KABANATA 23

Background color
Font
Font size
Line height

Kapal ng mukha! Ako mag seselos?! Sa lahat nang pag se-selosan bakit kay Ate pa?! Eww never never never enough!






Feeling ko talaga si Hannah ay naging si Isabelia eh, duda talaga ako. Hindi pa naman ako nag kakamali sa mga hinala ko.






Nung inaakit niya nga si David tapos pinag selos niya ako, sinukahan ko nga lang sila eh.






Walang nakakaselos sa sanga at may nakapulupot na ahas! Duh! I’m right?! Nope i‘m left, charing!






“Walang nakakaselos don, Ej.” saad ko. Totoo naman eh wala talagang nakakaselos sa ahas, uy.






“Talaga ba?” halatang nang aasar ang animal, masabayan nga.





“Bakit naman ako mag seselos? Si Renren nga nililigawan ako eh.” bigla siyang napatahimik sa sinabi ko.






Sa loob loob ko ay natatawa na ako. Syempre joke joke lang naman ‘yung nanliligaw. “At dahil gaya-gaya ako, sagutin ko rin siya sa mismong kaarawan ko.” dugtong ko pa.






“Ngunit...”






“Ano?” oh ano ano Ej ha! Palag.






“Iniibig din ni Oliver si Binibing Hannah.” saad nito, pake ko? Ginagamit ko lang naman si Oliver eh.






Joki joki lang naman ‘yon. “Oh tapos?” bagot kong saad.






“Hindi ikaw ang tipo niyang babae...”






Pot─ ayoko na!






Nakakailan na si Ej sa akin ah! Kanina pa niya ako nilalait, tangina! Hindi na ako natutuwa, hindi na talaga!






“Ang gusto niya yung mahinhin, mabait, hindi maingay at higit sa lahat...”






Pustahan, lalaitin na naman ako niyan.






“Hindi kilos lalaki.”






Gag─ kilos lalaki ba ako?! Medyo lang naman eh. Sakit sa apdo gago! Ayoko na aalis na ako rito, hindi ko na siya papansinin bahala siya sa buhay niya!






Bahala na sila sa buhay nilang lahat! Hindi ko na sila bati! Damay damay na ‘to!






Maginoong laitero, amputa! Author ng Grow Old with You. Bakit ganitong ugali ang inilagay mo sa character ni Ej?! Akala ko ba maginoo at mabait ‘to?!






Mas malakas pa manglait ‘to kesa sa akin eh! “Bakit parang sinasabi mo sa akin na walang magkakagusto sa akin?!” inis na singhal ko sakaniya.






“Nagbibiro lan─.”






“Mamamo biro!” iritado kong singhal bago padabog na pumunta sa pintuan, ayoko na uuwi na ako!






“Teka, binibini.”






Hindi ko na siya pinansin pa at binuksan na ang pinto at lumabas, padabog ko itong isinara. Sakit sa atay mga beh.






Padabog din akong nag lalakad, oo para akong nag mamartsa dahil sa lakad ko pero wala akong pake.






“Bakit ka nakasimangot, binibining sungit?” napatingala ako at napatigil nang nasa harapan ko si Ren.






Kita ko ang taka nito bago lumingon sa likod na para bang alam na niya kung saan ako galing. “Wala kang pake-alam, tabi!” irita kong saad bago siya lagpasan.






“Isabella!” rinig ko pang tawag niya at dahil banas ako ngayon ay hindi ko na rin siya pinansin pa.






Bumaba na ako at nakita kong nakatayo na sila ama at ina sa pintuan, napatingin sila sa pwesto ko.

Ngumiti naman kaagad ako, pekeng ngiti kumbaga. “Oh anak, narito kana pala, uuwi na rin tayo. Pinatawag ka na namin kay Oliver.”






“Opo ina, nakasalubong ko pa nga po siya.” pilit ngiti kong saad.






“Kumpare, aalis na kami.” paalam ni ama sakanila Don Alexander.






Napatingin ako sa hagdan nang bumaba yung dalawang lalaki, bumalik tuloy yung inis ko lalo na‘t nakita ko ang pag mumukha ni Ej!






Iyang mukha na ‘yan ay malakas mang asar at mang lait! Ayoko na sa pag mumukha na ‘yan!






“Anak, mag paalam na kayo sa pamilyang Montenegro, dahil sila ay aalis na.” saad ni Donya Elena.






“Paalam po sa inyo at paalam din sa ‘yo, binibining Isabella.” paalam nilang dalawa pero inirapan ko lang sila.






“Ge, bye.” saad ko bago humarap sa magulang nila. “Paalam na po, Don at Donya Hernandez.” nakangiti kong pag pa-paalam.






“Paalam, hija.” pag paalam ng dalawa sa akin bago kami tumalikod, hindi na ako lumingon pa nang makasakay na rin kami sa kalesa.






Tinignan ko pa ang bintana at nakita kong nakatingin sa akin si Ej, iniwas ko nalang ang tingin ko at humarap na sa harapan.






Psh! Manigas ka riyan Ej! Kapal ng apog eh.














Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ‘yon, ngayong araw ay huwebes na bukas ay biyernes at ang kaarawan ni Hannah.






Sa dalawang araw na iyon ang ginawa ko lang ay yung tumanganga sa loob ng kwarto at mag bilang ng buhok! Jusko napaka boring talaga!






Bukas na ang birthday ni Hannah, kinakabahan na medyo na eexcite ako. Dahil sa wakas ay makikita ko na rin siya.






Nag iisip na rin ako kung ano ang ireregalo ko sa impakta na ‘yon dahil hanggang ngayon ay nag iisip pa rin ako.






Actually dalawang regalo ang ibibigay ko sakaniya, alam kong masusuprise siya ron!





Subukan niya lang ipahiya ako ron, ipapatikim ko talaga sakaniya ang bagsik ng isang api! Char.






Sa dalawang araw rin na lumipas, wala akong balita sakanila Ej! Pero pake ko ba? Masama ang loob ko sakaniya, parang kahapon lang nangyari ‘yon!






Bagot akong tumayo mula sa pagkaka upo sa kama ko bago lumabas ng kwarto, pupunta ako sa San Lazaro kung saan marami ring nag bebenta ng mga gamit na pwede ipang regalo.






Kumuha ako ng puting belo para takpan ang pag mumukha at ulo ko, wala naman sigurong manyak dito ‘no? Wala talagang bastos dito dahil sinaunang panahon ‘to at ginagalang ang mga babae.






Naiistress pa ako kung ano ang ireregalo ko.






Pag talaga ako nainis, lubid at kutsilyo ang ipang regalo ko sakaniya eh! Bumaba na ako sa hagdan at dumeretso sa sala.





Mag papaalam muna ako dahil masiyado pa namang maaga. “Ama, aalis muna po ako at pupunta sa San Lazaro upang bumili ng regalo para kay Hannah.”






Reregaluhan ko siya nang hindi makakalimutan! Punyeta niya isaksak niya ‘yon sa esophagus niya ah.






“Mabuti naman anak at naisipan mo iyan, akala ko ba‘y ayaw mo kay Hannah?” ayaw ko naman talaga sakaniya kung si Isabelia ‘yon pero kung ang totoong Hannah ‘yon, hindi ako galit sakaniya.






Pilit naman akong ngumiti. “Nag bago na po ako ama, masiyadong mabait si Hannah kaya hindi ko magawang magalit sakaniya.”







SPELL EWW.






Y.U.C.K.S







“Napakabait naman ng anak ko.” my heart suddenly fluttered, aww this is what i want. Parang tinutunaw ang puso ko pag tinawag kang ‘anak’.






“Maraming salamat, ama! Ikaw na po magsabi kay ina na umalis ako, bye bye!” saad ko bago dali daling lumabas sa mansyon.






“Manong, sa San Lazaro po.” saad ko don sa kutsero.






“Masusunod po, binibini.” ngumiti nalang ako bago sumakay sa kalesa.






Bakit kasi kailangan niya pa ng regalo, malaki na siya hindi na niya need ‘yon, pero bibili pa rin ako kasi baka hindi ako papasukin ‘no.






Tasa nalang kaya ipang regalo ko sakaniya? Tutal sabi naman ni Don Alexander kahit ano raw.






Bilhan ko sana siya ng kotse tapos ayon yung ipang sasagasa ko sakaniya, kaso naalala ko nasa kapanahunan pa kami ng kalolo-lohan namin kaya wala pa ‘yon dito.






Sayang talaga, naudlot tuloy yung sagasa. Ano kaya mangyayari bukas? Sana may mangyari para may thrill diba.






Ilang minuto pa kaming bumyahe bago nakarating sa San Lazaro, kung may mga sasakyan lang siguro rito ang bilis na siguro ng byahe!






Bumaba na ako at nag pasalamat kay kuya. “Pakihintay nalang po ako rito.” saad ko.






“Opo, binibini.” tumalikod na ako at nag simula nang maglakad lakad sa paligid, kahit walang okasyon ay napakarami ng tao sa San Lazaro.






Kaya dito rin binitay ang mismong Isabella dahil sa kasalanan na ginawa niya, marami siyang napatay actually, alam ng magulang niya ‘yon pero nanatili silang tahimik dahil ayaw nilang mawala si Isabella.






Walang sekretong hindi nabubunyag kaya nalaman pa rin ng mga tao ang kasalanan ni Isabella.






Sa gitna mismo ng San Lazaro kung nasaan nasa gilid nito ang simbahan. Nainis ako sakaniya nung pinatay niya yung iba pang characters sa kwento pero naging maganda naman ang ending sa huli.






Pero ngayon hindi ko hahayaan na maging end game si Hannah at Elijah, dahil si Isabelia na ang nasa katawan ni Hannah.






Gagawa at gagawa ‘yon ng masama lalo na‘t sa mga haharang sa plano niya, hindi ko hahayaan ‘yon lalo na‘t kami naman talaga ang magkalaban.






Tsk! Kahit dito sinusundan ako o baka naman ito na talaga ang tadhana ko ang makasama si ate, wala bang pahinga muna riyan, ganern?







Ay wag na si Isabelia nalang pag pahingain ko ng habang buhay, galing ko talaga mag isip napaka big brain.













***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net