Chapter 26 Part 2

Background color
Font
Font size
Line height

RECKLESS
CHAPTER 26 PART 2

NAGSIMULANG manginig ang kalamnan ko nang hindi ko madatnan si Niel sa silid niya. Sari-saring scenario ang pumasok kaagad sa isipan ko pero isa ang nangibabaw.

My son sleeps until seven in the morning! Kaya alam ko na dapat ay nasa silid pa niya siya. Pero wala na!

Mabilis akong lumabas ng silid at nanaog mula sa ikalawang palapag ng may pagmamadali.

"Niel! Sean!" halos sigaw ko na habang pababa. Paulit ulit ko iyong ginawa pero wala akong sagot na nakuha kahit na ano.

Walang tao sa living room at ganoon din sa kusina. Masyadong maluwang ang Villa Cervantes para isa-isahin ko ang mga lugar kaya walang pagdadalawang isip na lumabas ako, not minding that I am only wearing a thin fabric and barefooted.

"Niel!" patuloy kong sigaw. Hindi pwedeng basta na lamang iuwi ni Dash ang anak namin ng wala ang pahintulot ko. Hindi pwede!

Alam ko kung gaano kasabik ang anak namin kay Dash. Even though Niel was a smart kid, Dashiel was a genius. Kayang kaya niyang bilugin ang ulo ng anak kung gugustuhin.

"Caloy!" tawag ko sa isa sa mga tagapag alaga ng mga kabayo. "Nakita mo ba ang anak ko?"

"Naku, Miss Cara, hindi po. Baka po kasama ng Senyorita Pumpkin at naglalaro sa kuwadra?"

"Sige, salamat." mabilis kong tinungo ang likod na bahagi ng villa kung saan madalas maglaro ang mga bata pero tanging ilang trabahador lamang ang naroon at naggagayak ng mga gagamitin sa pamimitas ng mangga.

"Si Sean? Nasaan si Sean at Niel?! "

"Wala po sila rito, Miss Cara. Ayos lang po ba kayo? Hindi po ba kayo masisipon sa suot ninyo?" anang isang may edad na babae. Mababakas sa mukha nila ang pagtataka.

Umiling ako. "Ayos lang po ako. Salamat po."

Mabilis akong tumalikod at pinunasan ang luhang nagsimula ng maglandas sa magkabilang mga pisngi ko. Nanginginig ako sa takot at galit — takot na baka mawala sa akin ang anak ko at galit sa sarili dahil hinayaan kong humantong pa sa ganito na kailangang itakas ni Dash ang sariling anak mula sa akin.

Hinding-hindi ko mapapatawad si Dash kapag kinuha niya si Niel sa akin ng tuluyan. Above anyone else, siya ang mas nakakaalam na wala akong kahit na ano maliban kay Niel.

Ipinasya kong bumalik sa villa pero sa labas pa lamang ay nadatnan ko na si Sean na bumaba mula sa owner-type jeep ng isa sa mga tauhan. Kunot-noo niga akong nilapitan at halos takbuhin ko naman ang distansiya namin.

"Sean! Sean! Nasaan si Niel? Nawawala ang anak ko!" Halos hatakin ko na ang damit niya. Halos magmakaawa na ako na sana ay mali ang hinala ko.

"Jesus Christ, Cara! You're almost naked!" anitong mabilis hinubad ang jacket at ibinalabal sa akin. "And you're barefooted!"

"Si Niel, nawawala!" halos maghisterya na ako sa harap ni Sean. "Nawawala ang anak ko!"

Maging si Cerys ay biglang bumaba ng kabayo para lapitan kami. Kasunod nito si Skye, ang asawa at si Pumpkin na nakasakay sa kabayo ng ama.

Bumaling ako sa kanila. "Where's Dash? Nasaan ang Dashiel na iyon?!"

"Kakaalis lang." ani Cerys na nasa tono ang pagtataka at pag-aalinlangan kung dapat ba akong sagutin o hindi pero sa huli ay sinagot rin ako.

"And my son?" halos manginig na ang boses ko. "Is my son with him?" and I prayed so hard that she'll give me the answer that I want — na wala at hindi sila magkasama.

"Yes, Tita Cara. We hatid them sa helicopter po. And Tito Dash was amazing because he can fly the chopper. My dad couldn't."

"Little Pumpkin, hindi ba at sabi ko na huwag sasabat sa usapan ng matatanda?" ani Skye sa anak.

"I told you, mahal. There's really something with him." anang asawa ni Skye.

Nanlumo ako at kung hindi dahil sa mga braso ni Sean na mabilis umagapay sa akin ay baka napaupo na ako sa lupa.

I cried. I cried like I never cried before.

Sean wrapped me in his arms and after minutes of crying, he carried me back to my room.

"Where have you been, Sean? Alam mo ba na isasama niya si Niel?" I know I shouldn't bent my anger on Sean but I can't help it.

"If I knew do you think I would let him? Everyone knows that Niel is mine and now — fuck, Cara! Bakit ikaw, hindi mo alam?"

Hinubad ko ang jacket niya. "Ang sabi niya kahapon ay isasama niya kaming dalawa! Hindi ako pumayag because it will ruin what we have, Sean. And when I woke up, wala na si Niel; wala na ang anak ko."

Ibinato ko sa kaniya ang jacket niya na sinalo lang niya ng isang kamay. Nagkatinginan kami ni Sean at kita ko ang pagtiim-bagang niya.

"Let's go back to Manila, Sean. Mababaliw ako kapag hindi ko nakita si Niel." puno ng pagsusumamo kong saad.

Sean close the distance between us as he wrapped me in his arms.

"I'm sorry I wasn't here earlier, Cara. Maaga kaming umalis para sunduin ang beterinaryo dahil may manganganak na mga baka."

"We need to head back, Sean. Right now." I said while wiping my tears away.

"Get dress. We'll go back in thirty." tumango ako bilang pagsang-ayon. "The situation is a mess but you can't enclose 'it' yet, Cara." may pagdiriin niyang saad habang nakatingin sa mga mata ko at hawak ako sa magkabilang balikat.

Isang marahang tango ang ibinigay ko sa kaniya. "I know but you need to hurry, too." Nahihirapan na rin naman kasi ako. "You need to choose, Sean. And please, consider my suggestion. Kahit para na lamang kay Little Rice Cake."

We've been running from the truth from quite some time now. It's high time we face it head on but Sean's situation is so messed up! Kung magulo ang sitwasyong mayroon ako, lalo na ang sa kaniya.

"I'm sorry." he kissed my forehead before he left.

Hindi ko alam kung para saan ang sorry niy. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin. Mas importante sa akin na makita na an anak ko. At hindi ko alam kung ano'ng magagawa ko kay Dash kapag nagkita na kami.

Dashiel Telpace... Why do you have to go this far?

You are reading the story above: TeenFic.Net