Chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

12/16/18

RECKLESS
Chapter 5


I was too nervous after that small talk with Dash that I left Ran's unit without a word. Naiwan ang mga gamit ko sa unit ni Ran kaya napilitan akong umuwi sa amin.

"Anak." Bungad ni Papa na nadatnan kong nagkakape sa terasa.

Biglang lumabas sila kuya mula sa loob at sinalubong ako ng yakap. Somehow, I felt relieved. Kahit hindi maganda iyong nangyayari sa akin, narito pa rin ang mga kadugo ko at nakasuporta.

"Totoo ba ang sinabi ni Mama?" Kuya Jace asked, facing me while holding my both shoulders.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. Papa's worried face is making me feel the guilt of being in this mess. Oo nga at isang pagkakamali lamang iyon pero ayokong maramdaman ng baby ko na unwanted siya lalo na at hindi naman masamang tao ang daddy niya.

Then, I turned my brothers. Kuya Hans' face is passive and Kuya Seb's looks like he's ready for a fight.

"Napapaligiran ka ng mga brusko pero may nakalusot pa rin?" Ani Kuya Seb. Siya iyong pinakabata sa kanilang tatlo at pinakasakit ng ulo dahil basagulero at siya rin iyong super protective sa akin. Halos magkaedad lang kasi kami.

"Cara," untag ni Kuya Hans. "Sinabi na sa amin ni Mama. Sino ang ama? Wala kaming alam na boyfriend mo. O baka naman--"

Mabilis ko siyang pinutol. "Hindi si Ran, Kuya. Magkaibigan lang talaga kami."

"Eh, sino? Iyong crush mong kulot? Iyong Iglesias?"

"Napakaraming nakapaligid na lalaki sa'yo. Kailangan pa ba naming isa-isahin?"

Napatingin ako kay Kuya Jace. Kalmado lang siya parati kaya kahit papaano ay balanse pa rin dito sa bahay.

"Anak," singit ni Papa. "Ano ba ang nangyari? Bakit hindi mo ipakilala sa amin ang nakabuntis sa'yo?" Hurt was evident on Papa's voice. Siguro kasi, pakiramdam niya, nagkulang na naman siya.

Lumapit ako kay Papa at yumakap. Nasilip ko si Mama sa kusina. Kapag ganitong magkakasama kaming lima, hindi talaga humahalo si Mama dahil alam niyang palaging sa akin nakakampi ang mga kapatid ko at maging si Papa na rin.

"I'm sorry, Papa." I said and told them about the party and what happened after that. Pero syempre, hindi ko binanggit ang pangalan ni Dash.

"Tell him that you're pregnant, Cara. After that, we will determine if he is worth your baby or not. But let's hope for the best." Kuya Jace said as he tapped my shoulder.

"Kuya--"

"We're not asking you to marry him. We won't do that. Kung hindi niya kayang maging asawa, atleast sana, kaya niyang maging ama."

"Oh? Tapos na ba ang drama?"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Mama na nakapameywang sa pinto. Bakas ang pagiging istrikta sa kaniyang mukha. Hanggang ngayon talaga ay iniisip ko pa rin kung ano ang nagustuhan sa kaniya ni Papa.

"Ma..." ani Kuya Jace.

"Dadalhin mo ang ama ng batang iyan o lalayas kayo ng tatay mo sa pamamahay ko?" Baling ni Mama sa akin.

"Mama!" Sabay-sabay na bulalas nila Kuya.

"Sumosobra ka na, Linda! Baka nakakalimutan mo ang mga ginawa ko para sa'yo?!"

Sa unang pagkakataon ay pinagtaasan ni Papa ng boses si Mama at sa harap pa naming magkakapatid.

"Hindi mo ako naiintindihan, Carlos! Ginagawa ko ito para hindi na maulit ang dati!" Mas mataas ang tinig na sagot ni Mama.

Nakatingin lang kami sa kanila ni Papa. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila at mukhang maging sila Kuya ay ganoon rin. But looking at them, pareho silang may takot sa mga mata. Kung para saan ay walang nakakaalam.

"Hindi! Pinapasakitan mo ang anak ko para makaganti sa akin, Linda! Alam na alam mo kung bakit kita iniwan noon!" Napaupo na si Papa kaya mabilis siyang dinaluhan nila Kuya.

"Hindi iyan totoo, Carlos!"

"Tama na!" Sigaw ko dahil ayoko ng ganitong nag-aaway sila dahil sa akin. "Susubukan ko pong dalhin siya rito. Huwag lang po sana ninyo akong madaliin."

Dumiretso na ako sa kwarto pagkatapos noon. Bumaba lamang ako noong kakain na tapos ay bumalik muli sa kwarto. When I checked my phone, ang daming missed call from Ran. May mga text messages rin na mula sa kaniya pero ang nakaagaw ng pansin ko ay iyong mula sa unknown number.

"Let's talk. I'm outside your house."

And I don't need to think hard to know who it is.

Sinubukan kong matulog at balewalain 'iyon' pero hindi talaga mawala sa isip ko ang mga tanong na tulad ng kung ano ang gusto niyang pag-usapan, kung paano niya nalaman ang bahay namin, kung nariyan ba talaga siya sa labas at naghihintay pa rin kahit tatlong oras na ang lumipas mula noong mabasa ko ang text message niya.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Wala akong makita ni isang sasakyan sa labas. Umuwi na kaya siya?

Nilapitan ko ang cellphone ko sa kama at tinignan. Tanging ang mga unread messages na lamang ng ilang kakilala ang naiwan roong hindi nabubuksan. Walang bagong mensahe mula sa isang unknown number.

I sighed. "Umalis na 'yun panigurado. Mukha pa namang mainipin ang masungit at supladong iyon." Pampalubag ko sa sarili bago nagpasyang matulog na.

Marahil dahil sa pagod ay mabilis akong iginupo ng antok. Nagising ako ng alas tres ng umaga dahil sa tunog ng aking cellphone. Inaantok, sinagot ko na lamang iyon basta.

"Hello?"

"Did you received my message? I'm still outside, Cara." A husky voice answered me back.

Biglang nawala ang antok ko. Totoo ba ito? The high and mighty snob of all times, Dash Telpace, waited for me outside for almost six... seven hours?

Tinignan ko ang screen ng cellphone ko kasi baka mamaya, nananaginip lang ako.

Pero hindi! Nasa kabilang linya talaga siya!

"Oh my gosh! Why is he still there?" Bulong ko bago ibinalik sa tainga ko ang cellphone.

"Wala tayong dapat na pag-usapan. Makakauwi ka na." Saka ko pinatay ang cellphone ko.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang nerbiyos. Nahiga akong muli at tumitig sa kisame. Mula sa dibdib ay bumaba ang palad ko sa impis ko pang tiyan.

"Sabi nila hindi ka mabubuntis kapag first time mo palang. Hindi naman pala totoo. Pero huwag kang mag alala, baby dahil kahit hindi pa kita nararamdaman, alam ko naman na ramdam mo iyong pagmamahal ko sa'yo."

Alam kong marami kaming dapat pag-usapan ni Dash pero kapag na sa paligid siya, parang ang gusto ko nalang gawin ay ang tumakbo palayo at umiwas.

Since the very first time I saw him years ago, hindi ko na talaga kaya ang presensya niya kaya pinilit kong umiwas. Sa kaiiwas ko, ito ang nangyari.

Sa dami ng lalaki, bakit siya pa? Mas makakaya ko pang pakisamahan si Ran o kahit si Spade, Zeke or Drew man lang pero hindi ang isang Dashiel Luis Telpace. He's just... too much for someone like me.

He's so domineering that I think, in his mid twenties, he can already run an empire. Tila ba kaya niyang mamuno sa napakarami at lahat ng iyon ay susunod sa kaniya ng walang pagdadalawang isip.

He seems like an alpha ready for anything that might happen to his pack, an alpha who's looking for his prey... or his mate.

Ah! Erase the mate part. He doesn't have to look for it. Babae kaya ang lumalapit sa kaniya kahit na ganoon ang ugali niya.

"Don't worry, baby kasi kahit masungit, suplado, mukhang arogante at bossy ang daddy mo, gwapo naman siya at sigurado akong mahal ka nun kaya hindi ka dapat malungkot. Isa pa --"

"Cara!"

Napahinto ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses na pumutol sa pakikipag-usap ko sa baby ko and there I saw Dashiel climbing on my window. Like, oh my god! Paano siya nakaakyat? Na sa second floor ang kwarto ko!

Sinenyas niya na buksan ko ang bintana. I did without thinking, letting him enter my room... invading my life.

You are reading the story above: TeenFic.Net