Chapter 4

Background color
Font
Font size
Line height

12/5/18


RECKLESS
Chapter 4


Wala kaming kibuan ni Ran hanggang makarating sa school. He looks so serious like something big is bothering him. Ako naman, pinili kong manahimik dahil ayokong magtanong siya.

He is one of my closest friend and yet, I feel guilty because I can't tell him my problem. Siya kasi, halos wala ng ilihim. Ewan ko sa lalaking ito kung bakit sobrang open sa mga kaibigan niya. Well, except for his 'other' escapades, of course. Sa kanila nalang na mga lalaki iyon.

Mabilis akong umibis nang ihinto niya ang sasakyan pero hindi iyon natuloy dahil ni-lock niya ang pinto. I inhaled deeply before turning to face him. He's not looking at me, his left hand on the streering wheel and the other one is covering where the door lock is.

"Kieran,"

"Who is it, Cara?" His tone, calm but the expression on his face is telling me otherwise.

"Ano?" Kahit parang alam ko na kung ano ang tinatanong niya ay pinili ko pa rin na magtanga-tangahan. Tutal naman ay naging tanga na ako ng minsan, susulitin ko na.

Ilang taon na nga ba kaming magkakilala ni Ran? Four years? Hindi pa ganoon katagal pero halos kilalang kilala ko na siya. He's not usually like this. Iyong una at huling beses ko siyang nakitang ganito kaseryoso ay noong hinimatay ako habang nasa part time job ko. He scolded me, making me feel guilty on what I'm doing with myself. That was two years ago. Ngayon nalang ulit naulit.

Hinarap niya ako, leaving me no choice but to stared back at his bluish eyes. That eyes... I wonder kung makukuha ng baby ko. Ang lakas yata kasi ng dugo ng mga Telpace kasi silang apat na magkakapatid ay pawang mga asul ang mga mata. Pero pwede ring hindi dahil iyong ibang pinsan naman niya na anak ng kambal ng daddy nila ay hindi asul ang mata noong iba, it was brown... tila disyerto.

"You know what I'm asking, Cara." Hindi pa rin ako kumibo kaya nagpatuloy siya. "Bumalik ako kagabi and I overheard your conversation with your stepmother. Alam kong aalis ka sa inyo so I stayed hiding outside. I thought you'd call one of us but you never did and choose to stay in that unsafe place."

"It's safe." I whispered under my breath. "I'm fine, Ran. You don't need to worry about me."

Tinignan lang niya ako na parang sinasabi niyang walang kwenta iyong sinabi ko.

"Do you have a boyfriend?"

I almost roll my eyes on him. "Alam mong wala, tinatanong mo pa." Sabi ko nalang ng pabiro. The air between us is too thick. Nakaka-suffocate.

"Fuck! Who is it, Cara? Did someone take advantage on you?" Galit niyang tanong. His face turns red as his voice raised.

"Walang ganoon." Nag-iwas na ako ng tingin this time. Nanginginig rin ang mga kamay ko because based on what he said, hindi siya ang ama. Para akong pinangapusan ng hangin sa katawan.

Pero, pwede rin naman na hindi niya lang natatandaan, hindi ba? Hindi ba?

Ayokong makita iyong galit sa mga mata niya - iyong mga mata niyang palaging maamo pero kapag nagagalit siya ay nagiging katulad ng sa kapatid niyang may galit sa mundo.

"Ran," bumaling ako sa kaniya. "I will never regret having this baby. Kung sino man ang ama niya, huwag mo ng alamin dahil hindi naman ito pinlano. Wala siyang alam sa estado ko ngayon at wala akong balak na ipaalam pa sa kaniya dahil wala naman talaga kaming ugnayan. I'm telling you this, kahit nakakahiya, dahil kaibigan kita. At sana, anuman ang maging desisyon ko ay respetohin na lang ninyo." Matagal siyang natahimik.

Kita ko ang pag-igting ng panga niya. Nang hindi pa rin siya kumibo ay tinabig ko na ang kamay niya para mabuksan ang lock ng pinto.

Nasa labas na ako ng muli ko siyang silipin. "Ran, please keep this to everyone. Gusto kong maka-graduate ng tahimik." Iyon lang at tuluyan na akong umalis.

***

"Dress, huh?"

Inirapan ko si Blake. "Huwag mo kong simulan, kulot. Kakalbuhin talaga kita."

"Woah! Woah! So hot tempered. Did you two have a fight... again?" Pangungulit niya at sinabayan pa ako sa paglakad.

Sa ibang pagkakataon, baka kinilig na ako dahil sino ba ang hindi kung ang kasabay ay isang Blake Iglesias -- ang captain ball ng school at drummer ng banda ng pinapasukan naming unibersidad.

Hindi ko siya pinansin. Some of the girls were ogling on him pero tila balewala lamang ang iyon sa kulot na 'to. I wonder who he likes?

"So, what's with the dress?" Pangungulit pa rin niya. "Ah!" Aniyang humarang pa bigla sa harapan ko. Napilitan tuloy akong tumigil.

"Stop it, Blake." Inirapan ko na siya.

"Okay, okay! I understand. My sisters are like that when it's their time of the month." Naka-ngisi pa siya. Akala mo naman tama ang hula. "Ate and Prim is the worst when they have it. Kawawa kaming mga lalaki. Si Mom, tinatawanan lang kami. She told us to pamper our sister kapag mayroon sila. So, do you want me to pamper you, too?"

Hindi ko siya pinansin hanggang sa tumahimik na lang siya. Masyado na akong problemado ara kiligin sa kulot na 'to.

Nagpatuloy siya sa pagsunod sa akin. Mabuti nalang talaga at tumigil na siya sa pangungulit dahil masasabunutan ko na talaga ang mala-pancit canton niyang buhok.

"Blake," agaw ko sa atensyon niya. Nasa tapat na kasi kami ng classroom ko. Di naman kami magkaklase dahil architecture ang kinukuha niya. Masyadong idol ang tatay niyang pogi. Pero mas guwapo siya kasi, sobrang ganda ng momny niya.

He was looking at his phone seriously. May pakunot-noo pa siyang nalalaman. Akala mo naman nakakadagdqg pogi iyon. I sighed deeply while looking at him. Ang gwapo talaga ng kulot na 'to. Mas gwapo pa sa mga Telpace.

Akmang tatalikod na ako para pumasok ng classroom nang marahan niya akong hatakin. Muntik na akong kiligin dahil ang lapit namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang bath soap niya.

"Nagugutom ako. Samahan mo muna akong kumain." Sabay hila niya sa akin na kahit anong tanggi ko ay hindi niya pinakinggan hanggang makarating na kami sa isang pancake house.

"Seriously, Blake?"

"Di ka pa rin naman kumakain kaya sabayan mo na ako." Siya na iyong nag-order at nagdala ng inorder niya sa table na pangdalawahan.

"Manghuhula ka na? Paano mo nalaman na hindi pa ako kumakain?" I arch my brow on him which he didn't notice. Kain lang siya kasi ng kain.

But then, without even giving me a glance, he said, "Ran told me." Bigla akong nawalan ng gana. Pero naisip ko rin na hindi ko na solo ang katawan ko kaya pinilit ko pa rin na kumain.

Thankfully, naging maayos naman ang buong maghapon ko. Waalng nanggugulo o nangungulit. Iyon nga lang, sobrang tahimik ni Ran na halos panisin na niya 'yung laway niya.

"Kambal, baka panis na iyang laway mo ha?" Si Keira na umabrisete pa sa kapatid.

"Sabay ka nalang kay Blake. May pupuntahan lang kami ni Cara." Ani Ran sa kapatid. Napalingon tuloy ako sa kaniya. Wala naman kasi kaming pupuntahan.

Keira looked at me. "Saan kayo pupunta?" Then turned to Ran. "It's almost six."

Kulang nalang ay irapan ako ni Keira. Manang-mana siya sa Kuya Dash niyang masungit!

Pinisil lang ni Ran ang pisngi ng kakambal. "Saglit lang kami." Then, he turned to Blake. "Blake, mauna na kami. Hatid mo si Keira."

Ngumisi lang si Blake. "Iuuwi ko na 'to sa bahay." Sabay akbay kay Keira.

"Sapak you like?"

Tumawa si Blake. "Joke lang, baby. Masyado ka talagang hot."

Habang nag-aasaran iyong dalawa ay hinila naman na ako ni Ran paalis. Wala akong ideya kung saan kami pupunta noong una hanggang sa naging pamilyar na sa akin ang daan.

Bakit nga ba hindi ko naisip na wala naman kaming ibang pwedeng puntahan maliban sa unit niya?

"Use my unit, Cara. Ayokong titira ka sa ganoong uri ng lugar." Masungit niyang saad noong pababa na kami ng kotse niya.

I stopped unbuckling my seatbelt as I looked at him. "You don't have to do this, Ran. Ano na lang ang sasabihin ng parents mo kapag nalaman nila?"

"Believe me, they wouldn't mind." He sighed deeply. "Cara, bakit hindi mo ipakilala sa inyo ang ama ng baby mo? You're pregnant. Hindi pwedeng wala kang kasama."

I know, he's trying to be calm. Kitang kita ko iyon sa paulit ulit niyang paghugot ng malalim na hininga.

"I cannot do that. Please, ayoko ng pag-usapan." Tuluyan na akong bumaba, leaving him no choice but to do the same.

Hanggang sa makarating kami sa unit niya ay tahimik lang siya. Hindi na rin naman ako kumibo pa dahil tinamaan ako ng hiya dahil sa inasal ko kanina sa ibaba. Kung bakit ba kasi ako pa ang may ganang magtaray!

Nagpi-pin siya nang harapin ko siya. "Ran--"

"Let's go inside first."

Sumunod ako sa kaniya sa loob habang bahagyang nakayuko kaya nabangga ako sa likod niya ng bigla siyang huminto.

"Why are you still here, Kuya?" Rinig kong tanong ni Ran.

Sisilip sana ako para makita si Dash pero nung maamoy ko ang sabon o kung anumang ginamit niya ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Tumakbo ako patungo sa lababo sa kitchen at doon nagduduwal.

"Cara!"

Nang akmang lalapitan nila ako ay sinenyasan ko silang huminto. Mabilis akong nagmumog at naghilamos bago humarap sa kanila. Kung kanina ay halos iluwa ko na pati ang laway ko, ngayon naman ay hindi ko mapigilan ang mapalunok dahil sa nakabalandrang katawan ni Dash.

Kaagad kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko nang matanto kong nakatitig ako kay Dash na ngayo'y nakatapis lang ng tuwalya.

"Ayos ka na? You're so red, Cara." Ani Ran na bakas sa mukha ang pag-aalala. When I looked at his brother behind him, kunot rin ang noo nito habang matiim na nakatingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.

I cleared my throat. "Okay na ako."

"Wait, I'll get you a towel and a glass of water."

Muntik na akong sumigaw ng 'no' sa sinabi ni Ran pero mabilis siyang nakaalis, leaving me and Dash alone in the kitchen.

"Is it Ran's?" He asked while slowly closing our distance.

Napapikit ako nang maamoy ko na naman ang ginamit niyang pampaligo. Pero hindi tulad kanina na bumaligtad ang sikmura ko, ngayon ay hindi na ganoon kagrabe ang epekto.

"Alam kong ayaw mo sa akin bilang kaibigan ng kapatid mo at para sa ikatatahimik mo, walang ibang namamagitan sa amin ni Ran. Now, if you'll excuse me, kukunin ko na ang mga gamit ko."

Akmang lalagpasan ko na si Dash nang mahagip niya ang isang braso ko. Nilingon ko siya at tiningala at ganoon na lamang ang kaba ko dahil sa tindi ng titig niya. Ang asul niyang mga mata ay tila nagbabadya ng bagyo.

"Then, it's mine."

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang ire-react kaya pinilit kong makawala sa kaniya at saka mabilis na tumakbo.

Bakit ba hindi ko naisip na maaaring siya nga ang ama? But why would he do that to me? Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? He's too hard and cruel. Ayoko sa kaniya! Hindi ko kakayanin na makasama siya kahit isang araw lang dahil baka mamatay na ako sa nerbiyos.

But what if...

"Shit!" I cursed under my breath. Nakakaiyak kung ang nasa isip ko ang mangyayari. Ayoko! Hindi ko yata kayang tanggapin kung magkakaganoon nga.

You are reading the story above: TeenFic.Net