KABANATA 18

Background color
Font
Font size
Line height

Nandito na ako sa hapag-kainan at parang tangang nakatulala lang sa lamesa.





Hindi ko talaga siya pinansin?





Wahh! Bakit ko ba siya iniisip?! Pake ko kung hindi ko siya pinansin kagabi. Oo pake ko talaga!





"Anak." napatingin ako kay Donya Ilaura na kakarating lang. "Bakit ka nakatulala riyan?"





Napaiwas ako nang tingin. "Wala po 'to ina, nababagot lang ako sa bahay." saad ko.





Naramdaman kong lumapit sa likuran ko si Donya Ilaura at hinaplos ang ulo ko. "Aalis ulit tayo mamaya."





Naks naman, aalis daw ulit kami, this past few days panay ang alis namin ah? Saan na naman kaya kami pupunta?





"Saan ang ating punta ina?" takang tanong ko, hindi ba sila napapagod lalo na't may katandaan na rin sila.





Pero kung ako ang tatanungin, hindi ako napapagod. Gala 'to boy! Sanay na sanay na ang paa ko riyan.





Atsaka nakaka bored din dito sa bahay walang mga gadgets kahit t.v wala!





"Sa mansiyon ng Hernandez." napalingon ako kaagad kay Donya Ilaura.





Sa mansiyon ng Hernandez?! Ano ang gagawin namin doon?





"May kunting pag sasalo salo sa mansyon ng Hernandez. Sinabi iyon ni Don Alexander, hindi mo narinig dahil nga tulala ka at tahimik." napapahiya naman akong yumuko.





Sorry naman, ang lalim ng iniisip ko na 'yon tungkol kay Isabelia, tsk! Pero bigla rin akong nag angat ng tingin. "K-kasama ba ang pamilya Guivarez?" tanong ko.





"Hindi anak, tayo lang ang inimbitahan." ay ganon? Hindi sila belong? Psh.





Ibig sabihin may chance na akong makausap si Ej at makahingi ng sorry?





Bakit ka manghihingi ng sorry?





Oo nga bakit nga ako manghihingi ng sorry?!





Dahil hindi mo siya pinansin kagabi at na guilty ka don.





Para akong tanga na kinakausap ang sarili, jusme!





"Anong oras po tayo aalis?" tanong ko





"Mamayang ala-sais, anak." gabi pa pala, ano ba 'yan bakit ang tagal?!





Bakit parang excited kang pumunta?





Excited lang ako makita ang bahay nila 'no! Yun lang 'yon promise.





"Mamaya ay mag-luto ka." biglang saad ni ina.





"Bakit naman po?"





"Mag dadala tayo sa mansyon ng Hernandez, ang Adobo de Montenegro." buti nalang talaga at marunong ako magluto!





Kaya medyo safe ako. "Sige po." nakangiti kong saad, ngumiti rin si ina bago umalis.





Napa buntong hininga ako at kaagad na hinawakan ang ulo ko. Magkikita na naman kami, napakasama ng destiny sa akin!





Kung kailan gusto kong lumayo sa mga characters dito, doon naman lapit nang lapit! Kaistress.





Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko, matutulog muna ako dahil hindi naging maayos ang tulog ko kagabi dahil kakaisip sa nangyari.





Kasalanan mo 'to Ej!





Humiga na ako, at least panatag na ako na makakausap ko ulit siya.














Nagising ako at napatingin sa bintana at mukhang hapon na, napatayo ako at inayos ko muna ang buhok bago bumaba.





Naalala ko sabi ni Donya Ilaura ay mag luluto pa ako, masarap magluto 'to boy, kahit sino maiinlove sa luto ko! Lutuan ko kaya sila ng iba't ibang putahe?





Yung hindi pa nila alam, ay wag na baka mag taka sila kung ano 'yon at paano ako natuto 'non diba.





Nang makababa ako, napatingin ako sa hapag kainan at wala akong nakitang tao.





Lah asan sila? Iniwan ba nila ako?!





Hindi. Alam kong hindi nila ako iiwan 'no.





Dumiretso ako sa lutuan at nakita ko ang mga gamit, loh?! Wala bang kalan dito at 'yon pa talaga ang gagamitin ko?!





Sabagay okay lang din dahil girls scout ako nung high school ako kaya palagi akong handa.





Kinuha ko na yung mga pang gatong at inilagay sa ilalim ng malaking bato bago ito sindahan, sa una ay nahirapan pa ako pero keri ko naman.





Nang masindihan ko na 'to ay nag hugas muna ako ng kamay sa lababo na parang kahoy pero ang ganda.





Hinanda ko na lahat nang gagamitin ko sa pagluluto pati na rin lahat ng mga seasonings.





Nasaan ba ang mga tao?! Bakit parang ang tahimik naman ata sa bahay? Medyo natatakot tuloy ako. Malay ko ba?! Baka mamaya may multo rito eh.





Pero ok lang, sanay naman na akong mag-isa.





Nag simula na ako maglagay ng mantika at saka ito pinainit, kumuha ako ng sangkalan at kutsilyo bago hiwain ang dapat hiwain.





Para maging mabilis ang paghiwa, isipin mo yung taong kinaiinisan mo! Tulad ngayon iniisip ko ang punyetang kapatid ko.





Nang tapos na akong maghiwa ay saka ko na 'to ginisa.





Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Walang tao. Napangiti ako nang malapad bago mag sumayaw sayaw ng unti.





Ayaw ko rin ng tao habang nagluluto ako tapos nakatingin pa sa ginagawa ko feeling ko kasi pag nagkamali ako bigla akong sitain eh.





Umikot-ikot ako habang nag huhumm papunta sa mga ingredients, kinuha ito ng kumekembot-kembot.





Actually para akong tanga sa ginagawa ko pero wala namang tao eh, ganito rin ako pag nag luluto sa mansion ko nung nasa totoo ko pang katawan.





"Paro-paro G, papa-paro-paro G." pagkanta ko habang sumasayaw.





Natapos ang pagluluto ko at inilagay ko ito sa lalagyanan na may takip dahil dadalhin daw namin ito sa mansiyon ng Hernandez.





Sinarapan ko 'yan 'no! May halong pagmamahal 'yan kaya ang titikim diyan ay maiinlove sa luto ko!





Sumasayaw ako habang lumalapit sa mesa with matching ikot-ikot pa at sini-sway ito sa ere bago ilapag sa lamesa.





Maliligo na muna ako dahil amoy usok ako, nang mailapag ko na nang maayos sa lamesa ang lalagyan ay saka na ako tumalikod para pumunta ulit sa kwarto.





Pagkatalikod na pagkatalikod ko palang....









"AY PWET NG KABAYO, KAMUKHA MO!"











***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net