KABANATA 11

Background color
Font
Font size
Line height

Napatingin ako sa likuran ko nang tawagin ako ni ina pero hindi rin nag tagal ‘yon dahil humarap kaagad ako sa matanda.





Nasaan na ‘yon?





Bakit bigla siyang nawala?!





Wahh si Ina kasi biglang nasulpot! Hindi ko tuloy nalaman kung sino ang tinutukoy niya.





“Anak, ano ang ginagawa mo riyan?”





Hindi ko pinansin si ina at nag papalinga-linga ako kung saan saan dahil wala na akong makitang bakas ng matanda, wala na rin yung parang tent na pinasukan namin kanina!





Isang dingding na bato nalang ang narito na parang walang nakalagay na tent dito.




“Sino ang hinahanap mo anak?”





“I-ina wala ba kayong nakita na matandang babae rito?” tanong ko.





Kailangan kong malaman kung nasaan siya dahil hindi ko pa nalalaman kung sino yung tao na ‘yon para makabalik kaagad ako sa katawan ko!





“A-anak wala namang matandang babae riyan, nakita kita rito na nakatulala lang sa dingding na iyan.”





Nakatulala?! paanong nangyari iyon?!





Imposible! Nakikipag-usap ako sa matandang ‘yon dito mismo sa kinatatayuan ko.





Hindi kaya pagpasok ko palang sa loob ng tent niya kanina ay siya ring pagkatulala ko sa dingding, ginamitan ba niya ako ng mahika?!





Ibig sabihin ako lang ang nakakakita sakaniya... Piste!





Umiwas na ako nang tingin at umayos ng tayo, ngumiti ako kay ina. “Wala po ‘yon ina, tapos na po ba kayong bumili?”





Kahit nagtataka ay ngumiti na rin siya sa.akin. “Oo anak, halika na at umuwi baka abutin tayo ng gabi.” tumango na ako at inayos ang puting belo sa ulo ko bago kami sabay na nag lakad.





“Ako na po ang mag bibitbit nito, ina.” sabi ko bago kunin ang dala niya, sinilip ko ang loob at ang dami kong nakikitang baro‘t saya at iba pang mga damit.





“May binili ka po bang damit para sa akin, ina?” nakangiting tanong ko.





“Oo naman anak, ikaw pa ba ay mawawalan?”





Napangiti ako sa sinabi nito, napakasarap naman sa pakiramdam! “Salamat po.”





“Walang anuman, anak.”





Kinuha ng isang Gwardiya Civil ang bitbit ko bago kami alalayan ni ina na sumakay, nang makasakay na kami ay muli na naman akong tumingin sa labas.





Sino kaya yung tinutukoy ng matandang babae na ‘yon?





Napatingin ako kay ina na ngayon ay nakatingin din sa labas, sa kabilang bintana naman siya.




Bigla tuloy ako nag dalawang-isip. Aaminin ko na masaya ako sa pamilya ni Isabella rito, kahit na wala na ang totoong Isabella.





Pero hindi ko rin maiwasan na isipin, paano pag nalaman nilang hindi ako yung totoo nilang anak, ano ang gagawin nila?





Baka itakwil nila ako, uso pa man din ‘yon sa panahon na ‘to. Pero bago ‘yon ay aalamin ko muna yung taong papatay sa akin.





Hindi ako ang kontrabida rito, gagawin kong mabait at mahinhin na babae si Isabella rito.





Napangiwi kaagad ako sa naisip pero kung hindi ko na keri ang pag papanggap, lagot ang mga kakalaban sa akin.





Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa paligid.





If i‘m not the real antagonist...





Who is the real antagonist?





Nakarating kami nang maayos sa mansyon pero ang utak ko ay okupado pa rin tungkol kanina.





“Anak, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala?” nag-aalala nitong tanong na ikinangiti ko lang.





“Ayos lang ako ina, wag niyo na po akong alalahanin.” sagot ko.





Ngumiti siya sa akin bago inabot ang bitbit niyang bag na may lamang binili niya kanina. “Sa iyo ito, sukatin mo na sa iyong kwarto at bumaba kana pagkatapos dahil tayo ay mag hahapunan na.” tumango ako bago kunin ang bag na ‘yon.





“Salamat ina.” saad ko bago maglakad na papuntang kwarto ko.





Nang makarating ako ron, inilapag ko muna sa kama ang bag bago dumiretso sa bathroom.





Tumapat ako sa salamin at saka ko tinanggal ang puting belo bago ito inilagay sa gilid.





Muli akong napatingin sa salamin at tinitigan ang mukha ni Isabella.





May taong nagagalit sa ‘yo, kakainggitan ka niya at laging nasa isip nito ay inaagawan mo siya.... Siya ang papatay sa ‘yo.



May taong magagalit sa ‘yo, kakainggitan ka niya at laging nasa isip nito ay inaagawan mo siya.... Siya ang papatay sa ‘yo.



May taong magagalit sa ‘yo, kakainggitan ka niya at laging nasa isip nito ay inaagawan mo siya.... Siya ang papatay sa ‘yo.





Kung sino ka man, sisiguraduhin kong luluhod ka sa akin at mag mamakaawa na bigyan ka pa ng chance na mabuhay.





Hindi ko hahayaan na patayin mo ‘ko, uunahan kita at aalamin ko kung sino ka, hindi mo ako pwedeng saktan lalo na‘t nalaman kong pwede pa akong bumalik sa totoo kong katawan.





Nag hilamos ako bago ulit tumingin sa salamin, napangisi ako.






May galit saakin? Kakainggitan ako?




Bahagya akong natawa




Sino ka kaya? I‘ll find you, ready yourself bitch.





Tumayo na ako nang maayos at nag simula nang hubarin ang suot ko at naligo na.











Natapos na rin akong maligo at natapos na rin ang pagsusukat ng mga damit na binili ni Donya Ilaura.





They're beautiful and yet simple. Parang nagugustuhan ko na rin mag suot nang mahahabang damit.





Pababa na ako ngayon ng hagdan para mag hapunan kasama ang pamilya ni Isabella, ngayon ko nalang ulit naranasan na may kasabay kumain sa hapagkainan.





Nakarating ako roon at nakita ko si ama na nag babasa ng isang libro





Book lover ba siya? Hmp.





“Halika na rito, Isabella.” kita kong kakarating lang ni ina na galing ata sa kusina at may bitbit pa itong palayok.





Nag lakad na ako papunta sa lamesa at umupo. “Anak kamusta ang pag punta mo sa bayan?”





Ngumiti naman ako. “Ayos lang ama, napakaganda po roon.”





“Buti at sumama ka sa iyong ina.” saad nito habang patuloy pa rin sa pagbabasa.





“Nainip na po kasi ako sa bahay, kaya sumama nalang ako.”





“Oh tama na ang kwentuhan dahil tayo ay kakain na.” pukaw ni Donya Ilaura bago ilapag ang palayok.





Binuksan ni Donya Ilaura ang palayok at sumingaw ron ang mabangong amoy




Woah, amoy pa lang halatang masarap na.





“Niluto ko ang paborito mong adobo, anak.” parehas pala kami ng paborito ni Isabella?





Diyan tayo magkakasundo, Isabella! Hindi naman binanggit sa kwento ang gusto at ayaw ng isang Antagonist, dahil nga mas focus sa Protagonist.





“Maraming salamat, ina!” nakakataba ng puso na may nag luluto sa ‘yo nang paborito mong ulam.





“Walang anuman, anak.”





Nag dasal muna kaming tatlo bago nag simulang kumain, masaya ang hapunan na iyon para sa akin.





Sa pakiramdam na yon parang ayaw ko na tuloy umalis.





Matapos ang hapunan namin ay nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nag papahinga para makabawas sa busog dahil matutulog na rin ako.





Nang maayos na ako ay saka lang ako humiga sa kama at tuluyan nang nakatulog.












***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net