Chapter 38

Background color
Font
Font size
Line height

RECKLESS
Chapter 38

HINDI PA NAGIGISING si Lolo kinailangan ko ng umalis patungong opisina. This is only my second day here in Beijing and yet, I felt like I am back to those times when I'm working my ass off. Sobrang nakaka-drain.

This is another emergency meeting according to Auntie Aurea. I didn't know that Lolo was so sick. Nang umuwi ako ng Pilipinas ay noon daw lumala ang kundisyon niya. Being the Chairman puts him in so much stress that weakened his immune system. Ang hirap kasi kay Lolo, wala siyang pinagkakatiwalaan kaya sobrang hands on niya sa kumpanya.

"Miss Cara, the board wanted to put someone to act in behalf of the Chairman." my secretary said, giving me a heads up as we rode the lift to the 30th floor.

When it comes to power, everyone was so eager to grab as many as they can. Assets, connections, positions... Ilan lamang iyon sa mga hinahangad ng tao sa industriya at kabilang ang mga Ty roon.

Hindi na rin ako magugulat kung malalaman ko na ang ilan sa kanila ay ipinapanalangin na mawala na si Lolo. He maybe cruel... A manipulator but he has good sides also. Isa ako sa minanipula niya pero hindi ko rin siya lubusang masisi dahil iyon na ang nakagisnan nilang tradisyon. At kahit puno ng hirap ang unang taon ko sa kanila ay nagpapasalamat pa rin ako dahil doon ay mabilis akong natuto.

When I arrived at the conference hall, their heads turned to me like I've grown two heads. Ilang linggo lang naman akong nawala. Bakit tila takang taka sila na makita ako?

Then I saw it. One of my relative sitting on Lolo's chair like he own every bit of the company. He was all grin but it slowly fades away when he saw me. Para siyang nakakita ng multo sa katauhan ko.

I know. My appearance wasn't welcome in any Ty's estate. Ang tingin nila sa akin ay isang kakumpetensiya. Lolo only has Auntie Aurea and my mother. Habang ang mga kapatid ng Lolo ay mas bata sa kaniyang lahat kung kaya't ang mga anak ay hindi hamak na mas bata sa akin. Pero kahit na hindi ay mas may karapatan pa rin ako sa kumpanya.

"Excuse me but I think you're sitting on the wrong chair." I told him in a flat tone.

Isa iyon sa itinuro ni Lolo sa akin — na pagdating sa kumpanya, mas mataas ako kaninoman maliban sa kaniya; na dapat, palaging naroon ang autoridad kapag may sasabihin ako.

My secretary ushered him to the chair next to me. Tiim bagang na lumipat siya roon matapos akong tapunan ng matalim na tingin.

I don't mind. I'm used to it. I was never welcomed to this company, anyway.

Ayoko man na tanggapin pero sa akin ang lahat ng iiwan ng Lolo. This is my fate at kahit yata ano'ng gawin ko ay hindi ko na ito matatakasan kailanman gayundin ang galit sa akin ng mga Ty. Kasi kung hindi nga naman ako dumating, sana ay sa kanila mapupunta ang kumpanya.

I was listening to their blabbering one by one. Kung bakit kasi walang pakialam ang Auntie sa kumpanya, eh. She doesn't want any position but she thought me a lot at kung ako ang papipiliin, alam kong mas nararapat si Auntie sa upuang ito.

Halos kalahating oras na ang lumilipas pero wala pa ring pinatutunguhan ang usapan. Pinoproblema halos ng lahat ang naging pag pull out ng ilang stock holders at maging kung sino ang nararapat na pansamantalang papalit kay Lolo ay iniisip na nila.

"Excuse me but," sa unang pagkakataon mula ng maupo ako ay ngayon ko laamng ibinuka ang aking bibig. Napatingin silang lahat sa akin at unti-unti ay tumahimik ang paligid. "Can I say something?"

Isa isa ko silang tinignan sa mga mata. Some arched their brows, some snorted at mayroon ding walang pakialam na tila naroon lang para makiupo.

"Are you really worried about this company? Because it seems to me that by now, all of you were thinking who will seat on this chair and act as almighty as it can be. It is true that the stockholders who pulled out their shares made a huge contribution to this company but even without them, the Ty Empire can still continue its ongoing and future operations even without their shares. We are not just a company. This is an empire. Don't forget that we're one of the most successful company in this country."

"Then what would you do now? This is all, in the first place, your fault. If you didn't cancel your engagement with the Kho's this wouldn't happened. The profit of the company is now decreasing dramatically."

Nilingon ko si Mr. Tang at sinenyasan ang aking secretary na kaagad iniabot sa akin ang isang folder. Binasa ko ang naroong detalye ng lalaki bago muling binalingan ito pero hindi nakaligtas sa aking mga mata kung gaano kadetalye ang impormasyong nasa aking mga kamay ngayon. I must say that my secretary was doing his job efficiently. Kahit hindi siya masyadong palasalita ay magaling namang magtrabaho.

"That's the main reason why we are facing this problem now. And I heard, you're planning to stay in the Philippines, leaving us all here hanging." Mr. Zheng added. Ang ilan ay tumango-tango bilang pagsang-ayon dito.

I will remember those faces.

Tinignan ko ang record niya sa nakalipas na mga taon. He has some issue too. Well, lahat silang narito ay mayroon ngunit magkakaiba nga lang ng bigat.

Binalingan ko si Mr. Tang. "Oh yes. The profit. That's the most important thing for everyone especially for you, Mr. Tang, right? How long have you been here again? Ten years? Fifteen? Twenty years? Then, if we are going to sum the amount you stole from the company, maybe that can build a fancy restaurant in Beijing or even a hotel and restaurant. I wonder where did you waste those money?" dire-diretso kong sabi.

That's a warning for everyone. Sana ay nakuha nila ang ibig kong ipahiwatig. Hindi nila ako maaaring maliitin o bungguin kung ayaw nilang isiwalat ko ang kani-kanilang baho.

Napatayo si Mr. Tang at unti-unting namula ang buong mukha bago ako dinuro at minura.

"Now that's foul, Mr. Tang. I can sue you for that, you know?" ngumiti ako ng kaunti bago ko inalis ang tingin sa kaniya at ibinaling kay Mr. Zheng na ngayo'y tila hindi na kumportable sa pagkakaupo.

Tinignan ko lamang siya ng ilang segundo pagkatapos ay muli kong itinuon ang buong atensiyon sa kanilang lahat na naroroon na matamang nakatingin lamang sa akin.

"Are you trying to intimidate us?" Ty Yi Tien asked.

Nilingon ko siya. "No, Uncle. Why would I do that?" madrama kong saad habang nakahawak sa dibdib ang isang kamay. "Am I being intimidating?" marahan ko pang tanong sa kanilang lahat pero walang sumagot. "Then, I'm not sorry about it." pagkatapos ay tumayo ako at itinukod ang dalawang palad sa mahabang conference table sa aking harapan.

"You all know how ruthless the chairman is and as his successor, expect me to do the same. I maybe young but I can do that." dumiretso ako ng tayo nang lapitan ako ng aking secretary at may ibulong pagkatapos ay muli kong binalingan ang aking nasa harapan.

"I am expecting each and everyone's hard work this time. I will closely monitor everyone who's in here." kinuha ko ang aking coat at hand bag saka umalis pero ilang hakbang mula sa aking pwesto ay muli akong huminto. "And that chair," turo ko sa upuan ni Lolo. "That will be mine for the mean time so you have nothing to worry while the chairman is ill. Let's go." baling ko sa aking secretary.

Sa labas ay nadatnan kong naghihintay ang aking anak kasama ang nanny niya. Iniabot ko kay Rui — ang aking pansamantalang secretary, ang aking handbag para salubungin ng yakap si Niel.

"How's my Little Bun?" hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi. Tila nawala ang pagod ko pagkakita sa guwapo kong anak.

"I'm good, Mommy but I want to go home na po. I want to see the horse and play with Ice." sa mga pinsan niya, kay Ice talaga siya na-attached. Siguro, dahil parehas silang lalaki.

"Uuwi din tayo kapag magaling na si Lolo. Siyempre, aalagaan pa natin siya. Right now, he's still very sick so you have to be a very good boy para hindi mahirapan si Mommy, okay?" sakay na kami ng elevator ay panay pa rin ang paulit ulit na usapan naming mag-ina.

Sa maikling panahon, napamahal kaagad ang anak ko sa pamilya namin sa Pilipinas. Hindi ko siya masisisi. Dito kasi ay puro abala ang mga tao at ni wala man lamang siyang makalaro maliban kay Little Rice Cake. Habang sa Pilipinas, naroon ang mga pinsan niyang halos kasing edad lamang niya. Sa asyenda ay naroon si Pumpkin at ang mga kabayo. At sa Pilipinas, buo ang pamilya niya.

I sighed at that thought. Magtatatlong araw na ako rito pero wala pa akong natatanggap na reply kay Dash. Halos tatlong araw pa lamang kaming hindi nagkikita pero miss na miss ko na siya.

Nang makarating kami sa ground floor at bumukas ang elevator ay nagulat ako sa biglang pagtili ni Niel kasunod ng pagbaba niya mula sa aking mga bisig.

"Daddy!" halos patili niyang sabi and that surprises me more than ever.

"Dash..." naibulong ko nalang habang nakatingin sa kaniyang pigura ilang metro mula sa akin.

You are reading the story above: TeenFic.Net