Chapter 7

Background color
Font
Font size
Line height

01/05/19


RECKLESS
Chapter 7:


I inhaled deeply before heading outside the school premises. Paglabas ko palang ng gate ay may huminto na sa tapat kong isang itim na audi.

I almost rolled my eyes on that.

I mean, they're rich, okay. Pero kailangan ipangalandakan? Pero sabagay, hindi lang naman siya ang may magarang sasakyan sa eskwelahang ito. Sadyang sa kaniya lang ako inis.

"Hop in." He casually said like we're close.

Eh ano pa ba ang magagawa ko kung hundi ang sumakay?

"Seat belt, Cara."

Cara.

He knows my name and hearing if from his lips sends chills to my body.

Parang ang dali para sa kaniyang bigkasin; para bang iyong pangalan ko ay meant fot him to utter na lalong nagpapakilabot sa akin. Tapos ako heto, ni hindi ko mabanggit ang pangalan niya kapag magkaharap kami.

"I know." Pagtataray ko pero sa totoo lang. Muntik ko na talagang makalimutan ikabit ang seat belt.

Dumating kami sa ospital na pag-aari ng pamilya nila ng walang kibuan. He wanted to know the condition of the baby kahit na sinabi ko naman na sa kaniya na na-check up na ako ng Tito Axl niya and that I'm taking all the necessary medicine for me and for the baby pero ang kulit pa rin niya. Kinakabahan na tuloy ako.

Why? Kasi wala pa talaga nakakaalam na siya ang daddy!

I was fidgeting on the hem of my blouse when I heard him again. Nagulat pa talaga ako at pagtingin ko sa kaniya ay na sa labas na siya at naipagbukas na ako ng pinto. He was offering his hand pero nagpanggap akong hindi ko nakita at mabilis umibis ng nakayuko.

I heard him sighs.

"This way. We'll be using the private lift." Aniya na iginiya ako sa kabilang bahagi ng parking lot kung saan naroon ang private lift nila. Ibang klase talaga!

Naiinis na naman ako pero di ko mapagtuunan ng pansin ang inis ko dahil sa kamay niyang nakaalalay sa siko ko. Like gosh! Bakit ganito?

Kaya ang nangyari, nakarating kami sa pribading opisina ng Tito niya ng hindi ko namamalayan dahil masyado akong naka-focus sa kamay niyang nasa siko ko.

Seeing his uncle's shock upon seeing us together for the first time, doon nag-register sa akin ang hiya at realisasyon na mayroon ng isa sa miyembro ng pamilya niya ang nakakaalam.

"Dashiel, Cara... don't tell me you're here for --"

"A check up, Uncle. She's pregnant with my child."

Napatingala ako kay Dash. Sa tono ng pananalita niya, tila ba walang sinuman ang maaaring kumwestiyon sa kaniya. Diretso rin ang tingin niya sa Tito niya na ngayo'y napahilot sa sentido.

Nagyuko ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan man lamang si Tito Axl. For the past four years, because of Ran, naging malapit talaga ako sa mga Telpace at tanging dito lamang kay Dash hindi.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Dala marahil ng kaba ay napahawak ako sa dulo ng damit ni Dash.

Isang sulyap at hinapit niya ako palapit sa kaniya. Kung kanina ay sa siko ko lamang siya naka-alalay, ngayon ay sa beywang ko na!

"Alam ba ito nila Irinea? How about your father?"

"They will know. For now, we wanted to know the condition of the baby." Seryoso niyang pahayag. Parang hindi niya kamag-anak ang kausap. So sungit talaga.

Hindi na nakipagtalo pa ang uncle niya sa kaniya pero halata ko sa mga tinginan nila ang lihim na pag-uusap.

"Dash, bilhin mo ang mga ito. Balikan mo nalang si Cara para hindi na siya mapagod."

Isang tango at lumabas si Dash. Hinarap naman ako ni Doc. Axl.

"I didn't know that you two were getting along well with each other, Cara."

Ngumiti lang ako kasi ano ba ang sasabihin ko? Ayoko naman na malaman nila ang tunay na dahilan kung bakit ako buntis ngayon. Isa pa, wala pa kaming malinaw na usapan ni Dash.

"Dash maybe cold but if you will get to know him better, you'll see how good he is as a man. Kung bakit kasi namana niya ang kasungitan ni Dwight." Tila isang kunsumisyon dito ang kasungitan ng kapatid.

I couldn't helped but smile. Siya naman ay binilinan ako ng mga dapat na gawin. He even recommend the best OB he knows for me. Kaya noong dumating si Dash ay nagkukwentuhan na lang kami about random things.

"Let's go?" He asked. Isang tango lamang ang isinukli ko bago magalang na nagpaalam sa Tiyuhin niya.

"Uwi na ko. Pakibaba nalang ako diyan sa tabi."

"We'll go meet my parents first before I send you home. And Cara, I want you to move at my place." Gently, he said but the effect on me is too strong to ignore.

"Kilala na nila ako kaya hindi na kailangan." I said, trying to avoid the situation. Alam ko naman na nasa kaniya ang control ngayon. Siya kaya ang nagda-drive! But still, I want to take chances.

"It's different now, Cara." Tila nagpapasensya lang siya; na gusto niyang ipaintindi sa akin kung ano ang kaibahan ng noon at ngayon.

Of course, I know the difference. It's just that I'm not ready for it. Isa pa, ano ba ang balak niya? Ni wala siyang sinasabing kahit na ano sa akin. Hindi naman ako manghuhula para malaman ang na sa isip niya. At ano na lang ang iisipin sa akin ng parents niya? Sure, they are kind hearted person. Pero iba kasi ang sitwasyon. This is not just an ordinary happening to all of us.

Imagine, kami ni Dash na hindi naman close o nag-uusap man lang ay hahantong sa ganitong sitwasyon? I don't even clearly remember how we really did it because I'm too groggy that time.

I was still in a dazed when he stops the car. Tinignan ko ang labas. Na sa entrada na kami ng pribadong subdibisyon nila kung saan tanging ang parents at mga kaibagan lamang nito ang nagmamay-ari. There are more than six mansion inside this private subdivision. The six was owned by the Monroe, Iglesias, Telpace, Knudsen, and Kho. Iyong tatlo ay hindi ko alam dahil madalang lang naman akong mapunta rito.

"We'll do the right thing, Cara."

Cara. He keeps on saying my name like it was his fvorite candy. Ilang beses na nga ba niyang binanggit ang pangalan sa araw na ito?

"And that is?" Hamon ko at tinaasan siya ng kilay. I wanted to know his thoughts. Masyado kasi itong tahimik. Tahimik si Ran pero itong kuya niya, sobra. Libre naman ang magsalita.

"We'll get married."

It was like a bomb to my ear. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa seryoso niyang mukha.

Dashiel's deep blue eyes is staring back at me. Hindi ko mabasa ang emosyong na sa mga mata niya but based on his tone, it seems like he's really determined to do what he said.

"People don't get married just because they're having a child, Dash." Malungkot kong pahayag.

"Do you like my brother?"

"This is not about who I like but what is right." I sighed. Bumaba na rin ako ng sasakyan niya. Mabuti nalang at may puno ng acacia sa malapit. Doon ako pumunta para sumilong dahil mainit.

"Marrying you was the right thing to do."

Hinarap ko siya. He's only a meters away pero dahil patuloy ang paglakad niya palapit, wala akong magwa kung hindi ang umatras hanggang sa tuluyan akong madikit sa malaking puno.

"Bakit napakadali sa'yo na sabihin iyan? Wala ka bang nagugustuhang babae para ako ang alukin mo ng kasal? Halos hindi nga natin kilala ang isa't isa." I sighed. Nakakapagod pala magpaliwanag sa taong nakatitig lang sa'yo na tila hindi ka naririnig.

"In our family, there's this thing called fix marriage. Being the eldest in our generation, I am the one will experience that fix marriage. Si Dad, mayroon siyang ka-fix marriage noon. But my mom came along and she needs help. Dad offers some help since Aunt Amber is so into Dad. To make the long story short, pinakasalan lang ni Dad si Mom para makaligtas sa fix marriage at kay Aunt Amber and at the same time ay nakatulong pa siya." Nakapamulsa niyang saad. Ilang hakbang mula sa akin ay huminto siya sa paghakbang.

Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon pero kung totoo man, parang hindi ko pa rin gusto na ginagawa akong scapegoat ni Dash para makawala sa fix marriage na nakalaan para sa kaniya.

"Nagmamahalan ang parents mo kaya tumagal ang pagsasama nila samantalang tayo, hindi."

Dash heaved a heavy sigh. "You're not listening carefully. They don't love each other, Cara. But along the duration of their marriage, they fall in love."

"So, sinasabi mo na ganoon din ang mangyayari sa atin? That sooner or later, mai-inlove tayo sa isa't isa?" Hamon ko sa kaniya which rendered him speechless for a second.

"I'll make you fall in love to me."

"Wow! As in wow lang, huh? Do you really think that I'll fall for you? What if I don't? The marriage will be a failure? And how about you? Ako lang ba ang kailangang ma-fall?"

I didn't know that he has this self-confidence like what the heck?! Ganoon kataas ang tiwala niya sa sarili? Alam ng lahat na gwapo siya, mayaman, matalino at galing sa prominenteng pamilya. Alam din ng lahat kung gaano siya kasuplado. Some, even me, knows how he treated his girls; no labels, just flings.

"Do you want me to fall for you?" He asked while closing the distance between us, invading my personal space.

"Ayokong... magpakasal." This time, itinukod ko na ang isang kamay ko sa dibdib niya.

I watched him as his lashes falls down, almost covering his blue eyes, when he looked at my hand on his chest before he held my wrist. He is now towering me with his six feet and some inches height and I felt so small.

"Why, Cara?" Aniya sa mababang tinig na halos bulong na lang.

"Bakit ba kasi ipinagpipilitan mo ang ideyang iyan? Hindi nga kasi pwede, Dash." I stomped my feet. Nakakapika rin kasi. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito?

He cocked his brow while suppressing a smile. Kitang kita ko iyon! He's actually about to smile!

Nainis ako bigla kaya inirapan ko siya ng harap-harapan, making him grinned.

"Did you just rolled your eyes on me?"

"Oh, come on! Don't use that line. You're not Christian Grey." I rolled my eyes on him again. Ang sarap pala taray tarayan nitong si Dash. Kaya siguro favourite siya ni Keira.

With a knotted forehead, he sighs like he's trying to understand what I said. Bakit, hindi niya kilala si Christian Grey?

"Okay. What do you want us to do with your pregnancy?" He asked in a very low and manly voice.

Wala akong alam na sagot sa tanong niya. Hindi ako handa. Like... in this whole thing, hindi talaga ako handa. Wala sa plano ko ang early pregnancy. My plans are to graduate, have a nice job, travel abroad, find someone to marry and settle down. Pero sa nangyari, biglang nagulo ang lahat.

Dash was looking at me with his pair of blue eyes. Kung hindi magtatagalog ang lalaking ito, hindi mo iisipin na may dugong Filipino. Now I wonder how our child will look like.

"Saka nalang --"

Naputol iyong sasabihin ko nang tumunog ng cellphone niya. Kaagad naman niya iyong sinagot habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.

"Yeah, were coming. Malapit na kami, Dad."

Nanlaki iyong mga mata. He's really serious on introducing me to his family?! Gusto ko ng tumakbo but then, parang na-sense niya ang gagawin ko kaya mabilis niyang hinuli ang isang kamay ko.

"Hunter and Archer arrived from the States and we're throwing a party for them."

"The marines!" Hindi ko na naitago ang saya. Sa pinsan nila ni Ran, ang kambal na iyon ang ka-close ko and they're back!

"I was thinking not to introduce you to my parents as you were not ready for it but the excitement on your voice was telling me otherwise."

"We're friends at huwag kang ano riyan kaya tara na!"

Ako na ang humila sa kaniya, not paying too much attention on his grim expression.

You are reading the story above: TeenFic.Net