KABANATA 12

Background color
Font
Font size
Line height

Nagising ako mula sa katok na nasa labas. “Binibini, ipinag utos po ni Donya Ilaura na gumising na raw po kayo.” rinig kong sigaw ni Carla sa labas.



“Gising na ako!” sigaw ko pabalik.



Tinakpan ko ng unan ang mukha ko, ang aga-aga ko magising dito sa totoo lang!


Gusto ko pang matulog eh. Hindi ba uso na tanghali ang magising dito?



Pero naalala ko pala na nasa sinaunang panahon ako, hays!



Tamad akong umupo sa higaan bago humikab.


Kaantok!



Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Carla.



“Magandang umaga, binibini.” nakangiti nitong bati.



“Morning.” bagot kong saad bago tumayo at dumiretso sa cr.



Hinubad ko na ang suot kong white na Maria Clara dress na ako naligo, buti nalang at maligamgam ang tubig dito.



Nang matapos ay lumabas na ako syempre may tapis ako ng tuwalya ‘no, dumiretso ako sa aparador at kinuha ang kulay pulang baro‘t saya.



Napatingin ako sa paligid at nakita kong wala si Carla, mukhang lumabas na siya



Pumasok ako sa may pangharang, hindi ko alam ang tawag dito pero dito madalas nag bibihis yung mga napapanood ko sa t.v.



Sinimulan ko nang suotin ang damit at kaagad ding pumunta sa salamin para mag aayos ng buhok ko, bawal bang ibuhaghag nalang ang buhok ko rito?



Lahat kasi nang nakikita kong babae ay naka-bun yung buhok.



Ime-messy bun ko nalang ang buhok ko, kahit nandito lang sa loob ng bahay kailangan ko paring mag suot ng baro‘t saya?!



Ang hirap naman pala maging kaaya-ayang babae!



Nang matapos na ako sa lahat-lahat ay saka lang ako lumabas at bumaba.



Dumiretso ako sa hapagkainan at naroon na nga ang dalawang matanda, nag kwekwentuhan at nag tatawanan sila.



Aalis pa ba ako?



Parang ang hirap naman nila iwanan! Lalo na‘t napakabait ng pamilya ni Isabella.




I sighed, ngumiti ako at naglakad na ulit para salubingin ang dalawa.



“Magandang umaga ama at ina.” pagbati ko sa dalawang matanda kaya napatingin sila sa pwesto ko.



“Bihis na bihis ka ngayon anak, saan ang iyong punta?” tanong sa akin ni ama.



“Wala naman po, dito lang naman.” sagot ko.



Bawal bang pumorma kahit nasa bahay lang, ama? Kung pwede lang ako mag suot ng t-shirt at jeans dito ginawa ko na eh.



Kaso naalala ko na bawal palang makita ang malaswang katawan ng babae, tss.


Pero hindi naman malaswa ang t-shirt at jeans e.



“Mamaya ay aalis tayo, wag kana mag palit at ganiyan nalang ang iyong suotin.” sagot ni ina na siyang ikinatuwa ko na naman.



Aalis na naman ulit kami! Na e-excite na naman ako, baka ito na rin yung chance na makita ko ulit yung matandang babae.



“Saan po tayo pupunta ina?” tanong ko.



“Sa San Lazaro anak, mag si-simba tayong tatlo.”



Mas lalo akong nakaramdam ng excitement dahil ang lugar na ‘yon ay maganda raw puntahan base sa sinabi ng Author sa kwento.



Madami kayang shoti ron?



Ano ba ‘yan Isabelle! Napaka-harot mo naman.



“Sasama ka ba anak?”


Oo naman padir, ako pa ba?



“Opo naman ama, gusto ko kompleto tayong tatlo habang nag sisimba.” masaya kong saad.



“Masaya ka siguro dahil alam mo nang sasama ang pamilya Hernandez mamaya.”



Unti-unting nawala ang ngiti ko sa mukha at parang lahat ng excitement ko sa katawan ay biglang bumagsak.



What the?!



“Ganoon po ba?” pekeng ngiting tanong ko.



Ano ba ‘yan! Okay na eh! Okay na talaga eh! Bakit siningit pa ‘yon?! It means kasama rin si Elijah?



Malamang Isabelle, Hernandez Family nga eh, bobo naman.



“Oo anak, mamayang hapon pa ‘yon, halika na rito at mag almusal kana.” nakasimangot naman akong sumunod at umupo sa upuan.



Dibale! Hindi naman siya ang pupuntahan ko ron ‘no! Try ko ring hanapin ang matandang babae.



Kailangan ko siyang makita as soon as possible. Para malaman ko kung sino yung tinutukoy niya!


Nag ooverthink ako nang malala dahil sa sinasabi ng matanda eh.



Nag simula na kaming kumain at pagkatapos din non ay dumiretso ako sa likod ng bahay para makalanghap ng fresh air.



Pumunta ako sa puno kung saan ako namulat at nalaman kong na reincarnate ako sa katawan ni Isabella.



Umupo ako roon at tinitigan ang kalangitan.



Na reincarnate pa ako kung mamatay rin pala ako, pero hindi ko hahayaan ‘yon, lalo na‘t nalaman kong pwede akong bumalik sa totoo kong katawan.



Sa katawan na kung saan mas sanay ako at nakakakilos nang hindi nag pa-panggap kung saan din ay mas ligtas ako lalo na‘t patay na si Isabelia.



Bigla akong napa-isip.


Sino yung taong magagalit sa akin at kaiinggitan ako?



Isang tao lang ang pumapasok sa isip ko...



Napangisi ako, mukhang bumabaliktad na ang kwento ah? Hinawakan ko ang leeg ko at bahagyang inikot ang ulo ko.



Kahit wala naman akong ginagawa ay napapagod ako, tsk!



Ang hina naman ata ng katawan ni Isabella?!



Sabagay, sa panahon na ‘to ay lalaki ang mas kumikilos kesa sa babae.



Tatlong araw na akong narito pero ang dami na kaagad ang nangyari sa akin.



Ano naman ang susunod? Dapat yung may thrill para naman mag enjoy ako.



Hindi ko alam kung saan chapter na ako sa kwento na ‘to pero ang alam ko ay wala namang nangyayaring ganito sa kwento! Gosh!



Napapikit ako nang biglang lumakas ang hangin.



“Binibini.”



Napadilat ang mata ko at bumungad sa akin ang matandang babae.



Nanlaki ang mata ko at agad na tumayo. “Ale, sino yung papatay sa akin?” agaran kong tanong.



At least hindi ko na siya hahanapin pa mamaya diba? Para tamang gala nalang ako mamaya sa San Lazaro at enjoyin ang paligid.



Hinawakan ulit nito ang kamay ko pero ako ay nakatingin lang sakaniya. “Masiyadong malabo ang nakikita ko sa ‘yo, malabo ang tao na ‘yon, pero isa lang ang nasisigurado ko.”



“A-ano ‘yon?”



“May isang lalaking dadating sa buhay mo at mamahalin niyo ang isa‘t isa habang kayong dalawa ay nabubuhay, eto rin ang dahilan kung bakit....bakit ka niya papatayin.”



Ano raw?! Mamahalin ang isa‘t isa?! Cringe!



Kinilabutan ako ron.



Nang dahil sa lalaki lang ay papatayin na kaagad ako? Loh pag-inggit, pikit.



May isang tao tuloy akong naalala dahil don! Tss.



“Teka.” muli akong napatingin sa matandang babae nang muli siyang mag salita.



“Mapapahamak din ang lalaki na ‘yon, delikado ang mga buhay niyo.”



Sino ba ang mga tinutukoy niya? Kating kati na akong malaman kaso malabo raw!



“Nararamdaman kong palapit na ang lalaking mag mamahal sa ‘yo kahit na hindi ikaw ang tunay na nasa katawan na ‘yan.” mas lalong nanindig ang balahibo ko dahil sa sinasabi niya .



Inagaw ko ang kamay ko sakaniya. “Ano ba ang sinasabi niyo riyan?” inis na tanong ko.



“Narito na siya.” saad niya bago nag laho.



Anong nandito na siya?!






Binibining Isabella.”




***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net