Chapter 35

Background color
Font
Font size
Line height

RECKLESS
Chapter 35

TULAD NG MGA naunang pagpunta namin sa tahanan ng mga Telpace ay mainit pa rin ang isinalubong nila sa amin na pagtanggap. Si Mrs. Telpace — si Tita Rin, I mean, ay sinalubong ako ng yakap at hinalikan ang apo sa magkabilang pisngi. Si Keira at Elle ay nakipag-beso sa akin habang si Ran ay tila nag-alangan pa noong una.

Mula nang dumating ako, hindi pa kami nakapag-usap ng kami lang. I know we have to talk. We are civil to each other but I can sense that Ran have something to tell me but he's very reluctant to open a conversation.

Dash held my hand and guided me inside. Medyo nauuna siya ng isang hakbang kaya malaya kong napagmamasdan ang magkahugpong naming mga kamay. His big, callous hand looks good while holding mine. I don't know if it's just my imagination but it really is.

"Wala pa ang daddy ninyo at si Prinsipe pero parating na rin ang mga iyon. Maaga pa naman kaya hintayin na rin natin sila." ani Tita Rin habang inihahanda ang hapag.

Kapag biyernes ay wala silang mga kasambahay kadalasan. Sa pagkakaalam ko ay hinahayaan iyong umuwi ng mga Telpace sa kani-kanilang pamilya to spend the weekend with them at ang balik na ay lunes ng umaga.

"Are you hungry?" bulong ni Dash sa akin habang pigil ako sa beywang at pinapanood lamang namin ang mommy niya at si Elle na ihanda ang hapag.

"Hindi and I better help them, Dash." sumibangot siya at lalo pa akong hinigit palapit. This guy! "Napaka-clingy mo na. Daig mo pa ang anak mo kung makakapit sa akin." bulong ko sa kaniya at kinurot siya sa tagiliran para sana makawala ako.

Napapiksi si Dash pero ang braso niyang nakapulupot sa aking beywang ay hindi man lamang lumuwag.

"Can't help it. You deprived me for this for such a long time, Caramel." bulong niya na ang mga labi'y tila sinasadyang isayad sa aking tainga.

Nilingon ko siya para sana bigyan ng isang masamang tingin dahil sa mga ginagawa niya pero isang malaking pagkakamali ang ginawa kong iyon dahil sobrang lapit pa rin pala ng kaniyang mukha sa akin. Mabilis niya akong ninakawan ng halik sa mga labi at inulit ulit pa niya ang pagpatak ng mga halik hanggang sa matauhan ako at takpan ang labi niya ng aking palad na ikinatawa niya.

"My god! Ang landi-landi mo!"

"Love birds, huwag sa harap ko maglandian, okay? Respeto naman sa mga single." ani Keira at sa likod nito ay naroon si Ran na blangko ang mukha.

"Ran's dating someone." ani Dash sa kapatid na ikinalaki ng mata nito.

Bumaling si Keira sa kakambal at hinampas ang huli sa dibdib.

"Ran! Ladies first! Nauna ka na ngang lumabas tapos ngayon uunahan mo pa akong magka-love life?! That's a no-no."

"I'm not dating anyone, Kei." anitong hinihimas ang dibdib. "Damn! Ang bigat talaga ng kamay mo." reklamo nito sa kakambal.

I watched them bicker with each other. Paminsan minsan ay humahalo si Dash kaya hindi ko malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawang lalaki.

Looking at Kieran now, wala akong pagsisisi na pinakawalan ko ang munti kong nararamdman sa kaniya noon at ibinaling kay Blake. It was just a crush habang fascination lamang siguro ang naging damdamin ko kay Blake. Ang guwapo kasi talaga ng kulot na iyon at hindi siya kasing suplado ng mga Telpace at Monroe.

Thinking about my feelings to them doesn't compare to what I have with Dash right now. Nakakatakot isipin na mas matindi ang damdaming mayroon ako kay Dashiel pero marahil ay nakadagdag sa intensidad ng nararamdaman ko ang mga pagkakataong si Dash lamang ang hinayaang kong mapalapit sa akin ng ganito — sa ibang aspeto.

With Ran and Blake, I felt comfortable and at ease but with Dashiel around, he can make my heart beats erratically with just one glance. Noon pa man ay ganoon na ang epekto niya sa akin kaya palagi kong pinipiling iwasan si Dash. Ni minsan ay hindi ko ninais na mapalapit man lamang sa kaniya sa anumang aspeto dahil pakiramdam ko, malulunod lamang ako at hindi na makakaahon pang muli mula sa kaniya.

Ang tilian nila Niel at Ice ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Naghahabulan ang dalawa o mas tamang sabihing hinahabol ni Niel ang pinsan na ngayo'y mabilis kaming nilagpasan habang si Niel ay sinalubong ng ama at hinuli.

Nilingon ko si Ice na ngayo'y buhat na rin ng amang si Prinsipe Iglesias na Tito pala ni Blake.

Lumapit si Elle sa asawa at kahit na walang kangiti-ngiti sa dalawa ay batid kong walang katumbas ang pagmamahal nila para sa isa't isa.

Habang buhat ang anak ay nakuha pa rin na hapitin ni Prinsipe si Elle at gawaran ng halik sa noo. May ibinulong pa ito sa huli at katakot-takot na irap ang tinanggap ng pobreng lalaki mula kay Elle.

"You still went to Sicily even though you know that I am so against it!" mariing saad ni Elle sa mababang tinig at dahil nasa malapit lang kami ay narinig namin iyon.

"My brother needs some assistance," ani Prinsipe na hinila na ang asawa sa kung saan.

Nang balingan ko ang mag-ama ko ay pareho silang nakatingin sa akin.

"What?"

"Are you eavesdropping, Mommy? You're chismosa now?" ani Niel na tinawanan ni Dash.

Ngumuso ako. "I am not. And I told you to practice your tagalog, anak." pinisil ko pa ang ilong niya at saka siya pinunasan ng pawis habang hawak pa rin ng ama.

Nang magtama ang mga tingin namin ni Dash ay muli kong ibinaling ang atensiyon kay Niel. "May problema ba ang mag-asawa?" tukoy ko kina Elle at Prinsipe.

"Elle's having a mood swing again and she's really jealous of Thea. I think she's pregnant again but Ipe hasn't find it out yet."

Tumango-tango ako. "Ano iyong sa Sicily na ikinagagalit niya? At naroon si Tito Art?"

Umiling si Dash. "Thea's husband is Prinsipe's half brother on the mother side. They're super rich. Thea's a Ventimiglia and her husband, Leandro is a Stetson so as Prinsipe and the Ventimiglia is the most powerful family in Sicily next to the Stetson. I haven't been there but Elle told me that they're living in a castle. And Elle's getting insecure nowadays." mahabang paliwanag ni Dash na hindi ko naman naintindihan. Basta para sa akin, mayaman sila. Period.

"Bakit, may nakaraan ba si Thea at Prinsipe? Sa pagkakaalam ko ay kayo ni Thea ang may nakaraan." I can still remember the things Elle has said to me before.

Tinaasan niya ako kilay habang may naglalarong ngiti sa dulo ng mga labi. "What? Wala kaming nakaraan ni Thea. But Prinsipe and Thea? You could say that they have a past. Thea's head over heals to Prinsipe until Leandro."

Tumango-tango ako at inayos naman ang buhok ni Niel habang nasa mga bisig pa rin siya ni Dash.

"Are you okay with Niel's hair?" I asked faintly.

Sa totoo lang ay sadya naming pinahaba ang buhok ni Niel para sa isang tingin pa lamang kapag magkasama sila ni Sean ay isipin ng marami na mag-ama talaga sila. But now that it's over, we can cut Niel's hair to the way he want. Pero kung ako ang masusunod ay ayaw ko dahil ang kulay ng buhok lamang ang nakuha ni Niel sa akin at kung puputulun ang buhok niya ay hindi na mahahalata ang pagkabrown niyon.

"My hair is fine, Mommy." ani Niel kaya nangiti na lamang ako.

Pagkatapos kong itali ang sa kaniya ay ang kay Dash naman ang inayos ko dahil medyo tumatabing na iyon sa mga mata niya.

"Ayaw mo ng katulad ng buhok ni Daddy?" tanong ko kay Niel habang ang mga mata ko'y nananatili kay Dash.

He's looking at me tenderly that I couldn't help but get nervous and happy at the same time. Pwede pala iyong magsabay?

"Gusto po, Mommy. Daddy is pogi with his hair. I want to be pogi, too."

"Pogi ka naman na, anak."

"I know." anito at bumaba na mula sa ama nang makita ang pinsan na pababa ng hagdan kasama ang sariling ama.

"We can give him a new hair cut. Yung mas maiksi na tulad ng sa'yo. I think it's high time we cut it short since he's going to school this year." sabi ko sa kaniya habang sinusundan ng tingin si Niel.

Sa totoo lang ay ayoko talaga ng ideyang iyon pero sa tingin ko naman ay iyon ang nararapat. Pero sa tuwing maiisip kong wala na akong maitataling buhok ni Niel ay nalulungkot talaga ako.

The dinner went well. Sobrang gulo nga lang ng mga bata at hindi ko inakala na kasalo pala namin ang nakatatandang mga Telpace pati na rin ang buong pamilya nila Tito Claudio at Amber.

The whole night after dinner ay hindi na kami nagkasama ni Dash. I was pulled off of him by Archer and Hunter. Panay ang tanong nila ng kung ano-ano. Maging si Ran ay kasama rin namin na patuloy pa ring kinukulit ni Keira.

Sa gazebo ay naroon naman sina Dash, Elle at Prinsipe kasama ang pinsang si Clive. I think, they're talking about business dahil seryoso ang kanilang mukha.

Nang mag angat ng tingin si Dash ay nagtama ang mga mata namin. I can see how bored and annoyed he is at the moment based on his knotted forehead and I couldn't help but smile. May ibinuong siya kay Clive na nagpalingon sa huli sa aming gawi at ilang saglit lang ay naghiwa-hiwalay na rin silang apat.

"Zeke's birthday is coming. We should get that chance to drag him to their Island. Seriously, I really like that Island." ani Hunter.

Ngumiti lang ako. Knowing Zeke, kung may ibang choice ay hindi niya dadalin sa isla ang mga kaibigan. The Monroe really are a very private person.

"Masungit naman iyon." ani Archer.

"Nagsalita ang hindi masungit." sabay tawa ni Keira habang nakasandal sa balikat ni Ran.

"Kayong dalawa," sabay-sabay kaming napalingon kay Dash na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. "Uwi na. Alis!" pagtataboy nito kila Hunter at Archer na nagsitawa lang bago naiiling na tumayo.

"Dama kita sa part na iyan." ani Hunter.

"I understand. As in naiintindihan namin ang nararamdaman mo at ang gusto mong mangyari." nakangising saad naman ni Archer bago bumaling sa akin para muli akong yakapin. "Welcome to the family, Cara."

"Group hug!" ani Hunter na nakita ko pang hinila sina Ran at Keira na nakiyakap na rin habang si Dash ay nanatiling hawak lamang ang aking kamay.

Nang mapag-isa na kami ay humanda na ako para sa pag-alis kaya laking taka ko nang sa pagbalik ni Dash mula sa silid niya sa itaas ay naka cotton shorts lamang siya na kulay abo at puting sando.

Tumayo ako at sinalubong na siya para yayaing magpaalam na sa mga magulang niya.

"Mommy mo? Magpapaalam na ko." na sinagot lamang niya ng isang kunot-noo pero gayun pa man ay sinamahan pa rin ako sa portiko kung saan nagtsa-tsaa ang mag-asawa na mabilis kaming nakita.

"Dito na matutulog si Cara."

"Magpapaalam na po akong umuwi."

Nagkatinginan kami ni Dash dahil sa magkasabay naming pagsasalita.

"You're leaving?" may halong pagkairita ang boses niya na kaagad rin niyang itinago nang muling magsalita. "Akala ko ba..."

Tumango ako. "Hindi ba at sabi ko ay si Niel lang?" I said as I bit my lower lip dahil sa totoo lang ay nagtatalo ang damdamin ko kung ano ba talaga ang gusto ko.

"Why don't you just stay for tonight, Cara?" ani Tito Dwight at kita ko ang pagngisi niya nang panlakihan siya ng mata ng asawa. Tapos ay may ibinulong siya kay Tita Rin na napabuntong hininga na lamang.

"Bukas ka na umuwi, Cara. Sumama ka tuloy sa aming magsimba." si Tita Rin na ngayo'y nakangiti na.

"Then, we'll go back to our room." mabilis na sagot ni Dash bago humalik sa pisngi ng ina. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang hanggang sa igiya niya ako sa isang silid.

"Wala akong dalang damit." isang tango lang ang isinagot niya sa akin bago itinuro ang isang pinto. Sumunod ako at nalaman kong banyo iyon.

"Take a shower. I'll get you something to wear." aniya bago ako marahang itinulak papasok sa loob ng banyo at siya pa mismo ang nagsara ng pinto.

Napabuntong-hininga na lamang ako at mabilis na naglinis ng katawan. Wearing a white towel wrapped around my body, I stared at myself in the mirror.

Ang dati kong buhok noon na palaging lagpas lang ng balikat ang haba, ngayo'y halos umabot na sa beywang at may kaunting kulot ang mamula-mulang dulo. My complexion became lighter and my body — well, I can say that it looks more defined now. Tila mas lumapad ang aking balakang at nadagdagan ang laman sa aking dibdib.

Mula ng dumating si Dash sa buhay ko, malaki at mabilis ang naging pagbabago ng noon ay simpleng buhay na mayroon ako. When I became a mother, though it's hard raising a child alone, I became more responsible and strong.

Niel and Dash coming into my life really did good on me.

I smiled on my reflection as I bit my lower lip before heading out of the bathroom.

Dinatnan ko si Dash na may kausap sa cellphone sa tabi ng bintana. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya malaya kong napagmamasdan ang kabuuan niya.

What's not to like about this man?

Slowly, I made small steps towards him — leaving the towel behind as I slowly slipped my arms on his waist from his back.

I felt him stiffened for seconds before he put down his phone.

"Thank you." I whispered. Akmang pipihit siya paharap pero hindi ko siya hinayaan. "Stay still. Payakap lang." I said then bit my lower lip again.

Dash held my hand and caressed the top of it with his thumb. Hinatak pa niyang lalo ang mga braso ko para mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

I stepped closer, pressing my body against his back.

"Why are you thanking me, Caramel and why are you naked?" mariin niyang tanong.

I suppressed my smile. "I'm not naked."

"I can feel your breast on my back." at bago pa ako makapagprotesta ay nahatak na niya ako sa harapan niya.

I did not bother covering my body from his sight. Sabi nga niya, he'd seen and touch every bit of me so why bother?

I cupped his face and stared at his beautiful blue eyes and got drown immediately. It's fine. I have no intention of being saved from this man. I will be fine with him. I just know I will.

I tip toed and pecked a kiss on his lips. "I won't go on a date. I will not travel with my friends. I will not do the things I wished to experience before but instead, I will focus my attention to our son," and you. Pero hindi ko na iyon idinugtong.

"Why are you telling me all this things, Caramel?"

Sa halip na sagutin siya ay lalo ko pang inilapit ang sarili sa kaniya saka ko siya hinalikan sa labi pababa sa kaniyang leeg.

Dash groaned like a wounded beast but I know it's the opposite.

"Ayaw mo ba?" malambing kong tanong habang ang isang kamay ay pumapaloob na sa kaniyang damit.

Isang mura ang pinakawalan niya bago ako hinapit sa beywang at binigyan ng isang malalim na halik.

"Let's talk about that later."


(Yes. Later. Hi-hi-hi.)

You are reading the story above: TeenFic.Net