Chapter 42

Background color
Font
Font size
Line height

RECKLESS
Chapter 42



“I meant it when I told you that I didn’t mean to get you pregnant because you were too young that time, Caramel.” He was now leaning on the door frame while still gazing down at me.

“You were half a decade younger and my brother likes you but I couldn’t just back down. Not on you. Sa lahat, ikaw lang ang hindi ko kayang ipaubaya. I can’t let anyone have you that’s why I did that.”

“You… you could’ve courted me! Hindi iyong binuntis mo ako kaagad!” I know, I sound like a whining kid right now but my heart was pounding so hard I couldn’t think properly.

“I know but I can’t. Masyado kang mailap. Idagdag pa ang sitwasyong kinasangkutan ni Elle noon.” Dash held my hand and pulled me out of my room. “I was reckless back then and I lost my control when you touch me. Idagdag pa na nasa ilalim din ako ng drugs na iyon. But I will never regret any of it. Because of my reckless act, I got you and have Niel, Caramel. That was the happiest day of my life. If you didn’t leave, baka legal na tayong mag-asawa bago pa man ipanganak ang anak natin. Baka nga – hey! Why are you crying?”

Hinampas ko siya sa braso ng ubod ng lakas. “Nagtatanong ka pa! Dapat alam mo na kung bakit ako umiiyak. Impakto kang pogi ka!” nang mapahagulgol ako ay sumubsob na ako sa dibdib niya.

Eh, ano ngayon kung mabasa damit ni Dash. Hindi naman ‘to magagalit kasi crush niya ‘ko dati pa. Ako na’ng  maganda at pinagpala!

“I never had a girlfriend, Caramel that’s why I’m not that good at woman.”

Tiningala ko siya. “So, virgin ka rin noong nag-sex tayo?”

“No.”

“Tignan mo! 'Pakalandi mo!” kumunot lang ang noo niya sa akusasyon ko at saka inayos ang buhok kong sumabog na sa mukha ko.

“Sinawsaw mo na iyan sa iba tapos sinawsaw mo pa sa akin!”akusa ko pa sa kaniya na lalong nagpakunot ng noo niya. Halos magsalubong na rin ang mga kilay niya.

“Grabe!”

Nanlaki ang mga mata ko! Hindi ako makapaniwala na sa kaniya nanggaling ang ekspresyong iyon. At kung makatingin siya ay para namang hindi siya makapaniwala sa akusasyon ko.

“Ano?!” I pushed him a little. Kahit inis akong ganito ay mas gusto ko pa rin na nakapaloob sa mga bisig niya.

Sumibangot siya. “I’m clean, Caramel. And virginity is not a big deal to us. It’s normal for us to lose it a little bit sooner than woman.”

“Paano kung ako naman iyong hindi na virgin? Kung hindi ikaw iyong una ko?”

Sige lang, Cara! Magtanong ka pa. Ang lakas ng loob mo por que umamin na sa’yo si Dash!

“Can we not talk about virginity?” he looks annoyed and his facial expression is so good to look at. Siguro kasi, nasanay akong makita ang poker face niya noon o baka naman kaya mas gusto ko ang ganito niyang mukha ay dahil kapag nakangiti siya, parang gusto ko nalang maghubad kaagad.

Damn! Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.

"Pero kinuha mo 'yung sa' kin kahit hindi pa 'ko ready." akusa ko sa kaniya though I didn't really regret losing it to him. Kasi, choosy pa ba ako? Si Dashiel na 'to!

"I know and I was the luckiest at that time. I am even so willing to take responsibility it's just that you keeps on slipping away from me."

His voice was so calm this time and so... low. Parang nananadya yata itong si Dash. Hindi ba niya alam na napakarupok ko pagdating sa kaniya?

“Okay. Pero ano’ng plano mo? Ano’ng pag-uusapan natin? Ayokong balikan iyong nakaraan dahil naiinis lang ako.” Lumayo ako sa kaniya ng kaunti at sumandal sa barandilya ng second floor. He follows and locked me in between his arms as he leaned closer.

Ngayong magkalebel na ang aming mukha, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkaasiwa. How long have I know this man? Sampung taon? Pero sa loob ng mahabang panahong iyon, kung hindi dahil sa insidenteng kinasangkutan naming sa bar na iyon, hindi kami magkakalapit ng ganito.

Noong nag-aaral pa kami nila Ran, siya ay nagtatrabaho na. Sa tuwing pupunta ako sa kanila, si Dash ang palagi kong hinahanap o mas tamang sabihin na pinagtataguan. His presence, even back then creeps me out. Feeling ko, kakainin niya ako ng buo. Oh, well... Kinain naman na niya ako. Hindi nga lang noon, kung hindi kamakailan lang.

Cara! Ang halay mo!

Hindi ako panatag kapag nariyan sa paligid si Dash. Para kasing iniintay lang niya akong magkamali at agad na niya akong susunggaban. He was like a lion, watching his prey back then.

“I want us to move forward and do the things we should have done years ago.”

He was looking straight into my eyes as he carefully said those words. Tila ba tinitimbang niya ang bawat salitang bibitiwan habang nakatingin sa aking mga mata.

“We should hurry because by this time, you might be –”

“Mom, I’m hungry!”

Sabay kaming napalingon ni Dash kay Niel na nasa tapat ng pinto ng kaniyang silid at pupungas-pungas pa habang nagkukusot ng mata.

“Hindi mo pinakain?” baling ko kay Dash na noo’y papalapit na sa anak.

“Ayaw kumain kanina. Nag-gatas lang bago natulog.”

“Dapat pinilit mo. He’s always like that kapag hindi nakapag-dinner.”

Nang buhatin niya si Niel ay muli niya akong binalikan. “Sorry, Ma’am. Hindi na mauulit.” He whispered as he held my hand. Magkasabay kaming nanaog para tunguhin ang kusina.

“Dito mag-sleep si Daddy?” ani Niel na walang kaalam-alam na kanina lang ay nagtatalo kami ng tatay niyang mahirap ispelengin.

“No.”

“Yes.”

Magkasabay naming sagot. Nagkatinginan kami tuloy ni Dash at kita ko ang pagsimangot niya pero sa huli, nakulit rin ako ng mag-ama na magkakatabi kaming matulog.

Kinabukasan ay si Dash ang naghatid sa akin sa opisina kasama ang anak namin. Niyaya ko siya sa aking mismong opisina na sana ay hindi ko na lamang ginawa.

Pagpasok pa lamang namin ng gusaling pagmamay-ari ng aming pamilya ay nakapukaw na kami – o mas tamang sabihing si Dash – ng atensiyon ng mga naroong empleyada. Oo, empleyeda dahil halos lahat ng babae ay napapalingon sa kaniya at sinusundan siya ng tingin habang parang balewala lamang sa kaniya ang ganoong sitwasyon.

Kausap niya si Niel na noo’y akay-akay naming dalawa. Niel was even jumping while talking animatedly to his father about horses and cars. At sa isang pagtalon ni Niel na hindi ko inaasahan ay halos mawalan ako ng balanse kung hindi lamang ako mabilis na naagapan ni Dash.

His eyes darted on my high heels. Isang tingin pa lamang niya roon ay alam ko ng hindi talaga niya gusto ang pagsusuot ko ng may mga heels.

“Walk properly, son.” Ani Dash kay Niel at napatulala pa ako saglit because he really sounds like a strict father to Niel! At ang lakas ng dating sa akin kapag ganoong seryoso siya sa sinasabi sa anak namin. Parang… parang gusto kong maghubad!

Damn it! Sobra na talaga ang pagkagusto ko sa lalaking ito!

“Okay.” Ani Niel habang si Dash ay gumitna naman sa amin at ginagap ang kamay ko.

Just like the old times.

May mga bagay siguro talagang hindi nagbabago tulad nito at ng naidudulot ng mga simpleng gawi ni Dash sa akin.

While everyone is busy staring at him – and I couldn’t blame them because Dash really attracts attention not just because of his height but all in all – he was busy taking notice of me and our son and I think I couldn’t ask for more.

Parang… ang ganda-ganda ko!

You are reading the story above: TeenFic.Net