Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

12/25/18


RECKLESS
Chapter 6


February 14. Hindi ko alam pero sobrang naiinis ako ngayong araw na 'to. I mean, I keep on seeing couples, flowers, balloons, teddy bears and chocolates. Kanina, may nakita pa akong nag-confess pero tinanggihan like, gosh! Sobrang showie naman nila sa feelings nila.

"Flowers for Ms. Cara Ty." Kinunutan ko ng noo si Zeke na nakangisi lang matapos ilapag sa kandungan ko ang isang yellow stemmed rose.

"Ano'ng gagawin ko sa rose mo? Ilalaga at gagawing tsaa?" Irap ko sa kaniya. He nudged my shoulder, dahilan para muntik na akong matumba mula sa pagkakaupo. Ang laking tao kaya niya para bungguin ako. Mabuti na lang at nasa kabilang gilid ko si Ran.

"Careful, Zeke." Anito sa kaibigan.

"Then how about spending a week on the Island?"

I rolled my eyes on Zeke. "Your offer is tempting pero alam mong may klase pa." Tapos tumawa lang siya.

I saw Jem and Cres. Sa likod nila ay ang magkapatid na Spade at Blake — the kulot brothers na naharang pa ng ilang kakilala. Tinawag ko agad sila Jem at Cres apara naman hindi lang ako ang nakikita nitong si Zeke.

"Hi, Cara! Tumataba ka yata?" Bati ni Cres. Palibhasa kahit parang construction worker kung kumain ay di sya tumataba!

Hindi ako tabain pero kung talagang nag-gain ako ng weight, isa lang ang ibig sabihin niyon...

Nagkatinginan kami ni Ran. His intense stares makes me realized how he looks like his brother. Oh, how I hate his brother's face! Nakakainis na halos pareho sila ng mukha ng kuya niya kaya pati si Ran ay hindi ko na matignan ng matagal ngayon.

"We're all free on Saturday, right?" Ani Ran. Pakiramdam ko, iniiba lang niya ang usapan.

"Ay, may lakad kami ni boyfriend sa Saturday." Ani Jem. "Bakit, ano'ng meron?"

"Zeke's going to bring us on their Island. They have chopper so we have nothing to worry." Naka-ngisi na ngayon si Ran.

Ngumuso si Zeke. "I can't fly that thing, yet."

"We can ask your brother, Zeke. Come on! We need a break!" Ani Cres na niyugyog pa ang balikat ni Zeke. Halos mahatak na nga rin ang tshirt ng huli.

"Papayag na iyan! Papayag na iyan!" Jem chanted na sinabayan ko pa habang natatawa.

"Hey guys! Ano'ng mayroon?" Ani Blake na kadarating lang. Kasama nito ang dalawang kapatid na si Spade at Prim.

"Hi, Ate Cara! Blooming ka today!" Ani Prim na sumiksik sa tabi ko. Close na kami. Sayang nga lang at walang pag-asang maging kami ng Kuya niya.

"Mas maganda ka pa rin." Natatawa kong hayag. She knew that I like her brother. Kung paano niyang nalaman ay hindi ko alam.

"I know right." She said, flipping her long jet black hair I envied so much. Sobrang straight at silky kasi ng buhok niya samantalang iyong sa akin, habang humahaba, nagiging brown iyong dulo at may kaunting curl.

"Alright! Alright! But I'll ask my brother first." Ani Zeke at ni-head lock pa si Cres na tatawa tawa lang. Bagay talaga — bagay na magpatayan.

We waited for Zeke until he finished his talk with his brother — Theon who's so damn hot but snob.

"He's busy." Ani Zeke pagkatapos makausap ang kapatid. "May business conference silang pupuntahan ni Dad sa Hongkong." Anitong tila nakahinga ng maluwag. Alam naman kasi namin na labag sa loob nito ang pag-o-offer ng isla nila. Ang damot kaya nitong si Zeke!

"I know someone who can fly that thing." Ani Blake na nakangisi sa tabi ni Ran. Ang gwapo talaga ni Mr. Pancit Canton ko!

Nangalumbaba ako para matitigan pa si Blake. Ewan ko ba, kahit na nakakainis yung unruly hair niya, gustong gusto ko pa rin siya. He's a free spirited person. Maloko pero maasahan sa mga seryosong bagay. Pero sana, tulad nung feelings ko kay Ran dati, sana mawala na rin itong nararamdaman ko para kay Blake. Wala na kasing pag-asa. Kumbaga sa laro, tapos na kasi may nanggulo. Ganoon kasimple.

"Hay nako! Natunaw na si Blake!" Sabay tawa ni Jem na nasa tabi ni Prim. Humagikgik pa ang dalawang malandi!

Feeling ko, namula iyong mukha ko kaya inirapan ko nalang sila.

"Okay lang iyan, Cara. Sanay na ako." Ani Blake. Ang sarap sabunutan, nakakainis!

"I can ask Kuya Dash to pilot the chopper, Zeke. Wala naman iyong ginagawa kapag weekends at pakalat-kalat lang sa bahay." Suhestiyon ni Ran.

Bigla ay gusto kong mapamura. Kapag kasi iyon ang nangyari, ibig sabihin ay makakasama namin si Dash sa isla.

"Ang dami natin. Di naman yata tayo kasya sa isang helicopter." Ani Cres.

"Maiwan ka para magkasya kami." Ani Zeke.

"We can use our chopper. Hihiramin ko kay Uncle Clyde. But if that's the case, then we need another pilot."

Prim raise her hand. "We can ask Sean to pilot the other one and I'm sure he'll suggest their chopper instead. Ayaw nun gumagamit ng iba eh."

"Sean?" Baling ko kay Prim.

"Yes, hopefully soon-to-be my Ate. Si Sean Kho? Iyong medyo long hair na probinsyano. Ang nag-iisa at susunod na tagapagmana ng Kho Empire. Anak ni Uncle Irving the sexy pilot according to Aunt Faye. Do you remember him na?"

Tumango na lang ako. Sa dami nilang magkakaibigang rich kid, hindi ko na matandaan iyong iba.

"Okay daw, sabi ni Kuya Dash." Ani Ran na hawak ang cellphone.

Sa bandang huli, na-settle din ang biglang gala namin sa isla na pag-aari nila Zeke.

Bakit ba ako nakasama sa mayayamang nilalang na 'to? At makakasama namin si Dash sa loob ng dalawang araw at isang gabi. Isipin ko palang iyon ay parang gusto ko ng mag back-out.

"Okay daw kay Sean. It's settled then! Then, ang mga kasama ay ako," ani Prim na nagsimula ng magbilang. "Ran, Kuya Dash, Blake, Spade, Sean, Cres, Cara, Jem and of course, si Zeke. Plus Ate Skye and Cerys. Alam nyo naman, ayaw iwanan ng mga iyon si Sean at baka daw mapikot."

"Ayaw mo talaga ng bulaklak?" Ani Zeke sa akin habang naglalakad na kami papuntang next class.

"Ibigay mo nalang kay Cres." Nginitian ko pa siya ng makahulugan na ikinasimangot niya. Kami ang nahuhuli ng lakad. Sa harapan namin ay sila Ran, Cres, Jem at Blake.

"Walang klase." Anang isang kaklase na nakasalubong namin. Automatic na nagsihinto sila Ran at nag high five. Ang tamad talaga nila minsan.

"Car pool tayo. Tagaytay. Isa nalang naman yung klase at mamayang hapon pa kaya huwag na nating pasukan."

Everyone agrees except me. Hindi naman pwedeng palagi lang akong nakasabit sa mayayamang 'to. Napapaisip tuloy ako kung magkano baon nila sa isang araw.

"Aw, babe! Kanina, 'yung rose ko ang tinanggihan mo, ngayon naman, you rejected being with me."

Tumawa lang ako sa kaartehan ni Zeke. Aside from Ran, si Zeke talaga ang isa ko pang ka-close. He's kinda flirty but not to the point of being annoying.

"Naku, alam nyo naman si Cara, KJ minsan. Gugulong lang naman iyan sa kwarto niya. Tulog is life dyan, eh." Ani Cres na umabrisete kay Zeke na kaagad nagsalubong ang makakapal na kilay. "Tayo nalang, Zeke ang magsama sa car mo."

Habang abala sila sa asaran, sumenyas nalang ako kay Ran na mauuna na. With a knotted forehead, he nodded.

Noong makalayo ako sa kanila ay nakatanggap ako ng tawag mula sa 'kaniya'. I answered it after three rings.

"I'm outside your school."

"Okay."

Iyon lang at tinapos ko na ang tawag.

Kahit yata isang pangungusap ay hindi ko kayang ibigay sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako nangingilag sa kanya, basta ang alam ko lang, ayoko siyang na sa paligid. I feel suffocated when he's near me. Ang weird lang kasi kung tutuusin ay wala naman talaga siyang masamang ginawa sa akin. This situation we're into was only because of that drug.

That night, rather morning, when he sneaked into my room, he only asked me how I am. Syempre sasabihin kong okay lang ako.

For an hour or two, we only talked about the baby and somehow, I saw a different side of him... his side that makes me afraid see him even.


*****
A/N: Hoping to read your comments and opinions on every chapter. As in! Nilu-look forward ko talaga ang mga comments nyo after ko mag-post ng update. Eniwey, Merry Christmas everyone!

You are reading the story above: TeenFic.Net