman totoong anak ‘yan.




Mapag panggap ang isang ‘yan. “Kumpare, hindi ko tanggap na sisisihin ng anak mo ang anak ko.” biglang saad ni Don Alejandro.




“Pasensya na kumpare, ako na ang bahala.” hindi man ipahalata ni Don Rolando, ramdam ko sa boses niya ang disappointed.




“Hindi ako pwedeng mag kamali! Siya lang ang gagawa niyan! Mapag panggap ang anak niyo!” sigaw niya bigla.




Loh puta! Ako pa talaga mapag panggap ah?! Sige tignan natin ang kaya mo.




Tuluyan na akong umiyak at sumandal na rin kay Donya Ilaura na ngayon ay inaalo na ako.




“HANNAH GUIVAREZ!” sigaw bigla ni Don Rolando na nakapag paputla kay Hannah.




“H-hindi ko talaga ginawa ‘yan!” tanggi ko habang umiiling-iling.




“Tahan na anak.” habang hinahagod ang likod ko




“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo Hannah?! Parang hindi na ikaw ang anak ko!” rinig ko namang saad ni Donya Teresina na ikina ngisi ko ulit.




Hindi niyo naman talaga anak ‘yan.




Sige lang, Isabelia. Ilabas mo lang ang ugali mong basura, para malaman ng lahat na isa kang mapag panggap na tao.




Rinig ko ang hagulgol nito, mas lalo akong sumiksik kay ina bago lumingon sa gawi niya.




“Gusto lang naman kita maging kaibigan! Pero mukhang ayaw mo sa akin!” sigaw ko habang tumutulo ang mga luha ko.




Galing ko talaga! Mag artista nalang kaya ako? Tss.




Tumingin ito sa akin. “Paano kita magiging kaibigan kung inaagaw mo sa akin si Elijah?!”




“HANNAH!” napasinghap ang lahat nang biglang sinampal ni Don Rolando si Hannah.




You deserve that.




Kita ko rin ang gulat sa mukha ni Hannah pati na rin si Ej na katabi niya lang. “Hindi kita pinalaking ganiyan! Nag bago kana!” sigaw sakaniya ni Don Rolando.




Paano ba matitigil ‘to?! Dito ko nalang kaya gawin yung himatay-himatayan? Pero sino ang sasalo sa akin?! Baka pag natumba ako kay Donya Ilaura ay matumba rin siya.




Jusko!




Bahagya akong napalingon kay Renren na nasa tabi ko pala, napalingon ito sa akin. “A-ayos kalang?” kita ko ang pag aalala niya sa akin.




Mukhang kay Renren nalang ako matutumba. Sana masalo ako ni Ren! Jusko kundi lagapak ako nito sa sahig.




Bahala na si Batman.




Hindi ko siya sinagot sapagkat ay pumikit ako bago pagaanin ang katawan ko at bumagsak sakaniya.




“Binibining Isabella!” sigaw nito at ramdam ko ang pag salo niya.




Maraming salamat, Ren!




“Anak!” rinig ko ring sigaw ni Donya Ilaura, mukhang nagulat din sa biglang pag kabagsak ko. “Alejandro ang anak natin!” sigaw ni Ina.




Dinig ko na rin ang pagiging alerto nang lahat.




Bahala na kayo riyan! Ang importante nasa bisig ako ni Ren, mwehehehe.












***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net