Chapter 28 Part 1

Background color
Font
Font size
Line height

RECKLESS
CHAPTER 28


It was such a long day. Pauwi na kami nang makita namin si Sean. He was all frown. Nang makita niya kaming kasama si Dash na buhat ang natutulog na si Niel ay hindi siya natinag man lamang sa kinatatayuan. But I've known him for almost five years and I know that look on his face.

He's pissed.

And because we're back in Manila, mayroon na namang mga matang nakatingin sa amin.

Kinuha ko si Niel mula kay Dash. Ibinigay naman niya sa pag-aakalang sa kotse niya kami sasakay.

"Caramel," it was deep and low.

Matalim ko siyang tinignan matapos ilagay sa backseat at ayusin si Niel roon.

"Don't call me like that." saka ko siya inirapan. "Let's go, Sean."

Kitang-kita ko ang dilim ng mukha ni Dash nang iwan ko siya pero si Sean ay nasa ganoon ring estado ngayon. I sighed. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito?

Inihatid kami ni Sean kila Papa. Medyo late na pero nadatnan pa naming gising si Papa at Kuya Hans na tila hindi inaasahan ang pagdating namin.

Nagmano kami kay Papa bago ko kinuha si Niel mula kay Sean para ilagay sa kwarto.

"Ginagabi kayo?"

"Opo. Pasensya na po. Biglaan lang po ang pag-uwi namin." rinig kong usapan ni Sean at Papa habang paakyat ako.

Iyon lang ang naulinigan ko sa usapan nila. Nang pababa naman na ako ay pareho na silang tahimik. Alam ni Papa ang tungkol sa amin ni Sean pero kung bakit namin ito ginagawa ay wala siyang alam.

"Papa," tumabi ako sa kaniya. Sa harap namin ay si Sean at Kuya Hans.

"Ano na ang gagawin ninyo?" ani Kuya Hans.

"Nothing... for now." si Sean ang sumagot. "Hindi pwedeng basta na lang kuhanin ni Dash ang mag-ina niya mula sa akin."

"You know he can do that." ani Kuya.

Tinignan ako ni Sean. Tila gusto niyang ako ang magsalita tungkol sa bagay na iyon.

"He can, Kuya but I won't allow it. Hindi pa sa ngayon. We still have things we need to fix. Isa pa, hindi ko kayang pakisamahan si Dashiel kahit na siya pa ang ama ni Niel."

Totoo iyon. Parang bumalik kami sa dati na pakiramdam ko, sobrang unreachable at untouchable ni Dash that one wrong move at may kakalagyan ka. He is dominating and authoritative. Pagdating sa argumento, alam kong hindi ako mananalo sa kaniya. Pero kunsabagay, kahit sa anong paraan ay wala akong panama.

"Why do you have to make things complicated? Noong nagde-date palang kayo noon ni Dash, kahit na parang napipilitan ka lang ay mukha ka namang masaya."

"Kuya!"

"What? You dated?" si Sean.

"No!" tanggi ko. "We never really dated." pero ang tinging ibinibigay sa akin ni Sean ay tila ba nagsasabing hindi siya naniniwala. "Hindi talaga. We only goes out for my check ups. Para iyon sa baby. There's nothing special about it."

"Then, you go out with him, huh."

Halis mapanganga ako sa konklusyon niya. Hindi ko alam kung ano pa'ng napag-usapan nila ni Papa pero parang okay na sila na wala naman ng follow question si Papa at Kuya.

"It's getting late. Mauuna na po ako. Babalik nalang po ulit ako." pagpapaalam ni Sean.

Hinatid ko siya hanggang sa sasakyan.

"Saan ka dinala nila Archer at Hunter?" usisa ko sa kaniya.

"Sa kanila lang. And guess who I saw in their house, Cara. That lesbian! Fuck! We can't shut her up because she's with the Telpace."

Bigla akong natawa. Sa itsura ni Sean habang nagkukwento ay parang diring diri siya sa babaeng iyon na nakilala niya sa Divisoria five years ago.

"Just tell them, Sean." I told him after a while.

"And then what? Get married. No way, Cara!" namulsa siya at sumandal sa hood ng kotse. Pwedeng model itong si Sean kung tangkad, tindig at itsura ang labanan but he's not someone you can drag under the limelight.

"O, baka naman kaya mo 'to sinasabi ay para sa inyo ni Dash? Get a hold of yourself, Cara. Dashiel's wilder than the horses in the hacienda."

I rolled my eyes on him. "Oo na, he's wild! But I didn't say that for that reason. I really want you to be happy, Sean." I caressed his face. He just closed his eyes and then sighs.

"Soon, Cara. Soon." he smiled and kissed my forehead good night as he left.

Inumaga ako ng kaiisip sa sinabi ni Dash kahapon. Caramel Telpace. He just branded me and I felt scared instead of secured. Ayoko munang mag isip kaya kahit parang inaantok pa ako ay ipinasya kong bumangon na muna para gisingin ang anak ko.

Wearing a short cotton shorts and an oversized tshirt, I went to Niel's room. Wala na roon ang anak ko kaya dumiretso ako ng baba and found him playing with his cousins. Nakahinga ako ng maluwag. Pero bigla rin akong napaatras nang makita ko kung sino ang kasama nila sa living room.

Dashiel on his plain shirt and maong pants looks younger and refreshing. Nakaupo lang siya sa couch at pinapanood ang mga bata. Parang hindi pa niya pansin ang presensiya ko dahil titig na titig siya sa mga bata.

Dumiretso ako ng baba at tinungo ang kusina. Ate Aira was preparing breakfast with Mama.

"Good morning po." bati ko. Kaagad akong hinatak ni Ate Aira sa isang sulok.

"Iyan ba ang tatay ni Niel? Ang gwapo, Cara." tila kinikilig pa siya to think na ang laki ng tiyan niya.

"Ate!"

Tumawa lang siya. "Gwapo rin si Sean pero iba ang dating ng isang iyan. Parang sobrang tigas. Parang ang laki. Parang ang sarap!" napaubo ako bigla.

"Susmaryosep ka, Aira! Ano ba iyang mga pingasasasabi mo?" ani Mama at hinatak ang buhok ni Ate Aira.

"Don't get me wrong, Mama. Hindi ko pa rin ipagpapalit si Hans dahil ang sarap-sarap po kaya ng anak ninyo... na magmahal." sinabayan niya ng tawa dahil nanlalaki na ang mga mata ni Mama. "Naku si Mama, ang dumi ng utak."

"Luka-luka." sabi nalang ni Mama kaya natawa ako.

Sinilip ko si Dash and saw him looking at us. Di naman ganoon kalaki ang bahay namin pero sigurado akong hindi niya narinig ang usapan namin.

"Cara, tawagin mo na ang Papa mo at mga kapatid ng makapag almusal na tayo. Yayain mo na rin si Dash at mukhang matatagalan ka pa sa paggayak. Kanina pa iyan dito dahil may lakad raw kayo ng alas otso pero ngayon ka lang bumangon na bata ka."

Nangunot ang noo ko at muling binalingan ang direksiyon ni Dash. He was still looking at me at kinikilabutan na ako.

Pinuntahan ko ang mga bata kahit na labag sa loob ko dahil naroon si Dash.

"Kids, kakain na. Punta na kayo sa dining area."

"Yes po."

Nilagpasan ko si Dash para hanapin sila Papa sa labas. Malamang ay naglilinis ng sasakyan ang mga iyon o di kaya'y nagdidilig ng halaman.

Nasa pinto na ako ng pigilan ako ni Dash. Kaagad kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"You're going out like that?"

"What?" anong problema niya?

"You're not wearing a bra, Caramel and your nipples are taunting." mariin nitong hayag na nakatingin sa bandang dibdib ko.

Hah! Manggigil ka. Wala akong pakialam.

Ngumiti ako sa kaniya ng matamis. "Good morning, Dashiel. It's what they're saying. Now, excuse me at tatawagin ko lang sila Papa." pero muli niya akong pinigilan sa braso. "You have nothing to worry. This is our house, remember? Ikaw lang ang others dito."

"Paano kapag may ibang tao? Go get change, Caramel."

"Don't worry. Si Sean lang naman ang maaaring pumunta rito ng walang pasabi. And he's used to seeing me like this. We were engage. We even sleep together when he's in Beijing."

"What the fuck, Caramel!"

Namumula na iyong mukha niya at leeg sa inis. Kung wala lang siguro kami sa bahay ni Papa, baka kanina pa ako tiniris nitong si Dash.

Iniwan ko siya sa ganoong estado at nang balikan ko siya ay ganoon pa rin anng itsura niya - gwapo pa rin. I mean, mukha pa rin siyang inis.

"Kakain na." sabi ko lang sa kaniya. Nakaakbay sa akin si Seb at ramdam kong nilingon niya si Dash at may sinenyas. Si Papa naman ay niyaya rin si Dash.

Natapos ang almusal na hindi ako nagsasalita. Si Aira at Seb ang bumabangka habang ang mga bata ay inaasikaso ng mga tatay nila.

Habang lumilipas ang minuto ay kinakabahan ako. Anong balak ni Dash? Bakit siya narito at bakit niya sinabing may lakad kami kahit na wala naman talaga?

You are reading the story above: TeenFic.Net