KABANATA 10

Background color
Font
Font size
Line height

Tinakpan ko ang ulo ko gamit ang puting belo na ibinigay sa akin ni ina, kakarating lang namin sa bayan na sinasabi niya at ang dami ko ngang nakikitang tao.





Bumaba na kami sa kalesa at namangha talaga ako sa mga nakikita ko. Ang daming tao ang bumibili ngayon ang iba naman ay mukhang gumagala?





“Halika na anak, huwag na huwag mong ta-tanggalin ang iyong belo." paalala nito.





"Huwag na huwag ka ring makikipagtitigan sa mata ng lalaki dahil pag tinitigan mo sila nang matagal ang ibig sabihin lang nito ay inaakit mo sila.”





Nanlaki ang mata ko at napatingin kay mama.




Nang aakit?! Grabe naman!





Pero bigla rin akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kahapon.





Shit! Tinitigan ko sa mata si Elijah kahapon, nang aakit na ba ako non? Tinitigan din naman niya ako eh! Ang tagal pa kaya non.





“Ayos kalang ba Isabella? Bakit bigla kang namutla, anak?”





“A-ayos lang po ako, ina.” masiyado na akong halata, kasalanan din naman ng kupal na ‘yon eh!





“Sigurado ka?” paninigurado pa nito na ikinanguso ko nang palihim.





“Opo.” sagot ko nalang para hindi na siya mapahaba pa, baka kasi humaba pa at nag kwekwentuhan nalang kami rito!





Iwinaksi ko nalang sa isip ko ang nangyari kahapon, past is past and never discuss! Tapos na ‘yon Isabelle, mag move-on kana.





Muli akong kumapit kay ina nang magsimula na ulit kaming maglakad. Panay ang libot ng tingin ko sa bawat tindahan na nadadaanan namin.





Namamangha ako sa mga presyo! Sobrang mura pa ng mga bilihin dito lalo na ‘yong tinapay!





Kung ganito pa rin siguro ang presyo sa kasalukuyan, siguro ay walang nag hihirap na pamilya o kaya walang nagugutom na mga pulubi sa paligid.





Makakabili lahat ng tao kahit ang pulubi pa man, pero wala. Mga corrupt ang mga tao sa kasalukuyan, iniisip lang nila ang sarili nila hindi yung mga nasa paligid nila.





Kaya marami rin ang gumagawa ng kasalanan, tulad ng pagnanakaw, pang hohold-up, pangkikidnap at iba pang bagay.





Siguro kung nagdala ako ng isang libo rito, ako na siguro pinakamayaman sakanila. Tapos bigyan ko sila tig-isang daan, o diba richkid ako.





Dapat pala ginawa ko ‘yon! Hindi ko naman aakalain na mamatay ako ng maaga! Bwesit ‘yang si Isabelia!





Pag talaga na tegi ulit ako hu-huntingin ko siya sa impyerno! Pinapahirapan niya ang buhay ko eh. Sakit sa braincells ang babaeng ‘yon!





Bahagya akong napailing, ang dami kong nakikitang mga babae na sobrang hinhin kung kumilos dito, siguro may mga kaya ‘to sa buhay kaya ganiyan ‘yan





Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ko, hindi na nga ako mahinhin, malakas pa raw yung boses ko.





Kung inggit siya sa lakas ng boses ko, edi gumaya siya! Akin na ‘tong katawan na ‘to kaya kung manuntok man ako ngayon wala akong pake-alam.





Bwisit.





“Anak, diyan kalang muna dahil may bibilhin lang ako ron, para hindi ka mainip ay mag tingin-tingin ka nalang muna riyan. Tandaan mo ang lugar na ‘to, dito dapat tayo magkikita.”





Napatango naman ako at ngumiti kay ina. “Sige po ina, kaya ko naman ang aking sarili.”





Ngumiti lang din sa akin si Donya Ilaura at umalis na ito sa tabi ko kaya nang nawala na siya sa paningin ko ay saka lang nawala ang ngiti ko sa labi at napalitan ito nang walang emosyon.





Nakakangalay naman ang ngumiti nang ngumiti sa lahat! Lalo na yung hinhin na ‘yan, pucha!





Kung kilos lalaki ako, wala na akong pakealam basta komportable ako sa kilos ko!





Inayos ko nalang ang puting belo sa ulo ko bago ako maglakad-lakad sa paligid, wala man lang akong nakikitang kalat, pero sa kasalukuyan kung saan-saan tinatapon ang basura.





Tapos lalo na yung mga lalaki, kung saan-saan umiihi! Dugyot.





“W-wala pa po kaming ipangbabayad, sa susunod nalang po.”




“Hindi maaari! Gusto na ni Don Rolando na ngayon kayo mag babayad!”





“P-pero wala pa po talaga kaming kinikita.”





“Lapastangan!”





Napukaw ang tingin ko sa dalawang matanda, babae at lalaki na nag mamakaawa sa isang Gwardiya Civil.





Napakuyom ang kamao ko nang sinampal ng Gwardiya Civil ang matandang lalaki. Hindi niya ba naiintindihan na wala pa ngang kinikita ang dalawang matanda?!





Atsaka ano raw? Don Rolando? Familiar sa akin ang pangalan na ‘yon.





“M-maawa po k-kayo sa amin, parang awa niyo na.” halos lumuhod na ang matandang babae sa harapan nila.





Ang ibang tao ay nanonood lang at yung iba ay nilalampasan lang na para bang sanay na sanay na sila sa ganito.





Paano nila natitiis yung ganiyan? Sabagay siguro ayaw lang talaga nilang madamay sa gulo ng iba.





Ayoko rin sa lahat ‘yung may inaabuso, akmang pupunta na ako doon nang biglang may humawak sa kamay ko.





“Hindi ikaw ang nag mamay-ari sa katawan na ‘yan, tama ba ako binibini?”





A-ano?





Paano niya nalaman?!




Napatingin ako sa matandang babae na nakahawak sa kamay ko, tinignan ko ang kabuuan nito at masasabi ko lang ay mukha siyang witch.





Yung parang katulad sa matanda doon kay snow white, yung may tungkod tapos nakayuko na parang kuba.





“Ano po ba yung sinasabi niyo?”




Paano niya nalaman na hindi ako yung totoong Isabella?





“Halika at sumama ka sa akin.” nag alinlangan pa ako, napatingin ako sa paligid dahil baka hinahanap na ako ni ina.





Hindi ko pa naman nakikita si ina, tinignan ko ang matandang babae na nag si-simula nang mag lakad.





Sinundan ko lang siya at panay tingin din ako sa paligid, tumigil siya sa isang tapat na maliit na parang may telang nakaharang, pumasok siya ron.





Lalo tuloy akong nag alinlangan na baka mamaya may gagamitin siyang spell ‘no, kaya ko namang lumaban hindi lang ako makagalaw masiyado sa suot kong baro‘t saya!





Pumasok na rin ako pero nakahawi naman yung tela para mag silbing pintuan, umupo siya ron at tumingin sa akin.





“Hindi ikaw ‘yan, sino ka?” napalingon ako sa likuran ko bago tumingin sakaniya.





“Paano niyo nalaman na hindi ako ‘to?” seryoso kong tanong, mahirap na baka ipagkalat niya pa sa iba.





“Kanina, nakita kita kasama ang iyong ina. Naramdaman ko kaagad na hindi ka taga rito.”





Nag buntong hininga ako dahil sa sinasabi niya. Paktay ako nito, may nakakaalam na hindi ako ang totoong Isabella.





“Taga-saan ka binibini?”





Taga earth, tototototot





Syempre joke lang ‘yan ‘no! Baka hampasin ako ng tungkod niyang napakahaba.





I cleared my throat. “Sa malayong lugar, namatay ako nang dahil sa kapatid kong babae at pag gising ko ay nandito na ako sa katawan na ‘to.”





I didn't tell her na nasa loob kami ng isang kwento baka mamaya mag wala ‘yan dito eh.





O baka naman alam na niya? Edi mas mabuti kung alam niyang nasa loob kami ng story, diba?






“Gusto mo pa bang bumalik sa totoo mong katawan at mundo?” biglang nag pantig ang tenga ko dahil sa narinig.





Pwede pa akong makabalik sa totoo kong katawan?!




Bigla akong na-excite sa hindi malamang dahilan. Babalik daw ako sa totoong katawan ko!





“Paano?” pilit kong hindi ipinakita ang kasabikan ko. Mahirap na baka mamaya hindi niya pa sabihin sa akin.





Kinuha nito ang kamay ko hindi na ako pumiglas pa dahil mukhang alam ko na ang gagawin niya.





Hindi kaya ‘to scam? Nako pag scam talaga ‘to magwawala ako!





“May mamatay.”





Ano?!





“S-sino ang mamatay?” tanong ko, sana naman hindi yung katawan ni Isabella ‘no!





Hindi niya pinansin ang tanong ko at patuloy pa rin sa pag hawak sa kamay ko.





“May taong nagagalit sa ‘yo, kakainggitan ka niya at laging nasa isip nito ay ang inaagawan mo siya.” tumingin ito sa akin.





“Siya ang papatay sa ‘yo.”





Ewan ko pero medyo kinakabahan ako sa sinabi niya. “Habang maaga pa ay alamin mo na kung sino ang tao na iyon at unahan mo na siya sa masama niyang balak.” saad nito at tumingin nang diresto sa mga mata ko.





“Ang tao bang ‘yon... Siya ba ‘yung dapat mamatay para makabalik ako sa dati kong katawan?”





“Oo binibini, hangga‘t maaari, manatili kang buhay. Unahan mo ang masasamang tao na balak kang patayin sa bandang huli.”





“S-sino ang tao na ‘yon? Sabihin mo sa akin.” desperada kong saad.





Mas mabuting maaga ko nang malaman para makapaghanda ako, hindi yung nag papatumpik-tumpik pa siya diba!





“Siya ay si─.”








“Anak.”










***
yrioosterical.


You are reading the story above: TeenFic.Net