Chapter 45

Background color
Font
Font size
Line height

Reckless

Chapter 45


It's been twenty-four hours and yet, we still couldn't locate Niel. Walang tumatawag para humingi ng kung ano man na lalong mas pumapatay sa akin.

I couldn't eat anything! Maging ang pag-inom ay napakahirap para sa akin pero gayun pa man ay hindi ako makaramdam ng gutom o pagkauhaw. I think, I'm going to go insane any moment now. Wala akong kaaway rito! I don't know many people here in Beijing. Maliban sa mga Ty at ilang business partners ay wala na talaga kaya hindi ko alam kung ano ang motibo ng pagpasok sa pamamahay ko, pagpatay kay Lin Qian at pagdukot kay Niel.

Dash arrived an hour ago with his brother-in-law, Prinsipe Iglesias. Lulan sila ng private jet na pag-aari raw ng kapatid ni Prinsipe na isang Stetson at mismong iyon daw ang nagpalipad ng jet plane patungo rito. And my secretary, Rui, arrived with them.

Seriously? What's going on here? It seems like they knew each other. Tila hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila. The way they talk; their body language says it all. Just by looking at them, tila na ako kinikilabutan at ang takot sa dibdib ko ay lalo pang lumalala.Parang mga importanteng tao sila at ang mga klase nila ay hindi basta-basta kumikilos.

Pero ngayon...

"Cara, you need to eat." Ani Sean na nilapagan ako ng isang bowl ng porridge at mainit na tsokolate.

I hold on to his shirt and suddenly, my tears started to fall again.

"I need to see my son, Sean! It's been past twenty-four hours and yet, wala tayong naririnig na kahit ano mula sa dumukot sa anak ko!" mariin kong saad.

Unlike before when Dash takes Niel with him, ngayon ay hindi ko alam kung saan ko susundan ang anak ko.

Hyatt Regency's security was tight enough but still got invaded. Si Lolo ay galit na galit rin na naging dahilan ng pagtaas ng presyon ng dugo nito.

"I don't know who they really are but you have to trust them, Cara. Hindi sila isasama dito ni Dash kung wala silang maitutulong." Ani Sean na nakatingin sa direksiyon kung saan naroon sina Dash, Rui, Prinsipe at ang kapatid daw nito na hindi ko matandaan ang pangalan.

"Ano'ng magagawa nila? Mga ordinaryong tao lang din ang mga iyon na mayayaman. And ever since they came here, wala na silang ginawa kung hindi ang manahimik sa isang sulok!" I glared at Sean when he scratches his head.

For some reason since Dash came with those men, nawalang parang bula ang mga pulis. It was like; they didn't want to interfere on what these men are doing.

"Damn! I wanted to explain to you who they are but I just couldn't." Sean held my hand and look straightly into my eyes. "Trust them, Cara. This is just a piece of cake for them. Kahit ang security ng mga Telpace at Kho ay kayang solusyunan ito but Dashiel was on rage right now kaya hindi iyan makakapag-isip ng mabuti – reasons why Prinsipe, Leandro and Rui was here."

Napakunot-noo ako kay Sean. I am fully aware that the Telpace has a security team. Kung sila Sean ay may bodyguard magpahanggang sa ngayon ay ganoon rin ang mga Telpace. Hindi ko alam kung para saan pero sana, totoo ang sinabi ni Sean na piece of cake lamang ito.

"Ano'ng alam mo sa kanila? At bakit may mga bodyguards ang bawat miyembro ng Telpace?" I asked Sean.

"Listen carefully, Cara. Ito lang ang kaya kong sabihin sa'yo sa ngayon pero sa paglipas ng panahon, malalaman mo rin ang tungkol sa kanila and only Dash can tell you that." Sean paused for a while and looked at those four in the corner.

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ni Sean. Those four... mayroon talagang kakaiba sa kanila. They emanate something... dangerous.

"Leandro and Rui was someone you shouldn't mess with." Pagpapatuloy ni Sean. "Money, power, influence... they have it all. Kaya nga nagtataka ako kung paanong naging isang hamak na secretary mo ang Rui na iyon."

"Just like you and Dashiel." Sabi ko pa, disregarding the last thing he told me. Ano ba'ng pakialam ko kay Rui? I need to get Niel back! Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring hindi maganda sa anak ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkaganon.

Umiling si Sean. "What we have is nothing compared to Leandro's wealth. So calm down a little bit. Niel's going to be fine."

Pero kahit na anong assurance ang sabihin sa akin ng mga taong nasa paligid ko ay hindi maalis sa isipan ko ang mga pwedeng mangyari sa anak ko. And every time I think of it, parang nanlalaki ang ulo ko... parang gusto na lamang huminto sa pagtibok ang puso ko.

"Caramel,"

That baritone voice...

Ah... muntik ko ng makalimutan. I also have Dashiel now. I have him and we will get our son back no matter what.

I was holding the cup of hot chocolate when Dash sits beside me. Si Sean ay tumayo naman kaagad at nagpaalam na uuwi na muna para i-check iyong mag-ina sa unit niya.

Ibinaba ko ang hawak kong tasa at hinarap si Dash. "Nasaan ang anak natin? Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa mga pulis? Bakit wala man lang tumatawag para humingi ng ransom o ng kung ano pa man? Bakit nila kinuha ang anak natin? Who did this?" tila sasabog na naman sa pinaghalong galit at takot ang dibdib ko.

Dash pulled me in his arms. Noon ko naramdaman ang lubos na pagod at panghihina. Tahimik akong umiyak at nang matapos ay hinarap si Dash.

"Dashiel, ang anak natin..."

"He's fine. He should be fine or else all hell will break loose." His face was grim. "Hindi nila alam ang binabangga nila, Caramel and they will never get a chance. I'm sorry to say this, Caramel but if something happen to our son, baka makapatay ako. I don't care if it's from a wealthy family or from your very own family but –"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Tila noon lang sumagi sa isipan ko na maaaring isa sa mga Ty ang kumuha kay Niel lalo at nakapasok ang mga ito ng walang kahirap-hirap sa Hyatt Regency na maysobrang higpit na security.

Kitang-kita ko ang pagtiim bagang ni Dash pati na ang galit sa asul niyang mga mata – na ngayo'y tila nagliliyab na apoy – nang tingalain ko siya pero kaagad ding nabura ang anumang emosyong mayroon siya na tila lamang ako namalik-mata.

"We found them, Dash. This is something you can easily handle... I think?" anang asawa ni Elle na si Prinsipe. The frown on his face was so clear.

Si Rui at iyong Leandro ay tumayo na at tuloy-tuloy na lumabas matapos tapikin si Dash sa balikat na tila nagpapaalam na.

And Rui... my very efficient secretary seems different right now.

"Rui," I called him not too loud and he only gave me a blank expression. He seems so cold and untouchable. "Sino ka ba talaga?" na sinagot lamang niya ng isang kibit-balikat bago ako tuluyang tinalikuran.

Ah! Masisiraan na talaga ako ng ulo sa mga nangyayari.

You are reading the story above: TeenFic.Net