KABANATA 21

Background color
Font
Font size
Line height

Napatigil ako sa akmang pagsubo ko nang marinig ko ang tinig na 'yon. Hindi! Wag mo siyang lingunin at mag patuloy kalang.






Ano pang ginagawa niya ripto? Dapat hindi na siya umuwi pa!






Bakit naman Isabelle? Sakanila naman ang mansyon na 'to?






Oo nga 'no? Ok pahiya unti.






"Joaquin anak, narito ka na pala, halika at saluhan mo kaming kumain. Narito na rin ang pamilya Montenegro." yaya sakaniya ni Donya Elena.






Hindi ko pa rin siya nililingon dahil nakayuko lang ako sa pagkain ko. Ayoko nga siyang lingunin!






Ikaw na nga ang 'di namansin, ikaw pa walang balak lumingon?






Palihim akong napalunok dahil sa isiping iyon, nakalimutan ko nga palang mag so-sorry ako sakaniya.






"Anak, batiin mo naman si Ginoong Joaquin."






"P-po?" napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi ni ina na nasa gilid ko, napatingin ako kung nasaan si Joaquin na nakatingin na sa akin!






"Magandang gabi sa 'yo..." nag alinlangan pa akong tawagin siya sa nickname, pero sige na nga. "E-ej."






Natahimik naman ang hapagkainan, loh?! Mas pinapalala nila yung ilang ko sa ginagawa nila! Nananadya ba sila?! Kasi kung oo hindi na ako natutuwa!






"Magandang gabi din sa 'yo, Binibining Ysa." nakangiti nitong saad.






Kita ko sa gilid ng mata ko ang palipat-lipat nilang tingin saamin! Oy wag ma-issue mga ka-marites, tropa tropa lang ho.






Yumuko na ulit ako para kumain din, kasi why not coconut. Nilalamon na rin ako nang kahihiyan!






Nakita ko pang umupo na si Ej at nag simula na rin siyang sumandok nang makakain niya, pansin ko rin na ang unti lang nang sinandok niya.






Hindi niya ba titikman ang adobong niluto ko?! Napatingin ako sa bawat sandok na ginagawa niya, lumakas ang tibok ng puso ko dahil kumuha siya ng adobo.






Pero ang unti nang kinuha niya. Haha sakit. Ayaw niya bang damihan? I don't mind hehe.






Siguro ay kumain na siya sa mansyon ng Guivarez? Naks naman oh, nanliligaw palang pero parang may chemistry na sa magulang.






Nililigawan palang ni Ej si Hannah, kaya alam kong pakipot pa si Hannah na ngayon ay si Isabelia na!






Muli na naman akong natigilan nang may naalala ako. Gago! Kaya siguro hindi pa sinasagot ni Isabelia si Ej dahil sa birthday niya ito sasagutin!






Mukhang pinaplano na nga niya ang mangyayari dahil bukod sa daming inimbita, alam ko ring ipapamukha niya sa mukha ko na sila ang mag kakatuluyan!






Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit madaming inimbita ang mga Guivarez! Naalala ko na nung birthday ni Hannah doon niya sinagot si Joaquin.






Mukhang balak din atang gawin 'yon ni Isabelia. Hindi pa talaga ako sigurado sa totoong Hannah, pero may pakiramdam talaga akong na reincarnate si Isabelia sa katawan ni Hannah.






Dahil sinabi sa akin ni Ren na nauntog daw si Hannah at nakalimutan niya na lahat at pagkagising ay nag tatanong kung nasaan siya. Kaya duda ako, malalaman ko lang iyan pag na meet ko na siya ng harap harapan.






Hindi ako makaka payag na sagutin niya si Ej sa mismong birthday niya! Kapal ng apog ah!






Napatingin ako kay Ej na kumakain lang, bumuntong hininga ako dahil wala akong maisip na dahilan para pigilan ang gaganaping 'yes! i'm willing to be your girlfriend.'






At saka hindi ko nakita ang reaksyon niya nung tinikman niya yung adobo ko! Bakit ba kasi lumilipad ang utak ko sakanila Hannah?!






Napatingin ako sa plato niya at wala na ang adobo don, hehe inubos ba niya? Pero napatigil ako sa pagtingin sakaniya nang bumalik ang alaala ko kay Ate.






Hindi ako makakapayag na si Ate ang makatuluyan niya! Okay lang kung yung totoong Hannah eh, payag pa ako. Pero si Ate? Na-ah papatayin ko ang lokaret na iyon!






"Joaquin anak, kailan ka pa nag patawag sa ibang pangalan?" biglang tanong ni Don Alexander.






Loh bawal bang tawagin si Ej sa ibang pangalan? Edi sorry akin.






"Kung si binibining Ysa ay ayos lang sa akin ama." nakangiti nitong ani habang nakatingin sa akin.






Gago! Wag siyang tumingin nang ganiyan baka ma-issue kami.






"Anak, tandaan mo. Bawal umibig ng dalawa. Kaya habang maaga pa ay siguraduhin mo na ang iyong nararamdaman."






Loh?!







Napanganga ako sa sinabi ni Don Alexander, teka lang! teka lang! Anong ibig-sabihin niya ron?! Jusko mahabagin!






"Ama, si Hannah lang ang aking iniibig."






SPELL ARAY.






O.U.C.H






"Kung ganoon pala, pwede ko palang ligawan si Binibining Isabella?" gulat naman akong napalingon sa pwesto ni Ren na nakangising nakatingin kay Ej.






Anong trip nito?! Parang pinapaselos niya si Ej, e hindi naman 'yan tatablan dahil may gusto nang iba si Ej!






Siguro ginagawa 'yan ni Ren para ma-solo na talaga si Hannah, sus hokage moves ka pa Renren.






Biglang tumahimik si Ej, oh bakit siya tumahimik? Dapat oo kaagad ang sagot! Pero charot charot lang! Ayoko mag ka-shota rito, lason 'yon.






Biglang tumayo si Ej kaya napatingin kaming lahat sakaniya. "Paumanhin pero tapos na po akong kumain, pwede na po ba akong umalis? Sapagkat maglilinis pa ako ng aking katawan." paalam nito.






"Sige lang, anak." ngumiti muna ito bago yumuko, tumingin siya sa pwesto ko bago ngumiti rin.






Umalis na ito at ako naman ay napa simangot nalang, ang bilis niyang umalis psh! Tapos hindi pa niya sinasagot yung tanong ni Ren!






Napatingin ako sa pwesto ni Ren na napapailing iling nalang. Hindi ko sila maintindihan! Hindi talaga!






Tuluyan na siyang umalis, patapos na rin ako sa kinakain ko kaya gusto ko na rin umalis dito para makapag libot libot sa mansyon nila.






Nilagay ko nang maayos ang kubyertos sa pinggan bago ibaba ang kamay ko sa ilalim ng lamesa, nakalagay ito sa pagitan ng hita ko.






Napatingin sa gawi ko si Ren bago siya ngumiti. "Tapos kana binibini?" napatango ako sa tanong niya.






"Ilibot mo muna si binibining Ysa sa loob ng ating mansyon, anak." pinigilan ko ang sarili ko na gumawa ng expression dahil diniinan pa talaga ni Donya Elena.






Lakas mang-asar oh! Halatang-halata kung kanino nag mana ang dalawa! "Opo, ina." tumayo na ito kaya napatayo na rin ako.






Yumuko muna ako sa apat na matatanda. "Mauuna na po kami." paalam ko para may kunting galang tayo diba.






Minsan napapansin ko nagiging mahinhin na ako na medyo hindi, hehe. Ilang araw palang ako rito pero ang dami dami nang nangyari sa akin.






Ginala nga ako ni Renren sa buong mansyon, pinakita rin niya sa akin ang mga kwarto nila pero isa lang ang tinadaan ko, ang kwarto ni Ej.





Hindi pa pala kami nag uusap, katukin ko kaya siya mamaya sa kwarto niya? Nice idea Isabelle.






"Tapos na ang ating paglilibot." nakangiting saad sa akin ni Ren.






"Maraming salamat." saad ko.






"Maaari na ba kitang iwan? Dahil mag lilinis na rin ako ng aking katawan, maglibot-libot ka nalang sa mga sinabi kong lugar." napatango kaagad ako sa sinabi niya.






Naks naman iiwan na niya ako. "Kaya ko naman ang aking sarili, Ren. Salamat sa pag libot sa akin." ngumiti muna ito bago tumalikod, kita kong pumasok siya sa isang kwarto na mukhang kwarto niya.






Tumalikod na ako at tinignan ang mga pintuan, nang makarating ako sa pintuan ni Ej kaagad akong napangisi.





Kumatok ako ng tatlong beses. I cleared my throat and change my voice. "Ginoong Joaquin, ang iyong ina ay pinapatawag ka." muntik na akong matawa sa ginagawa ko.






"Sabihin mo ay sand─." naputol ang sasabihin niya nang pagkabukas niya ng pinto ako ang bumungad. "Ysa..." gulat na usal niya.






Ngumiti ako sakaniya bago maglakad papasok sa kwarto niya, napaatras pa siya sa ginawa ko. "T-teka, binibini." hindi ko siya pinansin at kaagad na inilibot ang tingin ko.






Maganda ang kwarto niya! Lalaking lalaki ang tema at ang amoy, napakabango! Napatingin ako sa kama niya bago umupo roon, ang lambot!






Humiga ako at napapikit dahil sa ang sarap humiga! "Binibini, hindi mo ba alam na bawal pumasok sa kwarto ng lalaki pag hindi pa kayo kasal?" napadilat ako at napatingin sakaniya.






Kita ko ang alinlangan at ilang sa mga mata niya, ngumiti ako nang malapad dahil na-eenjoy ko ang expression ng mukha niya.










"Edi mag pakasal na tayo."












***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net