Chapter 3

Background color
Font
Font size
Line height

11/30/18


RECKLESS
Chapter 3


Wala sa sariling napahawak ako sa impis kong tiyan. In seven months time, I'll be holding my baby. Sino kaya ang magiging kamukha niya? Excitement fills me.

Ang sabi nila maswerte pa rin ako at ituturing kong pinakamalking swerte ang baby sa sinapupunan ko.

That same night, I left the house. May kaunti akong ipon from my part time jobs and I think, makakaya naman ng ipon ko na suportahan kami ni baby hanggang kalahating taon.

Hindi ko pinili ang maging anak ng isang babaeng mababa ang lipad. Hindi ko rin ginusto na maaga siyang mawala pero nagpapasalamat ako na naibilin niya ako kay Papa bago pa man siya tuluyang gupuin ng sakit.

I was ten when my mother left me. Sa burol ni nanay, doon ko nakilala si Papa. Three days after, iniuwi niya ako sa pamilya niya. Mababait sa akin ang mga kapatid ko, ang Mama lang talaga ang problema.

"Heto po ang bayad." Iniabot ko ang one month advance at two months deposit sa nakita kong paupahan.

It's a small room with single bed, a small cabinet and table set and a small bathroom. Hindi ganoon kalaki at hindi rin naman sobrang liit para sa akin. Beige ang pintura kaya malinis tignan.

Dumiretso ako sa kama at inayos iyon. Hinayaan ko ring bukas ng kaunti ang bintana para pumasok ang lamig bago ako nagpasyang matulog na pero hindi pa man sumasayad ang likod ko sa kama ay pabalyang bumukas ang pinto at ang madilim na mukha ni Ran ang sumalubong sa akin.

"You're not going to spend even a single night in a place like this, Cara." Sabay hila niya sa akin at dinala na rin ang malaki kong bag na puno ng damit.

"Kieran..." pigil ko sa kaniya sa mababang tinig.

"I'll take you with me."

***

Sa tagal naming magkaibigan ni Ran, ngayon niya lang ako dinala sa sarili niyang condo unit. They were instructed by their parents not to bring an opposite sex on their unit. Kaya alam ko, ganoon din ang gawain ng mga kapatid niya.

"Ran," I called him out.

His unit has two rooms. Doon siya dumiretso sa kaliwa at mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang lavender at white combination ng beddings.

"This is Keira and Ate Elle's room pero ginagamit lang nila ito kapag narito sila." Aniyang hindi tumitingin sa akin.

"Kieran..."

I don't know why he's doing this and how he finds me pero alam kong walang mabuting idudulot itong gagawin niya. I respects his parents like how I respects mine.

"It's almost two in the morning. Take a rest, Cara. We will talk later." He said, ignoring me completely. Dinaanan niya lang ako bago dumiretso sa kabilang silid.

Hindi na ako nakipagtalo pa. I slid under the comforter and fell asleep fast. Nag magingising ako kinabukasan ay kumakalam na ang tiyan ko. Bigla akong napabangon nang makita ang oras. Alas onse na!

I took a quick shower and slipped on my skinny jeans and plaid blouse but after seeing myself in the mirror, I realized that the jeans was too tight the baby might squeez so I change into a dress which I don't usually wear.

Dahan-dahan akong lumabas sa pag-aakalang wala na si Ran pero napapitlag nalang ako nang tawagin niya ako mula sa kitchen.

"Cara,"

My heart leaps a beat when I turned to his direction.

His dark brown hair is a mess. He's wearing a worn-out white shirt - as in may butas malapit sa neck tapos naka-jogging pants lang siya at may nakasabit na earpod sa leeg niya.

The way his blue eyes stares at me, alam ko na agad na hindi si Ran ang kaharap ko. Bakit nga ba palagi pa akong nagkakamali?

Being with Ran is like being in a safe haven while with his brother, Dash, tila palagi akong nasa danger zone. Aside from having almost the same facial features, wala na silang pagkakatulad na dalawa.

"You're Cara, right?" He causally asked and I nodded as an answer.

So, hindi talaga niya ako kilala? Ganoon ako ka-insignificant para siguraduhin pa niya talaga na ako si Cara?

"He wants you to stay and wait for him here." Tapos ay tumayo na siya.

Mabilis akong gumilid para maayos siyang makadaan kahit na sobrang laki naman ng dadaanan niya. I lowered my gaze too pero di nakaligtas sa mga mata ko ang pagkunot ng noo niya at pagtiim ng panga. Humakbang pa ako paatras habang nakahawak ng mahigpit sa aking bag. Sa pag-atras ko ay may nasagi ako at bago pa ako makapagreact ay mabilis na akong nahila ni Dash.

A crashing sound broke the silence in between us. May naramdaman akong dumaplis sa binti ko pero wala roon ang atensyon ko kundi nasa kamay na nakahawak sa akin.

His hands in my waist and arm; my body's almost pressed against his. At hayun na naman ang kakaibang pakiramdam na parang may nanunulay na kuryente mula sa mga palad niya at dumaloy iyon sa akin.

"Are you okay?"

"I'm sorry."

Sabay naming bulalas. I was pertraining to the vase pero tila wala siyang pakialam roon dahil kunot ang noo na sinuri ako ng asul niyang mga mata mula ulo hanggang paa. Tumigil iyon sa binti ko at kitang kita ko ang pamumutla ni Dash.

"Damn." He cursed under his breath as he drags me to sit on the couch. Kinuha niya ang cellphone na nakaipit sa beywang, giving me a peek on his flat and toned stomach, at nag-dial. "Get back here." Sabay patay niya at bumaling sa akin.

"Wait here." Aniyang mabilis na dumiretso sa kusina. Pagbalik ni Dash ay may dala na itong medicine box.

He still looks so pale. Kinakabahan ba ito dahil nasugatan siya? Hindi naman malalim ang sugat niya pero may kahabaan but still, it doesn't bother me a bit while Dash...

"A-ako na." Inagaw ko sa kaniya ang bulak at disinfectant.

It felt uncomfortable seeing him kneeling in front if me while holding my wounded leg. Iyong mahahaba niyang daliri, pakiramdam ko ay kayang dangkalin ang mga hita at binti ko. Bakit ba ang ganda ng physique ng mga Telpace?

He looked up at me and I felt myself drowning in his pair of blue eyes. I blinked twice then lower my gaze.

"Fine. Ran's on his way. I'll just clean the broken vase." Without further ado, he turned his back and left.

Napanguso ako at sinundan na lamang ito ng tingin. Surely, his body is more define than Kieran's. Well, he's way older so it's fine. In time, siguradonb ganyan rin ang magiging physique ni Ran.

Iniwas ko na ang tingin ko kay Dash at itinuon sa paglilinis ng sugat ang buong atensiyon. Patapos na akong linisin ang sugat ko nang dumating si Ran na mabilis lumapit sa akin matapos tapunan ng tingin ang kapatid. Kaagad na kumunot ang noo nito nang makita ang sugat sa binti ko.

"What happened?"

"I'm fine, Ran. Natabig ko lang iyong vase at nadaplisan ako ng tumalsik na piraso." Tumayo na ako at kinuha ang bag. "Halika na. May afternoon class pa ako."

Ran sighed. "Just a moment." Anitong mabilis na nilapitan ang kapatid na nasa kusina.

I saw them talking and Ran being Ran who always argue with his brother is keeping his silence like, wow! Is there something between them? Kasi, parang bonding na nila ang magpalitan ng argumentong magkapatid eh. But not in a bad way naman. Palagi lang talaga silang may sagot sa isa't isa.

Nung mukhang nagkakainitan na sila, nagpasya na akong lumapit.

"What did you do, Kuya?!" Mariing tanong ni Ran pero sa mahinang boses lang.

Pareho silang tumigil at napatingin sa akin nang makalapit ako. Dashiel's stare was blank while Kieran's mad... and tired?

"Nag-aaway ba kayo?" Kahit obvious naman na 'oo' ang sagot ay tinanong ko pa rin. Well, people do love to ask and state the obvious and I am not an exemption to that.

"Let's go, Cara. Ipa-check na rin natin sa hospital ang sugat mo to avoid infections at para hindi mag-iwan ng marka."

Hinawakan ako ni Ran sa siko para igiya na palabas pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang matalim na tingin ni Dash sa kapatid at ang pagtiim ng mga bagang nito. Ano kaya ang pinag-aawayan ng magkapatid?

"You have nothing to worry. She will be a Telpace no matter what."

Ani Dash bago kami tuluyang makalabas ni Ran sa pinto. When I turned to Ran, his face was grim - leaving me no choice but to stay silent.

But what does Dashiel mean by that?

You are reading the story above: TeenFic.Net