EPILOGUE

Background color
Font
Font size
Line height

Author's note: This epilogue is long overdue. Akala ko kasi, na-post ko na ito that's why my attention is already on TRA2: Insatiable Man. lol. Anyway, THANK YOU SO MUCH for joining Cara and Dash to their journey. I hope na-enjoy ninyo ang 50 chapters ng buhay pag-ibig nila. See you on my next stories!

PS: Huwag nyong gagawin sa damuhan, okay? lol


RECKLESS

Epilogue



Caramel Ty Cruz's POV:

"Are you sure about this?"

Hindi ko alam kung pang ilang tanong na nila sa akin 'to. Ang una ay si Sebastian, sumunod ay si Mama at Papa tapos ngayon ay si Kuya Hans naman. Pakiramdam ko ay hindi ako ikakasal kundi bibitayin dahin pare-pareho silang nakakunot ang mga noo habang nakapalibot sa akin ngayon.

"Yes, Kuya," I answered as I sits beside him and hugged him from his side. Gumanti naman ng yakap si Kuya Hans at dinampian ako ng halik sa sentido. "Huwag na ninyo akong paiyakin! Sayang naman ang make-up ko. Magagalit si Keira 'pag nagkataon." I said, glancing at Sebastian.

"What?" aniya sabay irap sa akin na tinawanan ko lang.

"Huwag ka ng masungit. Ayaw ni Keira sa masusungit."

Lumapit sa amin si Mama at ibinuka ang dalawang kamay sa harap ko. I smiled at her as I stood up and get inside her arms.

"Masaya akong sa ganito kayo humantong ni Dash, Cara. Ingatan mo palagi ang pamilya mo sa anumang paraan dahil walang yaman ang makatutumbas sa isang masaya at buong pamilya." Aniya habang magkayakap kami.

"Mama naman, eh!" Kunwa'y reklamo ko at lalo pang hinigpitan ang yakap sa kaniya.

Ngayon ko lang nayakap si Mama ng ganito. She's always strict towards me. Buong akala ko talaga noon, kaya ganoon siya ay dahil sa anak ako ni Papa sa ibang babae pero noong mas nakapag-isip isip ako at nagkausap kami noon, nalaman kong para rin sa akin ang lahat.

"I failed as a second mother to you, anak. Pero masaya akong makita ang ngiti sa mga mata mo at nakikita kong magiging mabuti kayong magulang ni Dash. Hindi ko man nasabi sa'yo noon pero mahal kita, anak. Itinuring kitang parang sariling akin pero naroon ang takot ko na baka magkamali kang tulad ko noon kaya naging mahigpit ako. Patawarin mo sana ako, anak."

Umiling ako. "Hindi po kayo dapat nagsasalita ng ganiyan. Masaya po ako na lumaki na may natatawag na Mama."

"Tama na iyan, Mama! Naiiyak na si Cara. Group hug nalang tayo, dali!" ani Ate Airra at bago nila ako pinalibutang lahat para sa isang group hug.

"Eherm!" isang eksaheradong tikhim ang nagpabitaw sa amin sa group hug na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa bungad ng pintuan na kinaroroonan namin.

"Blake!" I said, excitedly as I run towards him.

Sinalubong niya ako ng yakap habang parehas kaming natatawa. Inikot-ikot pa niya ako kaya lalo akong natawa.

"Congratulations on your wedding. I really didn't expect this, Cara. I thought, tayo ang end game, eh." Anito sabay abot sa akin ng isang pumpon ng samu't saring bulaklak na tila pinitas lang kung saan. Sa panyo lang din iyon nakatali kaya lalo akong napangiti. "Hi, Tito Carlos! Bumaba na raw po kayo. Ako na po ang bahala kay Cara. We'll just catch up a little. Mga two hours. Ganon." Sabay tawa niya.

Hinampas ko siya sa braso nang makaalis sila Papa. "Ang tigas, ha?! Ang sakit sa kamay!" kunwa'y reklamo ko na ikinatawa niya. "But thank you for this! Siguro, kung hindi umepal si Dash, baka nga tayo ang nagkatuluyan. Type na type ko kaya ang mala-pancit canton mong buhok!" ganting biro ko sa kaniya.

Blake look dashing on his cream button down shirt paired with khaki pants and brown leather mid-cut boots. Mukhang bagong gupit din at bagong ahit. He looks so different now.

"Mas guwapo naman kasi ako sa asawa mo. Just look at my face," yumukod siya ng kaunti para magpantay ang mukha namin. Inalis pa niya ang light brown niyang salamin kaya kitang-kita ko kung gaano kaganda ang berde niyang mata.

Wait. What?

I cupped his face in my both hand. "Are you wearing contact lenses?" tinitigan ko pa iyong mabuti.

Tumawa siya. "That's the real color of my eyes, babe. Mesmerized? 'wanna ditch your wedding and run away with me instead?"

Sinuntok ko siya sa dibdib na lalo lang ikinalaki ng ngisi niya.

"For real?" muli kong tanong. Though hindi naman imposibleng berde rin ang mga mata niya dahil ang nakatatandang kapatid niyang babae ay berde rin ang mga mata na namana sa ina.

"Yeah. I'm just wearing dark brown contact lenses before because I have some issues with my eyes. Besides, ayokong matawag na nerd by wearing glasses though I will be the sexiest one." Kibit balikat niya. "But then again, congratulations, Cara!" sabay yakap niya sa akin ng magaan. "You have wonderful kids. I saw them earlier and," inakbayan niya ako at iginiya pababa. "Everyone's waiting downstairs."

And there I saw my old friends back in college.

"Bawal paiyakin ang bride!" anunsyo ni Keira at saka itinaboy ang lahat ng nakapaligid sa akin. "Magsisimula na ang kasal. Go back to your seats, kids!" anito bago ako lapitan at ilagay ang flower crown ko.

"Thank you." I told her at isang irap ang ginawa niya bago ako niyakap.

"Alagaan mo si Kuya ng mabuti, ha? He's the best kuya in the world kaya and I know he can be one of the best husband, too." She smiled then kissed my cheeks. "Especially in bed!" sabay takbo niya ng tumatawa. Nakita ko pa nang matisod siya at muntik ng madapa. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Kieran na noo'y patungo sa akin kasama si Sean.

The church wedding that our parents have been waiting for didn't happen. Sa halip ay mas pinili naming dito na lamang sa Hacienda Cervantes gawin ang kasal. Noong una ay sa rest house dapat pero nang malaman namin na marami pala ang makakadalo ay ipinasya naming gawin iyon sa Hacienda Cervantes na pag-aari ng pamilya nila Sean na siyang suhestiyon rin ng pamilya Kho tutal naman daw ay magkalapit lang ang dalawang lugar.

Hindi kasi kasya sa rest house ang mga bisita dahil ten bedrooms lang ang mayroon samantalang sa Hacienda Cervantes ay may dalawang villa at higit na maluwang at mas maraming makikitang mapaglilibangan.

"Let's go?" inilahad sa akin ni Sean ang kamay na malugod ko namang tinanggap. Dalawang metro mula sa amin ay ang kaniyang matikas na kabayo na hawak ng isang katiwala na sa pagkakaalala ko ay Caloy ang pangalan.

I smiled at him. "Parang tayo ang ikakasal, ah!" biro ko sa kaniya. "And you cut your hair short. Ang guwapo mo lalo." Puri ko pa na sinuklian niya ng isang irap bago ako walang kahirap-hirap na isinampa sa kaniyang kabayo.

My wedding dress was made of light fabric in off white shade with laces as its design. Not too flashy, not too simple but elegant made by no one but Eunice Telpace.

"Is it really okay for you to ride a horse?" Sean asked as he mounted the horse and now behind me. One of his hands was on the reign while the other was around my waist, supporting me.

"Yes. Basta huwag lang daw akong magpapatakbo ng masyadong mabilis. Isa pa'y minsan ko lang naman ito gagawin at ilang minuto lang ang magiging takbo natin. The doctor already gave us a go signal for this so you have nothing to worry."

"Alam na ba ni Dash ang tungkol sa akin?" nagsimula ng lumakad ang kabayo.

The wedding will be held near the falls. Iyon ang napili naming lugar para pagdausan ng kasal. Isa pa ay very refreshing ang batis roon na sa ganitong panahon ay mababaw lamang ang tubig. Hindi na rin kailangan pa ng mga tent para maging lilim dahil sapat na ang mayayabong at matatayog na puno ng Hacienda Cervantes lalo na saparteng iyon. Ang problema nga lang talaga ay hindi iyon nararating ng sasakyan at tanging kabayo lamang o motor ang maaaring makadaan. Ang ibang hindi na maaaring sumakay sa kabayo o hindi marunong ay sa helicopter nakasakay.

Umiling ako. "Ang sinabi ko lang ay ang tungkol kay Litte Rice Cake."

I was really glad that even after all the things that happened between me and Sean, our relationship as a friend stays the same.

Noon ay nagkasundo kami na kung ipipilit kaming ipakasal sa isa't isa ay papayag na kami para sa aming pamilya. Pero malinaw sa aming pareho na walang ibang relasyon na magaganap sa pagitan namin maliban sa pagiging magkaibigan.

"I am planning to tell my parents about it."

Nabigla ako sa sinabi niyang iyon kaya nawalan ako ng kibo. Hanggang sa makarating kami sa pagdarausan ng kasal ay nananatili pa rin akong tahimik.

Bumaba si Sean at inalalayan akong makababa rin – more on, ibinaba niya ako.

"Congratulations on your long overdue wedding, Caramel. Tama na ang gawa ng bata. You already have a big family." He said as he kisses my forehead and leads me to where my father is.

I look around and found that everything was majestic. Hindi mo aakalain na isang buwan lamang ang naging preparasyon. Our wedding is Boho theme inspired. Tila ngayon lamang nag sink in sa akin na talagang ikakasal na ako. Na ilang minuto mula ngayon ay hindi na ako si Cara Cruz o Caramel Ty kung hindi si Mrs. Caramel Telpace na sa mata ng Diyos at sa mata ng lahat ng naririto dahil hindi naman lahat ay alam ang naging kasal namin ni Dash sa China.

Looking at the people around me, I can say that I really have a big family. Some are not related in blood but bonded by love.

Pakiramdam ko ay wala ako sa Pilipinas. Halos walang itulak-kabigin sa mga narito. Lahat ay magagandang lalaki at babae. The kids were looking so cute with their own outfit!

"Mommy!"

And speaking of. My two soldiers look so handsome on their own.

Lumapit sa akin ang dalawa kong anak. Niel was holding Taro's right hand and behind them was Dashiel's parents. Sa likod ng mga ito ay sina Ran, Elle at Prinsipe na buhat ang natutulog nilang bunsong anak. Si Ice, ang kanilang panganay ay nakangiting kumakaway sa akin.

I smiled at them bago hinarap ang dalawa kong binata.

"Ang guwapo naman ng mga anak ko!" I kissed both of their cheeks and Taro giggles.

"Daddy said I love you and I really do, mommy." Ani Taro na cute na cute sa outfit niya kulay off white. Hindi pa ito matatas magsalita pero maiintindihan naman. His cheeks were so red he looks like a doll already – a chubby one for that matter.

Umiling naman si Niel. "It's not like that. Dad said that he loves mommy and that you have to tell her that." Pagtatama ni Niel sa kapatid na tila naguguluhan na.

Napangiti na lamang ako. They are so adorable! Ngayon pa lamang ay nakikita ko na si Niel bilang maliit na bersiyon ng kaniyang ama.

Hindi ko alam kung dahil ba sa buntis ako o talagang nakakaiyak lang na narito ang lahat ng mahal namin sa buhay para saksihan ang pag-iisang dibdib naming ni Dash pero hindi ko talaga mapigil ang pangingilid ng mga luha ko.

"Papa, I'm so happy." I said while marching towards Dashiel. I can't clearly see his face because of the unshed tears but his figure... his physique was more than enough to make my heart beats erratically.

Papa taps my hand which lying on his arm. "I know. He is, too. And his nose was red right now." Bulong ni Papa na bahagya pang natawa. "Para namang first time ninyong ikakasal."

Natawa na rin ako at piniling huwag ng magkomento.

Nang marating namin ang harap ng makeshift altar kung saan naghihintay si Dash at ang magkakasal sa amin, I know from that moment that the recklessness we did years ago was something to be thankful that without it, there's no Mrs. Dashiel Luis Telpace right now.


End.

You are reading the story above: TeenFic.Net