KABANATA 30

Background color
Font
Font size
Line height

Napangiwi kaagad ako sa sinabi niya. “Hindi kami mag kasintahan, nag kwe-kwentuhan lang kami. Masiyadong ma-issue.” saad ko sabay irap.




“Ah, ganon ba binibini? Hehe patawad.” minsan talaga napaka-siraulo nitong si Rafael!




Bakit ganito ang character na ginawa sakaniya ng Author?! Jusme!




“Tama si Binibining Isabella,  hindi kami mag kasintahan.” saad ni Renren.




Tumango-tango naman ako. “Ano lang?” tanong naman ni Miguel.




“Mag kaibigan lang kami.” saad ko.




“Pwede rin pala kami maging kaibigan mo?” tanong ni Rafael na nakapag pataas ng kilay sa akin.




Kaibigan daw?! Ayoko sa maingay at madaldal! Stress ang aabutin ko sa dalawang ‘to.




“Ayos lang, tanggap na naming ayaw mo sa amin.”



Loh?




“Kinalimutan mo pa nga ang pangalan namin, halatang hindi kami mahalaga sa buhay mo.”




Narinig ko ang tawa ni Ren sa gilid ko! Puta, bakit biglang nag drama ang dalawang ‘to sa harap ko?!




At saka hindi ba sila nababahala na puro lalaki sila tapos ako lang ang babae rito?!



Sa akin walang malisya ‘yon, pero sa mga tao rito may malisya ‘yon!




“Oliver, ayaw sa amin ni Binibining Isabella.” mangiyak-ngiyak na sumbong ni Rafael na ikina-ngiwi ko.




“Ayaw niya rin kami maging kaibigan.” dagdag ding saad ni Miguel.




Napailing-iling nalang si Ren at tumingin sa akin. “Kaibiganin mo na, binibini. Hindi ka titigilan ng mga ‘yan.”




He‘s right! Makulit ang dalawang ‘to! “Uy ano ‘yan ah?!” biglang puna ni Miguel sa bracelet naming dalawa ni Ren.




“Naka bracelet pa kayong dalawa at nag.papatunay iyan na kayo ay magkaibigan habang buhay!” dugtong ni Rafael.




“Si Binibining Isabella ang nag bigay sa akin nito.” saad ni Ren.




Napatingin sa akin ang dalawa, oh tingin-tingin nila riyan?! “Si Renren lang ang binigyan ko, wag kayong assuming.” saad ko.




“Renren?” sabay nilang usal na dalawa, oo sabay talaga sila! Naks naman oh. Duo talaga ang mag kupal.




“Si Renz Oliver.” saad ko.




“Binibini, huwag mo namang banggitin ang buo kong pangalan.” natawa naman ako sa sinabi ni Ren.




“Bakit? Ang ganda kaya ng pangalan mo.” napaiwas naman ito nang tingin.




Napatingin ako sa gawi ng dalawa na nag sasalit-salit nang tingin sa aming dalawa. “Sige na Binibining Isabella, gawin mo kaming kaibigan mo tapos regaluhan mo rin kami at bigyan ng pangalan.”




Wow ah! Wow talaga! Gaya-gaya lang ang peg?! Una kong binigyan si Ej tapos nag sunod sunod na? Angas naman nito.




“Sige na, binibini.” naiirita na ako sa ingay nila, at saka hindi naman siguro masama kung gawin ko na talaga silang kaibigan.




“Sige na! Sige na!” awat ko na ikinangiti nila nang malawak.




Tumingin ako sa pwesto ni Miguel. “I will call you Migz.” sunod ko namang tinignan ang pwesto ni Rafael. “It's either Raf or Rael, sa dalawa na iyon.” saad ko.




Bumalatay naman ang tuwa sa mukha nila. Seriously?! Ganon ba nila kagusto maging kaibigan ko? Parang mga ewan! Pansin ko puro mga lalaki ang nagiging kaibigan ko.




Wala pa akong babaeng nagiging kaibigan! Ay meron pala. Si Carla!




Nag kwentuhan at nag tawanan lang kami pero naputol iyon nang biglang may sumulpot.




Napatingin kami ron pero kaagad akong natigilan nang makita ang dalawang taong nasa harapan ko.




Si Ej at si Hannah! The fuck?!




“Wala kayo sa ating pwesto kaya kami na mismo ang pumunta.” nakangiting saad ni Ej.




Ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ni Hannah parang sinusuri kung sino ako.




“Sino siya?” napakahinhin ng boses, halatang peke!




Wrong move na naman boy! Kilala na nang totoong Hannah kung sino si Isabella, pero siya hindi niya ako kilala! Dalawa na.



Pero sabay, nabagot nga pala yung ulo niya kaya kunwari hindi ako kilala pero siguro alam na niya at ramdam na niya kung sino ang nasa harapan niya.




Ngumiti ako sakaniya nang malapad bago lumapit sakaniya, kita ko ang pag taas ng kilay niya na parang hindi niya nagustuhan ang pag lapit ko, pero wala akong pake.




Nilahad ko ang kamay ko. Sarap isampal sa pagmumukha niya ang kamay kong magaspang na sinasabi ni Ej, bwesit.




“I‘m Isabella Montenegro, it‘s nice to meet you Hannah.”




Kita ko bigla ang gulat sa mga mata niya, gotcha bitch! Nag pakilala lang ako bilang si Isabella pero gulat na gulat kana.




Paano pa kaya kung si Isabelle ang pakilala ko sakaniya baka nahimatay na siya.




Sigurado na akong siya si Isabelia, ang Ate ko.



Ngumiti ako sakaniya, nag english ako sa harapan niya baka mag duda na siya pero hayaan lang natin siya mag duda, mamatay siya sa kaka-overthink.




Nakalahad pa rin ang kamay ko sakaniya, kita ko ang alinlangan sa mukha niya, nag hahalo ang inis don.




Pero kalaunan ay tinanggap din niya. “Maligayang kaarawan sa ‘yo, Hannah.” pag bati ko.




“T-thank you.” pilit niyang pinahinhin ang boses niya na gusto kong ikatawa. Hindi bagay eww.




Ngumiti nalang ako sakaniya. “Mauuna na ako sa lamesa namin.” saad ko.




“Sabay-sabay na tayong pumunta ron.” sagot ni Renren na ikinatango ko.




Napatingin pa ako kay Hannah na sobrang sama na nang tingin sa akin, alam kong palihim iyon, umakto akong natakot sakaniya at umiwas nang tingin.




Pero sa totoo lang, gusto kong tawanan siya sa ginagawa niya, daig niya pa ang china sa sobrang peke, psh.




Nakarating kami sa table kaya napatingin sa akin si Ina, ngayon ko lang napansin na mukhang pinagsama ata nila ang lamesa!




Naroon na rin ang pamilya Hernandez pati na rin ang pamilya Guivarez! Ano ‘to?! Bakit naroon sila?!




Malamang mansyon ‘to ng Guivarez kaya pwede silang umupo kahit saan.




Oo nga naman! Bakit pa ba ako nag tatanong? Psh. “Narito na pala kayo.” saad ni Don Rolando may katabi itong babae na mukhang asawa niya.




Ito ata si Donya Teresina. Ngumiti lang ako sakanila bago umupo. “Anak dito ka muna, parang takot na takot kang mawalay kay Ginoong Joaquin.” palihim akong napairap at napatingin sa gawi nila Ej at Hannah.




Psh!




“Baka po kasi maagaw pa siya ng iba.” lah gago! Palihim pang tumingin sa.akin ang gaga, kapal ng mukha!




Wag niya akong igaya sakanila, hindi ako mang aagaw na katulad niya! Linta siya linta!




“Walang aagaw sakaniya anak, si Ginoong Joaquin ay mahal na mahal ka.” sagot ni Donya Teresina.




Sana all mahal... Kita ko ang palihim na pag tingin nilang apat! Sino paba?! Edi yung apat na lalaki! Si Ej, Renren, Migz at Raf!




Anong klaseng tingin ‘yan?! Akala ba nila gagawa ako nang gulo? Uy kapal, may dignidad pa rin ako no!




Napangiwi nalang ako at napaiwas nang tingin. Nabobored na ako sa usapan nila ah, sana naman mag topic sila, yung makaka-relate lahat.




Wala naman kaming shota eh! Grabe na ‘to! Tumahimik ang lahat, ngayon ko lang din napansin na ang dami na palang nakahain na pagkain sa table namin.




Naks naman! Pagkain na lumalapit. “Magsi-kainan na tayo.” nakingiting sabi ni Don Rolando.




Nag simula ng magsi-kainan ang lahat kasama ang mga bisita, napadako ang tingin ko sa mga regalong nakalagay sa lamesa.




Kinuha na rin kaya yung regalo ko? Na kay Donya Ilaura iyon, mukhang pinalagay na ron.




Subukan niya lang itapon, ipapakagat ko siya sa kauri niyang ahas!



Nag kwekwentuhan sila pero ako ay tahimik lang. Bahala sila riyan, basta ako kumakain at busog ay ayos na ako! Pero natigil din iyon nang pumalit ang usapan nila.




Halos lumaki ang tenga ko para lang marinig sila!




“Kailan mo ba sasagutin si Ginoong Joaquin, Binibining Hannah? Balita namin ay nililigawan ka niya.” tanong bigla ng isang bisita.




Namula naman ang gaga! Ews ang pangit! “Malapit na.” saad nito.




Napatingin ako kay Ej pero kaagad ding natigilan nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.




Loh, tingin-tingin niya riyan?! Nang makita niyang nakatingin ako sakaniya ay bigla niyang binaling ang tingin kay Hannah.




Ngumiti si Ej sakaniya na ikinapula na naman ni Hannah, para siyang binuhusan ng asin! Para siyang bulate!




Hindi man napapansin ng iba iyon, ako napapansin ko! Oo mapag mata talaga ako sa tao.




Para siyang tanga!




Napasimangot nalang ako rito sa gedli, sanaol may nanliligaw. Sabihin ko kaya kay Renren na ligawan din ako tapos bayaran ko nalang siya ng gold bar ko?




Para sabay sa uso diba.




Pero ang sunod na tanong ng bisita ang hindi ko inaasahan.




“Balita ko si Binibining Isabella ay may nararamdaman para kay Ginoong Joaquin?”




Tangina.










***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net